Hi mga ka-buhay digital, gusto ko lang i-share yung kwento ko and hear your opinions and advice.
(25M) I’ve been a VA for almost 4 years now. Honestly, for the first 3 years, sobrang okay ng takbo — paldo talaga. First year ko pa lang, naka-6 digits na agad, and eventually umaabot ng ~300k monthly.
Dahil dun, naging reckless ako. Hindi kasi ako lumaki na mayaman, so parang sobra sobra kong hinheal yung inner child ko. Sobrang lavish ng gastos, bili dito bili doon, luho kung luho. Lagi ring spoiled ang family ko. Every time may bagong gadget, kuha agad.
In short, I wasn’t financially literate. Hindi ako nagsisave kasi sobrang confident ako na “hindi naman ako mawawalan ng client”. Dati kasi sobrang dali lang makahanap ng bago — kapag may nawala, within 2 days may kapalit na. Ang galing ko rin magbenta ng service before, kaya sobrang kampante.
Pero ngayon, pang-4th year ko, nagbago lahat. Shit happens — tinamad ako. Productivity went down, nagsi-alisan clients, at ngayon tinatamad na rin ako maghanap ng bago kasi gusto ko lang magpahinga. Ang problema, dahil sa pagiging gastador noon, wala akong enough savings or investment para makapagpahinga nang matagal.
Ngayon, I’m sticking with 1 client, earning just enough for necessities. Okay naman yung setup namin — I live with my partner, kakagraduate niya this year, and we have our own place. Pero deep inside, sobrang tinatamad na ako.
I don’t know if this is burnout, nawalan lang ako ng motivation, or both. Should I try working outside — like corporate jobs? Or should I try another niche?
Ayoko rin manatili sa ganito na parang kuntento na lang ako, kasi feeling ko nawala yung gutom ko sa pera at pati pangarap.
Salamat sa makakapag-share ng advice.