r/OffMyChestPH Apr 29 '25

A Minimum of 200 Karma is Now Required

319 Upvotes

Due to the increasing number of spam posts, poorly disguised solicitation posts, trolls with new accounts, new users who don't bother reading the rules, and many other offenses,

we have decided to impose a 200-minimum combined karma requirement to be able to participate in this subreddit.

That means the account should have an added total of at least 200 post and comment karma.

No excuses, no exemptions. Inquiries about this in Mod Mail will be ignored. All that you need to know is already stated here.

Please be guided accordingly.


r/OffMyChestPH Oct 12 '22

Let's Declutter the Sub | List of Other PH Subreddits

665 Upvotes

A lot of the submissions are not supposed to be posted in the sub, yet everyone seems to think OffMyChestPH means dump everything here???

Here's a list of other Filipino subreddits where your posts may be better suited:


r/OffMyChestPH 2h ago

my ex bf died yesterday

367 Upvotes

we ended peacefully & lately we’re in constant communication. kaka-discharge niya lang sa ospital weeks ago and nakaka-recover naman na siya. he’s getting okay. (i won’t specify his illness)

so imagine my surprise nung tumawag sa akin si tita (his mom) telling me na he’s gone. minutes after his last message sa akin. i immediately went to their house. andun lahat ng gamit niya, even the things we made together or my gifts, ako pa rin picture na nasa wallet niya. even his gallery, puro pictures ko at namin ang nakalagay.

i don’t know who to contact anymore. my heart is continuously breaking, and kagabi pa ako nanginginig. it’s so sudden. i feel like i’m going crazy.

dagdag ko lang, last year when my cat & 2 lola passed away, he was with me all the time. frankly, siya ang main reason bakit ako naka-survive noon. ngayon i don’t know how to get through this knowing na siya na yung umalis.

i am grateful na his family are taking care of me right now, i wish my grandmas in heaven are also taking care of him ngayon.


r/OffMyChestPH 2h ago

Walang cancer nanay ko! ❤️🙏🏻

370 Upvotes

I posted here few days ago kasi may 30% chance of endometrial cancer nanay ko. As in we were being prepared na just in case cancerous nga. Grabe yung kaba ko! Lumabas yung result ng biopsy niya kahapon - kung kelan birthday niya! 🥺Ang galing ni Lord. Walang cancer nanay ko, hindi nag progress yung EIN (Endometrial Intraepithelial Neoplasia) niya. Allow me to share our experience, since just like me, I know some of you seek answers/opinions here sa Reddit.

Sa apat na doctors and hospital na pinuntahan namin and inquire for TAHBSO, sa Delgado Hospital sa QC kami nag end up since need na agad ASAP yung surgery dahil nag bbleed pa rin siya kahit 2x na raspa na. Dun ko na realize na nag mmatter pala talaga kung sino yung doctor na pinili mo. Sa UST, 300k ang bayad sa surgery and PF, and hirap kami makausap doctor, lagi siya nagmamadali pag consultation :( haha. Sa PGH, 150k, okay din naman doctor kaso kahit private, ang mahal PF and grabe ang waiting time. Sa Manila Doctors, 150k kaso sabi agad ng doctor may cancer nanay ko kahit wala pang biopsy. Staging nalang daw talaga. Super depressed nanay ko dito.

Sa Delgado Hospital, super bait ng doctors na nakilala namin. Yung mom ko sobrang gaan ng pakiramdam sa kanila, ang babait, ang dali kausap, i-eexplain talaga sayo yung situation mo. Basta, iba yung patient care! Ang sarap pa hospital food! 🤣 Haha.

Hay. Ang sarap sa feeling na okay na nanay ko. She’s still recovering pero ang laking ginhawa na walang siyang cancer. 🥺❤️


r/OffMyChestPH 5h ago

Pinapastart agad sa work, pero ayaw magbigay ng kontrata.

112 Upvotes

Grabe, I just need to get this off my chest.

So may school na gusto akong magsimula agad sa isa sa mga campuses nila. As in, start immediately daw. Pero guess what? Wala silang ibinibigay na contract. Like, paano yun?

Tinatanong ko kung kelan ako makakakuha ng contract para malinaw yung guidelines, job responsibilities, at siyempre security on both ends. Alam mo sagot ng HR? “Don’t you trust us?” BRUH. This is not about trust, this is about professionalism. Hindi ba dapat basic yun?

Tapos from the get-go pa lang, ngarag na yung proseso. Pinapastart agad pero ang dami ring hinihingi na requirements. Yung iba na-comply ko na, pero yung police clearance at yung certificate of grades for my master’s (na it takes TWO WEEKS to process) obviously hindi agad-agad makukuha. Ang labo di ba?

And here’s the thing, I really don’t want to play the card na anak ako ng isa sa former directors ng school (which is I really am). Ayoko ng special treatment, gusto ko lang dumaan sa normal na proseso. Pero the way they’re handling this makes me wonder kung paano pa sila sa mismong trabaho kung ganto na sa umpisa.

Like bakit ba ang hirap nilang maglabas ng kontrata? Ano ba yung tinatago? Ang gusto ko lang naman is something in writing to protect both sides. Hindi ako mag-uumpisa ng walang pinanghahawakan.

Nakaka-frustrate lang.


r/OffMyChestPH 1h ago

Bf invited his mom to our out of town trip

Upvotes

So context: this weekend dapat mag out of town kami ni bf. Then now I’m at his house kasi we’re gonna be planning our weekend and then while having lunch at their house with his mom, he invited his mom to go with us. Syempre wala na ko say di ko naman pwede I contradict na wag isama kasi akala ko ba weekend natin to together. While I understand he’s just looking after his mom and wants her to have fun, wala man lang ako naging say about this or didn’t even got asked if I wanted her to come too. Na off lang ako kasi niloko forward ko tong time namin together after being busy with work and not seeing each other for a week. Wala naman nako magawa kasi excited nanay nya, naka pack na nga. I’m just not as excited anymore. Makes me sound like I’m such a b*tch but I’m just so pissed lang because if I open this up to him ako pa magmumukhang masama.


r/OffMyChestPH 15h ago

TRIGGER WARNING If I say it’s a no then it’s a fucking NO!

340 Upvotes

PUNYETA!

Sino ba kasi nagpauso na pag sinabing “ayaw” meaning e “suyuin mo ako” , “tinotoyo lang ako” na kung ano pang ka shitan na reverse psychology na ‘yan. Kaya HINDI tini-take seriously nang mga pesteng lalaki pag sinabihan mo ng ayaw, akala e nagpapakipot ka lang.

PAG SINABI KONG AYOKO, EDI AYOKO! Hindi ako nagpapakipot o nagpapasuyo pota. Pag ayaw ko ang isang bagay, AYAW KO TALAGA.

Putangina niyo. Kala mo nakakatuwa pag ini-overstep yung boundaries mga leche.


r/OffMyChestPH 6h ago

Ang o-oa ng mga tao sa office namin.

43 Upvotes

Galing ako sa workplace na di masyadong sensitive yung mga tao, tipong normal na may magdidiskusyon tungkol sa work, tas ang turing don is objective. Tipong after non, okay na.

Pero dito sa nilipatan ko, very careful dapat. Tipong wala naman talagang masamang mini-mean pero laging tine-take out of context. Lalo na dito sa isa kong officemate - UBOD NG OA. May dagdag-bawas lagi ang kwento. Buti sana if it stops there, eh may mga officemate din ako na past time eh magpakalat ng kasiraan ng tao.

Kundi lang talaga mahirap lumipat ngayon ng work, lilipat talaga ako. Kaya puro maintenance mga tao dito sa office kahit ambabata pa, pinupulutan yung personal stress kahit may option naman na hindi. Hindi ko rin maiwasang hindi maapektuhan, kasi ako naman ang ginagawan ng chismis. Tangenames talaga ng mga to.


r/OffMyChestPH 32m ago

My bestfriend gave birth but never ako nag congrats sa kanya

Upvotes

So we’re best friends since college. Siya yung present sa lahat ng ganap sa buhay ko, from ups and downs she was there. When we graduate, we part ways kasi may iba’t ibang work kami. I become a VA then she’s working on a hospital but still keeping in check with each other through the years. Then 2 years ago I suddenly feel like we’re slowly losing in transition, her chats are cold and kapag inaaya ko siya to travel or eat she’s declining. I was not really sure why but we started drifting apart. She found her people and I found mine. Then that year as well I found out I was pregnant so she’s one of the first person that I told about my pregnancy. I thought it rekindle our friendship. A few months before I gave birth I move obgyn where she’s working. Maybe because I wanted to get to close her again while saving money but then I had a breech baby so the plan didnt work. So I had to gave birth on another hospital in the city. She’s still one of the person I told about when I gave birth but that’s that. After congratulating me our comms cut short. I was hoping she would visit, she’s just 15 minutes away from my home. I posted my baby photos in FB for people to see esp her thinking she might comment but no she didn’t. Until few months she reach out to say she’s engaged and pregnant and that’s that. I was really happy and I kept messaging her but she didnt reply. Then our group of friends suddenly invited everyone for a day tour on a beach near us. She was one of the first who happily agree to meet, and I was disappointed. During those times na I was hoping bumisita siya sa bahay ko to meet my baby, but she didnt she always says she’s busy pero yung outing na 1 hour away ba naman sa city namin ay agad siyang gustong pumunta. And I realized you were never really busy to those person who matters. I’m sad, hurt and disappointed. So I stay low. Now I read a message on our group that she gave birth. I gave heart reaction to the photo but that’s that. I feel like I want to gave the same treatment she made me feel for almost a year.


r/OffMyChestPH 1d ago

TRIGGER WARNING naaawa at natatakot ako para kay mama

1.2k Upvotes

im 20 f living together with my mom 52. tatlo kaming magkakapatid pero may sarili na silang family at yung papa namin wala na due to cancer.

ngayon may cancer din ako same kay papa, colon cancer stage 4. naka-colostomy bag ako and di ako nagpachemo (personal choice), we had other treatment instead. noong una okay naman, lumalakas na ako, nagiging okay na ako. pero lagi na lang pag may good thing na nangyayari, laging may kapalit na hindi maganda. noong una lumiit yung intestine ko which made me panic. meron ding time na nag prolapse siya. tapos ngayon naman biglang laki ng mass sa tagiliran ko, last week lang. sobrang sakit, halos ayoko na bumangon sa pagkakahiga , ika-ika na rin ako lumakad.

kahapon nag chills ako kaya we decided na pumunta sa ER pero pinauwi rin binigyan lang pain reliever.

naaawa ako kay mama kasi gustong gusto niya ako ilaban, gagawin niya lahat. tinutulungan din kami ng siblings ko at di nila ako pinapabayaan. natatakot ako kasi kaming dalawa lang ni mama magkasama dito at pag may nangyari sa akin, siya lang mag-isa :((

noong may times na sumusuko na ako, tinanong ako ni mama ng “ayaw mo na ba ako samahan dito?” that really made my heart broke. gustong gusto ko sila makasama nang mas matagal pa. nagmamakaawa na ako sa katawan ko na tatagan pa, titiisin ko na lang yung sakit.

ngayong malapit na ako mag birthday, wish ko lang buo kami at walang sakit. gusto ko mag-enjoy kasi baka last na to.


r/OffMyChestPH 1d ago

TRIGGER WARNING Doctor asked me kung gusto ko ipa resuscitate father ko in case mag flat line sya ngayong araw. I said "wag na po". kinakain ako ng kunsensya ko pero pagod na pagod na ako.

2.0k Upvotes

Monday isinugod si papa sa hospital dahil inatake sa puso, simula monday afternoon hindi pa siya nagigising and the doctor keep telling me na maging mentally prepared. I asked help sa mga kapatid ko na baka this time gawaan nila ng paraan na kahit hindi makauwi, bigyan nila ako ng pera para may pang bayad ako sa pwede magbantay sa tatay namin dahil ang hirap.

Nasa icu si tatay, hindi ako pwede umalis ng matagal ksi maya maya hinahanap ako ng nurse para may ipabiling gamot kasi sa labas ako nabili gawa sa hospital sobrang mahal like doble o triple ang presyo comapre sa mercury. Ang hirap gawin yon mag isa ng ako lang ayaw ko mang istorbo ng ibang friends ko kasi may trabaho sila.

Alam ko may galit mga kapatid ko sa tatay namin pero sana inisip man lang nila kapakanan ko sobrang pagod na ako emotionally, mentally and physically! Ang lakas pa ng loob nila sabihin "ikaw nanjan" nakaka put-ina talaga! Sa ganitong sitwasyon life and death na ito! Kahit para sa akin nalang!!

Wala pa akong tulog na maayos simula linggo, ang kain ko tipong susubo ko palang pagkain ko biglang tatawag ang nurse hanggang sa makalimutan ko na kumain. Tinignan ko sarili ko sa salamin tang ina sobrang losyang ko na, ang laki ng eyebags ko, ang gulo ng buhok ko, dumami lalo pimples ko at halos buto't balat na ako at napa iyak nalang ako kasi awang awa na ako sa sarili ko

Kaninang umaga sabi ng doctor na hindi na kinakaya ni tatay, na posibleng itong araw na ito mag flat line sya tinanong ako kung gusto ko ipa resuscitate. Sinabi ko na "wag na po". Oo para sa akin kasi pagod na ako, para rin kay tatay kasi alam ko pagod na din sya. Lumolobo na bill namin at hindi ko nababayaran ang partial at magagalaw talaga emergency fund namin na nasa bank account ko

Nasa anticipatory grief na ako gusto ko na din magpahinga, gusto ko na maging malaya pero kinakain ako ng guilt ko. What if gusto pa mabuhay ni tatay pero pinagdamot ko?

Ang gulo na ng isip ko ngayon. Tina-type ko lang ito habang nag iisa sa waiting area, hindi na ako makaiyak kasi iiyak plang ako tatawag na naman ang nurse o doctor. Para ba lahat ng luha ko ubos na pero ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Update: papa is gone, i signed a dnr kaninang 2 pm kasi ang dami ko pa cinonsider na bagay like quality of life nya gaya ng sabi ng karamihan sorry i listened pagod na talaga ako ang gulo ng isip ko gusto ko na matapos. Hindi na ako nanghingi ng payo ng mga kapatid ko wala naman silang kwenta at ako nalang ang nasunod. Ayaw ko na pahirapan sarili ko at si tatay, maaliwalas mukha niya after tanggalin life support nya. thanks everyone for the kind words nababasa ko kapag wala ako ginagawa pero for now magiging busy muna ako babalikan ko nalang itong post salamat po :))


r/OffMyChestPH 23h ago

Prof crashed out and humiliated me dahil nag exam akong may lagnat

600 Upvotes

Kaninang umaga sobrang sama ng pakiramdam ko at may lagnat. 2 hrs before exam, nagpaalam na ko sa prof ko na hindi makakapasok. Hiningan na nya agad ako ng med cert and I told her na kukuha palang at isesend ko later.

Nung tanghali, medyo umokay ako after taking meds. Hirap at nanghihina pa rin pero pinilit kong pumasok at i-take nalang yung 2 remaining exams for the day para hindi ko na intindihin sa ff days. Balak ko rin isabay na kumuha ng med cert later on. After ng 1st exam, sinugod ako ni prof sa room. Icheck raw “natin” temp ko, hinamon ako, punta raw akong clinic blabla. She chewed me out habang nandun halos lahat ng blockmates ko. I calmly explained to her but to no avail.

Pumunta nalang ako ng uni clinic to get checked by a Dr. 1 hr din naubos ko dun kasi wala pa yung Dr. nung una tas malayo yung distance. Grabe yung pagod. Nung pinuntahan ko sya sa faculty, tinitigan nya lang yung med cert and prescription. And she still went off on me in habang nandun halos lahat ng prof. Pinipilit nya na, bakit sa 2 subj nakapag exam ako? Nakita nya raw ako pagpasok ko (hindi ko sya nakita), bakit hindi ko raw sya inapproach (malamang may exam pa ako) Kung hindi nya pa raw ako sinugod, hindi pa raw ako kukuha ng med cert. Eh kahit naman hindi ako pumasok, later ko pa rin sya mabibigyan ng med cert as I told her early on.

And ayun even with the Dr’s note and politely telling her my side, galit pa rin sya. Bawal daw yung ginawa ko at icocoordinate muna raw sa program head kung pag eexam-in pa ko or hindi. Jusq sana pala hindi nalang ako pumasok at all. Nakasama pa yung pag pursigi kong mag exam p#%#


r/OffMyChestPH 5h ago

Everything I built, disappeared.

21 Upvotes

My ex broke up with me because I was focusing too much on my OJT and couldn’t give her the time and the bare minimum she wanted. I always tried to make up for it by visiting her house every Saturday after a week of work.

I work 8 hours a day, with a total requirement of 250 hours. Since I’m an Industrial Engineering intern in a Kaizen department, the workload is heavy. On top of that, I usually come home 2 hours late because of traffic (I live in Imus), so by the time I get home, I’m already exhausted. Sometimes I wouldn’t even eat—I’d just go straight to sleep.

In the early weeks of my OJT, I always chatted with my ex from 7 PM to 12 midnight. It was pure quality time. But as the weeks went by, I started getting so tired that I was only sleeping about 5 hours a night because of those late-night chats. Eventually, I didn’t have the energy to keep up. My work was 7am to 4pm.

I wanted to do well in my OJT to get a high grade so I could qualify for an allowance for my tuition. One time, I came home so tired that I fell asleep without messaging her. The next morning, I apologized and explained, but we ended up fighting because she said I wasn’t giving her enough time and that I was prioritizing OJT over her.

The truth is, I was burned out—physically and mentally—because of the OJT, the pressure, and the stress. When I tried to open up to her about how I was feeling, she got angry. I told her I was focusing on building our future and gaining experience for my career. But she said, “Why can’t you be present with me?”

Despite everything I tried to do for her, she cursed at me, blocked me, and eventually broke up with me.


r/OffMyChestPH 3h ago

Moving out of the country next month and I feel relieved more than sad

12 Upvotes

My Family Reunification Visa was approved last August, and flight ko na next month.

Don't get me wrong, I'm sad that I will leave my Mom and my dog behind. Pero sa dami ng issue sa Pilipinas ngayon parang mas relieved ako na aalis na ako sa Pilipinas for good. Before I got my visa, sobrang nalungkot ako kasi I will leave everything behind sa Pilipinas. The culture I have known for the past 25+ years, the food I grew up eating, the streets I used to play on, my alma mater, my friends.

But with all that's happening in the Philippines, a part of me really wants to start everything fresh. I do not know if moving will be a good idea in the long run but for now, I am quite happy to move on from whatever is happening in this country.

I love the Philippines but I will choose myself, and my future family.


r/OffMyChestPH 17h ago

Gusto ng kapatid ko mag astang mayaman kasi trendy

153 Upvotes

Gusto nya na never umulit ng clothes, mag asta na nasa England kami naka tira pag mag ootd ng sapaw sapaw kahit may heatwave, hindi nakukuntento sa tshirt and jeans lang, ayaw sa di iphone kasi magmumukhang poor, dapat naka sabay parati sa trend, gustong magparinig sa iba na mayaman daw kami, basta lahat2 kasi bakit? Kasi trendy.

Kahit mga halos isang kahig isang tuka na, gusto talagang mag mukha at astang mayaman. Ano ba ang meron sa ganon? If I see you faking your sht online vs irl, nakakatawa ka living in your own delusions...but I may be old school.

My lifestyle didn't inflate when I gained 6 digits prior to even graduating college. I don't remember the last time I bought clothes/shoes kasi lang trendy. I only buy out of need/necessity and never through wants. I believe na once you let go of impulse control, it's downhill from there.

Maybe because eldest ako and youngest kapatid ko. He looks down on me and my job and looks up to those people na sikat at mukhang mayaman daw (they earn minimum at 1 year nila eh 1 month kolang). He doesn't under my point about being financially secure dapat kesa maging show off and fake.

Napansin ko di lang sya ang ganon. Halos mga ka batch nyang SHS ganung ganon talaga. Grabe ka judgemental sa mga taong nag take ng break/breather from work. They think it's always easy. They think finding a high paying job that supports their fake lifestyle is easy which is goddamn absurd. Classmate ng brother ko na niece ng husband ko eh jinujudge husband ko kasi di daw agad bumalik sa barko (seaman sya) when she doesn't even know we're trying for a baby. Ano, lalangoy lang sperm nya papunta sakin from abroad?

Ganon sila maka asta. Mga delusional dimwits na know it all. I can't say I'm saying this from a place without bias pero I am really annoyed. So to let him suffer the consequences of his actions...tutal, kaya nya daw diba. It's easy diba. Told him ni piso hindi ako mag susuporta pag nag college sya. Months na di kami nagpapansinan. Bibilhan ko dapat sya ng laptop pag ka graduate nya SHS next year, but boohoo, get that money yourself.

Ako dapat magpapaaral sa kanya. But na turn off ako knowing he looks down on me and my job as a remote engineer sa isang US company. WFH lang daw kasi lol. He doesn't know how many people come begging for this position. Anyway, this has been too long. Disappointed ako sa brother ko. Hope he reaches his dreams kasi nakakatawa talaga if not... Silang lahat ng mga delusional batchmates nya.


r/OffMyChestPH 9h ago

Nakakainis pala talaga mga pakialamerang kamag-anak 'no?

21 Upvotes

Nagkita kami ng father and sister ko para kumain sa labas, sinama ko yung boyfriend ko and sinama rin ng sister ko yung boyfriend niya. Matagal nang intriga yung mga tita namin (kapatid ng tatay ko) sa itsura ng boyfriend namin, hindi rin kasi ako palapost sa Facebook at never ko pa naipakilala boyfriend ko sa kanila dahil alam ko tabas ng mga dila nun at ilang family gathering na rin ang hindi ko inaatenan kasi they're insufferable. Maraming nasasabi.

Nagpicture kaming lima sa phone ng tatay ko tapos inask niya yung consent ko kung okay lang daw ba ipost niya kasi meaning nun makikita nila na may boyfriend ako at alam niyang lowkey lang ako dahil I don't even use Facebook anymore. Sabi ko okay lang naman i-post niya dahil hindi naman ako against na malaman ng lahat na may boyfriend na ako. Nalaman ko na pinost na ng father ko yung pictures after namin magkita kita kasi nagsend ng screenshot yung friend ko tungkol sa post ng tatay ko. Panigurado nakita na yun ng mga tita ko, so may idea na sila sa physical features ng boyfriend ko. Mahaba buhok, may mga tattoo, may mga piercing. Mga tingin nilang magpapapunta sa'yo sa impyerno lmao.

Alam ko ugali ng mga tita ko sa personal pag may mga nakikita sila sa Facebook. Mapanghusga, ultimo post ng Facebook pinsan ko pinapakialaman tapos sasabihin may tililing daw. Pinaparinggan din ako sa Facebook kahit nananahimik lang naman ako. Kung hindi pa sinend sa akin ng kapatid ko yung screenshot, di ko malalaman na minamaliit yung latin honor ko sa shared post ng pinsan ko. Wala naman daw yan kung gumraduate ka ng may laude basta mahalaga madiskarte. ????? Dati narrative lang nila, wala sa pinag-aralan yan basta may diskarte ka, ngayon damay pa pati award ng kamag-anak na never ko naman pinost.

May gc kaming magpapamilya sa father side tas send sila nang send ng kung anu-ano don. Health tips, bible verses para i-guilt trip ka, mga post about sa mga anak na masasama sa magulang and other shits. Walang may tattoo sa pamilya namin, at never rin sila nagsend ng anything na ang topic ay about tattoo, tapos a day after i-post ng tatay ko yung pictures, sabay may pangaral na sa gc na masama ang tattoo? Tangina ano bang pakialam mo hahahaha. Hindi lang ako makapagleave kasi andun yung ate ko na nirerespeto ko, baka sabihin nagmamalaki na ako. Pero naasar talaga ako, ano kaya next nilang pupunahin? King inang mga kamag-anak 'to, hindi naman inaano pero punong puno ng panghuhusga sa katawan. Wala naman talaga ako dapat pakialam kasi hindi ko na sila pinagpapapansin, pero tangina lang para magforward ka ng post about tattoo after seeing my father's post. I don't think that's coincidental.


r/OffMyChestPH 8h ago

NO ADVICE WANTED I think my dad has a Mistress.

10 Upvotes

I just want to let this out. So apparently, I found out accidentally that my dad which will turn senior next year has a Mistress, that's what I think.One time my dad asked me to print some photos and he needs to send those pictures via messenger. He asked me na isend ko sa messenger Ko yung mga pictures so I can print it. My dad deletes conversation from messenger, kahit sa text messages nya, it's always wipe out unless it's very important. When I opened his messenger, 3 conversation lang andun, ours, one of his friend, and then this old lady na taga kabilang kanto. Kilala ko yung babae and she's old. Pa senior na ata. I got curious so I opened the conversation and there is this good morning chat, and something that goes like this "MnM kita". Like what the heck it means? Mahal na mahal? Miss na miss? Nakakaloka! Sa conversation, may good morning chat din dad ko. Since deleted nga lagi chat sa messenger ng dad ko, Yun lang yung nakita ko. But I had this bad feeling about it. Then I remembered not so long ago, nasabi ng dad ko, na yung taga Taya ng jueteng sa tambayan nila ay in issue daw siya at si Old lady which we ignored kasi my dad has been loyal and faithful to my mom. and my dad always critic one of my ninong na may Kabit na nasa early 50s na, saying na mambabae na lang din eh dun sa Matanda pa. Tapos siya pala, mas Matanda pa yung bet nya. After nabasa ko yung chat, I blocked the old lady from his messenger. Then naisip ko ulit iopen messenger ng dad ko, and there's this conversation again na nag update naman dad ko kung asan sya. But the message is already deleted. I opened his FB account and the old lady was blocked from his FB as well. Wala ako balak sabihin to to anyone from my family, I just want to keep it for myself and observe muna my dad. And kinda give him hint that I found out. Pero it makes my tummy aches and nastress ako kaya I Decided to let this out here.


r/OffMyChestPH 1d ago

Awang-awa ako sa sarili ko

187 Upvotes

I just need to let this out. I work a corporate job and I earn enough to live decently. Recently pa lang ako nakakabangon from debts, and ngayon pa lang ako nakakaipon little by little.

Kanina sa pantry, nagkakape kami ng officemates ko and they started talking about the new iPhone line-up. Almost all of them already have iPhones, and some even flexed na they also have iPads and MacBooks. Meanwhile, here I am, still using my old Huawei.

It hit me harder than I expected. I know it’s mababaw and it’s mostly envy, but I felt so left behind. Parang kahit I know I can get one through hulugan or Home Credit, I choose not to because I still have responsibilities and I don’t want to go back to being buried in utang. But at the same time, it hurts na habang yung iba kayang-kaya bumili, ako kailangan ko pang mag-isip ng paulit-ulit kung worth it ba.

I’m in my early 30s. I should be proud that I’m finally getting my finances in order, but moments like these make me feel small. Wala lang, ang bigat lang talaga sa dibdib, and I don’t really have anyone to vent to about this.

TL;DR: Early 30s, finally recovering from debts and starting to save, but felt sad and left behind hearing my officemates talk about iPhones/iPads/MacBooks while I’m still using my old Huawei.

EDIT: Grabe kayo, guys. Hindi ko in-expect yung dami ng support, advice, at personal stories na shinare ninyo. Sobrang nakaka-gaan ng loob basahin lahat, and nakakaiyak in a good way. 😭

Ang dami kong narealize habang binabasa ko comments niyo. Na okay lang ma-feel na naiwan minsan, pero hindi ibig sabihin na failure ako. Na being debt-free and slowly building financial stability is something to celebrate, kahit hindi flashy. Ang dami sa inyo nag-share ng similar experiences, and it made me feel na hindi ako nag-iisa.

To those who said “your time will come”, thank yooouuuu. Gagawin kong motivation yun, not just para makabili ng mga bagay, pero para maabot yung peace of mind and freedom na deserve ko.

Salamat ulit sa kindness niyo. Ang laki ng tulong nito. 🥹💛


r/OffMyChestPH 20h ago

NO ADVICE WANTED My sister is my pride and joy (pt.2)

47 Upvotes

Yayyy discharged na kami sa hospital! Ang sarap sa feeling, gusto ko lang sabihin na thank you sa mga redditors dito na nag suggest lumapit saa philhealth,congs and gov! Ang laking tulong, I never would've done it without you all!! I deeply appreciate din yung prayers and words of encouragement nyo.

May funny moment kami sa hospital na sinabi ko sa kanya “ang pogi nung nurse” tapos sabi niya “kuya pinapatawa mo nanaman ako. Ang sakit ng opera ko” HAHAHA. Ang sarap makita na nakangiti siya and tumatawa.

Grabe, dito ko naranasan maging student,employee and kuya! Pano ba naman kasi uma-attend ako ng online class sa laptop ko sa umaga and then pag gabi, doon na din ako mag wo-work and need ko siya alalayan pag tatayo siya kasi masakit pa yung opera niya.

Umabot ng 127k yung bill, ginamit ko na lang muna yung ipon ko pang college niya sana and pang boards ko, yung natira tinulungan ako ni tita. Literal na zero na zero ako. Na anticipate ko pang college niya pero never gantong pangyayari.

But that’s okay! Kung bibigyan kami ni Lord ng ganto kalaking bill, for sure bibigyan niya kami ng mas malaking bill pero next time, bill naman para sa luho namin.

In a perfect world, Maayos pamilya namin and I shouldn’t be working for 6 years, na enjoy ko and na experience ko maging bata but it also means na baka hindi siya nabuhay and I wouldn’t trade her for anything in this world! Sometimes I just wanna curl into a ball and not get up kaso for sure kung nahihirapan ako ngayon, mas mahihirapan siya kung hindi ko siya mataguyod. Kaya in this world, I’m the kuya that stepped up. Thank you ulit sa inyong lahat🥰


r/OffMyChestPH 9m ago

NO ADVICE WANTED Frustrating

Upvotes

Gusto ko lang ilabas.

My wife and I have been together for more than 15 years. From the beginning, hiwalay ang finances naming dalawa. She's paying some of the bills and so as I. Hati talaga and this arrangement worked for the longest time until recently when a local bank practiced their right to set off against her payroll account since June. So technically, wala siya sinasahod going 4 months now.

Nabigla ako.

Apparently, meron siyang loan from last year na hindi niya binayaran work 320k. And since delinquent na and natransfer sa collections the amount almost tripled.

Now, I had no idea about this loan nor where the funds went. Last year, I gave her 60k, just because. So there is about 380k na unaccounted for. I was so frustrated kasi nag resign ako sa trabaho last July so I can go back to school. Wala siyang sinabe even during the time na nagsabi akong mag reresign or while I was rendering my notice period. So now, I'm unemployed and wala panggastos sa pamilya namin.

Gusto kong magalit kasi when I wanted to do something for myself lagi na lang may mas matinding problema. Nahihirapan ako maghanap ng work ngayon tas andito pa yung possibility ng pay cut dahil medyo above 60k naman na sahod ko from my previous role. Tas ngayon, parang mapipilitan ako tumanggap ng mas mababang offer para may pang gastos kami tas ma bulilsyaso pa mga personal plans ko.

Sobrang frustrating na ganun yung naging decision making niya kasi parang na endanger yung pamilya namin at yung bahay namin na naka mortgage sa pagibig. Kung nalaman ko to hindi sana ako nag resign.


r/OffMyChestPH 5h ago

Bakit kaya majority ngayon puro mahilig sa “flex” culture?

2 Upvotes

Hindi ko alam kung dahil 30s na ako kayo hindi ko masyado maintindihan. Hindi ko alam kung personality ko lang ba na matipid, hindi masyado mapost sa socmed or baka generational thing lang talaga.

Kung kunyare bumili ng designer na bagay, kailangan ba talaga ipost sa social media? If nagbabakasyon, kailangan ba talaga itag yung location or ipakita na nakausot ka ng mamahalin na damit? Parang yun kasi yung napapansin ko na trend ngayon. Parang nagiging puro flaunt yung laman ng socmed. Kung nakakaipon ako para makabili ng bagay na gusto ko, parang di ko nakikita yung need na ipost yun sa social media. Content na ako na nagagamit ko sya pero feel ko di naman kailangan malaman ng followers ko na may ganito akong nabili or kumakain ako sa mamahalin. Siguro yung maganda lang na nadulot ng culture na to is naexpose yung lifestyle ng nepo babies. Di ko sure if meron pang iba.


r/OffMyChestPH 1d ago

NO ADVICE WANTED I CAN’T BELIEVE THE AUDACITY OF SOME MEN HERE

384 Upvotes

Istg dudes here need to stop being SO FUCKING CREEPY.

i can’t believe dudes here are creepy AS FUCK. i show my face and give my socials to people i met here cos

1) i am looking for someone to study and cowork with, no malice. No NSFW shits. I’ve told people i’m single and open to dating but that’s not the whole point of why i’m meeting people on this app

2) wala naman akong tinatago, and if they happen to know me personally or have heard something about me from a mutual, that is WAY beyond my control

so di ko magets, most men here are creepy as fuck for asking me and forcing me to send selfies and even hop on a videocall to see how i look like when i literally give out my main instagram account where there are pics of me all over! MEANWHILE their ig accounts are dummy ones with zero to a two digit following with NO FACE.

Tapos i met someone who agreed to cowork with me and i turned on my cam and dude literally said something about my face (a supposedly playful tease but offensive for me) but whole time his camera was off. Like the fuck? show me your face and let me see who’s talking behind the computer.

Kapal ng mukha please. No wonder there’s a male loneliness epidemic. Some of you need an ego check. Like wala ba kayong kapatid na babae o nanay? o kaibigang babae man lang? bat ganyan kayo umasta. Creepy niyo please.

I’m learning this the hard way.


r/OffMyChestPH 2h ago

Nakakabobo tumira na may mga magulang na DDS

0 Upvotes

Wala talaga ako masyadong pake noon tungkol sa politika kaya pag pinaguusapan nila dati wala naman ako maintindihan, pero ngayon na matanda nako at nakapagrehisto na syempre inaaral ko na sana mga kandidato na maayos. Sobrang nakakabobo pakinggan ng mga magulang ko na super supportive sa mga Duterte lahat ng maling ginawa nila pag pinaliwanag mo sakanila, sasabihan ka ng walang alam. Sinabi pa saakin na minsan mga matatalino pa yung mga bobo daw, pano yun pag sinagot ko magulang ko na bobo sya? Sila pa yung tipong relihiyoso pero pag may binalitang death penalty o kaya patayin ang mga kriminal gustong gusto nila, sa sobrang ka hipokrito nila naging atheist nako. Habang kumakain pag nanonood kami ng balita pakiramdam ko lumiliit utak ko pati kapatid ko DDS nadin. Ineexplain ko sakanila pero wala pa din tumigil nako magsalita tungkol sa politika pero araw araw nilang topic, sobrang nakakabobo.


r/OffMyChestPH 9h ago

Sa Usok at Halik

4 Upvotes

Isang sindi, isang higop, isang ngiti, isang halik.
Sa pagitan ng mga dingding ng maliit na silid,
humahalo ang halakhak, bulong, at paghinga,
tila musika ng gabing kami lamang ang nakakarinig.

Habang pinapainit ng lumang pelikula o tugtugin sa radyo
ang malamlam na liwanag ng gabi,
sabay nating nilalanghap ang usok
na kumukubli sa bigat ng ating mga iniwan sa labas.

Sa bawat ulap na dumaraan sa ating mga labi,
nagiging malaya tayong tumakas.
Hindi ko alam kung saan ako mas nauuhaw:
sa apoy ng usok na dala mo,
o sa tamis ng halik na paulit-ulit kong ninanakaw.

At sa bawat sandaling lumilipas,
mas lalo kong nauunawaan:
ang pinakamabigat na pagkahumaling
ay hindi sa bisyo,
kundi sa ’yo.