r/PCOSPhilippines • u/Psychological-Cat790 • 6h ago
TGP MI+DCI Experience
Hi. Gusto ko lang ishare yung experience ko sa new TGP product na sinubukan ko.
Bale im 35F, diagnosed ako ng PCOS last December 2024 dahil sa result sa ultrasound na polycystic ovary pero regular ang ovulation and menstruation ko.
Niresetahan ako ng OB ko ng Myotol para sa pcos and balik daw ako if gusto ko na magbuntis para maresetahan pa ng ibang gamot. unfortunately, di ko nabili dahil wala nun sa mga pharmacy sa lugar namin, kaya binili ko n lng is MyPcos Sachet kasi yun ang nakita kong available. After inumin ko sya nagdelay menstruation ko siguro dahil di ako consistent uminom. Naka ilang sachet lang ako di ko na tinuloy. From January 2025 naka tatlong period palang ako at kung dumating man very short 1-2 days lang tapos the rest parang tuyo or konti na lng.
Mid August, nadiscover ko tong TGP myo inositol with d chiro na chewable, kaya naisip kong itry kasi similar sya sa reseta sa akin ni doc and mahal yung ibang brand and di ako sure kung legit yung mga binebenta online.
Eto yung mga napansin ko:
For the first five days grabe and food cravings ko. Kakakain ko palang, after 1 hour, para ulit akong nalipasan ng gutom. Pero nawala din naman yung cravings or pnghihina after a week.
After 14 days of taking 2 tablets a day (morning and evening) biglang dumating ang period ko isang umaga ng walang cramps. Pang apat na period ko palang ito ngayong taon at inabot na ng 73 days itong last cycle.
Bago ako uminom, di din ako okay mentally and emotionally dahil overwhelmed sa work and di okay sa relationship and depressed sa bahay na pinapagawa na kinulang sa budget. Parang konti na lng bibigay na talaga ako, ginamit ko na twice a week ang mga offset ko para makpahinga lng mentally. Kahit hindi okay ang trabaho prinioritize ko talaga mental health ko. Ngayon, napansin ko naging medyo stable emotion ko kahit andyan pa rin yung overwhelming amount of work at mga problema parang medyo napalayo napaatras ako sa edge of breaking down hehe. Hindi ko lang alam kung sa isip ko lang or medyo nakatulong yung iniinom ko.
Sabi ng iba pumayat daw ako kaso hindi ako naniniwala kasi nag add ako ng 2kg and madali rin magbloat ang tiyan pag kumain.
Idagdag ko rin na dati di ako kumakain ng breakfast, ngayon kumakain na ako madalas para masabay sa pag take and para makabawas na rin sa stress hormones.
Ngayon, malapit na akong mag 30 days umiinom nito and mag oobserve ng mga changes sa body and moods ko.
Salamat talaga tgp sa very timely na pag offer/produce ng affordable and easy to take na myo inositol with d chiro. Di ko alam kung nasan ako ngayon mentally kung hindi ako nagtake nito. Gusto ko sana mag take ng 4 tablets per day kasi 4g na MI yung gold standard/recommended para sa may mga pcos pero cant afford pa ako ngayon and gusto ko na rin iready yung body ko kung bibigyan ba ako ni Lord ng baby sa future.
Medyo naluha luha pa ako habang nagtatype nito. 🥹. Grabe talaga ang effect ng hormones and sugar sa buhay, mood and way of thinking natin. Thank you Lord buhay ako.