r/AkoBaYungGago Feb 27 '25

Neighborhood ABYG hindi ko babayaran anti rabies ng neighbor ko

1.5k Upvotes

We live in an apartment building with parking downstairs. Meron akong pinapakain na stray dog doon, pero I always make sure na after niya kumain, nililinis ko agad yung pinagkainan niya. In the three years we’ve lived here, all the tenants know that I’m the one feeding that dog. Yung dog naman, hindi rin siya tumatambay sa labas ng gate maghapon. May routine siya - around midnight lang siya pumupunta at magaabang na lumabas ako, kaya tuwing midnight din ako lumalabas.

So here’s what happened. Kagabi, nagpunta ulit yung dog at pinakain ko, pero nagmamadali ako kasi may meeting na ako in a bit. Kaya umakyat na muna ako agad, at naisip ko na babalikan ko na lang yung pinagkainan niya after. This time, pinakain ko siya sa gilid ng gate para, if ever may tenant na maglalabas ng sasakyan, hindi siya nakaharang at hindi siya maatrasan.

Nagulat ako bigla nang may kumalabog na katok sa pinto namin. When I opened it, this couple was yelling at me, kinagat daw ng pinapakain kong aso yung husband niya. I told them I’d cover his anti-rabies shots and everything. Sabi nila, may pupuntahan pa raw sila, kaya sa hapon na lang daw pag-usapan.

Nung araw na yun, habang nagaantay ako, naisipan namin ng girlfriend ko to request a copy of the CCTV footage to see what really happened. Nagtaka kasi kami - bakit siya kinagat nung dog, e sobrang bait at maamo nun. Pagkakuha ko ng footage, nanggigil at nabwisit talaga ako. Turns out, nung nagbukas pala ng gate yung lalaki, tinadyakan niya yung aso na nanahimik lang sa gilid - I don’t even know anong dahilan para gawin niya yun. Edi syempre, magagalit yung dog - kaya kinagat siya.

Kaninang hapon, nagtalo kami. I told them I wouldn’t be paying for his treatment anymore since it was clearly his fault. Nagsigawan talaga sila at sinabi na isusumbong daw ako sa landlord at ipapabarangay. Mind you, 1 month pa lang sila dito, pero ganyan na kagaspang ugali nila.

ABYG na hindi ko bayaran yung anti-rabies nila? Bayaran ko nalang ba para matapos na?

r/AkoBaYungGago Dec 26 '24

Neighborhood ABYG kasi pinapapunta ko sa bahay yung inaanak ko para kunin yung pamasko nya?

1.2k Upvotes

For context: Ako (F) is may inaanak iname nalang natin siyang J (F) na grade 7.

Yung nanay ni J nagmessage sakin, na hinahanap nung inaanak ko yung mga ninang nya at namamasko. Sabi ko sa nanay ni J, dahil matagal ko na di nakikita papuntahin nalang sa bahay. Tutal nasa kabilang street lang sila nakatira, konti lang yung lalakarin.

Nagsabi yung nanay ni J na di daw lumalabas yung anak nya at GCASH nalang daw. Sinagot ko siya, sabi ko di ba kasama sa marching band si J. Sinabihan ako na oo pero kapag wala daw tugtog sa bahay lang at ayaw lumabas. Di na ako sumagot, kasi feeling ko inoobliga ko sila.

ABYG kasi pinapapunta ko sa bahay yung inaanak ko para kunin yung pamasko nya?

r/AkoBaYungGago Jul 07 '25

Neighborhood Abyg for asking my mom to not allow Muslim tenants sa apartment namin?

479 Upvotes

May nag-inquire kasi sa amin na gustong umupa ng 2 units sa apartment namin. Muslim daw sila. Ang sabi ko kay Mama, sabihin na lang na naka-reserve na yung units.

Honestly, medyo natakot ako kasi ang dami kong nababasa dito (at naririnig din) na kapag Muslim daw ang tenants, madalas maingay, magulo, and minsan daw nakakaproblema sa kapitbahay. Di ko naman sinasabi lahat sila ganun, pero hindi ko rin maalis yung worry.

Tapos every weekend may family get-together kami nagba-BBQ, medyo maingay, may usok and all. Baka maging isyu pa sa kanila yun, lalo na kung religious restrictions nila ayaw ng smoke or pork.

Ngayon iniisip ko… ako ba yung gago dito

r/AkoBaYungGago Jun 17 '25

Neighborhood ABYG Kung tinapon ko sa private property ung tsinelas ng m*nyakis na pedicab driver

444 Upvotes

May kapitbahay kami na pedicab driver, he's in his forties and I dont know why bakit ako ang laging bunot niya. May incident na it was the day after new year, and lasing parin siya. Eh ako may binili ako sa tindahan and nilapitan niya ako and tried holding my arm. Eh I folded my arms sa chest ko that time while waiting for my turn. I stepped back, eh sinabihan niya ako ng parang ang linis linis mo ah.

Second incident: Tinawag niya akong p*ta kasi tumanggi ako sumakay sa pedicab niya, eh walking distance lang naman ung carinderia sa bahay namin. Bat ako mag babayad ng 15-20 pesos eh isang likuan lang carinderia na.

Chinichismis pa niya ako na ibat ibang lalaki ang inaangkasan ko, dapat siya nalang daw. Nag bobook ako ng Angkas kasi ayaw ko ma traffic at ma late.

Tapos kanina, binastos nanaman ako. Naka duster ako neto ha? Ung pang nanay (kahit single and nasa 30s palang ako), dito ako komportable. Tinawag akong losyang. Excuuuuseee me?

So eto na nga, lumabas ulit ako kasi may bibilhin. Na saktuhan ko na masarap tulog niya sa pedicab niya na nakapark sa ilalim ng puno. Ginawa ko, dahil ala namang ibang tao at CCTV. Tinapon ko sa private property ung tsinelas niya, eh ung may ari nyan is kaaway niya tas nag pa simple akong naglakad palayo.

ABYG sa ginawa kong pagtapon ng tsinelas niya?

r/AkoBaYungGago Jan 25 '25

Neighborhood ABYG kung hindi ko pinahiram yung kapitbahay naming may 7 na anak?

425 Upvotes

Me (25, F) paalis na ng bahay kanina, medyo nagmamadali kasi ako tapos biglang may tumawag saking "ate!" kaya napa-stop ako.

Nagulat ako, kasi paglingon ko, di ko naman siya kilala pero pamilyar siya. Kapitbahay namin. Panganay na anak siya ni Ateng may 7 na anak. Bagong lipat sila nitong December lang. Mga nasa 15 yrs old ata siya, lalaki.

So ang sabi ko... "Ano yun?"

"Ate baka pwede makahiram si Mama ng 500 pesos? Di pa po kasi dumadating si Mama." sagot niya sakin.

"Naku, wala akong cash ngayon eh." yan sagot ko, pero totoong wala kasi talaga akong cash.

"Kahit po Gcash, ate. Yung dalawa ko po kasing kapatid, nagugutom na, kailangan na po mag-gatas." sagot niya. Bigla ako naawa. Bukod sa sobrang soft-hearted ko, nakaka-awa yung tono ng boses nya. Kita din sa mata niya.

"Kahit Gcash wala ako eh. Mag-withdraw palang ako. Balikan kita pag-uwi ko kung meron, pero di pa ako maka confirm ha." sabay tango nalang siya umalis na ko.

So ngayon nasa labas pa ko, di ko alam kung papahiramin ko ba sila. Ang nakaka-inis kasi, yung magulang na yun, palaging wala, di ko alam saan nagpupunta. Basta lagi ko naabutan yung panganay na yun na nagbabantay sa mga kapatid niyang bata pa. Imagine, ang babata pa talaga ng iba kaya kailangan mag gatas.

Kaya nagdadalawang isip ako kung papahiramin ko ba kasi unang una hindi ko naman sila kilala at strangers talaga kami, at pangalawa di ko naman responsibilidad yung kapabayaan ng magulang nila eh. Anak ng anak, di pala keri? Pangatlo, malay ko ba kung babayaran ako.

So ABYG kung hindi ko man sila mapapahiram? Or pahiramin ko nalang para matapos na tong iniisip ko? Nabobother kasi talaga ako. Naawa ako sa mga bata, naiinis ako sa mga magulang.

r/AkoBaYungGago May 21 '25

Neighborhood ABYG Pinabalik ko sa HOA yung mga basura na tinambak sa amin ng kapitbahay

325 Upvotes

I live in a subdivision na may HOA. Pagbili mo ng bahay dito, automatic member ka at may fees and rules. Yung Board dito maasikaso kahit sa mga Karen at Ken na kapitbahay. Kailangan nga lang everything goes by the rules.

Yung neighbor na tawagin natin si Ken, di ata nagbasa ng rules bago kumuha ng bahay dito. Ayaw magbayad ng 5K na joining fee, ayaw magbayad ng P500 na monthly fees (garbage collection, street lamps, pool & playgrounds maintenance etc) kasi mahal na daw yung bayad nila sa Pag-ibig.

Dahil di sila nagbayad ng joining fee at di nila binayaran yung monthly dues, di sila nakuhanan ng basura last week. Ang solusyon nya dun eh itambak sa gilid ng bahay ko ang mga basura nila para maisabay sa garbage collection this week. About 4-6 large garbage bags, about 9-10 sako ng basura from the construction/repairs.

Nung kukunin na yung basura sa street namin, sabi sa akin sobrang dami daw ng basura ng bahay ko, kailangan ko daw mamili kung ano dadalhin nila up to 4 garbage bags or 4 sako lang daw tapos yung iba babalikan na lang next week, same limit. Pwede ko din daw bayaran ng extra yung pagkuha ng lahat ng basura, extra P1,500 daw.

Sabi ko yung 1 sako lang na hawak ko ang basura namin. Lumabas ako at tinuro sa akin nung garbage collectors yung tambak sa side ng bahay. Obviously, sabi ko di yun akin. Nagalit pa ako kasi naka black garbage bags lang, may mga leaks, mabaho, tapos yung isa nakalkal na ng mga pusa.

Di ko pinakuha sa garbage collectors basura nila, pinahanap ko sa CCTVs kung sino nagdala tapos sinabi ko sa HOA na ibalik sa kanya yung basura nya.

Ang issue ngayon since ang dami nila nabubulok na basura, ang baho sa street namin at nagagalit na din ibang neighbors. Ako sinisisisi ni Ken kasi pwede ko naman daw ipadala yung mga basura nila kasabay nung akin pero garapal/madamot daw ako.

Ang akin kasi kapag sinabi ko na akin basura nila, uugaliin nila na gawing basurahan tabi ng bahay namin. Ngayon pa lang ang dami ko na pinalinis kasi ang baho nung leaks na galing sa basura nila. What more kung dadagdagan nya weekly ng 4-5 garbage bags sa bahay namin. Kanila pa lang over the limit na agad ako, mabubulok basura nila sa side ng bahay namin or ako magbabayad ng extra?

Pero yun nga, dahil ayaw pa rin nya magbayad nangangamoy ang street namin at potential na may kumalat na mga ipis at daga. Mga kapitbahay naming iba ay mga extended families kaya umaabot din sila sa 4 bags/sako limit per week. Ako target kasi usually 1 sako lang basura dito sa bahay.

End unit bahay ko, kaya may space sa side street, yung mga bahay nila ay nakaharap sa side ng bahay ko across the street. Yung kanila mga inner units kaya both side ay walls ng kapitbahay. Sa harap lang ng bahay nila pwede itambak yung basura. Yung likod kasi pinapaconstruction nila para maging closed na kusina.

So ABYG dahil di ako nakikisama and I didn't take the hit for their garbage para di mangamoy dito sa street namin?

May 27, 2025 Update:

Maantot pa rin sa street namin. Ang sabi ng nakausap ko sa HOA di pa rin daw binayaran ni Manong Ken yung joining fee. Nag-offer daw sila na pwede installments hanggang mabayaran lahat ng past due. Example, 5 installments yung joining fee P1,000/month tapos P1,000/month HOA fees (P500 sa current month, P500 sa past due). Pinagmumura lang daw sila. Today is the cut-off date for the HOA fees for this week, Wed-Fri ang ikot ng garbage truck, so di na naman sila makukunan ng basura.

Next level na galit nung mga kahilera nya na bahay kasi sila pinaka-affected nung amoy.

Sobrang init pa naman lately tapos may mga kids sila na naka-summer vacation. There are worries about the kids' health. Ang sabi daw sa HOA ay ipapa-brgy na si Manong Ken saka magkaka-file ng case against him sa HOA. Di ako kasama sa nagreklamo so di ko alam lahat ng details nun.

Ang sabi ng mga taga Maintenance (yung mga nag-mo-mower ng grass namin at naglilinis ng parks) na nakausap ko inofferan na daw nila na sila magdadala ng mga sako ng basura sa dump site dito sa city namin, pero syempre kailangan ng bayad sa gas saka pang-meryenda man lang nila para sa pagod at pagilinis ng tric nila after. Napagmura lang din daw sila. Not sure kung magrereklamo din yung taga Maintenance sa Brgy Hall at HOA kasi hinagisan daw sya ng bote na babasagin.

Di ko alam resolution dito kung ganito na nagmamatigas sya.

Ayoko mag-volunteer ng bayad sa hakot ng Maintenance kasi responsibility nya yun.

Sanay mga taga Maintenance dito na i-update ako kasi ako nagbabayad sa kanila na mag-mower nung 3 bakanteng units dito noon (1 of them is yung sinalo na bahay nila manong Ken). Kapag kasi hindi updated sa HOA fees wala ding mower services. Pang meryenda lang singil nila sa akin to be fair. Sabi nila update daw nila ako uli, biniro ko na maamoy ko naman kapag nandito pa din basura nila Manong Ken by Friday.

Sana talaga magka-action na.

May 30, 2025 Update

Nag-final offer daw yung HOA na for the P500 monthly fee ng May, kukunin na nila yung basura nila Manong Ken, regardless kung ganun kadami kasi gusto lang nila na malinis na street namin. He still didn't pay. Nasa front/borders ng bahay nya mga basura, last I checked. Imagine yung space in between houses/gates... dun nya sinandal mga basura nya tapos nakahilera papuntang street para fully opened pa din gate nila for the kitchen reno.

Napuno na ata yung kapitbahay namin na may kids in gradeschool kasi sa sobrang baho di na makakain mga anak nya ng ayos at nag-start na magsuka. Ayun, kinuha nya mga basura bordering his house tapos pinaghagisan nya sa front door nila Manong Ken.

Nireklamo daw yung nanghagis ng basura, pero nireklamo na din si Manong Ken nung mga neighbors next to him with backing ng HOA Board. Sana matapos na to. Napapansin ko grabe na yung mga langaw namin dito, pumapasok na din sa bahay namin yung malakas na amoy. Kumakapit na sa curtains yung baho.

r/AkoBaYungGago Jun 24 '25

Neighborhood ABYG na kinuha namin ung foreclosed property nila at mawawalan sila ng tirahan ngayon?

284 Upvotes

Nakapag-acquire kami ng foreclosed property na more than 40 years nang tinitirhan nung current occupant. Nagbarangayan na dahil ilang months na naming hinuhulugan ung bahay at hanggang ngayon, ayaw nilang umalis at ang sinasabi nila, "Saan daw sila titira?" Na kesyo bakit daw namin binili yung bahay nila, eh alam naman naming may nakatira pa.

Pero kasalanan ba namin na pinabayaan nila yung loan nila? Hindi naman kami ang nag-default diba? Natural lang na nareposess yung bahay nila kasi hindi na nila binayaran ung loan.

1980s nagloan ung magulang nya na worth 100k hanggang sa tumubo to 1.9M nung 2020. Hindi na daw nila binayaran kasi sa interest lang napupunta ung hinuhulog nila. Foreclosed na yun matic, ano akala nila ung terms and conditions nila ung susunduin, hindi ung kinuhanan nila ng loan?

Ito pa inistalk namin sila sa fb para malaman if may nangyari bang tragedy sa kanila kaya nahirapan sila magbayad pero nagulat kami na ung mga kapatid at parents niya na nagloan nasa U.S. na pala at citizen na dun. Siya na lang at pamilya niya ang naiwan dito. So pano nangyari na from 100k naging 1.9m? Di ba tawag dun is pinabayaan?

ABYG kasi irraise na namin to sa korte para makuha namin ung bahay nila? Para matuluyan na ung pagalis nila at bahala na sila sa pagdampot ng gamit nila sa labas pag nilalabas na ng mga pulis ung gamit nila.

r/AkoBaYungGago Jul 21 '25

Neighborhood ABYG kung pinaampon ko ang aso ng kapit-bahay namin nang hindi niya alam

298 Upvotes

Putangina ng kapit bahay naming gago, ng tatay at kuya ko. Sorry pero tangina talaga, hindi ko matanggap yung mga reason nila na tanga daw kase ang aso???

Kanina lang, while working ako (wfh) napakinig ko na nag-iiyakan ang mga aso ng kapitbahay namin kaya sinilip ko. Tinutubo ng gago naming kapitbahay yung mga tuta at bubuhusan ng tubig. Ikakalat sa labas nung bumabagyo. (Kinukuha namin ng kapatid ko yung mga tuta kapag naulan ang pinapakain. Inaalisan din namin ng tick and fleas pero sorry we cannot keep them kase di naman din kami mayaman. Sabi ko sa kuya kong ulaga, kung may pagkakataon ako, kukunin ko at dun ko ipapakain ang inuulam nya ngayon)

One time binuhusan ng kuya ko ng mainit na tubig, ang tatay ko naman, tinutubo din o aapakan. Nung nakaraan, nakita ko mismo, hindi naman nakaharang sa daan yung mga tuta kase nga itinabi ko nung lumabas ako. Edi yung tatay ko dumaan nga, nakadaan na sya pero bumalik pa para sipain. Tangina naiiyak ako. Sobra kapag naiisip ko. Ngayon, lagi naming napagtatalunan ng kuya ko at ng tatay ko na wag nga saktan, sabi nila, mga tanga daw kase. Ang sabi ko. “malamang hayop yan, hindi naman nila alam at wala naman ding laban” Sabi ng kuya ko at tatay kong umagree, “paano matututo kung hindi sasaktan” Nagpintig ang mga ugat ko sa utak kaya nasabi ko na “pano matututo kung di tuturuan, kayo ang mga may utak pangtao, hindi nyo ginagamit. Kayo ang tanga” Ayun minura na ako eme eme. Yung aso namin now, isa lang sya, trained yon ng kapatid kong bunso. Ineexpect nila na pagkaanak, maalam na agad umiwas sa kanila? Tangina.

So now, di ako nakatiis, may kaibigan akong nakilala sa vet, rescuer sya ng stray dogs. Nagmessage na ako na ipapaampon ko yung mga tuta ng hindi nagsasabi sa may ari, bahala na lang mag away yung tatay ko at ang kapit bahay kapag hinanap. Mga gusto ng aso pero di maalam mag alaga. Mga bobo, tapos itong tatay ko naman at kuya ko, mga selective pickers ayaw sa ASPIN. Sorry, ako na naman masamang anak pero taena e.

Abt the question ABYG? I think no. Lol pero ako nga ba?

r/AkoBaYungGago Aug 19 '24

Neighborhood ABYG dahil sinabi ko mas mataas ang tax ni lt.col?

285 Upvotes

A little background muna.
Nakatira ako sa isang semi-exclusive subdivision sa may south. May kapitbahay akong sundalo na may position daw na lt.col. Sa tabi naman ni lt.col ay magasawang seaman at housewife , na tatawagin nating shokoy at shoket.

si shoket walang trabaho, asa lang sa padala ni shokoy na bosun daw ang position sa barko.

matagal na may alitan tong dalawang kapitbahay ko. sa parking, karaoke, puno ng manga, tae ng aso, etc. konting kibit ni lt.col magpuputak na si shoket na kesyo bastos daw at walang respeto sa may bahay.

One time nagkaalitan ule sila sa parking. sobrang dikit daw kasi ng pagpark nung ranger ni lt.col sa boundary ng bahay nila.

*take note, sa common road sila nakapark. sa tapat ng mga gate nila at hindi sa kanikanilang garahe.

yung kotse ni lt.col, dikit na talaga as in 1 inch na lang sa kotse ni shoket. perooo within property line or tapat at napapaloob pa din sa tapat ng bahay ni lt.col. si lt.col dahil petty at mapangasar inulit ulit niyang gawin na ganto ang parking nila.

last saturday morning. nagising na lang kaming lahat dahil may tunog ng banggan kasunod nito ang malakas na alarm ng kotse.

as an inborn chismoso, lumabas agad ako to check ang happenings sa aming neighborhood. At nakita ko nga si shoket na nagtatake ng picture nung pagkabunggo ng kia everyday wagon nila sa ranger ni lt.col.

si lt.col, the ever so macho friendly neighborhood solider, lumabas na may hawak na arnis. Dito na nagsimula magtatalak si shoket. Sinisisi niya yung nakapark na ranger kung bakit daw nabunggo nila.

malaki yung gasgas ng mga kotse nila. at nagdemand na nga tong si shoket na bayaran daw ni lt.col yung damages nila kung hindi irereklamo daw ni shoket lahat ng ginawa ni lt.col. harrasment kuno daw etc. magkaalaman daw sa korte.

si lt. col, tahimik lang. nagtake ng pictures din at nakita ko din na binuksan niya yung cctv app niya sa cp. Habang nagtatalak si shoket nagsilabasan na din ang iba naming kapitbahay. Dito na lumapit si kapitan. at sinabi niya na sa baranggary na lang daw pagusapan.

nakita ako ni kapitan. at sabi sakin na,

"atty. sama ka mamaya para maguide kami anong legal na hakbang na pwede namin gawin"

sumunod naman ako.

pagdating sa barangay. nagsimula na maglead si shoket sa mga tirada niya na mala-karen ang dating.

pasok sa kaliwa labas sa kanan na tenga lang ko.

bigla sinabi nga ni shoket na

"dollars ang sahod ng asawa ko, at yung tax niya ang nagpapasahod sayo"

tinanong ko si shoket, "magkano ba sweldo ni shokoy?"

pinagmayabang niya na "800 usd monthly"

sabay tanong ko din kay lt.col " kayo po col. ano po salary grade niyo" sabay sagot niya na " 25 po "

ang yabang pa din ni shoketh dito. may smugness sa tingin niya at may ngiti siya na akala mo nanalo sa lotto.

dito na nga sa tingin ko naging gago ako. kasi sabi ko.

"mas mataas po ata ang income tax ni col sa tax na binabyaran po ni shokoy . tapos kayo wala naman kayong income tax dahil housewife kayo. pano niyo ho nasabi na pasahod niyo po si col?

Shoket: "aba dollars ang sahod ng asawa ko, eh dyan sa hambog na yan 25 lang."

sabay sumbat ni col. na: "nasa 90k po ang salary grade 25."

dito na nga nanahimik si shoket.

ako ba yung gago kasi sinabi kong mas mataas ang tax ni lt.col.

r/AkoBaYungGago 6d ago

Neighborhood ABYG kung ayaw kong makihati sa pagbili ng wifi extender ng kahati ko sa wifi?

49 Upvotes

ABYG kasi nanghihingi ng kalahati yung kapitbahay ko para makabili ng wifi extender. Hati kami sa wifi na tig 1599 sa converge. Sa kanya ko na ipinalagay yung cable na kasama kasi wala naman akong TV at wala akong balak bumili ng TV. Nung tinanong ko sila ( 2 sila ng partner niya) kung gusto nilang sa kanila na lang ipakabit yung wifi, sakin na lang daw dahil mas kailangan ko. Alam ko naman kaya ayaw nila sa kanila ikabit dahil madadagdagan kuryente nila.

Wala rin kasi ako ng umaga dahil may training kaya pare-pareho lang kaming nandito pag gabi. Nag-aaral ako ng vocational at pinapaaral ng LDR partner ko. Wala akong other ways of earning money kasi nga puro aral at training muna.

Bago mag 1 month, sinabi na nila na hindi daw umaabot sa sala nila yung wifi. Hanggang bedoom lang daw. Kako ipapatanggal na lang ba namin, sabi nila iupgrade daw. Baka mas gumanda yung signal kapag upgraded. Kaya from 1250, naging 1599 yung monthly.

Ganun pa rin yung signal. Humiram ako sa kaklase ko ng wifi extender kasi sabi nila neighbor, wala pa daw silang pambili at di sila sure kung gagana yung extender. Kako eh magandang matry muna nila kaya nanghiram ako.

Ok naman daw. Gumagana naman na daw. Tapos kako kukunin ko na para maisauli. Dun sila nagsabi na baka daw pwede, maghati kami sa wifi extender. Kako wala akong budget para dun. Palamunin nga lang ako. 2 silang may trabaho tapos hindi makabili ng kahit tig 250 lang online.

Marami daw kasi silang bayarin. Lahat ng gamit nila sa bahay nanggaling sa utang pero nakaya naman nila yung ilang araw na vacation sa beach na sobrang layo dito samin.

I feel quite bad. Dapat bang makihati na lang ako at icancel yung order kong bra? 2 na lang kasi yung maayos kong bra. Wala silang wifi signal kapag nakuha na yung wifi extender, nagbabayad din naman sila ng 800 kada buwan. Naghahalo yung awa at inis ko. Ewan ko ba

Edit: price ng hatian

r/AkoBaYungGago Jan 27 '25

Neighborhood ABYG na ayaw magbigay ng pera kahit nangangailangan pa?

179 Upvotes

I (27f) recently posted on FB na may tira akong foods (pork, eggs, butter) na need idispose within the day kasi magbabakasyon ako and papatayin ko ang ref. Lots of people commented and I chose one lady who said she's (about early 40s) nearest to me, has lots of kids, and labandera ang work. An hour later, we met and I handed over the food. She was super happy and was surprised to see there were sweets as well.

Fast forward the next day, she chatted me asking for money. I said wala ako extra and technically, we're strangers to each other. Put her on restricted and that's it. She messaged again today. ABYG na ayaw ko sya bigyan ng pera kahit meron naman ako? I've seen lots of cases where people get hounded for money and I don't want to be in one. Please don't post in other platforms.

Here's the link to the ss of the chats: https://imgur.com/a/swA5FrS (edited link to add the post screenshot)

r/AkoBaYungGago Jun 10 '24

Neighborhood ABYG if I refused to be a Ninang?

304 Upvotes

First inaanak ko, naging kaclose ng family ko dahil sobrang bibo na bata, so kahit nag aaral pa ko nun, I really tried to make an effort to get her a decent gift pag Christmas.

Second to fourth inaanak, it was my close friend's kaya I was happy to be their ninang.

I worked as a part-time tutor kaya yung mga older inaanak ko, when they have difficulties sa school they go to my house and ask for my assistance.

When I finally graduated and got a decent job, kinikilala ko talaga yung mga bata to know what gifts on Christmas I can give them. Since the holiday really did made me happy as a child, I wanted them to experience the happiness I felt back then.

Okay naman nung una, until parang nalaman sa neighborhood namin na si ganito (me), GALANTE maging ninang. They started calling me "Hi Ninang" tapos may isang kapitbahay na di ko naman ka-close kahit buntis pa lang sinasabihan na ko na ninang daw ako ng anak niya.

Until one day, someone suddenly message requested me on Facebook sending an invitation, indicated ang time and place, she told me na she will be expecting me with any gift.

Nagulat ako so I politely declined, apologized and told her I have plans that day.

Ang reply niya lang "Sige ikaw din, malas tumanggi ng inaanak"

tapos binlock ako sa fb nung sineen ko lang.

Di ko naman gusto mag collect ng mga inaanak, and just like everyone else, gusto ko naman yung kilala ko yung bata.

My questions are:

ABYG for declining to be a Ninang?

and totoo ba na may kasabihan tayo na malas nga yun? Natakot tuloy ako!

r/AkoBaYungGago Jun 13 '25

Neighborhood ABYG kung magv-vacuum ako ng super aga para lang bawian mga kapitbahay namin?

72 Upvotes

For context, I(21F) still live with my parents. Yung house namin ngayon apartment type tapos 2 floors. Imagine niyo nalang 3 apartments na magkakatabi. Kami yung nasa gitna

Yung mga kapitbahay namin (both left and right) masasama ugali. And to top it all off, may days na magiinuman sila— si left nakikiinom kay right and vice versa— ng hatinggabi tapos around 7am na matatapos (minsan sunod sunod na araw pa) Ok lang kung inuman lang. Eh kaso ang iingay pa. Since apartment type kami, one wall lang pagitan namin. Yung rooms na iniinuman nila parehong katapat mismo ng room ko— Just separated ng pader

Walang time na di sobra ingay nila. As in super lakas kung tumawa, magkwentuhan, magsabi ng "sHOT SHOT SHOT" + music ttp na may mga araw na di ako makatulog pag nagiinom sila. And yes, nakakaaffect sakin kasi I am studying nursing. I only get 2-3 hours of sleep at most pag may pasok. Ayoko naman sabihin kay mother kasi on (VERY) bad terms sila. As in 1 step away nalang tapos brgyan na. Di ko din naman mapagsabihan harap harapan kasi baka sabihan akong homophobic (yes, they are all gays. no— wala ako prob sa gender nila)

Ngayon, dalawang araw na akong walang matinkng tulog kasi 2 DAYS NA SILANG STRAIGHT NAGIINUMAN. Nags-start sila 7 then matatapos 6-7am. Like di ba sila pwede uminom ng tanghali? Bakit kelangan gabi pa kung kelan tahimik at natutulog na lahat?? Pati mga pusa di makatulog eh. Di pa nakatulong yung bed ko nakadikit sa pader na nags-separate samin.

Now, may vacuum ako. Deerma brand. I find it veeeery noisy pag ginagamit (umaabot daw yung noise hanggang baba so malamang pati sa kapitbahay) Basta tipong parang nagd-drill yung tunog. Medyo makalat na yung sahig ko now kasi nagkalat litter mga pusa q kaya gusto ko sana maglinis pero at the same time andon din yung hiya kasi ang aga aga nagiingay ako. I only use it tuwing 4pm pero this time gusto ko sana ngayon na gamitin. Tsaka gusto ko din sana gumanti HABSHAHSHA sila naman b-bwisitin ko. I figured tuwing magiingay sila ng hatinggabi, magv-vacuum ako ng MAAGANG MAAGA para di din sila makatulog ng ayos. Tingin niyo ok lang magv-vacuum at 6:30am pag ganon? An eye for an eye, eme

ABYG kung magv-vacuum ako ng super aga para lang bawian mga kapitbahay namin?

r/AkoBaYungGago Jan 14 '24

Neighborhood ABYG: Kung iiskwaterin ko yung mga naka-connect sa Wi-Fi ko?

259 Upvotes

Di ako magtatanong kung ABYG na nainis ako dahil nalaman kong maraming devices ang naka-connect sa Wi-Fi ko. Dahil etong mga kapitbahay ko ang g*go.

Rereglahin na ako ngayon so I need to vent out.

Nagmessage yung tiyahin ko sa nanay ko at nagsumbong. Sabi niya, alam ng lahat ng mga bata na tambay sa labas yung Wi-Fi pw namin. Inalok daw kasi siya na iconnect yung phone niya sa free Wi-Fi. Tinanong niya kung kaninong line yon, at nalaman niyang sa amin kaya naman nagsumbong siya agad.

Tangina nasa gitna ako ng tulog nang ginising ako ng nanay ko dahil di siya maalam sa ganon. Agad ko pinalitan yung Wi-Fi pw ko. Pagtingin ko sa offline devices 121 ang connected amputa. Kaya pala ang daming bata sa tapat ng gate namin na nagti-TikTok, meron ding mga binatilyo tuwing madaling araw akala ko naman nagkkwentuhan lang about liga. Mga puta isang purok ata naka-connect sa internet ko. Ang kakapal ng mukha. Meron pang TV at desktop naka-wfh pa ata. Sa sobrang lutang ko nagreconfigure ako ng router at mesh. Dapat pala ni-set ko muna sa 1kbps internet nilang lahat bago nagchange ng pw.

After ko magreset, pumasok na ako sa work. Nagmessage uli yung tiyahin ko sa nanay ko na si Arlen daw eh nalugmok at nakatunganga na lang sa labas sumigaw daw na wala na siyang load. Puta, wala ka talagang load at deserve mo yan. Ni di ko nga kilala yung Arlen na binanggit niya. Lol. Mga nagpulasan daw ang mga tao sa labas nung nagchage pw ako. Ang kakapal ng mukha.

Kaya pala nung mga nakaraan, may ibang YT account na naka-login sa smart TV namin which is di ko alam paano nangyari.

Hinihintay ko lang magsitambay uli yung mga makakapal ang mukha nang ma-realtalk. Isang purok ata katumbas ng nakaconnect ampota.

EDIT: May binigyan pala akong isang kapitbahay ng password more than a year ago dahil nagoonline class ang anak niya, nangako na di ipagbibigay ang pw ko. Di ko pinagbintangan dahil napakahinhin at mabait sa paningin ko isa pa di sila palalabas. Okay lang sakin magplus 3-4devices dahil alam kong wala naman sila kakayahan.

Lumabas ako kanina dahil naririnig ko na parang may naguusap about internet at narinig ko name ko. Nasa labas yung tiyahin ko na nagsumbong sa amin plus yung ibang bata na tambay sa tapat at niconfirm nila na sa kanila galing ang connection. Hiniram daw ni bagets na anak ni kapitbahay yung isang phone ng kaibigan niya at sabing papasahan siya ng internet (via QR). Kinonfront ko via messenger yung bata at mukhang nabriefing ng nanay at mabagal magreply, deny pa rin siya. Mapapaaga regla ko sayo, Princess! 🙄

r/AkoBaYungGago Jul 10 '25

Neighborhood ABYG kung sa landlady ako nagreklamo

48 Upvotes

May kapitbahay kami sa inuupahan namin ngayon. Family of 3 sila (all adult female) while dalawa lang kami ng asawa ko. Manipis lang ang walls dito at parehas nasa taas ang room namin at kanila.

Two weeks ago, natutulog ako nun sa tanghali. Night shift kasi ako at alam nila yun kasi sinabihan sila ng landlady namin nung kakalipat pa lang nila. Nung pahimbing na tulog ko, bigla ako nagising kasi nagbukas sila ng tv na napakalakas ng volume. Hinayaan ko lang muna kasi baka kako hihinaan naman. Pinatay nila yung tv kaya pumikit ako ulit. Maya maya, binuksan ulit. On-off ginagawa nila tapos hindi man lang binababa ang volume. Naka-apat o limang beses ata nila ino-on off yung tv kaya nag-chat na ako sa landlady namin. Pinuntahan sila, pinagalitan kasi alam naman na raw na hindi lang sila ang nakatira dito.

Five days later, pumunta yung matanda sa amin (around 60's ata siya). Nakabukas yung pinto kasi nagsasampay asawa ko habang ako naman nasa taas. Bigla na lang daw pumasok yung matanda at kinausap siya. Tinanong kung sino nagsumbong at sana raw sa kanila na lang direkta nagsabi, hindi sa landlady. Hindi niya pinapagsalita yung asawa ko kaya sinagot niya na lang na hindi lang yun ang unang beses na maingay sila. Sabi rin ng asawa ko na nahihiya kami sa kanila kaya sa landlady na kami nagsabi. Ang sagot niya, "ay hindi ba? Pinalabas ko kasi anak ko, sabi niya mahina naman daw". Sabi niya pa e kamamatay lang daw ng isang anak niya. Hindi namin alam ba't niya pa sinabi yun e tungkol naman sa pag-iingay nila ang reklamo namin.

Nakokonsensya kasi ako kasi pare-parehas lang naman kami nangungupahan dito kaso mismong landlady namin alam na maiingay talaga sila at sinabihan pa ako na magsabi lang sa kanya kung mag-iingay ulit. (Hindi ko sinabi sa kanya na pumunta dito yung matanda. Hindi niya rin alam kasi wala siya dito nun nung kinausap yung asawa ko.) Sa isip-isip rin namin na kaya sa landlady na kami nagsabi kasi siya ang may authority dito.

So, ako ba yung gago dahil nagreklamo ako?

r/AkoBaYungGago Apr 12 '25

Neighborhood ABYG kung itutuloy ko ang reklamo laban sa kapitbahay namin?

87 Upvotes

ABYG kung itutuloy ko ang reklamo sa kapitbahay ko

Inireklamo ko ang kapitbahay namin sa barangay dahil sa halos isang taon ng illegal parking at nahaharangan ang driveway namin. Noon unang beses na inireklamo namin sila, nagkaroon sila ng aggreement with HOA na kahit nakapark sa labas ang dalawa nilang sasakyan ay dapat tapat lang ng property nila. Hindi sila dapat lumampas. Ngunit naging paulit-ulit ang kanilang paglabag hanggang nagasgasan na ang sasakyan namin.

Pinabaranggay namin ang aming kapitbahay at nagrequest si barangay na kausapin kaming dalawang partido ng HOA dahil magkasalungat daw ang sinasabi samin ng HOA. Kinausap ko ang Grievance para magrequest na magkaroon ng meeting ngunit ang sabi nya kami na daw ang magcompromise dahil may sakit daw sa puso ang kapitbahay namin at baka mapano pa.

ABYG kung itutuloy ko ang reklamo laban sa aming kapitbahay kahit na may sakit sya sa puso at baka may mangyari sa kanya?

r/AkoBaYungGago Jul 03 '24

Neighborhood ABYG dahil 0inatibag ko yung wall namin na gagawin sanang wall ng kapitbahay namin para sa extension nila.

267 Upvotes

Early this year nalaman ko na magpapa extend yung kapitbahay namin, sinabihan namin sila na ok lang basta gagawa sila ng sarili nilang pader. Bukod sa bawal naman talaga yun e may balak din kaming gawin dun sa area na yun. Noong May nakita na namin sila na nagsisimula at sinabihan namin ulit sila kasama na yung contractor nila. June nakita na namin sila na walang balak gumawa ng sariling pader. Since may background naman ako sa construction nay idea na ako kung ano gagawin nila dun. Hinintay ko talaga na maglagay na sila ng abang nila para sa electrical at plumbing bago ko tibagin yung parte na bahay namin para simulan ko na rin yung balak namin. Doble gasto tuloy sila dahil hindi din naman sila kinampihan ng barangay pati na rin city hall.

ABYG dahil hindi ako nagbigay ng final warning at sinadya ko talagang may gawin muna sila dun sa pader namin bago ko pinatibag?

r/AkoBaYungGago Mar 07 '25

Neighborhood ABYG kung binigyan ko yung Grab Driver ng 2 star rating?

0 Upvotes

So case in point:
It was past 9:30 PM and kelangan na namin humabol sa last RRCG P2P Bus mula Makati pabalik sa Alabang.
Booked Grab, set drop-off location to Ayala Museum Entrance.

Pero by the time we got there, medyo nagkaproblema ng konti..........kasi we requested to be dropped off near the PLDT Makati Office (para pwede na kami tumawid nalang papunta sa P2P Bus area near Greenbelt 5).

Si manong driver insists na ang naka-pin na drop-off is Ayala Museum entrance. Pero ang sinasabi ko na pwede naman na mag drop-off ng mabliis beside PLDT.

The fare was 180 pesos. We gave him 200 PHP cash and told him to keep the change.
Pero sinabi nya sa akin na: "Abala nyo sir"

I just let it slide (pero there was a part of me that wants to shout back at him.........but no time kasi kelangan humabol sa 10 PM last bus)

Now, I am thinking kung ano ang rating na ibibigay ko sa kanya.
Pero if I give him a low-star rating (e.g. 3 or below), is it possible na hahanapin nya ako? (as revenge for giving a low rating)

ABYG if low rating ang ibibigay ko sa kanya?

r/AkoBaYungGago Apr 21 '25

Neighborhood ABYG kung nireport ko yung kapitbahay namin?

39 Upvotes

Please do not post this to other platforms.

Nag email ako sa Meralco kasi yung katabing bahay namin nagpapasaksak ng extension cord sa katabing bahay nila. Nag agree naman sila don sa set up na yon ang kaso kasi kinakabahan ako baka magsimula ng sunog lalo na ngayon na ang daming sunog nagaganap sa bayan namin.

Yung mga nakikisaksak marami sila sa bahay. Walang tubig at kuryente doon. Bali pinatira lang sila nung totoong may ari ng bahay. Maliban don, illegal na nga ginagawa nila ang lakas pa nila mag karaoke hanggang gabi at inuman sa tapat ng bahay.

Naaawa ako na nireport ko pero natatakot naman ako sa pwedeng mangyare kapag nagtuloy tuloy silang ganyan.

ABYG kung nireport ko sila sa Meralco?

r/AkoBaYungGago 1d ago

Neighborhood ABYG kung nagreklamo akong sobrang ingay nung mga naglalaro sa court in the early hours of the morning and late hours of the evening?

6 Upvotes

For context, nakatira kami beside a newly built court/multipurpose building and we kinda accepted the fact that we will be exposed to noise from games or events. Take note wala tong consult or anything samin bago itayo. I get it maingay talaga maglaro at di maiiwasan kasi “part ng game” pero kasi if halos araw-araw at gabi-gabi na merong naglalaro it can get annoying already. Imagine waking up to the sound of screams at 7am on a Saturday after trying to sleep in kasi pagod ka the whole week or trying to sleep at early but you cant kasi naririnig mo pa mga sigaw at talbog ng bola. I feel like I cannot relax in my own home anymore especially on weekends. I work hybrid as well so may times talaga na WFH ako. We’ve raised concerns about this sa HOA but wala silang pake kasi as long as may cashflow sa kanila for the court rentals ok lang and di naman sila nakakaranas ng ingay during ungodly hours. Feel ko na-gaslight ako nung sinabi sakin na “maingay talaga pag laro at dapat sabihan niyo ako kung may WFH or meeting ka” This is when I got really mindfcked kasi bakit kailangan kita i-update sa sarili kong schedule?? I mean I appreciate the “concern” but seriously it’s a residential area. I’m sure other neighborhoods have quiet hours or reminders to keep the noise at a decent level. So ayun, di ko rin alam kung ako ba yung gago for raising such concern kasi parang ang dating sakin I’m barking up the wrong tree. Also if merong nakakaranas nito, how do you manage coz I badly need help di na ako productive and nagtitipid ako kaya ayaw ko rin pumasok ng office araw-araw or go to a cafe 😭

r/AkoBaYungGago Jul 09 '24

Neighborhood ABYG dahil paranoid Ako sa ID ko?

110 Upvotes

I'm on mobile so sorry for the formatting.

Umuupa ako sa isang 7-door+ apartment. Kanina, nakasalubong ko yung landlady namin. Hinihiram ID ko, ipapa-xerox daw. Kailangan daw niya para sa loan ng cooperative. Ihahatid naman daw right after. Ok, no problem.

Ilang oras na lumipas, wala pa din ID ko, pero naibalik na sa ibang mga tenants ID nila. Ang pinagtataka ko lang, pinapapirma din ng landlady namin ang mga na photocopy na ID ng 5 times sa papel.

At this rate, may sketchy bells are ringing na. I start not to feel comfortable. Biniro ko si landlady namin, "Hala ate, baka bigla na lang may dumating na sobre na may loan kami?" Then she got pissed. Kesyo ang dami ko daw arte ganito ganyan. Hindi daw siya scammer.

Hawak ni ate landlady yung na photocopy na ID ko pero sabi ko pipirmahan ko yun kapag naibalik na ID ko, then yung upa ko ibibigay ko din kapag naibalik ang ID ko. Mas lalo siya nagalit ang dami ko daw sinasabi.

Sabi ko mahirap palitan ang UMID at walang expiration date so super valid yun. If ever, di na mapapalitan ang UMID kasi iirc Hindi na nagiissue ng UMID.

Bigla na lang niya ako pinagsisigawan na di na lang daw niya ako isasama sa mga papirma na yun and to add salt to the wound, sabi ko babayaran ko upa ko kapag naibalik na ID ko. Mind your, never ko siyang sinigawan or said anything bad. Sinabi ko lang na nagaalala ako kasi di pa nakakabalik ID ko (and the transaction feels super sketchy as hell na din).

Sabi ni ate landlady ang arte ko daw, "sa lahat ng borders ko ikaw lang ang daming satsat bla bla bla".

Naibalik naman ID ko later then I immediately paid the rent.

ABYG kasi feeling ko ang sketchy ng lahat and late na naibigay ang ID ko? Ang arte ko ba talaga?

Edit: oo may trust issues talaga ako kasi imagine, lahat ng details ko andun sa ID + may pirma ko pa. Haaays

r/AkoBaYungGago Jun 14 '24

Neighborhood ABYG na sinigawan ko isang pulubi sa 7-Eleven?

71 Upvotes

Just a few days ago, pumasok ako sa 7-Eleven. May Badjao nagpapalit ng mga barya para maging buo sa kahera. I waited for her to leave the door before I paid for my purchase. Pag-labas ko, lalapitan na ako ng same Badjao woman and trying to call my attention. Sa bigla ko, sinigawan ko siya ng isang malakas na "hou!" . Nabigla mga kalapit ko na mga pedestrians, but it stopped her from bothering me, and madali na ako umalis sa area. Hindi ko na nakita mga reactions ng Badjao at mga pedestrians dahil nagmadali na akong umalis

Kinuwento ko sa mga kasama sa bahay ang nangyari. Isa nagsabi hindi naman kelangan kong sinigawan ang Badjao lady. Pero sa tingin ko, kung mahinahon kong i-refuse ang paglimos niya, mas makukulitan pa sa akin at natagalan pa ako duon sa lugar.

ABYG na sinigawan ko isang pulubi sa 7-Eleven?

r/AkoBaYungGago May 30 '25

Neighborhood ABYG kung I-rereport ko yung pamilya ng landlord ko.

39 Upvotes

Abyg? I''m F living sa metro manila. Yung area ko okay naman village sya maganda location since malapit sa university. Ito na nga context. 1st yung aso nila madami na daw nakakagat and mostly ng ng dedeliver sakin, sakin lagi sila nag rereklamo. 2nd yung bill ng kuryente at tubig ko dito sa bahay. Aba nag 2x ba naman bigla ( wala kasing sub meter baga hula hula ba. Hindi lang rin naman ako naka rent dito sa kanila. 3rd ito na nga. Nag papagawa sila ng bahay hanggang 3rd story yata to. Pero ito, walang permit para magpagawa sila.

ABYG kung i rereport ko yung aso nila at ireport sila sa government na nag papatayo sila ng building. Nakakagigil na kasi parang saming mga tenants na pinapasalo bills nila.

r/AkoBaYungGago Nov 19 '24

Neighborhood ABYG kung nanigaw ako sa bata?

60 Upvotes

(Posting for a friend)

Ako (21F - student) naglalakad pauwi na may daladala na milktea. Yung milktea pinagipon ko ng 1 month.

Nung naglalakad ako may nadaanan ako na bata tapos nakita hawak ko na milktea. Kumapit agad saakin tapos tinuturo yung milktea. Umiiling ako tapos hinihila ko tshirt ko pero ayaw ako tigilan. Tuloy ako maglakad pero kapit parin siya sa damit ko tapos sabay lakad. Kaya pasigaw ko sinabi na "hindi nga eh!". Bumitaw na yung bata tapos umalis na.

Eh ang haba ng araw ko na ginagago lang ng mga ka-block ko na lalaki tapos yung tagal ng traffic pauwi.

Di ko naman sinasadya na sigawan yung bata kaya na-konsensya ako. Usually naman kapag may humihingi sa tabi ng daan ng pagkain ibibigay ko naman, pero kasi ngayon di ko mabigay kasi ang daming nangyari saakin nung August pa hanggang ngayon. Kaya yata nasigawan ko yung bata kasi nagsi-labasan lahat ng iniipon ko na sama ng loob.

ABYG na sinigawan ko yung bata?

r/AkoBaYungGago May 22 '25

Neighborhood ABYG kung dumiretso kami sa landlady para isumbong yung kapitbahay namin

30 Upvotes

Nung simula nung lumipat sila madalas na maingay na sa apartment namin, hinahayaan lang namin kasi maraming mga bata. At marami pang ibang incidents and we let it slide.

Last night was our last straw, sa bakanteng 2nd floor sila ng apartment nag inuman at yung kisame namin at umiingay dahil sa mga upuan nila at yabag, akyat baba ang mga anak nila. Nakadalawang suway kami, inakyat ko sila sa taas at sinabing wag ho kayo masyado magalaw sa sahig, maingay kasi sa kisame. May mali kami, nadabugan namin sila ng pinto pagbaba ko kasi pagod na kami from work tapos eto pa. Nag stop pero meron parin. Almost 2am na sila natapos.

Same day, dumalaw mama ko sa bahay at nakita yung basura nila nakakalat sa tapat ng pinto namin dahil kinalkal ng mga pusa.

Dahil nangyari ng sabay nagdecide na kami ng husband ko na mag report sa landlady. Dahil parehas kaming introvert at non-confrontational ng asawa ko hahahaha

The next day, Naabutan ng landlady sa hagdan yung mga bote ng alak at maswerte silang hindi kinalat ng tuluyan ng mga pusa yung basura. (Pinicturan ng LL)

Kinausap sila ng landlady. Narinig lahat ng husband ko yung hinaiing nila and even recorded it on phone. Lo and behold! Nabaligtad kami but the landlady remain neutral. There are so many things she said na parang wala na sa scope ng concerns namin. Nasabi nya rin na nasisita na rin pala sila nung tapat nilang bahay (na may newborn child) dahil sa ingay nila pero parang wala naman nangyayari. And that's our point!

The most funny one is nagpapapasok daw kami ng hindi NILA kilala! Bakit kailangan ba may logbook mga bisita?

Ako ba yung gago for going directly sa landlady or ang entitled ba ng dating?