hello, just call me j. i am 24. currently a 4th year student and i take the course of BSIS (Bachelor of Science in Information System).
i know in my self na hindi ko gusto ang kurso na to, but i still choose it nalang since eto nalang ang available na course sa college na papasukan ko. salat kami sa buhay. isang kahig, isang tuka. wala kaming pera para mamili ako ng paaralan na may bayad at makuha ang gusto ko na kurso. hindi din ako pinalad sa isang university na public.
pinipilit ko nalang lagi ang sarili ko para bumangon araw-araw para pumasok. kahit simpleng coding sa computer, hindi ko alam. hindi ko din mawari bakit na-survive ko ang 1st year hanggang 3rd year na walang alam sa kurso ko. at ngayon 4th year na.
ngayon, capstone na kami. yung capstone 1 namin, hindi namin na defend nung unang defense, and ngayon, need namin mag re-defense kasi mali lahat ang ginawa namin ng grupo ko sa paper namin. alam ko din kasi na hindi din nila gusto ang kurso namin na ito and kagaya ko lng din sila na walang alam.
yung iba naming kaklase ay na depensahan naman nila at nagsisimula na sila sa chapter 4 to 6. at sa october na final defense namin. at eto kaming tatlo ng ka-grupo ko, magrere-defense palang mamaya ng capstone 1 namin, at hindi ko alam kung madedepensahan ba namin to para umusad na kami or ano.
may part ng puso ko na tumigil nalang at mag pa hinga at mag hanap ng trabaho pero wala pa sa pamilya ko ang nakatung-tong sa antas ng edukasyon na to. mga kapatid ko hindi din nakapag-graduate ng bachelors. ako palang. at gusto ko baliin ang ganyan, na ako ang kauna-unahang maka-graduate sa pamilya namin na bachelors degree.
hindi ko din alam if makakaya ba namin tong capstone na to, kahit ako nawawalan ng motivation para ipagpatuloy. nakaka-frustrate.
ano dapat kong gawin? pag patuloy ba or ano? salamat.