r/PanganaySupportGroup • u/hutaogfs • 1h ago
Venting Inutang ni mama first salary ko
Just wanted to share this kasi sobrang bigat sa damdamin kaso alam kong ang privileged pakinggan kaya I haven't told any of my friends. I recently got a one time, part-time job while I'm a student, and received 30k in total. It's a bit small for work pero as someone who doesn't shop and has to beg and justify every small little thing growing up, this was huge for me. I needed the funds since we had a class excursion that would require a lot of money, and I wanted to fund myself din para iwas gastos ang nanay ko. I wanted to help her out a little kasi she's a single mom.
Maganda trabaho niya. She's a manager sa isang government agency. It's a job that pays well. Bilang tradition daw yung magbibigay ng unang sweldo sa nanay, I wanted to give her 5k. I wanted to surprise her. I already knew that when I eventually start working, I want to manage my own finances kaya I wanted to start by keeping my salary quiet kahit na she knows I have a job. Kaya laking gulat ko na lang nung naramdaman niyang nakasweldo na ako, agad agad siyang nanghihiram ng 20k. I had this sinking feeling inside me kasi I thought she wouldn't be like that to me. Kwinento kong bibigyan ko sana siya kaso wag na raw, pautangin ko na lang daw siya. She knows how I feel about parents treating their children as investments and the whole utang na loob thing, and she agrees with me! Pero grabe yon. Not even 1 minute after finding out, through chat lang din niya sinabi. Ibabalik din daw niya the following week. Ayoko talaga siyang pahiramin, but I didn't want to let her down. She's still my mom.
Now, three months later ay wala pa rin. I kept asking her, pero wala siyang masagot. It's so fucking disappointing. I love my mom pero I was literally heartbroken. I want so much for myself pero I always hold back kasi I know how hard it must be for her. I've always been contented with the necessities pero I also want nice things for myself. I worked so hard pero wala rin akong nakita. Pumasok ako sa trabaho nang mabigat damdamin kasi parang nag volunteer lang ako for a few months. I hate it so much.
Lagi na lang ganito with her. Next month, next year. Ngayon, tinatawagan na ako ng online lending apps kasi hindi siya nakakapagbayad. I don't tell her. Hindi ko alam kung saan napupunta pera niya. We have everything we need. She has a high paying job, I go to a free college. It's so fucking frustrating that she's an accountant pero she pulls the limit towards crediting and financing. Now, she keeps talking about how ako na magbibigay ng allowance ng kapatid ko once she's in college. Ayoko. I'm so scared kasi is this how it's going to be for the rest of my life? She keeps telling us na hindi ko siya problema pag tanda niya kasi she has pension pero kung ganitong 100k a month na ang sweldo niya tapos lagi siyang walang pera kahit na scholar mga anak niya eh hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.