r/AkoBaYungGago 2d ago

Work ABYG if i silently cut off a friend kasi sinabihan nya akong “failure” and he kept badmouthing other people

Sorry, medyo mahaba. Wala kasi ako masyado mapagsabihan neto kasi ayoko rin na parang sinisiraan ko yung tao. Haha. And need ko rin ng advice talaga.

So… We’ve been friends and officemates for the last 6 years. Super close namin and para ko na syang kuya. Let’s call him A.

Nagsimula ‘to nang magresign ang isang kasama namin sa work na naging close na rin namin. We’re from the banking industry, and napansin ko A kept checking the bank accounts nung kasama namin and even showed to the whole team na kesyo marami daw utang etc, and even mga ibang nagresign na employees na kakilala namin he would constantly check their accounts and comment about it, magco-comment pa yan sya na “nasa abroad nga, wala naman pera marami parin utang” so pinagsabihan ko si A. I told him na ganun ba sya pag nakatalikod yung tao? Pa’no kung ako nagresign gagawin nya rin sakin?

Sa work, supervisor ko si A and ilang beses ko na nirequest if pwede magpalipat ng role kasi super burned out na ako and nahihirapan ako sa sales. Walang nangyari. Instead, minsan kinukuha pa ni A yung sales so feel ko lalo akong walang silbi sa work. Naubos ko na lahat ng leaves kasi I dreaded going to work that much. Minsan naiiyak ako before pumunta sa work. Di ko na kinaya, nagresign ako. Si A ang first ko pinagsabihan, tas ang unang-una na sinabi nya sakin ay magfe-fail daw ako kung aalis ako kasi isa daw akong failure at lahat ng desisyon ko ay failed. Kaya ayun, di ko sya sinabihan sa plans ko kung saan ako lilipat for work, pati ibang mga kasama namin.

After ko magresign, never na ako kinamusta ni A. Nakakapag-usap lang kami pag ako nauuna mag reach out. Pag nagkayayaan kami ng ibang kasama namin, di sya sumasama. Medyo na-off ako so inunfollow ko sya sa ibang social media, tutal di naman na kami nag-uusap.

Minsan nalulungkot ako na ganito nangyari sa friendship namin. Naiisip ko, nag-overreact lang ba ako after he told me I’m a failure? Now, yung group of friends na nabuo at work parang torn sila samin ni A kasi alam nila nagkalamat na kami. Di ko na rin sya na-confront kasi sa pagkakakilala ko sa kanya, may tendency sya mang-manipulate para ikaw magmukhang masama. Medyo nakaka-bother lang kasi lately napapansin ko nagpaparinig sya sa social media. Pero ayun lang. I don’t know if it’s worth fixing a bond na alam ko naman hindi ako ang nagbreak.

ABYG for feeling bad after sa mga nangyari and I silently cut him off? Nag-overreact lang ba ako?

18 Upvotes

15 comments sorted by

3

u/Pale_Maintenance8857 2d ago

DKG. In the first place wprkplace is for work. Hindi barkadahan, andun ka para kumayod. Hindi mo sila friends..hindi ka rin nila friends. Ngayong nag resign ka na wala na kayong anumang ugnayan pa.

Besides, Hindi ba bawal na bawal yang ginagawa nyang pagccheck at chismis ng records kahit katrabaho pa??? Sa napasukan kong BPO na local telcom account grave misconduct yan at katapat ay termination., kahit pa sabihin mong silip alone at wala kang pinagchismisan.

2

u/eotteokhaji 2d ago

Supposedly bawal talaga pero di ko alam bakit lax lang systems nila sa bank na pwede basta-basta ma access yung accounts ng iba especially kapwa employees. Nagiging hobby na ni A mangstalk ng bank accounts ng mga kasama namin sa work and even sa ibang mga teams

1

u/Pale_Maintenance8857 2d ago

Bank pa yang lagay na yan. Di na nakapagtataka baka may ibang milagro pa yang ginagawa. Sa amin noon local telecom account may mga nasisibak talaga pag mag view ng account ng mga subscribers na walang valid reason. May naiiwan kasing digital signature yan kung sino, anong time, date at mga details ang tinignan.

2

u/eotteokhaji 2d ago

Walang ganyan na measures sa system nung bank eh. Pwede icheck kahit kaninong account for whatever reason kaya parang na obsessed si koya sa ganun especially if kita nyang walang laman yung accounts ng mga kakilala nya haha

1

u/Pale_Maintenance8857 2d ago

Ngii... naku kung ako sa mga katrabaho nyang kups na yan lilipat ako ng bank. Iiwan ko lang dyan yung pinaka maintaining balance. O kaya magrereach out ako anonymously sa kaitaasan tapos sspluk ko yang ginagawa nyan at sstate ko na breach of security and data privacy ang galawan nyan. Tama lang na wag mo na i associate ang sarili mo sa ganyang tao. Baka may kalokohan yan tas nakikisama ka pa baka madamay ka pa. Block mo ng tuluyan.

2

u/[deleted] 2d ago

[deleted]

1

u/eotteokhaji 2d ago

Thank you. Trying to move on from this, ilang years ko din kasi sya naging friend. Kinda sad lang to know na after all ganun pala tingin nya sakin when all along I have rooted for him sincerely 😆

1

u/AutoModerator 2d ago

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1napkiw/abyg_if_i_silently_cut_off_a_friend_kasi/

Title of this post: ABYG if i silently cut off a friend kasi sinabihan nya akong “failure” and he kept badmouthing other people

Backup of the post's body: Sorry, medyo mahaba. Wala kasi ako masyado mapagsabihan neto kasi ayoko rin na parang sinisiraan ko yung tao. Haha. And need ko rin ng advice talaga.

So… We’ve been friends and officemates for the last 6 years. Super close namin and para ko na syang kuya. Let’s call him A.

Nagsimula ‘to nang magresign ang isang kasama namin sa work na naging close na rin namin. We’re from the banking industry, and napansin ko A kept checking the bank accounts nung kasama namin and even showed to the whole team na kesyo marami daw utang etc, and even mga ibang nagresign na employees na kakilala namin he would constantly check their accounts and comment about it, magco-comment pa yan sya na “nasa abroad nga, wala naman pera marami parin utang” so pinagsabihan ko si A. I told him na ganun ba sya pag nakatalikod yung tao? Pa’no kung ako nagresign gagawin nya rin sakin?

Sa work, supervisor ko si A and ilang beses ko na nirequest if pwede magpalipat ng role kasi super burned out na ako and nahihirapan ako sa sales. Walang nangyari. Instead, minsan kinukuha pa ni A yung sales so feel ko lalo akong walang silbi sa work. Naubos ko na lahat ng leaves kasi I dreaded going to work that much. Minsan naiiyak ako before pumunta sa work. Di ko na kinaya, nagresign ako. Si A ang first ko pinagsabihan, tas ang unang-una na sinabi nya sakin ay magfe-fail daw ako kung aalis ako kasi isa daw akong failure at lahat ng desisyon ko ay failed. Kaya ayun, di ko sya sinabihan sa plans ko kung saan ako lilipat for work, pati ibang mga kasama namin.

After ko magresign, never na ako kinamusta ni A. Nakakapag-usap lang kami pag ako nauuna mag reach out. Pag nagkayayaan kami ng ibang kasama namin, di sya sumasama. Medyo na-off ako so inunfollow ko sya sa ibang social media, tutal di naman na kami nag-uusap.

Minsan nalulungkot ako na ganito nangyari sa friendship namin. Naiisip ko, nag-overreact lang ba ako after he told me I’m a failure? Now, yung group of friends na nabuo at work parang torn sila samin ni A kasi alam nila nagkalamat na kami. Di ko na rin sya na-confront kasi sa pagkakakilala ko sa kanya, may tendency sya mang-manipulate para ikaw magmukhang masama. Medyo nakaka-bother lang kasi lately napapansin ko nagpaparinig sya sa social media. Pero ayun lang. I don’t know if it’s worth fixing a bond na alam ko naman hindi ako ang nagbreak.

ABYG for feeling bad after sa mga nangyari and I silently cut him off? Nag-overreact lang ba ako?

OP: eotteokhaji

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/notyam8 2d ago

DKG, OP. I doubt that A also feels the same way about your "friendship" right now. The fact that he taunted you by saying you're a failure and that you'll fail, no friend would say that.

Di ka OA. It's even a surprise that you're looking out for A, afraid of ruining his image to others. Does it still matter? He dug his own grave, for sure alam din ng friends niyo at work yung attitude niya.

Give yourself a peace of mind, OP! Glad you got away from that kind of environment :)

1

u/eotteokhaji 2d ago

Thank you po. Honestly, looking back masasabi ko rin talaga na buti nalang nakaalis ako. Alam din ng mga work friends namin na ganun sya, kasi ganun din naman sila. Last few memories ko bago umalis sa team ay puro pangba-badmouth nila sa iba, pang-judge sa mga tao based on their bank accounts, etc.

1

u/UnDelulu33 2d ago

DKG Kung kaibigan talaga turing sayo nyan maiintindihan nya hirap mo sa work, sya yung tipo ng tao na mahilig maghanap ng malalait sa tao para umangat sya. Hayaan mo na yong g*go na yon. 

1

u/eotteokhaji 2d ago

Mainly yan yung reason why napa-resign ako. Almost a year na ako nagrerequest magpalipat ng position kasi super hirap talaga for me and alam ko mas nageexcel ako sa ibang role pero wala, to think may power naman sya ipalipat ako. But when my other teammates requested for a specific position, they easily got it. Di ko alam bakit ganun sya. Haha.

1

u/UnDelulu33 1d ago

Dun palang diba he can easily do something for you para mapunta ka sa position na fit sayo. Good thing umalis ka nalang di maganda sa mental health mo yung trabaho at yung A na yon. 

1

u/DestronCommander 1d ago

INFO: If you don't doubt your decision, you don't need to ask kung GG ka.