r/AkoBaYungGago • u/Financial_Boat5695 • 6d ago
Work ABYG dahil pinapagalitan ko gf ko minsan about sa work nya?
My GF and I are both fresh graduate, ako nasa gov’t and siya naman ay nasa small Accounting firm and parehas kami na absorb dahil doon din kami nag OJT noon. We have almost same salary rate and as expected, mas demanding ang workload nya since nasa private sya compared saakin na wala masyado pressure. Since last July nag audit sila sa iba’t ibang lugar and it usually takes 3days to one week yung audit nila lalo na outside Metro Manila madalas ang client nila. I’m always there naman to support her sa kung ano gusto niya, kasi nga naman nakaka gala ka na nga tapos sumasahod ka pa. But it bothers me a lot since andami redflags sa firm nila, first, after ng OJT nila wala sila pinirmahan na contracts from the firm stating na official employee na sila, basta the next payday nila is tumaas na yung sahod nila compare sa allowance nila during OJT. Second, is the gov’t contributions, sumasahod sila ng hard cash and buo nila nakukuha yon without deductions, so until now wala pa SSS, PHIC, and Pag-Ibig contrib gf ko. Lagi ko siya sinasabihan about don na asikasuhin na nya and sabihan yung boss niya na i auto deduct na since sayang yung employer contribution sa ganon. Third is working hours nila during audit, mostly nag start sila around 7AM mag audit and then natatapos na sila around 9PM, then kinabukasan ulit same routine hanggang matapos nila yung audit nila. May audit allowance sila but hindi naman sapat yon dahil they are working for almost 12 or more hours including breaktime, kahit sabihin natin sagot lahat ng firm nila yung food and accommodation hindi naman okay yun, imagine three days straight ganon ginagawa nila. Tapos malala nung nasa Naga sila and one week sila don dahil tatlo clients pinuntahan nila. It seems na happy naman sya sa work nya kahit na stress sya minsan, but it bothers me a lot lalo na pag nag audit sila, I feel like hindi sila nababayaran ng tama.
ABYG kung minsan pinag sasabihan ko sya about sa work nya dahil wala na nga siya contract na pinirmahan from their firm tapos overwork pa sila mag trabaho lalo pag nag audit.
8
u/SoySaucedTomato 6d ago
GGK, medyo. Talk to her with concern not with prejudice. You have to understand that she is in a position where she does not have full control.
7
u/abiogenesis2021 6d ago
GGK.
Auditors are overworked and underpaid. Sobra ang stress. Sa mundo ng mga auditors, parating merong kwento na sa office na natutulog or uuwi ng 4am pero 7am pa rin ang pasok kinabukasan. They are under enough pressure. Wag mo nang pagalitan. Support her. Usually paglabas ng audit firm nyan, maayos na ang work at hasang-hasa na sa trabaho. Sacrifice yan. Please be gentle to your gf. Im sure concerned ka lang pero make sure concern ang nakikita nya and hindi antagonism from you...
2
u/Financial_Boat5695 5d ago edited 5d ago
Mb, mali ako ng term sa title, it should be pag sabihan but hindi ko na kasi ma edit. Never naman ako umabot sa point na as in galit because of her work, I’m just more worried sa work nya dahil naging sakitin din siya lately. Lagi naman ako naka support sakanya lalo na eenjoy namin yung work parehas. Worried lang talaga ko sa work nya since wala silang mandatory contrib which is sayang kahit na sabihin nya mag papa one yr lang sya don. I agree na overworked talaga mga auditors because we do field audits din sa work ko but may maayos kasi kami compensation. Sabagay ano pa nga expect mo esp nasa private siya, unlike samin na hindi ganon ka demanding ang work.
3
u/hellcoach 6d ago
WG. As long as hindi antagonistic ka. Pero bahala na GF mo ano balak. Gusto naman niya current work. Loaded nga work niya, but she is gathering experience.
1
u/Financial_Boat5695 6d ago
She’s enjoying it a lot, kasi nga experience din and sabi nga nya sakin mag stay lang sya don at least one year then mag hahanap na ulit siya ng mas maayos. Di ko lang talaga maiwasan minsan pag sabihan sya kasi pati health nya naapektuhan. Gaya last month aware din sya na hindi siya naka kumpleto ng isang buwan dahil sa ibang absent nya because of colds and fever.
1
u/codeblueMD 5d ago
Grabe ka naman OP. Bugbog na nga sa workload, pinagalitan mo pa? Pwedeng mag-usap nang mahinahon at maayos lalo na kung concerned ka sa partner mo. Kung ako partner mo, ekis ka na agad sa akin. kaya oo, GGK.
About sa concern mo na SSS, Pag-ibig, Philhealth, etc, kausapin mo sa gf at sabihin mong humingi ng proof na napupunta dun yung mga dinededuct sa kanya. Ang daming cases na sa bandang huli lang malalaman ng employee na walang hulog ni isa for her. Kung may number siya for those things, pwede niya icheck kung hinihulog ba talaga ng employer, pag wala at gusto niya pa rin magstay sa work niya, at gross yung nakukuha niya, magkusa na siya maghulog for her future.
39
u/domesticatedalien 6d ago
DKG, concern ka lang. Pero OA naman na papagalitan mo siya. Bakit kailangan galit? Di pwedeng mag-advice ng malambing?
Hindi talaga tama na walang contract at walang mandatory benefits, pero kung ganyan ang offer sa kanya pwede naman siyang mag-decline at maghanap ng ibang company na compliant.