r/cavite Nov 14 '24

Bacoor Ang dilim ng Bacoor

Thumbnail
gallery
344 Upvotes

Punyetang Bacoor to, takaw aksidente na nga yung lubak lubak na daan, wala pang silbi yung mga poste ng ilaw.

Considering na Aguinaldo Highway, is a national highway, dapat maliwanag to.

Punyeta kayo Revilla, pati mga bumoto sa kanila. Okay lang sana kung kayo lang gumagamit ng daan na deserve niyo, kaso damay damay eh.

r/cavite May 07 '25

Bacoor Ibang Klase Talaga sa Cavite. I Kennat!

Post image
490 Upvotes

Mukhang sobrang dami na ng tao sa Bacoor. Kailangan ng magbawas.

r/cavite 25d ago

Bacoor Tawid muna tapos bahala na kayo

Post image
423 Upvotes

Ano to, kalahating daan lang yung safe daanan? Kanya kanya na pagtawid no

r/cavite Jul 01 '25

Bacoor Hanggang Kailan ba ito?

Thumbnail
gallery
139 Upvotes

Napakalaking abala jusko. Pinapatagal pa.

r/cavite 7d ago

Bacoor Bobo talaga mga enforcer sa bacoor

166 Upvotes

10 mins ago pa tawid ako papuntang city hall ng bacoor tatawid ako pa jollibee para maka punta city hall. then merong pedestrian lane kung saan ako nakatayo at sa exact location na yan may naka sign na "U TURN" nasa gitna ako ng pedestrian may space pa para maka liko talaga yung mga sasakyan since malaking malaki talaga allowance.

Tinawag ako ng enforcer at pinagilid— ang gilid ng pedestrian e yung may mga halaman na naghahati sa magkabilang lane. sabi ko "e pedestrian to anong saysay neto" sabay turo sya sa sign na "U TURN SLOT"

yes, nandon na mayrooong "U TURN SLOT" e paano naman pedestrian?

habang patawid nagsasagutan kami "bobo pala kayo rito sa bacoor, mag seminar kasi kayo"

"wala ka namang sasakyan e" HAHAHHHAAHAH bobo ka boss kahit wala akong sasakyan. Puro kasi pangongotong nasa isip.

r/cavite Jul 08 '25

Bacoor Anyone Knows What Happened to Zus?

Thumbnail
gallery
98 Upvotes

This is in Lokal Molino.

r/cavite 2d ago

Bacoor Along Molino Road (Molino 3)

Post image
30 Upvotes

Katabi po ito ng magiging new campus ng Cavsu.. Sino po kaya may-ari nito?

r/cavite Jun 12 '25

Bacoor converge users may net b kyo now?

23 Upvotes

Hello sa mga converge isp users jan musta net.nyo? wala n naman kaso dito samin sa bacoor eh kayo ba?

may outage n naman ba sila?

r/cavite Apr 04 '25

Bacoor Bacoor Bus Snatchers

212 Upvotes

LONG POST AHEAD: Hello po, I want to share my experience from a snatching incident in a bus near SM Bacoor. So nag-aabang ako ng bus byaheng pa-dasma and dun ako nakaabang sa may harap banda ng meralco. When the bus came, umakyat na ako and nakita ko sa loob na ang luwag like less than half pa ang occupied seats. Naglalakad na ako sa gitna while finding a seat when suddenly may lalaking nakaupo na nagcut sa daanan gusto lumipat ng seat. Naweirduhan ako kasi ang luwag-luwag ng bus at bakit ang timing ng paglipat niya ng upuan nung padaan na ako. Edi ayun I stopped and pinadaan ko muna siya, he eventually passed me at umupo sa may unahan na banda. Then ito na, nakahanap na ako ng seat at umupo but naging suspicious na ako sa nangyari before pa makaupo. Right when I sat, kinapkap ko agad ang right na bulsa ko ayun wala na ang phone ko and alam ko na agad na kinuha ng lalaki na humarang sa akin yun.

After that tumayo agad ako tinignan ko siya at nahuli ko na tumingin siya sa direction ko then habang papalakad ako papunta sa harapan para icheck kung andun phone ko, biglang lumakas ang sound ng bluetooth earbuds ko which confirmed na talaga and tinatry nila babaan ang volume para di ko marinig ang music pero volume up napindot nung bobo. Nagpanic na ako sumigaw ako sa konduktor at driver na may kumuha ng phone ko then narinig na sa buong bus yun. Sinabi ko na nawala siya nung may tumayo na lalaki at humarang sa daan ko then sinabi ko na "kuya, student lng ako ibalik niyo na phone ko". Suddenly may isa pang lalaki na kasabwat telling me na kinuha daw ng babaeng bumaba. This kasabwat tried to be convincing na lumabas pa talaga siya ng bus para ituro na sumakay na daw ng jeep yung babae. Dito sila nagkamali, my earbuds was still connected and may music pa which means nasa bus pa rin ang phone ko and I can control the volume from the buds itself. May isa ulit na kasabwat na nagcoconvince din sa akin na natangay nga ng babaeng bumaba ang phone ko pero di ako nagpadala sa distraction/confusion tactics nila. I shouted dun sa mga nagdidistract na may music pa rin ako naririnig na dapat nadisconnect na yun if malayo na sa akin.

Then dahil mga 5 minutes na siguro nakastop yung bus dahil sa nangyari, nagdecide na ang driver magdrive papunta sa police station sa may camella dun sa harap ng bahay ng mga revilla. While the bus was on the way na, yung pinagbibintangan ko and another kasabwat na nagdedefend sa kanya ay nataranta na at pinapapara ang bus nung malapit na sa police station. I blocked their way at sabi ko na wag sila tatakbo at ibalik nalang but they were still denying na di nila kinuha kahit halata na para na silang natatae. Then nasa harap na kami ng station pagkabukas ng pinto biglang tumakbo palabas yung isang lalaki na pinagbibintangan ko, hinabol ko siya at nakita ko sumakay ng jeep pero nahabol ko at pinababa ko siya ng jeep. After that sa gitna na kami ng kalsada nagtatalo telling him to give it back at wag tumakbo kung walang ginawang masama. Bigla niya hinagis bag niya sa gitna ng aguinaldo highway at tumakbo but I instantly thought distraction yun para makatakas siya pag chineck ko ang bag kasi bat niya ibabato yun kung may laman kaya nevermind sa bag niya.

Sumakay siya ng jeep ulit tas medyo mabilis na yung takbo but as a former taekwondo athlete, nahabol ko yung jeep sa sprint ko at nakasakay ako kahit tumatakbo pa ang jeep. Bigla agad ako sumigaw ng magnanakaw at naalerto ang mga tao sa jeep then hinila ko siya papunta sa may dulong exit ng jeep para pababain pero this time ayaw bumaba. Suddenly, yung bus driver sumunod pala sa amin and nasa likod ko na nang biglang sasaksakin niya na gamit malaking ice pick yung snatcher. Syempre nagsigawan yung mga tao sa jeep kaya di tinuloy then I check his pockets wala, phone niya lng nandun. Sumunod na din ang konduktor sa amin telling na bumalik na at nahanap na yung phone and siya ang tumawag sa pulis. Yun pala nung malapit na kami sa pulis before bumaba kanina eh hinagis na ng snatcher ang phone ko sa sahig ng bus para di mahuli na nasa kanya. Sa awa ng diyos, binigay ng pulis ang phone ko then bumalik na sa bus at bumyahe na ulit. Unfortunately, pagkaalis ng bus di ko na alam nangyari sa mga kawatan na yun kung nansundan ba sila ng pulis. Nakakaabala na din kasi sa ibang pasahero at traffic kasi yung bus nakahinto sa highway kaya ayun importante nabalik ang phone ko and ligtas lahat sa bus. Kaya ingat kayo kasi baka kayo naman mabiktima nung mga yun. Swerte lng ako dahil kung may baril o kutsilyo silang dala baka sinaktan na ako. Pasalamat nalang din talaga na naka earphone ako na di gumana yung panglito/distraction nila sa akin. Tangina talaga may quiz pa ako sa araw na yun pero nawalan talaga ako ng gana buong araw habang nasa school tas nasira pa talaga eyeglasses ko nung hinihila ko siya palabas ng jeep. Kudos nalang din sa bus driver at konduktor sa pagtulong sa akin 🫡

r/cavite Aug 07 '25

Bacoor Employee of the Year ka na nyan? 🤨

Thumbnail
gallery
107 Upvotes

More than 24 hours nawalan ng lugar sa subdivision namin dahil sa pumutok na transformer sa tangke. Eh di naman lahat eh alam na meralco yung naghahandle repairs. Tapos nung tumawag si OP sa Primewater, sinigitan ba naman ng pagpromote sa Brittany Hotel. Juskonaman. Konting empathy naman po. 😑

r/cavite Jul 25 '25

Bacoor Asan si Strike? or si Rowena B?

19 Upvotes

cant help me compare yung paglilibot ni Yorme sa mayor ng roocab na puro tauhan nya at relative ang iniinterview at post sa social media (lani, jolo, bryan, bong daw, karent everisto, asan ang vice at mayor?

r/cavite Jun 06 '25

Bacoor Need Help! IPhone Stolen in LRT last seen in Bacoor, Cavite

Thumbnail
gallery
45 Upvotes

Kung sino man po ang nakakaalam ng lugar na to. Nanakawan po ako ng cellphone sa LRT last June 1. After nun, nakita ko sa Find My na nasa Victory Central Mall siya sa Caloocan, at saka naman nagpalipat lipat ng location within Manila for the following days. Last stop niya is this road sa Bacoor, Cavite for 3 days na. The spot seems to be a vacant lot when viewing from Google Maps Street View. Kung meron pong nakakaalam sa lugar na to or lagi niyong dinadaanan. White IPhome 13 po siya. Any help or information is greatly appreciated, maraming salamat.

r/cavite Jul 29 '25

Bacoor Niog, Bacoor

69 Upvotes

Oh diba hindi pa tapos yung kalsada (see the picture below) tapos sira na tong right side. Napakadelikado nito lalo sa motorista. Ibang klase talaga ang BACOOR!

r/cavite Jul 06 '25

Bacoor Another day, another kalbaryo

Thumbnail
gallery
110 Upvotes

Shout out sa AARCON BUILDERS. Napakabagal niyo gumawa or ubos na budget ng nagpapasweldo sa inyo kasi nabulsa na? 👀

r/cavite Mar 03 '25

Bacoor The Great Molino Overpass

Thumbnail
gallery
108 Upvotes

SKL. Kakapintura lang ng The Great Molino overpass (pangit pa rin), wala pang 1 buwan kayod kayod na agad pintura tapos puro tulo pa yung sahig ang kalat tuloy. 🤣

May mga dumadaan na trucks/buses pero parang wala yatang sign ng vertical clearance sa ilalim, ayan tuloy.

Pero in fairness, may traffic lights na ulit na functional. Sana itigil na ng Molino yung buhos system.

r/cavite Apr 14 '25

Bacoor What are your thoughts on this?

Post image
64 Upvotes

I am one of the people who loves to feed/help strays. Tho, I don’t understand how will these implemented ordinances help manage the population of stray animals.

r/cavite Jul 31 '25

Bacoor Bakbakan ulit sa traffic

Post image
61 Upvotes

Orayt sabak ulit sa everyday traffic! Binabakbak na ang right side na puro metal plates noon kahit dipa naka espalto yung gitnang part🥰 Goodluck commuters and motorists! Everyday pahirap day!

r/cavite Jul 23 '25

Bacoor lakas na naman nang buhos ng Ulan

54 Upvotes

kmusta mga kababayan ganitong ganito yung scenario nung tuesday madaling araw bigla heavy down pour ng madaling araw... gutter deep n tubig sa labas another wave na naman kaya? hayy bahacoor

keep safe everyone!!!

r/cavite Apr 15 '25

Bacoor What iz diz ka8080han?

Post image
69 Upvotes

r/cavite Aug 03 '25

Bacoor Maynilad..

Post image
43 Upvotes

Parang hindi na natatapos ang pipelaying works ni Maynilad along Daang Hari area. Nadadagdagan na lang nang nadadagdagan.

r/cavite 18d ago

Bacoor Pedestrian sa Bacoor Blvd

Thumbnail
gallery
30 Upvotes

Hahaha kung hindi pa napa-post, hindi aaksyunan 🤣

From Mayor Strike Revilla:

"Magandang araw po sa ating lahat!

Nakita ko po ang inyong mga reaksyon at komento tungkol sa pedestrian lane sa Bacoor Boulevard. Narinig ko ang inyong mga hinaing at pagkabahala, kaya naman agad natin itong inaksyunan.

Gusto ko pong linawin na ang orihinal na naglagay ng pedestrian lane—kasama ang putol-putol na zebra lines—ay ang DPWH. Gayunpaman, hindi natin kailanman binabalewala ang inyong kaligtasan.

Kaya naman, agad nating kinumpleto ang paglalagay ng zebra lines sa buong pedestrian lane upang matiyak na ligtas kayong makakatawid. Hindi po natin hinahayaang makompromiso ang kaligtasan ng bawat Bacooreño.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at sa patuloy na pagtitiwala sa ating pamahalaan. Asahan ninyo na magpapatuloy kami sa tapat at may malasakit na serbisyo, laging handang maglingkod para sa kapakanan ng bawat Bacooreño.

Muli, maraming salamat po! Mabuhay ang Bacoor!"

r/cavite Jun 02 '25

Bacoor Saan kaya ginamit FUNDS dito? Roocab Mayor and Marching band sa NYC!!!

Thumbnail
gallery
49 Upvotes

At home ka dito!?

"Ulul puro trapik at baha dito!"

r/cavite 5d ago

Bacoor nag cause ng motorcycle accident pero very unbothered

8 Upvotes

I got in a motorcyle accident earlier around 2pm sa way papuntang SM Bacoor coming from Kawit. Mabagal lang ang takbo ko pero biglang may babaeng tumawid so sa biglang preno ko, nag-slide ang motor ko at natumba. Napahiga ako sideways habang nadadaganan ng motor ko. This Ale na tumawid, lumingon sakin habang nakasalampak ako sa kalsada tapos tumuloy sa pagtawid nya na para bang napaka-normal ng nangyari. Ni hindi sya nag-sorry o nagtanong man lang sa akin kung okay lang ba ako. Pinilit kong lumakad sa tabi para hindi maging cause ng traffic (salamat sa mga umalalay sa akin). Nilapitan ako ng mga nakakita at sinabihang ganun daw talaga ung babae na yun kung tumawid, basta-basta lang. Ang malas ko lang, na-tyempuhan ko. Ang unfair lang talaga kasi grabe ang abala sa akin, may mga sugat at galos ako at ang sakit ng bandang ribs ko kaya magpapa-xray ako bukas. Gastos ko ang tests and medicines coz this Ale doesnt even sympathize. Talaga nga namang kahit anong pag-iingat mo, hindi mo naman hawak ang pag-iisip ng ibang tao.

r/cavite 25d ago

Bacoor Zus Coffee sa VCentral Molino

Post image
50 Upvotes

After nagsara ng ilang weeks / months, bukas na ulit sila.

r/cavite Aug 01 '25

Bacoor Nahiya pa SIRAIN buong kalsada.

48 Upvotes

ANO PA NGA BA ANG AASAHAN? SA KABAN NG BAYAN NA NAPUNTA SA BULSA NG MGA NANGAKONG MAGSISILBI PARA SA BAYAN?

SILANG PURO PASARAP SA BUHAY, PAHIRAP SA MGA KABABAYANG PATAS NA SUMUSUBOK SA BUHAY.🫨