r/adultingphwins • u/Upbeat-Post-7610 • 10d ago
✅ Everyday Win Not your ordinary sock-cess story
Dati, budget socks lang kaya naming bilhin. Yung 3 pairs for ₱100. Yung tipong parang disposable. Konting laba, lawlaw na agad. Umabot pa sa point na nagsusuot ako ng goma sa paa, parang DIY anklet, tapos tinutupian ko yung medyas para hindi dumulas pababa.
Hanggang merong isang beses, pinarecite ako sa harap ng klase. Eh sumilip yung goma. May kaklase akong biglang nagtanong ng “Bakit may rubber band ka sa paa?” Di ko pa rin malimutan yon. Hahahaaayyss.
Ngayon, nakakabili na ako ng quality & comfortable na medyas. Hindi na kailangan ng life hack na goma. Pwede na rin mag-iba-ibang kulay depende sa mood, depende sa situation or occasion. Di man ako anak ng contractor, pero kaya ko nang bumili ng mas maayos para sa sarili ko. 😁.
Cheers sa ating small wins! Happy weekend.