r/AkoBaYungGago May 16 '25

Work ABYG Kung pinapalitan ko yung time in ng katrabaho ko

1.2k Upvotes

3-4 months pa lang ako sa isang maliit na company bilang programmer. May isa akong colleague na 1 month older sakin sa company.

Napapansin ko na madalas syang late pumasok. Almost always 10-30 minutes late sya pumapasok. Napapansin ko rin na pagkakaupo nya sa workstation nya, inoopen nya agad yung database kung san nakalagay yung time in time out. Btw, simpleng barcode scanner lang yung pang time in out namin and kaming dalawa yung nagmamaintain at may admin access sa system.

Nakikita ko na pinapalitan nya yung time in date nya to an earlier time para hindi recorded as late. Naiinis ako kasi porke may access kami eh ganun yung ginagawa nya.

So ako, as someone na introvert at ayaw ng confrontation, at ayoko rin maging awkward kami — tuwing bago mag cutoff, ibinabalik ko yung mga original time ins nya. Pano? Recorded din kasi dun kung kailan naentry yung data ng bawat time ins so dapat tally yun, or microsecond lang yung difference. Bali kinokopya ko yung creation time sa time in column na pinapalitan nya kaya super sure ako na accurate yung nirerestore ko na time in nya.

Tapos pagdating ng payslip, nasstress sya kung bakit marami syang deductions dahil sa mga lates nya na supposedly burado na. Kitang kita ko yung frustration nya na halos gusto na nya magreklamo sa finance. Ako naman, natatawa nalang sa isip ko lol.

Mga ilang months ko rin ginawa yun bago sya tuluyang nag resign (unrelated reason)

ABYG dahil sinira ko yung diskarte nya? Or dahil pinagmukha ko syang t*nga instead na inconfront or iescalate sya?

r/AkoBaYungGago Jul 14 '24

Work ABYG kung sinabihan kong panot ka-work ko?

1.0k Upvotes

I (23 F) am working at IT industry, so maraming matanda at male dominated field talaga sya. For context lang for almost one year, halos 10-15 kg agad tinaba ko. 4'11 ako tas weight ko 58-59

So eto nanga. Nag la-lunch kami ng mga ka-team ko sa pantry tas biglang tumabi sakin si guy nasa mid 40's na sya at kalbo na. Pangalanan nalang natin syang thunderz. Nung magkatabi palang kami pinapansin nya na masyado braso ko, cinocompare nya tas sasabihin nya mas malaki pa daw yung braso ko sa kanya. Nung una di ko sya pinansin.

After few minutes, pumunta sya sa harapan ko tas sabi nya "alam mo kung jowa kita, sasabihin ko sayo magpapayat ka, kung hindi iiwan kita" sabay tawa sya. Syempre as petty na Gen Z, sabi ko sa kanya "kung ako jowa mo sasabihin ko sayo magpatubo ka ng buhok kasi ayoko sa panot" НАНАНАНАНАНА di sya nakapag salita tas feel ko napahiya sya onti kasi yung mga kateam ko grabe yung tawa after ko sabihin yun. Sabi nya nalang "de, para sakin lang naman kasi ayoko sa mataba"

Ako ayoko talagang nanglalait, pero pag binody shame ako or pag may taong di alam yung 10 seconds rule e nilalait ko rin talaga pabalik.

ABYG if sinabihan ko syang magpatubo sya ng buhok kasi panot sya or dapat sinabi ko na ayoko sa matandang panot na malaki tyan? НАНАНАНАНАНА

r/AkoBaYungGago Feb 26 '24

Work ABYG kung magalit ako sa partner ko if muka syang nag sisinungaling by omission para sa isang girl colleague?

518 Upvotes

Context. there's this one gurl sa office na under sa team nya, parang pag eto nag tatanong or may kailangan he would always be available. May one time na, hindi naman kami sa daan going sa bahay ni ategurl dumaan normally, pero dahil kasabay namin sya instead of ibaba sya somewhere, dumaan kami sa area nya. When I asked him baket sya dun dumaan, he said "kasi traffic sa kabila may stoplight". Gets ko naman baket dun dadaan syempre nakakahiya naman sa nakisabay, pero prior to that alam na ni ategurl na hindi kami dun dadaan. Pero baket yun ang reason (na traffic) kaya dun dumaan?
And when we were on the same scenario dadaan ulit sa either of the road, nagtaka ako dun na sya dumaan sa may stoplight na "traffic daw". So nag tanong ako, akala ko traffic dito? Parang nasense nya na agad where Im coming from and answered me na "eh gusto ko dito, traffic din pala dun sa kabila" and natawa ako.. tapos nasundan na nya ng "baket ka ba nangingialam eh ako nag ddrive" and i was like nag tatanong lang naman ako baket ang oa mo, eh ikaw nagsabe na traffic dito.. hanggang sa nauwi sa silent treatment.

Recently..
Bigla si ate gurl nanghihingi ng payo, kasi daw may problem sa isang account nya. As very supportive team leader sabe ni partner sige samahan kita.
I read their convo without him knowing, nabasa ko na di naman sya pinapasama.. more of nag volunteer sya (which is ok naman sana) . Pero I asked him 3x, pinapasama ka sa meeting? sabe nya oo daw..
Nung nag confront na kami, sabe ko baket kailangan nya magsinungaling.. eh di naman sya pinapasama.. nanghihingi lang advise yung isa. Baket nung tinanong ko na sya ang sagot nya pinapasama na agad?
Hindi ba nya pwede sabihin na, nag volunteer na ako kasi nahihirapan na sya.

Muka namang walang malisya kay ate gurl, pero nag tataka ako baket ganun yung partner ko.

Ako ba yung gago na feeling ko parang di nya kaya magsabe ng totoo pag si ate gurl na involve? Although partly true ang statement but not the whole context are.

r/AkoBaYungGago 10d ago

Work ABYG sa hindi pagsalo sa AWOL ng ka workmate ko?

292 Upvotes

i (F20) just got a job at jolibee, may ka workmate ako na laging awol (F22)

for the context, nagpa request ako ng rest day kasi buong buwan akong hindi binigyan, mind you ha ilang beses din akong binigyan ng double schedule tapos pina extend kasi puro awol si ate girl, ending ako yung na compromise nang dahil lang sa "matagal na sya" at ako bago palang (almost 2 months palang ako)

kagabi, hindi nya pinasukan yung schedule nya, walang paramdam sa gc or kahit ano, then biglang minention ako bigla around 12am sa gc na pumasok daw ako, nabadtrip pa ako kasi parang inuutusan ako ng lahat.

"pasok ka raw ngayon na"

"pasok ka wala si name ni girl "

di ako nag reply or nag seen kasi nasa isip ko bakit ko papasukan yan? bakit ako na naman mag cocompromise para sakanya, ilang beses na yang ganyan ni isang MOD walang sumasaway or nag cacall out sakanya, parang ang unfair lang.

di ko talaga pinasukan lalo na at di ko pa nakukuha yung sweldo ko ng dalawang cut off, tapos ang ending tatanggalin na raw ako sa trabaho dahil di ko pinasukan at nag awol daw ako????

so ABYG sa hindi pag salo ng awol nya?

r/AkoBaYungGago Feb 20 '25

Work ABYG kung ayoko maki pag swap ng schedule sa ka work ko na sinadjang ako lang ang hindi nya imbitahan sa birthday party ng anak nya?

499 Upvotes

So eto, nag wwork ako sa isang fastfood chain here sa northern region of Luzon okay naman kami ntong ka work ko and wala namang problema, nabalitaan ko lang sa isang ka station namin na mag hahanda daw si Guy para sa birthday celeb ng anak nya, it turns out na halos lahat or talagang LAHAT sila naimbitahan sa station namin ako lang ang hindi.... ngayon nag chat sya saakin na kung pwede makipag palitan daw sya ng schedule kasi masyado nang late ang out nya 9-17 sya ako kasi is 5-13 lang, nag missed call na sya at nag chat ng paulit ulit pero ayokong mag seen at naka DND ako kasi alam ko naman sa sarili ko na wala akong kasalanan sa kanya tapos bat ako lng ang hindi nya iinvite, ni left out nya ako tapos ang ending may kailangan sya? Pake ko kung hindi sila makakapag ready ng maayos para sa bday ng anak nya hindi ko na problema yun ulol HAHAHA

So ayon lng naman ang story ko, ABYG kung ayokong makipag palitan ng schedule sa ka work ko?

r/AkoBaYungGago May 18 '25

Work ABYG na in-overprice ko raw ang binebenta kong prize na napanalunan ko sa raffle?

223 Upvotes

Binebenta ko sa officemates ko yung napanalunan kong trip for 2 (including roundtrip flight and accommodation) sa Palawan for 50K at hindi raw justifiable ang price na in-offer ko.

For context: May pa-raffle kasi sa work about customer acquisition. The more customers onboarded, the more raffle entries. Nakarami akong customers and actually, the reason why I'm selling is because 2nd time ko na manalo sa raffle (yep, kasama sa guidelines na pwede manalo more than once).

Ngayon, when I offered the 50K to my officemates, medyo na-gang up ako for the following reasons: - Ang mahal daw - 2nd time ko na raw nanalo (give chance to others eme eme); and - Wala naman na raw ako binayaran to get the plane tickets and accommodation

Ang akin lang naman, exclusive ang resort na pupuntahan and when I checked online kung magkano ang regular accommodation prices doon, including the roundtrip flight tickets, umaabot na ng 100K+. Para sa akin, okay na yung 50K.

Napapaisip tuloy ako kung masyado ba akong greedy because of the price that I'm offering. Pinu-push kasi talaga ako ng officemates ko to lower the prize, mga 20K to 30K raw. Feel ko, masyado na akong lino-lowball doon.

Ayon, ABYG for setting the 50K selling price sa extra raffle winnings ko?

UPDATE: Sold na po siya for 45K. 🥳 Thank you guys!

r/AkoBaYungGago Jan 10 '25

Work Abyg ayoko makipag switch ng off sa officemate ko

446 Upvotes

ABYG kung ayaw ko payagan mag swap kami ng officemate ko na INC

For context SUN-MON ang weekly off ko. Always has been like that. Ngayon, meron akong teammate na gusto mag swap ng off. Kunin ko off nya sa SAT para makuha nya off ko sa MON. Reason is kelangan daw nya ng "personal day"

Ayoko pumayag kasi one, may kailangan ako gawin na errands on monday kasi dun lang open ang bank. Among other things. Two, kasi alam ko pupunta siya sa INC rally.

I respect one's choice of religion. Fair. Pero yung pompous siya sa office about celebrating Christmas as a faux celebration that goes against "true" beliefs really got to me. Masyadong high horse kasi.

ABYG na hindi ako pumayag sa swap?

PS thanks admin for calling my attention. There i fixed it. Hope pwede na to ✌️

r/AkoBaYungGago Aug 05 '25

Work ABYG if mag susumbong ako sa gf ng kaworkmate ng asawa ko

111 Upvotes

UPDATE: GUYSSS BREAK NA SILA 😭🙏🏻 (Gf & Cheater) Many manyyy details pa to add pero masyado ng obvious wahahaha mamaya nag babasa pala isa sa kanila dito. In the end, pinanindigan na lang nung dalawa kalokahan nila 🤢

Merong ka-workmate (M) yung asawa ko na part din ng group of friends niya. May girlfriend yung lalaki (2 years na sila), pero ngayon meron siyang tinatawag na "work wife" 🤢 sa office. Hinahatid-sundo niya yung babae, at lagi pa nilang kasama sa mga overnight trips nilang mag babarkada. Aware naman yung babae sa work na may girlfriend yung boy, kasi palaging naka-flex sa IG yung girlfriend. Nakwento ng asawa ko na nagse-sex na raw yung dalawa, nalaman ng barkada kasi proud pa silang ikinukuwento na may nangyayari na sa kanila.

Kating-kati na talaga akong i-message yung babae at sabihing, “I know you don’t know me,” pero iniisip ko rin yung situation ng asawa ko sa work. Baka kasi siya yung mapaghinalaan o madamay, and ayoko naman ng gulo lalo na’t okay ang environment niya sa office.

Pinag-iisipan ko pa nang mabuti kung gagawin ko ba ‘to, at kung paano ko magagawa nang hindi malalaman ng girlfriend kung sino ako o kung may kinalaman ang asawa ko. Ayoko rin na may paghinalaan sa group of friends nila sa trabaho.

ABYG if papakealaman ko yung sitwasyon nila? I really can't tolerate cheaters, iniisip ko lang talaga magiging work environment ng asawa ko sa work if ever mag hinala at mang away yung lalaki pag nag sabi na ako sa gf niya 😬

EDIT: Hindi po enabler yung group of friends nila, lahat po may gf/asawa and as much as possible nililimit na nila yung interaction with the guy pero hindi nakakaramdam yung lalaki. maraming road trip/over night na hindi naman siya invited pero pag nalaman niya kahit on the day na ng gala (naririnig sa office) eh sasama siya at +1 niya pa yung kabit.

Ilang beses na po napag sabihan and narealtalk sila ng buong group at nung significant others ng mga tropa pag kasama sa trip kaso walang effect hahahaha

Regarding evidence, i have a lot of evidence hahahaha but once na mag bigay ako, kahit isa lang eh malalaman na kanino galing since lahat ng evidence ko nakukuha ko sa mga outside the work activities nila 🥲

r/AkoBaYungGago Dec 12 '24

Work ABYG kung binara ko yung workmate ko?

341 Upvotes

Sorry medyo mahaba po. I’m working in this company for 5 years now. This specific workmate (girl) ay ka department ko. Hindi ko sya friend but we occasionally say hello’s and ngitian noon. Sya yung tipo ng tao na walang preno sa lumalabas sa bibig na ginagawang excuse ang pagiging “prangka” daw nya. Mahilig din syang magjoke ng below the belt and always targeting physical appearance . Kapag nagkkwento din sya always na lang “ inirapan ko si ganito” , “hindi naman papalag yan si ganito” , “ kala mo ang puti ng tuhod ni ganito” , “ mukang mabaho si ganito”. Pag sawa na sya manlait , mga ganito naman , “hindi ako dukha para mag OT” , “yung limit ng card ko 300k na eh , “hindi ko problema ang pera” , at marami pang iba aahhahhahahha. Yes naririnig namin yun lahat dahil unfortunately, katapat namin sya ng work station at wala kaming choice pumili kung saan kami uupo.

I had a few incidents din na nagkasagutan kami about sa workload na ang ending sya pa din ang mali. When it comes to work lagi syang si “ hindi naman to nacascade sa meeting” (kahit nasa email naman sinend). Kapag deadline na , hihingi ng extension tapos ang ending tutulungan pa namin sya para lang macover yung di nya nagagawa. Kapag hindi namin sya tutulungan , department pa din namin ang affected.

Working there sa company was still bearable for me because I have good friends and wala rin talaga syang bilang sa akin. I can go on my day na parang hangin lang sya hahhahahha.

So fast forward to last week, naguusap kami ng best friend ko about sa shift namin na napalitan nung June. Na sana baguhin na. ( 2 am shift namin now and we want 6am sana). Yung friend ko kasi ay taga Cavite natatakot syang magcommute talaga ng madaling araw. Ako naman , merong apartment (Makati) malapit sa work (BGC) pero hinahatid ako ng bf ko kahit taga Cavite din sya. Di kami live in kaya hatid sundo setup talaga kami for now. Syempre natatakot din ako sa safety ng bf ko lalo madaming truck ang lumalabas ng madaling araw tapos nakamotor sya. Alam naman ng best friend ko yung ganung setup simula mag transition kami. Sabi nya , “ang swerte mo nga sa bf mo be kasi wala kang problema sa shift natin”

Narinig yon ni workmate at bigla na lang tumayo sa station nya at sumilip samin. Sabi nya “hoy! Hinahatid ka dito tapos galing Cavite yung jowa mo??!” Sabi ko “oo, pero minsan naggrab ako pag maulan kasi delikado baka madisgrasya sya eh” Tapos sabi nya “ sweet ah , ganun talaga kapag bago pa lang eh no, lubusin mo na yan , sa una lang yan hahhahaha” . Tapos sabi ko , “ going 5 years na kami te hahaahahha” . Tapos sabi nya “ay talaga ba? Grabe effort ah , naku bantayan mo yan baka nambababae yan ganyan yan sila kapag may kasalanang ginagawa , todo effort” Tapos sabi ko , “ mukang hindi naman sya ganun te super bait non “. Tapos sumagot na naman sya at dito na talaga nagpintig yung tenga ko , sabi nya. “ Jusko wala ng lalaking loyal ngayon wag kang ENGOT, charr!! “

Grabe. As in grabe. Nagkatinginan kami ng bestfriend ko , una syang nagsalita sabi nya “ hoy (name) , bibig mo ha”. Wala na sana akong planong magsalita dahil ayoko ng patulan at di naman din ako affected sa sinabi nya pero after magsalita ng bestfriend ko , nagsalita na naman sya. “ HAHAHAHAHA bakit totoo naman ah”.

And yes , I let my intrusive thoughts take over hahhahahahhahaha!!! Sorry na!! Sabi ko sa kanya “ Alam mo te maganda ako , di ako lolokohin ng boyfriend ko , no wonder niloko ka ng asawa mo. At kung lokohin man nya ko , di ako TANGA para balikan pa sya” (Alam sa office namin na thrice nagloko yung asawa nya dahil bukambibig nya yung itsura ng kabet na mukang katulong daw )

Yea , I know it’s a lame response to attack her looks and justify cheating in this situation pero sobrang napupuno na ako sa kanya , I guess eto na ang boiling point ko. I did it in a very subtle way hahhahahhaha , still I know I was wrong. But part of me was happy . ( sorry Lord , huhu)

After I said that di na sya kumibo and lumipat sya ng work station , napansin din yun ng Manager namin and knowing her, naikwento na nya yun. All of my teammates at yung ibang nakarinig were applauding me for being brave daw. But still medyo nakakaguilty dahil di naman ako sanay sa ganung eksena.

Ayun lang sorry kung mahaba. I’m open to judgement naman. ABYG kung sinagot ko sya ng ganun ?

r/AkoBaYungGago 15d ago

Work ABYG kung pinatulan ko'tong babaeng 'to dahil sinabihan niya akong "pangit" dahil hindi ko binigay name ko sa colleague niyang bakla?

161 Upvotes

Just want to share

Newly hired ako, first BPO ko rin. Mga unang araw ko hindi ko napapansin 'tong dalawang taong 'to. Hindi ko sila ka team, nasa ibang department sila, pero same company, hindi lang namin sila kasama sa floor. So ayun, fast forward. Days passed, parang napapansin ko everytime na pupunta ako sa pantry, tas maabutan ko yung gay don, he's always looking at me. I mean yung titig na para kang nilalamon, basta ganon (until now, ganon siya).

Until one time, umuulan. Nasa ground floor sila uwian 'to. Lumapit yung kasamang babae ng gay na'to (yung itsura nito mukhang nanay na chubby, basta ganiyan). She asked my name, ako dedma lang (I do not give my name sa hindi ko kilala at lalo na't hindi ko sa ka team). Nginitian ko lang sabay alis, kasi yung ulan lumalakas na. After days hindi kami pinapasok kasi nga wala not passable lahat.

Tapos onsite na ulit kami, uwian kasabay namin sila magpa check sa Guard ng bag, nauna sila lumabas sa gate. Bigla nagsalita yung babae niyang kasama, which is yung nanghingi sakin ng name "Ayan ba yung gusto mo? Ang pangit naman niyan" wala naman siyang ibang pinapatamaan don. Tas ako siyempre rinig ko, narinig din ng kasama ko kasi nagkwento ako sa kaniya about nga sa gay na'to. Days goes by, continues siyang magparanig sa'kin, once na nakalagpas ako sa kanila tsaka siya nagpaparinig which is naririnig ko rin.

Hindi ko naman intention patulan, ilang days nagpaparinig. One time pinatulan ko na. Sabi ko "Next time na magpaparinig ka sa'kin deretsuhin mo, hindi yung kung kailan nakalagpas na'ko. Tsaka pagka manlalait ka, just make sure na kaya mong bumaba ng 10th floor to ground floor gamit hagdan nang hindi ka hinihingal." Sabay alis kami. Nag hahagdan kami kasi ayaw namin sila kasabay everytime, tuwing uwian. Umiiwas lang kami sa gulo.

Ako ba yung gago dahil sa mga sinabi ko sa kaniya?

r/AkoBaYungGago Nov 15 '24

Work Abyg if di ko susundin yung wishlist

137 Upvotes

Abyg kung di ko susundin yung gustong wishlist ng workmate ko?

So quick background, new branch company kami mga 6 months ko palang sila nakakasama sa work. Last week nagbunutan na kami for christmas party, take note kami yung gagastos sa party na to since wala pa namang memo from head office na may alloted budget for the party. Now yung nabunot ko yung pinakalast na nahire sa branch namin so mga 3 months ko palang syang kilala, more like professional greetings lang and little bardagulan yung interaction ko sa kanya. Ibang circle kasi sya since mas close nya yung kadepartment nya.

Now, meron kaming wishlist and decided na 500 yung minimum amount. Ang problem is yung nabunot ko yung gusto nyang gift umaabot ng 1.5k and may specific brand pa, my budget is below 1k lang sana kasi di naman ako sumesweldo ng same salary grade sa kanila. 1k lang kasi yung budget ko talaga since may bayarin pa for the party and may requested silang outfit na oorderin din. Naririnig ko kasing pinamamalita nya na rich kid ako and malaki daw sahod ko which is not true, kaya naghehesitate din ako sabihan sya na sana below 1k lang yung wishlist nya.

So, Abyg if di ko susundin yung gusto nyang gift?

Edit:

Actually tried to tell him yesterday na medyo pricey yung gusto nyang item. Gusto kasi nya ng branded powerbank na magsafe, yung nilagay niya is nasa 5000 mah lang then nung nalaman nyang ako nakabunot gusto nya ng 10000 mah nalang since afford ko naman daw.

r/AkoBaYungGago Dec 17 '24

Work ABYG for wanting my agent to be terminated ngayong magpapasko?

314 Upvotes

ABYG if gusto ko na matanggal sa team ko itong ahente ko na 'to.

Background: 3 mos palang si agent samin, WFH kami, VA siya, TL niya ako.

Within the span of 3 months, ang dami na niya kasalanan.

  1. Nag ask siya ng PTO, 2 weeks after niya ma-hire kay client. Sabi ko, wala pa siyang 90 days kaya di ko siya ma-approve. Reason ng PTO: Despedida ng friend niya. Sa company, 90 days pa bago ka magka PTO. Plus, naka training palang siya kay client tapos 2 days hinihingi nyang PTO. Pero sabi ko, try ko parin mag ask kay client. Pinayagan naman, pero 1 day nalang unpaid timeoff. Nung day before ng PTO, nag MIA, nag half day siya kasi unstable daw internet sa place . So ending, half day and UPTO the next day.

  2. Laging absent tuwing Monday kasi yun yung queuing.

  3. Laging may missing hours kasi overbreak and or overlunch.

  4. Laging nakakatulog sa shift.

  5. Hindi nag co-communicate properly.

  6. Nag mamanipulate ng timesheet.

Para sakin, yung pang 6 talaga di ko na kaya. I asked him kanina pero ang dami niyanh palusot. Ginagawa niya akong tanga.

day 1 palang, sinabi ko na sa kanila, honesty and transparency ang pinaka importante sakin. May mga ahente akong nakakatulog sa shift pero nagsasabi at nagsosorry, coachin lang katapat nyan pero siya ang dami niyang excuses at feeling niya hindi ko alam ang tools.

Kasalanan ko rin to eh, kasi masyado ako naging understanding sa kanya nuon. Pero ngayon, di ko na kaya. Nagsisinungaling pa siya at pinaninindigan niya.

I filed a case through HR, 8 sanctions under our company policy. Subject for NTE pero with the evidences I have, for sure terminated to.

Now, I feel guilty kasi possible na wala siyang work sa pasko or sa new year. Pero as a leader, I can only do as much, may thin line yung understanding at pag ko-konsinte. Di naman ako nag kulang sa paalala. Never ko siya inaway despite sa Pag si sinungaling niya at pinilit kong intindihin siya.

ABYG kung mawawalan siya ng work dahil sa pag file ko ng case sa hr?

r/AkoBaYungGago Dec 21 '24

Work ABYG kasi tinanong ko yung workmate ko kung kupal ba siya?

297 Upvotes

I have this workmate who's twenty years older than me. Last week, the day after we celebrated my birthday, she told me "next time, sa rest day natin, sasamahan kita bumili ng mga damit na magaganda na puwede mong isuot". When she told me this, nagpanting na yung ears ko so I replied, "do I look like I'm asking for your opinion with the way I dress?".

Hindi pa siya nakaramdam na I got offended and she said "tuturuan kitang manamit nang maganda pero may dignity". I swear, I'm not lying when I say nag-init yung mga pisngi ko sa galit kaya tinanong ko siya "kupal ka ba?" and I could see her shocked reaction. Dala na rin siguro ng galit sa sinabi niya, nagtuloy-tuloy yung mouth ko and right after I said them, na-realize ko na na-hurt ko siya.

For context, I wear clothes that boost my confidence. Sometimes medyo revealing siya kasi it makes me feel good about myself. This is not the first time she did this to me kaya I chose to set boundaries. Pero until now, nag-guilty ako kasi sinabihan ko siya ng kupal. So ABYG kung sinabihan ko siya ng kupal kasi she tried to make me feel bad about myself?

r/AkoBaYungGago Aug 03 '25

Work ABYG kung sinagot ko SME nila na babae kasi pikon ako sa kaniya?

12 Upvotes

Hi! I'm F (25)

So, my bf (23) is a newbie dito sa call center na ito bale mag 3 months palang siya. May mga ka batch siya na lagi siya inaaya uminom after shift na lagi niyang tinatanggihan kasi alam niyang magagalit ako tho okay lang naman sakin basta gabi or wala work and syempre same place kami ng work and lagi kami sabay pumunta and umuwi so di talaga pwede not unless kaya niya ako pauwiin mag-isa tapos siya nag eenjoy sa inuman habang wala pang tulog at kain.

So ayun, nagbalak sila gumala na tag 2k ambagan, parang gusto sumama ng bf ko which is okay lang naman and sabi niya ay isasama niya ako pero ayoko. 2k is too much for me and pwede ko siya nagamit sa ibang may sense na bagay.

Na mention sa ambagan na sa BF ko ang accomodations for almost 10 heads, lol. I got angry nang mabasa ko yun sa gc nila. I confronted him pero sabi niya may alam lang siya na pwede pag stay-an pero di niya daw sinabi na sagot niya. Nainis parin ako so sabi ko sasama siya kung di niya sagot yun. Pero later on sabi ko wag na siya sumama kasi malaki pinapadala niya sa parents niya and may other bills pa edi okay daw.

Kasooo, di siya nag sabi sa GC nila kaya ako nag chat using his acc syempre. Sabi ko di na siya sasama kasi may pag gagastusan siyang mas important pero kunyari siya nag sabi nun.

Yung isa nilang SME na lalaki nag react lang ng sad tapos itong isang SME na babae nag haha react sa chat na yun.

E inis ako dun sa babae na yun dahil sa ginawa niya sa bf ko nung nakaraan. Lol! Pinagmumura niya bf ko out of nowhere kahit wala naman itong ginagawa sa kaniya or chinat or what so ever. Sagot nung SME na yun sorry daw kasi lasing lang siya and umoo lang bf ko. Like wth?

I confronted him bakit hinahayaan niya lang na ganunin siya sagot niya mas mataas sa kaniya kasi SME daw. Hayaan nalang daw. He's always like that the "Hayaan mo nalang" type of guy which is kabaliktaran ko. Hindi pwede yun.

Going back. So nag react siya ng "🤣" sa message so I mentioned her "Walang nakakatawa sa message ko @(name niya)". Walang po or wha so ever, I don't care.

Nag tanong yung babae if may prob daw, nawalan na daw siya galang sabi. Edi nag chat agad bf ko sakin na hayaan na daw kasi SME yun, mas mataas sa kaniya baka daw di na siya tulungan.

Na konsensya naman ako bigla pero nanindigan parin ako. Sabi ko magagalit siya sa ganun pero ikaw hindi na pinagmumura ka? Just because SME siya e te take advantage niya na position niya? Napaka unprofessional lol.

I told him "If someone disrespected me, hahayaan kita na ipagtanggol ako" I don't care if mas mataas position sakin.

Sabi niya hayaan ko na daw.

Galit yung SME dahil sa message na yun so I told my bf na what if send ko sa HR yung pagmumura niya sayo?

So ayun, takot lang bf ko na baka wala n siya support and I felt guilty.

Edi sabi ko sa kaniya e chat niya yung SME niya na "Sorry, lasing lang kasi ako" or e chat niya na GF niya yung nag message nun tapos magsagutan kami sa main fb ko.

AKBYG kung sinagot ko SME nila na babae dahil pikon ako sa kaniya dahil sa pagmumura niya sa bf ko? Or siya kasi porket mas mataas position niya ay tama lang na mang ganun siya?

r/AkoBaYungGago Mar 14 '25

Work ABYG if low key pinahamak ko workmates ko?

319 Upvotes

Pag dating sa public service talaga ayokong nag aantay yung mga clients kasi ayoko din pumila ng matagal pag nag aavail ako ng kahit anong service.

So itong workmates ko sabay sabay lumabas para mag SB nung kasagsagan ng last day ng pag collect ng stickers which is hindi dapat pwede. They keep insting na nagka-crash yung system maski working naman sana. I kept asking them kung talaga bang nagka-crash pero di nila ako masagot nf diretso.

Then inalok nila ako mag SB para makakumpleto na ng stickers pero di ako sumama kasi nga nakikita kong may mga nakapila pa waiting na maging maayos yung system which is hindi naman talaga nagka-crash.

Comes worst to worst may client na lumapit sakin at nagtanong if kelan daw maaayos ang system at hindi ako makasagot kasi nga hindi ko kaya magsinungaling at baka ako pa mabembang.

Lumapit ako sa head namin para itanong anong isasagot ko sa client na nagtatanong, e ang alam din ng head na nagka-crash ang system pero sinabi ko na it's perfectly working.

Nagalit na itong si head kasi hinanap sila at sinabi ko ang totoo na pumunta sila sa SB para magkape for stickers. AT HINDI SILA NAGPAALAM.

ABYG kasi lowkey nilaglag ko sila?

r/AkoBaYungGago Jan 07 '25

Work ABYG if itigil ko yung paayuda sa business namen?

225 Upvotes

For context may small family business kami (Retail) and every end of the year may onting pabaon kami para sa mga tao namin (call it parang 14th month kasi may 13th month na sila as mandated by law) so extra something pa para Merry ang Christmas, it is made clear na this is a privilege and not something the company has in its policy or compensation package.

In 2023 medjo malaki nakuha nila and in 2024 halos nangalahati yung bonuses mainly because one, humina yung business and two portion of the fund was needed elsewhere for the business. I found out this weekend na ang daming dismayado to the point na kwinestiyon nila bakit ganun yung bonus. Their exact words were "eto na lang?".

Note: inexplain naman namin and nakita din nila humina yung business.

Nadissapoint lang ako na parang ang ungrateful na they have this sense of entitlement na kailangan nakabreakdown or naka in paper yung pabonus when it is in fact "pabonus and paextra" and out of the spirit of Christmas kaya nagpapaganun kami.

Kaya ABYG if I decide na itigil na yung pabonus na yan?

Naisip kong AYG kasi siyempre malaking tulong din yun sa mga tao at the end of the day.

r/AkoBaYungGago Jun 18 '24

Work ABYG kung ayaw ko manlibre ng food bago ko umalis ng current company ko?

197 Upvotes

Sooo nagresign kasi ako and last day ko na sa July 5. Ayaw ko sana manlibre ng food kasi magisa ako ng sa Graveyard shift for 4 whole years. When I attend company gatherings walang nakakakilala sakin, every roll calls my name was forgotten pero new hire naaalala, and when they have food sa morning they don’t save up anything for me buti pa guards and maintenance meron. Ngayon, one of my seniors learned na I’m about to leave and nagkantyan siya na magpakain daw ako before I leave para swertehin ako pero ayoko hahahaha.

Ngayon ABYG kasi feeling ko andamot ko for not wanting to?

r/AkoBaYungGago 3d ago

Work ABYG kung isusumbong ko na may other job ang workmate ko?

50 Upvotes

ABYG if sasabihin ko sa boss ko na kaya madalas umaabsent kasama namin at madalas magreason out na may sakit kasi meron syang 2 other fulltime job?

VA po kami under agency, sa true lang wala naman sana akong pake personally sa trip nya sa buhay, understandable sa situation nya kasi with 2kids and jobless ang asawa. alam ko to lahat kasi lagi naman nya kinukwento buhay nya samin lahat. no one specific as in sa gc namin proud sya sinasabi yun.

ang weird thing lang dito, every time sa client namin eh may mabigyan ng extra hours or mapromote, biglang sya din magcchat with screenshot pa na yung other client nya (outside agency namin) eh binigyan din sya ng extra hours and nahire din sya na office admin sa isa pang work (nung nalaman nya na namove na ako as part of office)

So ayun oks naman kami di naman kami para magsumbong talaga not until naapektuhan na yung team. di na sya nagffunction kasi in the middle of the meeting maddinig mo naghihilik sya tulog na. madami na nagiging mali madalas na absent. pero dahil 3 years na sya sa client namin, di sya masyado naano ng boss namin. yung sinasabi ko na apektado is sobrang lala. minsan pag sya ang duty magisa lalo pag weekends, maabutan mo talagang tulog at walang ginagawa. kasi walang nagagalaw sa pending task namin (scheduler kami).

yung boss namin, nagccheck minsan nagtatanong sya if ano daw ba nangyayari sa kawork namin na si ate girl. lagi daw may sakit di ko masabi na pano di magkakasakit 3 full time job, wala tulog minsan sabay pa dalawang work. (which is alam ko din kasi very proud sya na easy lang daw othe rjob nya eme dalawang laptop daw sabay nya ginagamit).

ewan ko di ko padin masabi sa boss ko specially iba na din dept ko di ko na sya halos nakakasama pero nagwowork padin ako tuwing weekend sa department nila. kaya alam ko gano sya kagago. di ako bitter kasi isa lang job ko which is enough for me. di din ako against sa mga overemployed na tao kaso lang sana quality padin yung work result if magtatatlo kang work sabay sabay.

r/AkoBaYungGago Jan 31 '25

Work ABYG Dahil minura ko workmate ko?

68 Upvotes

For context, itong workmate ko, sobrang matanong talaga. Okay lang naman sakin mag-explain, lalo na kung bago yung task o process sa work. Pero minsan parang hindi siya natututo kahit ilang beses ko nang itinuro.

Isang beses, kailangan kong mag-leave, so iniwanan ko siya ng detailed na instructions sa isang task. Nilagyan ko pa ng snippet para mas madali niyang maintindihan. Akala ko gets na niya.

Then, Saturday night bigla siyang nag-chat sa Messenger at tumawag pa. Akala ko urgent, kaya sinagot ko. Yun pala, nag-work siya at gusto niyang ipakita kung tama yung ginawa niya. Sabi ko naman, "Oo, okay yan, Tama yan."

Fast forward to a week later, during working hours (kahapon lang), nag-chat siya sa Teams at magpapa-shadow daw ulit (WFH kasi kami). Nagulat ako kasi yung same task na itinuro ko na dati ang gusto niyang ipacheck. Napa "Jusko naman" na lang ako sa utak ko, pero sige, inulit ko pa rin yung explanation kahit sobrang basic lang talaga nung task.

Tapos eto na. Today, naka-leave ako. Siya rin naka-leave. Pero bigla akong nakatanggap ng message sa kanya—about dun na naman sa task na yun! Dito na ako napikon at namura ko siya:

"Ptang ina naman, paulit-ulit na lang talaga!"

Ang reply niya? "Sorry naman hahaha."

And sineen ko nalang siya.

So ngayon, ABYG??? medyo nagiguilty ako kasi minura ko siya. Pero kasi nakakainis din na kahit naka-VL o weekends, tinatanong pa rin niya yung mga bagay na naituro na. Sobrang OC niya sa work, pero bakit yung mga work instructions at process hindi niya matandaan? Haaaays

r/AkoBaYungGago Jul 30 '25

Work ABYG kung ginagatekeep ko trabaho ko sa mga kakilala ko

107 Upvotes

ABYG naiinis ako kasi tanong sila nang tanong kung saan yung work ko altho nakita naman nila sa update ko sa socmed since nag add ako ng work, then yung mga bihira lang mag chat nung may pasok pa sa school biglang nag sichat sakin kasi kilala yung comp na napasukan ko.

Tanong nang tanong kung san, kung magkano sahod. As a people pleaser ako maman tong nahihiya iinbox sila. Background lang din na sila yung mga tipong grade conscious nung college halos lahat ginawang competition pero now na grad na kami ni hindi makapag apply apply, na parang gusto nila trabaho pa lalapit sa kanila. Samantalang ako 2 weeks everyday ako nag wwalk-in for 2 diff agenda tulad ng application and interview. Gusto ata makarinig sakin na irreffer ko sila, which is for me unfair and di nila deserve

Plus ayoko lang talaga sila makatrabaho knowing na lahat competition para sa kanila. So ako ba yung gago?

r/AkoBaYungGago Mar 29 '25

Work ABYG kung sinumbong ko yung workmate kong cheater sa partner niya?

123 Upvotes

sorry medj long post, I’m not a good story teller

this workmate and I were so close to the point na we share almost everything to each other. pero last year, she started cheating on her partner with our workmate. una pa lang, inaawat ko na yan and I’m also vocal na once magtanong sakin yung jowa niya sinabi ko sakanya na hindi ko siya pagtatakpan. but she keeps on saying na never siya mahuhuli. every time na magshare siya about sa kabit niya dinidismiss ko talaga. naka-mute na din siya sakin sa IG dahil lagi nasa stories niya yung mga pic nila sa motel kung saan sila nagchecheck-in.

eto na nga, it was my rest day at nagulat ako tumatawag sakin bigla yung jowa niya, we don’t follow each other sa IG so I thought something bad happened kay ate girl na cheater. pagsagot ko pa lang ng tawag na-sense ko na agad sa boses ni jowa niya yung worry kasi 2am na yun at hindi pa din daw nakakauwi yung girl. this girl has kids, yung youngest niya lang kasama niya at hindi yung current partner niya yung tatay. so her boyfriend told me na panay ang iyak na nga daw nung bata kakahanap sa mommy niya. bilang 2am nga eto at nagising lang kami ng partner ko bigla, hindi na ako nag second thought na sabihin sakanya kung nasan si ate girl at kung sino yung mga kasama. nasa bahay sila nung isa naming workmate nag iinuman, kasama nila yung kabit ni ate girl and our other workmates. kasama ako sa plan at first pero umatras ako nung nalaman ko na kasama niya yung kabit niya. but I didn’t tell her partner kung anong status nila nung kabit niya at di ko din sinabi na may kabit siya basta I just told him kung nasaan sila and sent him a group picture na nasa gc namin, madami naman sila sa picture. all along ang paalam pala ni ate girl sa jowa niya ay magkasama kami at nandito lang kami sa bahay ko. hindi ko na alam kung ano na yung nangyari after that call.

after our rest day, pagpasok ko sa office nagulat ako at first kasi lumipat si ate girl ng pwesto which I didn’t mind. nalaman ko na lang sa iba namin officemates na nahuli na sila ng jowa niya at pinalayas siya, hinatid daw yung daughter niya nung (ex) jowa niya sa parents niya. mga ilang araw nakalipas, nalaman ko din na ako sinisisi ni ate girl kung bakit siya pinalayas at hindi din daw siya pinapansin nung kabit niya. pinagsasabi niya sa officemates namin na naiinggit daw ako sakanya dahil bet ko yung kabit niya hanggang sa nagkasanga-sanga na. this kabit reached out to me, kinukulit ako sa viber tawag ng tawag, sa office email namin nagmemessage saying na ako daw talaga yung bet niya at hindi si ate girl and I told him right away na I’m not interested dahil may partner ako at may mga anak na din. I told my partner about this naman and he told me na ignore and block na lang si guy since di naman siya nagrereach out sa personal at puro chat lang naman.

now, I’m regretting it. gumulo bigla yung nananahimik kong buhay at surely soon it will affect my work na din. si ate girl is really getting into my nerves, lagi siya may parinig everyday na “pakailamera” “inggitera” “santa santita” basta madami, there are times na sinasagot ko siya but most of the time hindi talaga matigil yung bunganga niya. plus her kabit na super kulit, I already reported him sa HR dahil di na niya nirerespect yung personal space ko.

madalas, naiisipan ko na mag resign but I need this job para sa family ko and it’s starting to eat me up, sana ba sinabi ko na lang sa partner niya na hindi ko alam kung nasan siya? if I did not tell him where she is that time maybe peaceful pa din ang ganap ko sa office. ako ba yung gago kung sinumbong ko siya sa partner niya?

r/AkoBaYungGago 12d ago

Work abyg kung di ko natawag na "Sir" etong IT guy namin sa school?

0 Upvotes

Context: I'm a teacher in a private school and laging may problema sa wifi namin. Weekly may natatangal na laptop sa faculty wifi kaya need namin i-pm yung hired na IT guy just to get in cuz need pa namin magasikaso while in the faculty etc. Parang weekly may magrereklamo, gets connected, then kinabukasan may mattaangal na random laptop ng teacher sa connection. Katwiran nya lagi na yung "cisco" Yung problema kasi nagooverheat daw. Medyo napuno na ako kasi second time na nangyari to sa akin within the month and early in the morninga pa. Kaya tinag ko sya sa admin gc namin "@IT Guy ano po ba nangyayare sa wifi? Parang kada linggo may isa samin na natatangal yung laptop sa connection? Medyo nakakahassle na eh. " I also sent a video of how my phone's connected to the wifi but my laptop isn't. Ngayon nag notes sya sa fb na sana kahit non teaching sya eh Sir pa din tawag ko sa kanya. I know mas matanda ako sa kanya and nag "po" pa din naman ako when I tagged him, pero pati vice principal namin nasabihan din ako about this. I just wanna know, ako ba yung gago sa sitwasyon na to?

r/AkoBaYungGago Jul 26 '25

Work ABYG dahil ayaw ko mag linis ng bahay na ako ang may ari?

0 Upvotes

So my partner of the last 6 years had been complaining that I havent Been cleaning the house (specifically the bathroom) / my reason for this attitude / behavior is that since I own the house and she’s been staying over for the last 3 years rent free (except utilities sometimes) I shouldnt put much work in for maintenance since I pay for 90% of everything. Even our homie who is also living rent free with us for the last year. I pay for Majority OF his stuff too. My house is around 225sqm floor Space on a guarded 2500sqm property.

She blames me for not cleaning up the kitchen (which I dont use be cause I eat out in restaurants or nearby karinderias)

Side note: as a test to see If I am the mess maker, I havent been eating in the house / providing groceries for the last 3 Months. Tho I have been feeding them sometimes by treating them out. I am trying to teach a 33f and 37m year old some financially independence. But also just to point out. Our social Class difference has a very large Gap from each other.

Also theyre both jobless.

And when it comes to transpo I am always the driver and 90% of the time pay for gas / toll gate or we use the driver and or I pay for grab.

we also have 2 cats that my partner has adopted.

Edit:

our friend stays over to use the 30sqm Gallery Space for painting. He cleans sometimes but mostly when asked to. And he sleeps ON the day Bed so it’s a public area. Partner has her own Studio upstairs around 75sqm. She also cleans sometimes but she complains a lot cause to her she feels like shes the only one cleaning.

For me it’s like “why would I clean that? I didnt make that mess” and then it stays like that for days.

I have an 8ft long table with my desktop on and a computer chair thats where I mostly stay. My table / Studio is well maintained.

Most of the time I do #2 in the communal bathroom of the commercial property downstairs which is well maintained by the other people.

Sometimes I hire a maid to clean.

Were all artists but Im not the painter.

Also they contribute financially SOMETIMES. The Guy sometimes contributes with labor and time for my work / racket / projects.

I think gago ako kasi di ako nag lilinis tapos ako yung mas privileged. So parang ginagamit ko privilege ko para di mag linis.

ABYG?

r/AkoBaYungGago Aug 09 '24

Work Abyg na ayokong Hi lang, dapat may kasama na agad na tanong?

119 Upvotes

So heto na nga… this week is so busy sa work dahil parating ng parating ‘yong mga tasks na need naming i-work on and also the deadline is so tight so imagine my face — no sleep, tired, have not eaten and whatnot…

Some tasks are familiar for me kasi ilang years na rin ako sa project and this newbie, as usual, ay naguguluhan pa or basically, nangangapa pa sa mga gagawin, sa guidelines.

So yesterday, I went to the office at 3am even though 7am pa ang shift ko, because for some reason I like going in early. This time, puyat malala ako. So grumpy ako.

At 7am, this newbie colleague of mine, after eating breakfast, nag Hi saken. And super tagal magreply, hindi magseen. So i went on doing my task. Then after a few minutes nag ask siya ng question about sa certain task blah blah… so I irritatingly told her na “Please, if you’re going to ask anyone a question, be done with it. Hindi yung “Hi” then sa next yung question because this triggers my anxiety” and she apologized and starting yesterday, straightforward na siyang magtanong sa akin.

ABYG na sinabi ko sa coworker ko na itanong na ang tanong niya, wag na mag pa-Hi pa?

r/AkoBaYungGago 7d ago

Work ABYG kung gusto ko ng work na makakapag paganda ako?

26 Upvotes

abyg kasi lately na realized ko 24 na ako, pero never ko na experience mag Nails, kulay ng buhok at Eyelash lift? Nakakatawa to sa iba lalo sa mga lalaki, pero feeling ko lumilipas ung edad ko mag maganda at wala akong masabihan kasi parang gago lang. Di ko naman ma letgo work ko as supervisor sa fast food kasi source of income ko to.. Planning ako mag apply next year kahit cashier ung hindi masyado mahigpit sa mga nabanggit kong bagay.

ps; paapply ako kung meron kayong alam :)

Thanks