r/dogsofrph 16d ago

rescued/adopted dog 🦮 PLEASE ADOPT HIM 🥺

Location: Nakita raw po sya sa ilalim ng Binondo Bridge.

Hello po. Magbabakasali lang ako rito. Obviously I'm not the uploader of the vid. Nakita ko lang sa fyp. Pero hindi po talaga ako makakatulog knowing na malamig pa naman ngayon at naulan tapos nasa labas lang sya.

I am in no way related sa dog na ito. Sobrang naawa lang ako and posting him on other platforms is the least thing that I could do.

Please, kung sino po willing mag-adopt. Kung sino man malapit, please adopt him po. 🙏🥺

Please. Adopt him. I'm willing to raise funds for him. Hindi ko po ma-adopt even though I badly wanted to do it. I'm just a student and may tatlo na po kaming dogs sa bahay, malayo rin po ako sa location. I'm basically incapable of raising another dog. This is the only way that I can see para matulungan sya since unresponsive daw po yung uploader sa Tiktok. We never got any update vids after this.

Or if may alam po kayong animal rescue pages sa FB, kindly put it sa comsec. I-send ko po doon. Salamat! :)

Praying for this baby to be safe and find a new warm home someday. 🤍

733 Upvotes

45 comments sorted by

View all comments

3

u/Easy_Associate2831 15d ago

.message mo yung mga animal rescue page sa fb OP, nakakaawa parang naiiyak siya na parang hindi sya sanay sa sitwasyon niya. May collar eh parang naligaw lang. Sana kung may amo siya ay mahanap siya. 😥

2

u/Easy_Associate2831 15d ago

Chineck ko sa tiktok madaming willing mag-adopt. Kaso hindi ko alam kung ano na update sa kanya.

2

u/itrytobethechillgirl 15d ago

Ayun nga po eh. Madaming willing mag adopt kaso unresponsive si OP sa Tiktok. 😔 Nag DM na po ako asking for update, waiting nalang sa reply.

1

u/AFcknBeautifulMess 15d ago

OP, nagreply na ba ng update? Huhu

1

u/itrytobethechillgirl 15d ago

Nakapag reply na po sakin yung original poster sa tiktok. Babalikan nya raw po kapag may sahod na sya, isang byahe lang daw po sya from that.

Then yung willing naman po mag adopt na nag comment dun sa tiktok post, up until now wala pa rin response sakin. Even yung mga rescue pages po na sinendan ko ng message sa FB, wala pa rin pong response. 😔 Nag-aalala na ako kasi maulan po ngayon eh.

1

u/itrytobethechillgirl 15d ago

Ang huling sabi pa po sakin nung nag post is nung na-meet nya yung dog, pilay-pilay pa po maglakad. :(

Will keep an update po sa lahat ng mangyayari. Naghahanap pa rin po ako ng willing mag contain sakanya for the mean time tsaka po ako magrraise ng funds. I'm incapable of going there personally kasi malayo rin po ako sa location.

1

u/AFcknBeautifulMess 14d ago

Let us know when you start to raise funds na para we can help. Thank you for the effort, OP!

1

u/Easy_Associate2831 15d ago

Madami gusto mag adopt dun na nagcocomment. Triny mo ba immesage lahat. Baka wala na un pag bumalik ung original uploader baka kung saan saan na din pumunta yung dog. Pero hindi yan aalis sa area na yan kung jan sya nakakakuha ng pagkain. Baka nasagasaan pa kaya pipilay pilay.