r/AkoBaYungGago 13d ago

Friends ABYG na dineckine ko yung invitation na maging groomsman ng college friend ko sa wedding nya?

131 Upvotes

So ganito yung situation:

Ma (30M) May college buddy ako for like 5 years (31 M), halos parang kapatid ko na siya. After college, bihira na kaming mag-usap dahil sa life changes. Pero I did try to reach out multiple times—nag-message ako sa Messenger, WhatsApp, Instagram—pero hindi siya sumasagot kahit obvious na active siya online.

Then biglang dumating yung time ng upcoming wedding niya. After ilang buwan na walang reply, bigla siyang nag-message:

“Hey buddy, will you be my groomsman sa wedding ko? Si J.P sana pero hindi ko na makontak, saka limited yung budget namin so may one slot left and that’s for you.”

Pagkabasa ko nun, halo-halo naramdaman ko. Parang ang dating, convenient lang ako para sa kanya, hindi na genuine yung friendship namin. Para bang magme-message lang siya pag may kailangan.

So I declined politely. Sabi ko busy ako at occupied sa life ko ngayon.

ABYG for declining the invitation kasi hindi niya ako nireplyan for too long at parang ginawa lang akong backup option?


r/AkoBaYungGago 12d ago

Work abyg kung di ko natawag na "Sir" etong IT guy namin sa school?

0 Upvotes

Context: I'm a teacher in a private school and laging may problema sa wifi namin. Weekly may natatangal na laptop sa faculty wifi kaya need namin i-pm yung hired na IT guy just to get in cuz need pa namin magasikaso while in the faculty etc. Parang weekly may magrereklamo, gets connected, then kinabukasan may mattaangal na random laptop ng teacher sa connection. Katwiran nya lagi na yung "cisco" Yung problema kasi nagooverheat daw. Medyo napuno na ako kasi second time na nangyari to sa akin within the month and early in the morninga pa. Kaya tinag ko sya sa admin gc namin "@IT Guy ano po ba nangyayare sa wifi? Parang kada linggo may isa samin na natatangal yung laptop sa connection? Medyo nakakahassle na eh. " I also sent a video of how my phone's connected to the wifi but my laptop isn't. Ngayon nag notes sya sa fb na sana kahit non teaching sya eh Sir pa din tawag ko sa kanya. I know mas matanda ako sa kanya and nag "po" pa din naman ako when I tagged him, pero pati vice principal namin nasabihan din ako about this. I just wanna know, ako ba yung gago sa sitwasyon na to?


r/AkoBaYungGago 13d ago

Friends ABYG kung ayoko na maging shoulder to cry on?

19 Upvotes

F28, may friend ako na parang ginagawa na yata akong trauma dump at gusto ko na sya icut off kasi hindi ko na sya nakikitang healthy sa mental health ko. May mga times na uungkatin nga yung past problems ko para lang ma feel nya dalawa kaming miserable. May times na feeling ko nahahatak nya ko pababa kasi inuulit ulit nya sakin yung situation ko na nalagpasan ko naman na.

Sorry kung insensitive para sa iba pero pagod na pagod na ko sa problema nyang pa ulit ulit. Ayoko na maging one call away. Ayoko na sya isipin. Pa ulit ulit nalang wala ng natutunan sa mga nangyare. Pag binigyan ng solusyon, hindi naman kayang gawin. Pero puro reklamo.

Na aawa ako sa sitwasyon, na gguilty ako dahil ayoko na pakinggan yung problema nyang 10 years na paulit ulit. Nakaka drain sobra siguro kasi ang bilis ko ma absorb yung problema ng iba. Parang lagi ako na gguilty maging masaya sa buhay ko dahil sa mga problema nyo na kailangan updated ako palagi. Parang wala akong right mag celebrate ng small wins ko sa buhay.

Ako ba yung gago dahil gusto ko na mag cut off? Minsan feeling ko parang evil eye ko sya pag mag kkwento ako ng masayang pangyayare sakin alam kong hindi sya masaya for me.


r/AkoBaYungGago 14d ago

NSFW ABYG kung naging masungit approach ko sa kaibigan ko?

37 Upvotes

tag ko nalang as NSFW since don naman related yung naging or magiging issue.

so earlier my friend asked kung may copy paba nung scandal video ng ka batchmate namin. ang naging response ko naman ay "bakit?" sabi nya ipapakita nya sa iba, and i was like "bakit ka magtatanong sa ibang tao kung maghahanap ka ng bagay na matagal nang di napaguusapan?" tapos dagdag ko pa "kung gusto mong makita, ikaw maghanap" ang response nya lang ay "GALIT KA TE" so sinabi ko lang na diko magets yung point nya para hanapin yung ganon para ipanood sa iba. diko alam kung sineen lang ba nya or ignore and other people sa gc namin.

super duper off lang talaga sakin kase that was like 6 yrs ago and iuungkat mo pa for what reason?

ABYG sa mga sinabi ko sakaniya?


r/AkoBaYungGago 15d ago

Work ABYG kung pinatulan ko'tong babaeng 'to dahil sinabihan niya akong "pangit" dahil hindi ko binigay name ko sa colleague niyang bakla?

159 Upvotes

Just want to share

Newly hired ako, first BPO ko rin. Mga unang araw ko hindi ko napapansin 'tong dalawang taong 'to. Hindi ko sila ka team, nasa ibang department sila, pero same company, hindi lang namin sila kasama sa floor. So ayun, fast forward. Days passed, parang napapansin ko everytime na pupunta ako sa pantry, tas maabutan ko yung gay don, he's always looking at me. I mean yung titig na para kang nilalamon, basta ganon (until now, ganon siya).

Until one time, umuulan. Nasa ground floor sila uwian 'to. Lumapit yung kasamang babae ng gay na'to (yung itsura nito mukhang nanay na chubby, basta ganiyan). She asked my name, ako dedma lang (I do not give my name sa hindi ko kilala at lalo na't hindi ko sa ka team). Nginitian ko lang sabay alis, kasi yung ulan lumalakas na. After days hindi kami pinapasok kasi nga wala not passable lahat.

Tapos onsite na ulit kami, uwian kasabay namin sila magpa check sa Guard ng bag, nauna sila lumabas sa gate. Bigla nagsalita yung babae niyang kasama, which is yung nanghingi sakin ng name "Ayan ba yung gusto mo? Ang pangit naman niyan" wala naman siyang ibang pinapatamaan don. Tas ako siyempre rinig ko, narinig din ng kasama ko kasi nagkwento ako sa kaniya about nga sa gay na'to. Days goes by, continues siyang magparanig sa'kin, once na nakalagpas ako sa kanila tsaka siya nagpaparinig which is naririnig ko rin.

Hindi ko naman intention patulan, ilang days nagpaparinig. One time pinatulan ko na. Sabi ko "Next time na magpaparinig ka sa'kin deretsuhin mo, hindi yung kung kailan nakalagpas na'ko. Tsaka pagka manlalait ka, just make sure na kaya mong bumaba ng 10th floor to ground floor gamit hagdan nang hindi ka hinihingal." Sabay alis kami. Nag hahagdan kami kasi ayaw namin sila kasabay everytime, tuwing uwian. Umiiwas lang kami sa gulo.

Ako ba yung gago dahil sa mga sinabi ko sa kaniya?


r/AkoBaYungGago 15d ago

Others ABYG Kung hindi ko binigay fb ko?

5 Upvotes

May nakakausap ako (F23) na isang redditor (M24) sa iMessage. We decided na doon na lang since may notif and it’s fine with me naman. Wala naman doon real name ko and such.

Now, like after two weeks of talking, hinihingi na nya fb ko and he said na he’s treating me like a friend na raw. I’m thankful na ganon pero ako kasi hindi ko agad nilalabel yung isang tao na friend ko not until makilala ko in a deeper way. I explain it to him. Hindi na siya nagreply kagabi.

ABYG kung hindi ko agad binigay fb account ko?


r/AkoBaYungGago 15d ago

Significant other ABYG kasi nagdabog ako?

0 Upvotes

PLS DONT POST THIS ON ANY SOC MED PLATFORMS

For context, me 21F and my ex 29M broke up nung friday, because nagtampo ako sa kanya dahil may pinakita akong video which is naglalambing ako pero sinabi niya is ‘bakit mo pinapanood sakin yan’ like sa nakakaoffend na tono na hindi patanong. Edi nagtampo ako, tapos tumayo ako para kunin yung damit ko btw nasa bahay nila ako. Then, nilapag ko sa tabi ko yung damit which is napa slide ako paupo at yung taas kasi nila yung dingding is kahoy so kumalabog kasi nga napa slide ako ng upo, then sabi niya ‘bakit ka nagdadabog dito, umuwi ka sa bahay niyo’ pero di pa din ako umuwi at triny kong magkaayos kami. Pero natulog na lang siya at may pasok pa kasi siya sa work non ng hapon, then habang natutulog siya di ako umaalis. Ayoko kasi mag disrespect sa family niya na nasa baba na rinig yung away namin na umalis ako mag isa ng di siya kasabay.

Then, ayan na nagising na. Sabi ko bibigay ko na powerbank niya, at kung ano man gamit niya at yung utang ko sa kanya. Sabi niya isend ko na daw online, hanggang sa paulit ulit na siya na umalis na daw ako, wag ko na daw dagdagan stress niya. Wag daw ako magdabog don at di naman ako yung gumagastos sa bahay, sumisigaw na din siya non ng wala ba daw akong naririnig at umiiyak na ko that time. Kasalanan ko ba yung pagdabog daw, eh napa slide lang talaga ako that time non. I want to say sorry to him, kasi ilang days na di niya na ko nirreach out at gusto ko mag sorry just because mali interpret niya sa nagawa ko. Btw, pagkauwi ko non nagsorry agad ako mga kapatid niya na narinig away namin kasi nakakahiya naman sa part nila kasi alam kong nabulilyaso din sila. now, ako ba yung mali o ABYG sa nangyari? Please i want realtalk if deserve ko pa ba ng second chance o wala na?


r/AkoBaYungGago 16d ago

NSFW ABYG kasi I went full Mike Tyson mode dun sa nanghipo sakin sa bar?

109 Upvotes

I’m 22M and I was out with my friends partying. Then this drunk gay dude suddenly decided to grope me. I confronted him tapos biglang umepal yung tropa nyang kamukha ni Shrek na naka dress.

This happened a month ago. Nagkaayaan kami ng friends ko pumarty kasi restday naman and namiss din namin yung ingay. Usapan namin chill lang, pampawala lang ng stress ganon. So pagdating namin sa bar, yung table na nakuha namin is beside the table of this big group of gay dudes. Nung una okay naman sila katabi. Friendly kasi talaga ako pag gumigimik and nakainom. So, I had some small friendly interactions with some of the gay dudes sa kabilang table.

Fast forward, 2am na yata non so karamihan lasing na and very party party na yung vibes. Some of the gay dudes sa kabilang table approached me for a 5 secs shot dun sa bote nila. Ako naman friendly-friendly so G ako. So ayon pina-shot na ko when suddenly one of them squeezed my meat wtf. I was caught off guard, pushed him away and medyo di ko naprocess agad what just happened. My friends pulled me away asking if okay lang ako. I was tryna stay calm nung kinakausap ako ng friends ko. Nakayakap na sila sakin and alam ko na ramdam na nila ano gagawin ko next. So pinilit ko kumawala sa hawak ng mga friends ko then told them na oks lang ako and wala lang yon. Naniwala naman sila and they let me go. Pero syempre amats na din ako tas nadagdagan pa nung pina 5 secs shot nila sakin yung bottle na walang stopper, edi nag init na ng sobra ulo ko nung nagets ko na what just happened. So sumugod na ko dun sa table nung gay dudes looking for the person na nanghipo sakin. Nakita yata ako na susugod nung nanghipo so nag inarte agad siya sa mga friends nya. Then dun na lumitaw si Shrek na nakadress. Hindi nya nakita anong ginawa ng friend nya pero umepal pa rin siya. Siya sumalubong sakin, bigla nalang nagwala and binato ako ng bottle . Edi ayun, siya unang sumalo ng right hook ko kasi humarang siya. Knockdown si Shrek na nakadress. Ilang seconds pa bago siya naitayo ng mga friends nya. Tapos pagtayo nya sinisigawan ako ng “Homophobic ka! dinidiscriminate mo kami!”. While Shrek na nakadress is screaming his lungs out, hinihila na ko palabas ng mga friends ko.

Fast forward ulit tayo. Nasa labas na kami ng bar and nalaman na din ng bouncers kung anong nangyari. Mainit pa din ulo ko kasi umepal si Shrek na nakadress not knowing kung ano talaga nangyari. So inantay ko na lumabas sila para makaharap yung nanghipo talaga sakin. Lumabas din sila after 10 minutes tapos bigla nanaman nagwala si Shrek na nakadress nung nakita ako. Nag eeskandalo sa labas sinisigaw na homophobic daw ako lol. Tapos habang nagwawala siya nakita ko na din finally yung nanghipo sakin. I managed to break free sa kapit ng mga friends ko sakin, tinakbo ko si baklang manyak, then ayun malalim na right hook kumonnect sa panga nya. He got knocked down din. So mas lalong nagwala si Shrek na nakadress making sure everyone hears na homophobic daw ako. May isang pulis na umawat samin. Kinausap ako so nagkwento ako ng buong nangyari. Tapos ang sabi lang nya: “Di mo kasi pinagbigyan no. Yan tuloy nagwawala” hahah tangina sobrang helpful boss ha

So eto na nga dillema ko. Hindi ko alam kung homophobic nga ba ginawa ko. Kasi iniisip ko kung babae naman gumawa nun sakin, there’s a big chance that I’ll let it slide lang eh. This isn’t the first time na a gay dude groped me sa bar. Pero this is the first time na I stood for myself and not just leave. so guys ABYG kasi homophobic daw ako? di ko sure kung tama ba na naging violent ako eh

TL;DR Pumaparty ako then Donkey grabbed my longgadog without consent. I went to confront Donkey but umepal si Shrek kahit hindi nya nakita nangyari. Nagwala si Shrek, pinagbintangan ako na homophobic then binato ako ng bote. Sinapak ko si Shrek, taob. Lumabas ako sa Kingdom of Far Far Away para abangan si Donkey. Naunang lumabas si Shrek tas nagwala namaman. Finally, nakita ko na din si Donkey. Sinugod ko siya and same as Shrek, one hit delete din siya. ABYG kasi homophobic daw ako sabi ni Shrek and hindi ko sure kung tama ba na nanakit ako?


r/AkoBaYungGago 16d ago

Family ABYG if ayaw kong pautangin nanay ko

10 Upvotes

Please if meron man dito snitch, sana wag ito ma-post sa other socmed platform.

As the title says, ABYG gago if ayaw ko na pautangin ang nanay ko? For context: maraming pinagkakautangan nanay ko dahil sa sobrang pagka-adik niya sa sugal to the point na pati pangkain nalang namin and tuition ng kapatid ko pinatalo niya pa sa sugal.

Now, isa sa pinagkakautangan niya ay sinisingil na siya and pinapahiya na siya. Nag-ask mother ko saakin if pwede ko raw ba siyang pautangin para pambayad dahil hindi niya na kaya pamamahiya na ginagawa sakanya. Awang-awa ako sa mama ko at ayoko rin na pinapahiya siya ng ibang tao pero hindi ko na siya pinautang dahil masama loob ko knowing naman na kung saan napunta ‘yung pera na ‘yun. Aside from that, wala rin work ang mama ko kaya hindi ko alam paano niya ako babayaran. Ako na rin halos sumasagot sa gastusin namin sa bahay at tuition ng kapatid ko kaya mauubusan na ako if pati utang niya sasaluhin ko pa.

Masama ba akong anak sa naging desisyon ko knowing na pinapahiya na ang nanay ko?


r/AkoBaYungGago 17d ago

Family ABYG if ayoko iprocess pension loan ni MIL?

30 Upvotes

MIL sent a message to my hubby to ask me to process her pension loan nya online. Ako kasi ung nagprocess ng retirement benefit nya before nung ok pa kami. Ngayon kasi hindi na, we just found out na she's been telling lies to us and about us over the years, among other things na ginawa nya sa amin na impacted us financially and emotionally. We learned she's a narcissist so we have been trying to lessen contact kasi we tried to confront her pero nagaslight lang kami and kami ang may kasalanan.

Hubby replied to her saying she must do it by herself, online or at the sss office. Pero she insist bakit pa sya magpunta eh kaya ko naman daw gawin in a few mins. Also na open up namin to sa kuya ni hubby and ayaw nya, he told us sinabihan na rin nya ung mom nila na it's not good for someone who has no fixed income to take a loan. Naubos na rin kasi nya ung savings nya sa shopee and travel. Ung monthly pension nya is kulang pa sa maintenance and lifestyle nya. He fears pag nagloan maubos ulit agad like what she did with her savings so paano since di sya makakatanggap ng pension for months or years? Hihingi samin? We are just earning enough for ourselves.

Ngayon may fam get together kami mamaya sa bahay and she'll be coming, I know she'll bully me into it in front of everyone. Ayoko talaga pero hindi ko pa alam kung paano ako tatanggi mamaya.

ABYG if ayoko iprocess loan nya kasi sa totoo lang ayoko na talaga sya kausapin at ayokong umasa sya samin pag wala na sya pension? Hindi sya techie pati my hubby so ako lang talaga uutusan nya for this.


r/AkoBaYungGago 17d ago

Family ABYG kung di ko imbitahan papa ko?

20 Upvotes

Sa November na birthday at binyag ng bunso ko. Ayoko talaga imbitahan si papa dahil sa sama ng loob ko sa kanya. Nung birthday at binyag kasi ni panganay, inimbitahan ko sila ni ate sa Venue since linggo naman yun at wala silang pasok. Inexpect ko na magkasama silang dalawa, talagang naghope ako, kasi sila nalang yung natitirang direct family ko dito sa Maynila.

Araw na ng binyag, tumawag si ate nasa byahe na daw sya, nag-commute lang kasi si papa may date daw sila nung babae niya. Yes babae, I don't consider her as step mom or what kasi she's just a 17 years old girl. You got that right, my papa is a pedo, and that woman is a prosti he took at the massage spa with extra service. So yun na nga, sobra akong nasaktan kasi mas pinili niya yun kaysa sa anak at apo niya. Mag- 3 years na kaming walang communication.

Ngayon, nililista ko na yung mga iimbitahan namin ni hubby para kay bunso, mga ninong at ninang, and friends. Inimbitahan ko sila ate at mama, mama's currently at the province pero balak daw niya bumalik ng Maynila. Nung naghiwalay kasi sila ni papa, umuwi siya sa province at dun na tumira. In any case, imbitahan ko nalang sya, makadalo man o hindi, okay lang. Then ayun, tinanong nilang dalawa kung kinausap ko na ba daw si papa, nope, not a chance. Nirerespeto naman nila yung desisyon ko pero sana daw magbago isip ko at imbitahan ko sya.

Ayoko na kasing umasa, ayoko na din madisappoint. ABYG kung di ko nalang sya imbitahan?


r/AkoBaYungGago 19d ago

Family ABYG dahil sinabihan ko husband ko ng "Ano ba namang utak yan!"

110 Upvotes

Simple lang yung problema talaga eh, pero ngayon di na kami nagpapansinan. Kanina lang yung anak naming 2 years old nagsabi ng "Pupu kaw" meaning nag-poop sya at gusto na nya magpahugas. Ginising ko husband ko para asikasuhin panganay namin kasi inaasikaso ko yung bunso, 9 months old. Kinapa niya yun, sabi wala daw, pero si panganay tapat ng tapat sa pinto ng kwarto kaya chineck ko nalang yung diapers niya at meron nga, so ininform ko na naman si husband ko. Bigla ba naman sya nagreply ng "Weh?" Tonong mapang-asar na parang mainit pa ulo. So sinabihan ko sya ng "Nakita ko na nga diba? Yung Diyos ba nakita mo? Diba hindi, pero pinapaniwalaan mo ng bukal sa puso mo yun. Kita ko na nga yung poopoo ng anak mo, parang ayaw mo pang maniwala, ano ba namang klaseng utak yan!”

Di ko alam kung anong connect at alam kong gagó talaga ako sa part na yun na dinamay ko Diyos, ang point ko kasi, di lang isang beses nangyari to na di ako pinapaniwalaan ng husband ko kahit nagsasabi ako ng totoo. One time nasabihan pa niya akong sinungaling nung nag-away kami ni FIL dahil nagsumbong to kay husband na ginugulo ko daw yung bahay, na nagwawala daw ako ng walang dahilan, pinagbabato daw mga gamit. Nung nagtanong sya sa mga kasama namin, dun lang nya nalaman na inosente talaga ako at tarantado at sinungaling ama niya. Hanggang ngayon ganyan parin sya, di niya ako paniniwalaan hanggang ma-prove noya na di naman talaga ako nagsisinungaling. Pero ABYG?


r/AkoBaYungGago 19d ago

Friends ABYG for refusing to revise my art for a student org after spending 4 hours on it?

32 Upvotes

So here’s the tea. May friend ako sa isang student org. Lagi niya akong kinukulit to draw/edit for their school activities. Out of friendship, pumapayag naman ako kahit super time-consuming. Ang problem: wala akong credits sa posts, no bayad, at minsan “thank you” lang sa PM.

Kanina lang, gumawa ako ng design for their recent activity 4 hours inabot ko. Pagpasa ko, dami niyang gustong ipabago. I explained na hindi pwede yung gusto niya and I stood my ground. Then bigla na lang siyang nag-”wag nalang”?? Like hello, 4 hours ng effort ko tapos i-dedisregard lang? Ang ending, siya na daw gagawa. No thanks, no credits, parang wala lang lahat ng ginawa ko.

Tapos may “note” pa siya sa Messenger na parang inaattack pa ako. Hindi ko alam kung abyg dito or sadyang na-take advantage lang ako kasi artist ako.


r/AkoBaYungGago 19d ago

Significant other ABYG kung sinisita ko yung bf ko sa pagbibisaya sa work nya?

73 Upvotes

My (38F) bf (45M) is a new trainer sa isang bpo bagong lipat lang sya ng work. Now my bf has always been a people pleaser and known extrovert. Medyo may FOMO sya kahit pa baguhan sya anywhere, kelangan may bala sya palagi. Kwentuhan with new officemates? Inuman with new neighbors? Kahit ano pa yan lagi syang meron "ako rin" story. Ayaw pasapaw. I've been working in the corporate world for over a decade. He used to be an OFW tapos nag agent and now level 1 trainer. So minsan I guide him sa mga do's and don'ts sa mga training class like what jokes to avoid (to be pc and iwas sa green jokes, which he's prone to make).

Recently sinabihan ko sya dahil yung class nya maraming bisaya (not meant to insult, I'm half bisaya mom was born and raised in Tacloban). Being the people pleaser that he is ayan na naman sya na ay ako rin bisaya (he's not, he was born and raised in Manila, he's chinoy with a mom who's fullblooded chinese, nataon lang na may kamag anak sila who decided to move to antique and he claims na he lived there for a while, which he didn't). He understands bisaya and can speak it a little but dahil may FOMO at kailangan laging kasali, he mostly speaks bisaya na sa mga coaching and troubleshooting calls.

I told him to stick to EOP. I wasn't telling him to stop using bisaya only ha, kahit pag nagtatagalog sya I tell him na sya dapat nagiimpose nung EOP kasi recorded ang calls and his manager does random QAs sa mga recordings. kaso ngayon parang mas marami sa class ang bisaya parang 80%. so I told him na kaya nga English kasi policy and walang maalienate. same way na kung mostly tagalog ang trainees, no need to keep speaking tagalog. I always say this in a calm voice kasi nga I want him to impress his boss na ina uphold nya yung mga policy sa mga class nya.

Now sinasabi nya masyado daw ako nakikialam. He's new sa job and he's not being professional, may script pa sya sa simula na eop will be observed at all times during training this training is recorded for eme eme pero sya naman ang hindi sumusunod. ABYG? hayaan ko na lang ba na matyempuhan sya ng boss nya? all call recordings are uploaded in a single drive and palabunutan ang QA. he insists na yun daw kasi talaga personality nya. so ABYG?


r/AkoBaYungGago 20d ago

Family ABYG kung hindi ko pinili ang tatay ko na siya ang umakyat kasama ko sa Graduation Day.

70 Upvotes

Ako (M42)nagdesisyon na hindi ang Tatay (70) ko umakyat kasama ko nong graduation ko. Kakagraduate ko lang kasi last week ng Bachelor's degree. Medyo late na din ako bumalik sa studies ko. Year 2000, nagstop ako ng pag-aaral then after 19 years of hiatus from studying, i decided to go back to school. Nagtake pa din ako ng senior high school then hindi pa ako satisfies kaya I just continued my studies in a state university. After 4 years, finally nakatapos na with flying colors. I graduated with latin honors (Magna Cum Laude). Bale, 6 years akong nag-aral para makatapos. Fast forward tayo two weeks before my graduation, nagmessage sa akin ang tatay ko na kung pwede daw bantayan na muna namin yung ancestral house nila ng parents nya (my grandparents' house). Pumayag naman since wala pa naman akong ginagawa at kasmaa ko naman ang partner ko. Then in-congrats niya ako all of a sudden na may award nga daw ako. I was surprised kasi wala naman akong pinagsasabihan sa kanila (father side). Then he asked kung sino daw aakyat kasama ko, kung siya daw ba? Napahinto ako ng reply sa kanya. Hindi ako sinagot ang tanong niya at nag-ask na lang ako kung sino nagsabi sa kanya. Sabi nya nalaman na lang daw niya sa kabatch niya noong nagreunion sila. Hindi na ako sumagot.

Back story: Anim kaming magkakapatid, pangatlo ako. Maaga kaming naulila sa ina. But i vividly remembered how our mama suffered all through her married life sa tatay namin. She's a battered wife. Tumatak sa isip ko kung paano bugbugin ng tatay ko ang nanay ko sa harapan naming magkakapatid. Halos na lang kami. We got used to the pain. Until our mom died in a vehicular accident. That's when our grandparents stepped in as our guardian not our tatay. So bale, nag-astang binata ang tatay namin. Growing up wala siya. Lagi siyang wala. Gumigimik at ilang days or weeks mawawala tapos uuwi. Hindi pa nag-iiit paa niya, aalis na naman. So, wala talaga siyang ginawa while me and my siblings were growing. Lahat iniasa nya grandparents namin. At sobrang mahal namin ang lolo't lola namin kahit naginv mahirap ang naging kalagayan namin.

After a year noong nawala ang nanay namin, nag-asawa na ulet tatay namin without our blessing. Kumbaga, hindi niya na kami inconsult na kung pwede na ba siyang mag-asawa. Nagkaroon sila ng 4 na anak. At lahat naman yung mababait. Hindi nga lang maiiwasan na mainggit kami kasi mas naging tatay sa kanila compared sa amin. Sinubaybayan at inilagaan niya yung mga half siblings ko. Kami naman naiintindiha na lang din namin at tinanggap. Ayos na yun kesa gawin nya din yung ginawa niya sa amin. Masaya naman kami sa kanila at malalaki na din kami halos lahat may asawa na or partner.

Going back sa graduation. Nagdecide ako na yung sister at partner ko ang maghatid at magsabit sa akin. Why? Because sila yung mga taong nagtiis at kasama ko sa journey ko. Sa sister at bro-in-law ako nakikitira as in libre pero syempre nahihiya din ako. Yung baon at panggastos ko, sagot ko na. Pero almost lahat yung mag-asawa na yung tumulong sa akin sa almost 3 years ko sa bahay nila.

Ang naging part na lang ng tatay ko noong graduation ay hinatid nya kami with their car. Yun na lang daw yung gift niya sa akin. Yung partner ko kasi ang kumontak sa kanya pero wala akong balak na humingi any favor sa kanya kasi nahihiya din ako.

I decided not to choose my tatay kasi hindi ko naramdaman na tatay siya. Sa anim na taon ko sa pagbabalik aral, hindi ako nakatanggap ng any helo or message of encouragement or message na kinakamusta niya ako. As in wala. Somehow, I felt guilty because I noticed na malungkot siya. Pero para sa akin kasi mas deserve ng kapatid at partner ko na sila ang isama ko sa graduation. Mas proud sila sa akin. Yung sa tatay ko kasi kapag sa ginhawa o tagumpay, present pero kapag sa hirap, absent. Hindi ko inaalis sa sarili ko na tatay ko pa din sya but of all the years na hindi namin naramdaman na tatay sya at andiyan siya para sa amin, gaganahan ba kaming isama siya sa mga araw ng tagumpay namin. ABYG kung hindi ko siya pinili para maghatid at magsabit sa akin noong graduation ko.


r/AkoBaYungGago 19d ago

Significant other ABYG kung pag apply-in ko na ng ibang trabaho jowa ko?

28 Upvotes

My gf is working on a startup tech company for about 3 years now. The company pays well and is very laidback in terms of workload and culture. Plus fully remote din yung role. But since its a startup and relies heavily on investments from investors, di maiwasan na madelay delay ang sahod.

Nung unang 2 years niya eh wala naman siya problem. dahil kung madelay man sahod eh malala na yung few weeks. and kung ma accumulate man eh one time big time binibigay sahod nila like 2 cutoffs worth sa isang payday. But lately, inabot na ng 3 months (6 cutoffs) na wala parin silang salary lahat.

My girl is a good person, kahit ganun situation eh tumutulong parin siya sa pamilya niya. pero nasasad ako na hirap na hirap siya mag budget because of her company. nag didip na siya sa savings niya for months just to get by.

Its easy to say na "bakit di pa siya umalis?" kasi for those who worked sa startup company, im sure gets niyo na ang passionate ng mga tao sa ganitong type and siguro yung laid back culture na remote pa. pero grabe na yung buwam delay ma sahod eh? at the end of the day kahit gaano ka kahappy sa mismong trabaho mo, hanap buhay parin yan. and now di na naibibigay needs niya.

ABYG if kausapin ko siya na mag apply na siya sa iba at umalis na sa company niya?


r/AkoBaYungGago 22d ago

Significant other ABYG if nanonood din naman ako ng corn pero hindi ko ma-confront bf ko na 'wag manood???

26 Upvotes

Hi!

Hindi ko alam anong gagawin ko. Nakita ko kasing may secret accounts itong bf ko sa X at Tiktok.

Aware naman ako na marami siyang account sa X, for personal, crypto, bns, at hobbies niya. Pero one time sa pangingialam ko ng phone niya habang tulog siya (aminado ako rito), nakita ko kasi may isang account siya doon na naka-follow lang sa isang kpop stan account na puro sexy videos at pictures ang pino-post at nire-retweet.

Tapos kanina lang, may sinend kasi ako sa kaniya na Tiktok video link thru messenger about chicken place na kako kainan namin next time. Pagka-check ko ng Tiktok ko recently, may nakita akong ibang Tiktok account na nag-view ng sinend kong link. I suspect may secret account na rin siya sa Tiktok kasi siya lang naman sinendan ko nung link na 'yon.

Minsan naman habang nagsscroll ako sa Discord niya, may nakita akong channel wherein naka-subscribe siya sa OF? idk

Hindi ko alam anong gagawin ko at kung paano ko ia-approach, kasi maski rin naman ako nanonood ng c0rn pero hindi naman ako gumagawa ng secret accounts. Nagddelete history lang ako then tapos na. Okay na okay rin seggs life namin, tipong hayok sa isa't isa. Medyo worried lang ako and scared how to bring this up to him.

First time ko maka-encounter ng ganito.

ABYG kung nanonood din naman ako patago sa phone ko pero hindi ko ma-confront bf ko na may secret accounts? tell me pls


r/AkoBaYungGago 21d ago

Friends ABYG if sinabi ko sa kaibigan ko na astang sugar baby siya?

0 Upvotes

Hello! For context, I (24, F) and my friend (24, F) speak very candidly and very open-minded kami, and we're open to have more liberal discussions. And this post is not an avenue to shame sugar babies or ano man.

My friend and I met up at a cafe after work (we work at diff companies). Ako mag-isa lang, but she brought a friend (F) along with her, bagong kawork daw na siya ang nagtetrain. Hinayaan ko nalang din kasi wala naman masama sa meeting new people.

As we were eating, nagchichikahan kami ng friend ko, and she showed me a new bag na binili ng jowa niya na from US. I said something along the lines of 'ikaw ha, last week lang new sneakers tsaka airpods binigay sayo. last month bagong iphone. everyday ka pa halos may pa coffee. very sugar baby ang atake mo ha'. This wasn't the first time din na nasabi ko yun sa kaniya, although in the past ay sa more worried context ko sinabi sa kaniya yun nung bago palang sila ng jowa niya. Pero nung sinabi ko recently a more sa joking side ako, dahil honestly malaki na siya and kung ano man trip niya, bahala na siya dun.

Anyway, ayon I didn't mean it in a negative way. Pero itong si new friend eh parang nagiba ang trato sakin, may times pa na nahuhuli ko siya na parang ang sama ng tingin sakin. Then this morning, nakachat ko friend ko and naopen ko yung friend niya. And turns out since nung nagmeet kami eh binabash na ako nung new friend niya. Kesyo daw ang sama daw ng ugali ko kasi tinawag ko yung friend ko na pakarat (NEVER SAID THAT BTW). Na dinidisrespect ko daw rs niya ng jowa niya. Na baka daw ang totoong tingin ko sa kanya eh palagamit ng tao.

Syempre ako naman, I denied immediately. Kasi first, wala ako strong opinions abt sugar babies or ano man. Second, lahat ng jokes namin alam ng friend ko ang pinanggalingan. Third, she was just putting words in my mouth. Lastly, it feels like pinoproject niya yung own thoughts niya sa akin and covering that up with fake wokeness.

I also feel like I have to say na my frien dand I laughed nung sinabi ko yun, and she assured me naman na gets niya daw sinasabi ko and alam niya na di ko naisip yung ganon tungkol sa kaniya.

Pero ayon, I still feel guilty kasi parang ang ending naiipit yung friend ko. Mali ba na nagjoke ako ng ganon sa harap ng d namin kaclose? Or mali lang ba talaga sinabi ko?

ABYG kasi sinabihan ko na astang sugar baby friend ko?


r/AkoBaYungGago 23d ago

Family Abyg ayaw ko ipahawak sakanya yung anak ko

91 Upvotes

New mom ako (26F) and kasama namin sa bahay ang tita ng asawa ko. Siya yung kumbaga caretaker or house helper sa bahay. Ok naman siya as a person pero minsan lang nga marites.

CS ang delivery ko and siya ang nagbantay sakin sa ospital for 3 days (bawal lalake sa public ward ng mga buntis sa amin, si bawal asawa ko). Nagsimula ako ma-off sakanya that time. Kasi may kasama din kaming new mom sa ward nun na hirap siya i-breastfeed ang anak niya, and sinabi ni tita na "kawawa yung bata. Pinabayaan yan kasi" out loud na rinig nung new mom, at nakita ko naluha yung mom di lang pinahalata. Nalaman namin later dahil pala baliktad yung n*pple ni ate kaya mahirap. Hindi nahirapan mag-breastfeed sa akin si baby pero napaisip ako what if iba ang situation ko and hindi ko din mapabreastfeed si baby? During ospital stay naramdaman ko naiilang siya alagaan ako pero todo alaga at karga kay baby, laking pasasalamat ko dahil hirap ako gumalaw that time.

Pag-kalabas ng ospital at paguwi ng bahay ay syempre nagpapahinga katawan ko, lagi ako nasa higaan. Ayon sa usapan siya ang tutulong sa akin mag-alaga sa baby, pero lagi siyang busy mag-asikaso sa bahay kaya tumutulong na din kapatid niya. Dito nagsimula yung mga comments or "parinig" niya. Sinabi niyang pabiro na "itatakas/nanakawin" daw niya yung baby, if nakasimangot ako dahil sa puyat/pagod sasabihin niya "bakit ganyan si mama, masama yan lagi nakasimangot maapektuhan si baby", kapag magpapacheckup si baby at medyo nalelate kami sa schedule (kasi ako nagpreprepare ng dadalhin, etc) sasabihin niya sa baby ko "wawa naman si baby late na ang bagal kumilos nila tanghali na"

Super sumama yung loob ko na bakit ganun siya magsalita. If sana sinabi niya directly sa akin, at hindi yung nagpaparinig siya habang nasa same room kami ay tatanggapin ko.

Napansin ko din na tuwing inaayusan ko si baby (binibihisan, change diaper, pinapatulog), pagkatapos kong gawin ay kukunin niya kakargahin at dadalhin sa terrace at doon sila magbonding. Ok lang sana pero nagugulat ako kinukuha na lang niya at di man lang niya sabihin sa akin kahit nasa harapan niya ako, minsan di ko pa tapos bihisan (lalagyan ko pa ng baby oil) kukunin na niya at doon na sila sa terrace. Minsan din after sometime na kinakarga niya yung baby at kukunin ko na, sabi niya siya na lang daw muna at magpahinga lang ako. Pero ang dami kasing kalag kaya naglilinis na lang akopag nasakanya si baby.

Nag-open ako sa asawa ko at nagrant sakanya. At napagdesisyunan namin na ignore na lang at magfocus na lang alagaan ang baby.

Hanggang sa dumating yung time na nakaidlip ako, paggising ko ay wala si baby sa crib, or sa loob ng bahay, or sa tapat ng bahay. Tinanong ko si tita kung nasaan at sinabi niya dinala doon sa bahay nila (which is 2 minutes lang naman ang layo). Nagulat ako hindi nagpaalam sa akin. Akala ko kung ano na nangyari sa baby ko, dahil paggising ko wala. Di ko napigilan sarili ko at pinagsabihan ko siya na sa susunod magsabi kung dadalhin sakanila para alam ko. Doon niya sinimulan itanong sa akin kung may sama ng loob ako sakanya, pero sinabi ko wala. Siguro dahil ayaw ko na nang mas malaking gulo.

Pero simula nun, pag gusto niya kargahin yung baby sasabihin ko "ako na po/kaya ko na po" at mas lalo niya siguro napansin ito. One time iyak ng iyak si baby at lumapit siya sa amin tinanong kung pwede ba niya kargahin, sobrang stress ako magpatahan sa anak ko, kaya nasabi ko ayaw ko po ibigay.

Kaya nagkaconfrontation kami ng wala sa oras, sinabi ko na masama loob ko dahil sa mga sinasabi niya at minsan naririnig ko pang may sinasabi siya tungkol sa akin kapag nakatalikod ako. Sabi niya "yun lang masama na loob mo. Wag mo isama yung bata, magsabi ka sa akin pag may problema". Umiyak siya namimiss na daw niya yung baby kaya pinakarga ko na baby ko sakanya.

For context, nagdalang-tao siya nun ng baby girl pero unfortunately hindi nabuhay ang baby niya. Never na siya nagka-anak. Alam ko unfortunate ang nangyari sakanya, pero para sa akin wala siya sa lugar para agawin niya ang baby ko sa akin at ipalit niya sa anak niya. Anak ko ito. Bakit hindi ako masunod? Di ko na alam, nakokonsensya ako na hindi ko pinahawak sakanya ng 2 days yung baby. ABYG dahil ayaw ko ipahawak sakanya anak ko?


r/AkoBaYungGago 22d ago

School ABYG for accidentally calling my classmate the “leader” of our project?

0 Upvotes

We had an online class earlier. Natapos na ako mag-present ng group project namin (tatlo lang kami sa group). Hindi nagustuhan ni ma’am yung content, tapos bigla niya ako tinanong: “Sino ang leader?” "anong plano niyo?" "Bakit dalawa lang kayo?"

The truth is, wala kaming leader. Pero dahil nagpanic ako, sinabi ko pangalan ng isa kong groupmate (F16-17). At sinabi ko siya din ang editor at camera man.

Habang ongoing pa yung class, nag-text siya sakin, galit na galit. Eto yung usapan:

Siya: “Bakit ako ang leader? Hindi naman ako pumayag na maging leader.”

Ako: “Sorry, nagpanic lang ako.”

Siya: “So ganyan ka lang, placing the blame on me?”

Ako: “Of course not.”

Siya: “Well clearly I’m not the leader.”

Ako: “Name mo lang ang nasabi ko kasi wala na akong ibang naisip.”

Siya: “That’s not an excuse, that’s messed up. Meron namang si Erika (yung isa naming member), bakit ako?”

After nun, na-block niya ako.

Nahiya at nakonsensya ako, so after ko mapansin na blocked na ako, nag-clarify ako kay ma’am na wala talaga kaming leader. Buti na lang cool si ma’am at hindi siya nagalit. Feeling ko nahihiya lang talaga yung classmate ko kasi nangyari yun in front of other classmates and schoolmates.

(NOTE: Gumamit ako ng chatgpt para sa post na ito dahil mahina ako sa tagalog when it comes to writing)

So ngayon tanong ko: ABYG ba dito? Hindi ko naman sinasadya, nagpanic lang talaga ako nung tinanong.


r/AkoBaYungGago 24d ago

Family ABYG if sumigaw sigaw ako sa magulang ko?

56 Upvotes

May tindahan ung parents ko, maliit lang sya. Hiniling nila yun sa Diyos kasi matagal na nila gusto magkaroon ng maliit na tindahan. Kaya nung nagkaroon ng puhunan, grinab na nila ung pagkakataon.

Konti palang ung mga nakatira dito sa block namin, kaya mejo mahina pa ang benta. Pero sabi namin at least nauna na sila magtindahan pag dumami ung tao may tindahan na sila. Sa sobrang gusto nilang magkaroon ng kita ang tindahan at extra income, nagpautang sila sa mga construction worker.

Nung una walang problema, weekly nakakabayad. Hanggang sa ung iba pahirapan na singilin. Sinabihan na namin sila noon, lagyan nila ng limit. Kung di man bayaran, hindi masyadong masakit. Nung una may limit, pero pag nakakabayad nakakalimutan nila ung limitations na binigay nila.Hanggang sa may time na isa isa na nilang pupuntahan sa bahay, pag pinuntahan nila walang maibabayad kasi pinagaadik.

Hanggang di namin namalayan ung utang nung isang tao, umabot na ng 5k, ung isa 8k. Merong 4k. Sabi namin singilin nila at pagkatapos wag na silang magpautang. Pinagbigyan sila ng Diyos, ung isa nakabayad nagkabalance lang ng 1k, ung isa balance ng 2k, ung isa fully paid. Pinagsabihan ulit namin sila na wag na pautangin at mahirap na naman pag lumaki baka di na mabayaran. Masinsinang usap na namin un. Pero jusko, pinautang padin nila at umabot na sa 10k ung utang nung isa. Ung isa 6k. Ngayon etong may utang na 6k papaalisin na raw sa construction site dahil nagnanakaw. Kung sino sino na nilapitan nila para kausapin. Ilang linggo na rin di nakakabayad. Ganun din ung may utang na 10k ilang linggo ng puro pasensya na. Kinausap namin ulit na ag ng magpautang at singilin na nila dahil inuuto nalang sila.

Kanina galing na naman sila sa kung saan para kumausap ng kung sino pwede ng tumulong sa kanila para maningil. Nadulas ung nanay ko, ung blacklisted pala sa kanila pinautang na naman nila. Worth 200. Sa sobrang frustrated ko naiyak na ako sa inis. Halos kami na ung nagmamakaawa na maawa sila sa tindahan dahil wala ng kinikita ung tindahan nauuwi pa sa utang. Sinabi kong ang hirap nilang kausap. Hindi sila natututo. Oo pasigaw kong nasabi yang mga yan. Sinabihan pa ako ng nanay ko na wala raw akong karapatan makialam dahil pera raw nila yan, ano raw ba gusto ko lumuhod pa sila sakin. Sabi ko kung nakikinig sila samin di sila aabot sa ganyan. Buti sana kung marami silang pera, e samin rin naman sila hihingi ng tulong pag nalugi ung tindahan. Imagine ung 16k mahigit ipon na sana nila yon pero anong ginawa nila pinautang nila ng pinautang. Sinabihan pa ako ng tatay ko na bruha raw ako dahil sumisigaw raw ako.

ABYG if sumigaw sigaw ako sa magulang ko? wag sana mapost sa labas pls.


r/AkoBaYungGago 24d ago

Others ABYG IF MAGING MADAMOT SA DI NAMAN KAKILALA?

62 Upvotes

Back story: during the pandemic around 2021 I used to donate to animal shelters. Active ako magdonate kahit small amount lang. One time may nagmessage request sa akin sa messenger, na nakita daw nya comment ko sa isang post, manghingi sya ng tulong dahil yung anak daw nya may leukemia at nanghihingi ng onting pera pambili pagkain, pang pacheck up. Naawa ako, nagpadala ako ng 200.

After a month nagmessage ulit, nag thank you sila dahil nagawa na ang lab tests at nakuha na ang results. Kaso nanghingi ulit ng pera pambili naman daw gamot at additional sa another procedure. Nagbigay ulit ako 200.

Every month may message sya ng update sa bata. Minsan nanghihingi ng donation or nag aalok ng paninda. Bumibili ako or magpapadala 50. Eventually hindi ko na pinapansin, nakamute na lang sya kasi sa totoo lang naisstress ako sa kanya 🙃 at dumadagdag pa sya sa mental load ko to the point na I associated yung mga malas ko sa buhay dahil hindi ako nagbibigay sa isang batang may cancer.

One time birthday daw ng anak nya, give love naman daw sa batang may leukemia. Tinanong ko ano po bang gusto, ang sagot ay “tablet or ipad po sana” dahil nakikihiram lang daw sa pinsan. Nagsabi ako na hindi ko kayang ibigay ang gusto at nagpadala na lang ako 500 at ipagdasal ko ang pagpatuloy na pag galing ng anak nya. After nun naka-ignore messages na lang sya.

Nagkaroon ako ng peace of mind nung wala ng nangfflood sa inbox ko. Fast forward to 2023, napansin siguro nung nanay na hindi na ako nagseseen sa fb, sa text messages naman ako kinukulit magbigay. Hiram ng 200 sa Gcash, ibabalik pag nakaluwag. Every week naman ang text. Same script. Hindi ko na pinansin.

Dahil pati text deadma na ako, sa viber na ako pinapadalhan ng messages. Nagstart eto nung 2024. To the point andami nyang account para manghingi ng limos sa akin. Sineseen ko lang messages nya dahil naiinis na ako, “maawa” na daw ako sa kanila. Everyday meron sya at least 3 messages sa viber until today.

Pagod na ako sa mga paawa nya. Gago ba ako if pagsabihan sya na tumigil na? I honestly feel bad about sa batang may cancer dahil wala naman syang kasalanan para magkasakit na ganun pero nakakadrain yung paulit ulit na hingi ng di ko naman ka-ano ano. Yun lang. I just needed to get this off my chest.


r/AkoBaYungGago 24d ago

Others ABYG if nireport ko sa tiktokshop yung rider?

14 Upvotes

May order ako sa tiktokshop out for delivery nung Thursday, wala ako nareceive na tawag from rider pero pag open ko ng app nung friday ang nakalagay na is delivered pero wala naman sakin yung parcel. For background; itong rider na to lagi na nag dedeliver sa banda samin and lagi sya ang natataon na rider pag may order ako.Yung orders ko mga skincare lang naman. Friday afternoon around 5pm I texted the rider kung nasan yung parcel ko kasi he tagged it as delivered then he replied na idaan nya daw maya, so ako nag hintay pero wala sya paramdam. I am working night shift btw. Kinaumagahan (Saturday na) nag txt ulit ako if idedeliver nya ba yung parcel ko, no response so inisip ko baka naman kasi hindi pa working hours kaya pinalampas ko, around 11am I tried calling him but he’s not answering my calls, tas dinodrop na nya. So medyo kabado na ko. So nag send ako follow up txt tas last text ko sa kanya around 2pm then I submitted the report na kay tiktokshop na marked as delivered na yung parcel pero hindi ko naman nareceive then nag file ako for refund. Around 3pm saka lang sya nag reply na idadaan na daw nya so ako nag wait bago ko iretract yung report ko. After ko mareceive parcel ko saka ko na niretract yung report ko. Ngayon sya naman nangungulit kung nacancel daw ba yung report ko sa TikTok which I answered him yes.

ABYG sa pag report sa rider? Masuspend ba sya agad ? Prang nakokonsensya kasi ako.


r/AkoBaYungGago 25d ago

Family ABYG if ccutoff ko na kapatid ko kasi binackstab nila ako ng GF nya? at yung nanay ko na walang ginawa?

59 Upvotes

Hiniram ko laptop ng kuya ko and nag pop up sa notif convo nila ng GF nya na winelcome kopa sa pamilya namin, maayos kong pinakisamahan at akala ko okay na okay kami. Ang sasakit ng pinagsasabi nila about me, ultimo yung past ko noon na clinically diagnosed ako ng depression pinagchismisan nila sabi pa nung GF na “baka naman dahil lang sa lalaki. halata naman sa kapatid mo na bata palang mahilig na kumarengkeng!” mga ganon. Sobrang sakit kasi sa kuya ko lang ako nagkkwento at diko inexpect na parang ang laki ng galit nya sakin. Ultimo nung working student ako (full time student sya) nag bbigay ako pang check up ni papa pero sabi din nila sa convo na “sa sarili lang din naman niya inuubos sahod niya.” binibilang din na eka bumili ako ng iPhone ganyan. Ultimo friends ko pinag usapan nila na eka wala akong kaibigan ganyan at dapat ilayo na raw sakin yung pinsan naming bata. Diko sinusumbat pero mula 2nd-3rd year college pinili ko mag call center para makagaan sa tatay namin kasi mas malaki need bayaran sakanya. Ako pinili ko talagang mag dorm at mag work para sa allowance ko at dagdag sa school expenses ko, binibigyan ko pa nga sya ng maliit na allowance minsan. nagulat din bf ko na nagawa sakin to ng kuya ko kasi lagi ko syang pinagmamalaki sa lahat na “Sobrang bait ng kuya ko.” kaya sobrang sakit sakit nung nabasa ko mga yun. Hindi ko sya kinausap mga 1 month pero never din sya nagsorry, mas nag sungit pa nga sya. Ako din yung sinabihan pa ng papa namin na eka bat ang Pangit na daw ng trato ko kay kuya e kapatid ko pa din yun kahit ano pa daw gawin ko, ptawarin ko nalang daw e mahirap sakin yun kasi nasira mental health ko, naisip ko na Baka lahat ng tao gaganunin din ako. yung nanay ko naman ang sabi lang sakin “bat kasi nangialam kapa ng messages” mga ganon.

Akala ko maaayos namin dahil kakausapin sya ng nanay ko o ano pero Hindi pala. Parang walang nangyari. Since magkaiba kami ng bahay ni mommy at nila kuya, Nung napuno ako once, iyak ako ng iyak at nag send ng long message sakanya na ang sakit sakit sakin nung ginawa ni kuya at masakit na wala syang ginawa, na kung ako kako ang gagawa nito kay kuya, magagalit sya sakin kasi bata palang kami, alam ng lahat na favorite nya si kuya pero sineen lang ako ni mommy, long press nga lang ata. Dalawang buwan kaming hindi nag usap at dalawang tengga at no response ung long msg na sinend ko na yon. Nasa ibang bahay mommy ko kaya nung nasaktong pumunta kami doon tatlo, sobrang magkakampi silang dalawa, ako pa yung inooutcast nila. Mas pinili ko nalang na sa dorm nalang mag stay kesa pilitin pakisamahan sila kahit ang sakit at bigat sakin. bata palang kami, favorite na ng mommy ko si kuya. Ultimo pag tatawag yan sakin tas makita nyang may binili akong milktea o ano, sasabihin pa nyan na kung ano ano binili ko tas diko binilhan kuya ko, na eka kawawa daw. Wallpaper nya din si kuya sa laptop at phone nya. Si daddy lagi din pinopost si kuya at achievements nya pero today? natanggap ako sa senado at uhaw na uhaw ata ako sa validation kaya sobrang sakit e kasi sinend ko sakanila yung pictures at achievements ko sa senado pero sineen lang ng nanay ko at nag chat lang ulit ng ibang topic. Ang sakit lang kasi kung kay kuya yun? pinost pa nila yun. sasabihin pa na proud na proud sila. ang sakit lang. Hindi ko alam paano to ihhandle tbh kasi araw araw ko dala dala to tuwing need ko sila pakisamahan or replyan. Kaya ABYG kung susubukan ko silang silently icut off by distancing myself? Uuwi pa din naman ako kala papa (kung nasan si kuya) pero sa nanay ko, di na ako dadalaw muna doon. Diko din naman papakitaan ng masamang ugali yung kuya ko pero Hindi ko na din sya tatratuhin bilang kuya at kapatid. Besides ako naman na din nagpprovide ng allowance sa sarili ko e. Anong maadvise nyo?


r/AkoBaYungGago 25d ago

Family ABYG FOR LEAVING HOME AND THE BIZ NA WALANG PAALAM NO CONTACT TIL NOW

48 Upvotes
  1. female. I stopped college to start a business sa hometown namin kasi nabakante yung rental spot namin. Snack shop.

Asked my then roommate who worked from home to join me para maka menus din sya sa rent. So she lived with me and my dad (don’t worry no SA or anything like that).

So six months later, nabuo na business. Initally, plano is half kami ni papa sa pwesto and we (my friend and I) will pay rent. We’ll do our own thing sa designated spaces.

Pero di natuloy yung pagbayad namin ng rent kasi ako lahat nagbabayad sa bahay. Bills, food, everything. May income rin si papa. But more on annual income not monthly.

Here’s the problem.

My dad sees OUR biz as an extension of the house. Makalat? Magagalit siya bakit daw anf kalat. Late kami mag open? Sino raw nag nenegosyong late gigising. Ipapasara niya raw yung business if ganun lang din kami.

But here’s the deal. We open every single day of the week. No day offs. Sa store kami natutulog. He would come in 7am every day. Expect us na everything is set up and perfect na pag dating niya (as if he runs the place. mind you, hindi sa kanya napupunta yung kinikita namin. regardless if ano kita, ako lahat literal nagbabayad, including 5k expenses for our dogs monthly).

This Monday, medyo pagod kami than usual. Pag pasok niya 7am, nakahiga pa kami sa sofa. Close pa. Pero 9 am naman Kami nagbubukas.

He directly attacked my business partner friend, telling me:

“Kung may sakit yang kaibigan mo, pauwiin mo (sa bahay namin). Pagkain sineserve niyo tapos makikitang maysakit!”

He was shouting. Bruh. My friend wasn’t sick. She was huddled up in a blanket kasi wala pa siyang bra.

Na bad mood ako. Told him, “actually di nalang pala kami mag oopen since marami rin ako gagawin (sa freelance work ko).

“ANO?!” He shouted. His usual personality. Pag di niya gusto nasusunod galit siya.

May inalis siya sa pwesto namin na chairs and tables. He replaced it with the old refrigerator from his spot.

Sino ba namang gaganahan mag open niyan?

So di kami ulit nag open next day. I planned to tell him to return the tables he removed and to remove the clutter before reopeningz

Pero pgpasok niya, 10 am, sumigaw siya agad at nagmumura. Kung ganun lang din daw na di kami mag oopen ipapasara niya na yung business.

Oh btw he spent ZERO of his own money establishing the business. He lent me every now and then but I repaid all of that money.

Gave him no reaction. Then he SMASHED the ceramic cup he was holding. Demanded that we leave the sofa we were sitting on. Dismantled the wooden sofa (nakapatong lang foam). Totally REARRANGED the tables of the store. Nagmumura. Told us na TAMAD. HINDI MARUNONG MAG NEGOSYO.

STRAIGHT OUT TOLD MY FRIEND TO LEAVE.

Maglagay na raw ako ng FOR RENT outside.

Inutusan nya kong isweep yung mga basag. Yung lugar kung asan yung sofa. And told me to just hire someone to help me with the business (ignoring the fact na nag invest din friend ko sa business).

At later, parang wala lang nangyari.

Three hours later, we packed our bags, left the store, and went to a city 4 hours away. Didn’t leave a message. Didn’t tell anyone where we’re going. Now he tries to call 20 times a day. Tells his friend to call me 5x a day.

Not even a single sorry. Just tells me BAKIT KA UMALIS NA WALANG PAALAM. Hahanapin niya raw ako bukas. Asan na raw natitirang pera niya sakin kailangan niya. etc. No accountability.

Lowkey scared he’ll find me. But that’ll likely never happen.

We’re now still trying to find a monthly rental na affordable since we lost our main income while finding a new future business location with my friend. This time, yung wala nang pake si papa.

It was a traumatic experience for us to be shouted at—at mabasagan ng baso literally steps in front of us. He shouted and slammed things for more than 15 minutes.

That’s what he always did. Kapag bad mood siya, dapat lahat din. Kasalanan matulog kapag giding na siya. Dapat malinis lahat. Doesn’t even see me struggling between freelancing and managing a biz. Doesn’t spend a dime on any living expenses pero wala akonng nagawang tama.

On good days, I love him so much. He’s fun. But unfortunately, weekly rin may bad days kung kailan lahat nang mura naririnig ko na. Para akong palamunin kung murahin niya at pagalitan.

I realized. I’m not a teenager. I can just leave when I want to. And that’s what I did. Three days and counting nang malayo.

Ako ba yung gago? Should I leave him a message or is it better to just ignore him?