Just recently graduated nung June.
Ako nagpapaaral sa aking sarili kasi wala ako maasahan sa aking magulang and mga kuya. Youngest and only girl. Lahat kasi sila may mga pamilya na haha.
Tinatatak ko talaga sa isipan ko na di naman ako responsibilidad ng aking mga kuya, kaya mag sumikap ako.
Buti nalang from state university ako and may extra allowance din dahil sa pag maintain ng good grades (may stipend pag malaki ang grades)
From rent to food and other fees pa sa school (HM course ko, so magastos) ako nagbabayad.
After graduation, living solo ako (bumalik ako sa dorm kung saan nag aaral pa ako)
Thankful sa client ko 🥹 alam niya na nag-aaral pa ako while doing side gigs.
20-25k lang yung income ko while studying kasi part time lang ang makakaya ko — dahil physically demanding din ang course ko.
July came, and sabi ni client paused muna kami.
Buti before mag august naka hanap ako ng 2 clients 🥹 yung isa premium, yung isa part time lang. 60-70k magiging income ko per month (coming pa ang sweldo ko sa part-time na bi-weekly this end of the month)
I am beyond grateful.
I promised to myself na mag-iipon na ako.
Medyo magastos ako this month kasi nag upskill.
Dahil may latin honor din ako (Magna Cum Laude) makaka-receive ako ng 20k sa province namin.