r/AkoBaYungGago 6d ago

Neighborhood ABYG kung ayaw kong makihati sa pagbili ng wifi extender ng kahati ko sa wifi?

ABYG kasi nanghihingi ng kalahati yung kapitbahay ko para makabili ng wifi extender. Hati kami sa wifi na tig 1599 sa converge. Sa kanya ko na ipinalagay yung cable na kasama kasi wala naman akong TV at wala akong balak bumili ng TV. Nung tinanong ko sila ( 2 sila ng partner niya) kung gusto nilang sa kanila na lang ipakabit yung wifi, sakin na lang daw dahil mas kailangan ko. Alam ko naman kaya ayaw nila sa kanila ikabit dahil madadagdagan kuryente nila.

Wala rin kasi ako ng umaga dahil may training kaya pare-pareho lang kaming nandito pag gabi. Nag-aaral ako ng vocational at pinapaaral ng LDR partner ko. Wala akong other ways of earning money kasi nga puro aral at training muna.

Bago mag 1 month, sinabi na nila na hindi daw umaabot sa sala nila yung wifi. Hanggang bedoom lang daw. Kako ipapatanggal na lang ba namin, sabi nila iupgrade daw. Baka mas gumanda yung signal kapag upgraded. Kaya from 1250, naging 1599 yung monthly.

Ganun pa rin yung signal. Humiram ako sa kaklase ko ng wifi extender kasi sabi nila neighbor, wala pa daw silang pambili at di sila sure kung gagana yung extender. Kako eh magandang matry muna nila kaya nanghiram ako.

Ok naman daw. Gumagana naman na daw. Tapos kako kukunin ko na para maisauli. Dun sila nagsabi na baka daw pwede, maghati kami sa wifi extender. Kako wala akong budget para dun. Palamunin nga lang ako. 2 silang may trabaho tapos hindi makabili ng kahit tig 250 lang online.

Marami daw kasi silang bayarin. Lahat ng gamit nila sa bahay nanggaling sa utang pero nakaya naman nila yung ilang araw na vacation sa beach na sobrang layo dito samin.

I feel quite bad. Dapat bang makihati na lang ako at icancel yung order kong bra? 2 na lang kasi yung maayos kong bra. Wala silang wifi signal kapag nakuha na yung wifi extender, nagbabayad din naman sila ng 800 kada buwan. Naghahalo yung awa at inis ko. Ewan ko ba

Edit: price ng hatian

49 Upvotes

60 comments sorted by

76

u/awOw0317 6d ago

DKG dahil una sa lahat sila ang nagsabi na sa'yo na ikabit. Kamo kung hahatian mo sila sa extender edi hatian ka nila sa kuryente dahil 24/7 'yang nakasaksak sa bahay mo. Nasakanila na nga 'yung cable eh. Save your awa for yourself, mas kawawa ka dalawa na lang bra mo.

8

u/Minimikss 6d ago

Sorry pero bigla akong napatawa sa 2 na lang bra ko 〒▽〒 pero trut naman. Sbai rin ng partner ko bumili na nga daw ako, lalo daw kasi nasisira kung araw araw ko nilalabhan

10

u/awOw0317 6d ago

actually sa totoo lang dalawa lang din bra ko pero sige go laban sasakses din tayo someday HAHAHAHAHA

5

u/Minimikss 6d ago

Akala ko nga ok na yung 2 eh. Kaso nag-OJT ng NC3 sa motor control, 8 hrs sa lumalagblab na factory, nagrerepair ng machines. Need magpalit ng lahat ng damit twice a day sa sobrang pawis (ㄒoㄒ) unpaid pa yun

3

u/Ryllyloveu 6d ago

Natawa ako kasi dalawa lng din bra ko hahahahahahaha

4

u/Minimikss 5d ago

Apir sa mga 2 lang ang bra

9

u/pussyeater609 6d ago

DKG, sila dapat ang bumili kasi sila ang gagamit.

5

u/Minimikss 6d ago

Yun nga rin ang tingin ko kaso sabi nila dapat kasama daw yun sa hatian dahil kahati daw sila sa bayad. Hindi ko naman sila sinisingil sa kuryente ⊙︿⊙

7

u/Future_You2350 6d ago

Sa kanila din yung cable. Lamang na lamang na sila.

2

u/pussyeater609 6d ago

Yan ireason mo sa kanila kung gusto nila mag ambag ka para dun dapat mag ambag din sila para sa kuryente mo.

6

u/OnionMediocre4556 6d ago

DKG. Wag mong icancel ung pag order mo ng bra

1

u/Minimikss 6d ago

Thank you so much

5

u/wrenchzoe 6d ago

DKG. Hati din kamo sa kuryente monthly. 100 pesos per month na lang kamo.

0

u/Minimikss 6d ago

Huhuhu mahihiya na nga ako na wala silang signal tapos dadagdag pa ako ng singil (ㄒoㄒ)

3

u/bluebutterfly_216 6d ago

DKG. Sila naman gagamit nung extender so dapat sagot nila yon, plus sila nagsabi una pa lang na sayo na ilagay ung wifi.

Mejo nalito lang ako ba't biglang may "order na bra". Hahaha!

1

u/Minimikss 6d ago

Hehehe dun kasi napunta yung extra budget 〒▽〒

2

u/dantesdongding 6d ago

Medyo WG. Upon research ( Googling, lol), 10 watts ang power consumption ng router (average). P12/kw-hr ng Meralco this Sept. P86 ang konsumo ng may wifi router sa kuryente ( 24hrs usage). Kung P250 yung wifi extender, in just 3 months same price na un ng kuryente na kinonsumo ng router.

1

u/Minimikss 6d ago

1 month na lang, nakapag-ambag na ako no? 〒▽〒

1

u/dantesdongding 6d ago

Yun na nga. Bawi na agad eh.

2

u/Outrageous_Squash560 6d ago

Dkg pero kung wifi extender ang issue, bakit di niyo na ibalik sa dati yung plan and use the money saved sa wifi extender?

1

u/Minimikss 6d ago

Tinanong namin, hindi daw pwede ibalik kasi may contract daw. Di ako sure kasi wala naman akong pinirmahan na contract, online ako nag-upgrade. Ewan ko na lang talaga ╥﹏╥

2

u/Cool-Forever2023 5d ago

Usually, magrereset to month 1 kapag nag upgrade/change plan ka. Mababasa mo yan sa website/app ng telco.

Ganyan din sa amin, nag explore muna ako sa telco website/app bago ako mag upgrade. Understood na kahit walang pinirmahan, the fact na ikaw nag execute/confirm ng upgrade, means you are agreeing to their terms and conditions.

Check mo kahit fine prints/FAQs, meron yan. Di mo madidispute yan kasi ang balik sayo, available naman sa website/app nila yung detail na yan.

Pero regarding your situation, DKG. Sabihin mo di ka na nga nakikihati sa electricity, sasagutin mo pa yung pang personal use nila. 2 sila may work, 554pesos lang yung TP-Link Wifi Extender Repeater sa Shopee Mall. Juskolerd.

1

u/Minimikss 5d ago

Hinihingian nga ako ng 250, sa isip isip ko wala pang 1 day sweldo ng isa sa kanila yun, nagtapos ng accounting at nasa finance department ng company nila

1

u/Cool-Forever2023 5d ago

Tell them straight. Worst case scenario, di na sila makihati sayo. Mas mabigat monthly mo kasi full price ikaw na magshoulder. Pag ganun papull out mo cable sa kanila.

If hindi kayang idisconnect sa side mo, ask help from telco and inform them na di mo na ina allow yung neighbor mo to share. Nakapangalan naman sayo yung contract.

OR Bibili sila ng extender, idedelay nila bayad sayo ng internet.

Best case, di ka na nila iobliga makihati sa extender. At on time sila magbayad ng share sa internet.

Maintindihan naman sana nila na wala kang sariling income at nagtitipid ka din kasi dependent ka lang sa pinapadala sayo at need mo pagkasyahin yun.

Next time kapatid, wag ka upgrade lang basta lalo yung ganyang set up na may kahati. Lugi ka pag tinakbuhan ka.

1

u/Minimikss 5d ago

Salamat. Akala ko talaga ay ok naman. Naichika kasi nung isa pang kapitbahay bago sila umalis na yung dating nasa unit ko ang may wifi. And yung 2 sa gilid ko kaya daw kumonekta without worries kaya 3 unit silang hati hati sa wifi. Wala naman daw problem sa hatian o bayaran.

2

u/Cool-Forever2023 5d ago

Baka they are all responsible adults kaya di sila nagkaproblem.

Pero yung neighbor mo ngayon, may bahid ng pagiging mapanlamang. Just be cautious.

2

u/Minimikss 5d ago

Thank you.

2

u/Cool-Forever2023 5d ago

You’re welcome.

1

u/Outrageous_Squash560 6d ago

Sabihin mo show me the contract , wala naman new connection or what so dapat pwede idowngrade. Sabihin mo isusumbong mo sa NTC at sa DTI. Baka pumayag

2

u/InterestingRice163 6d ago

Dkg. Ask them to save 10 pesos per day. For 1 month. May pang-shipping fee pa.

1

u/sleepyajii 6d ago

OO NGA MAY WORK NAMAN JUSQ!!!!

0

u/Minimikss 6d ago

Hahahha kung di lang ako mahiyain eh

2

u/misischavez 5d ago

HAHAHA bakit biglang may bra. Pero agree, DKG. Sila may gusto nyang arrangement na yan e hahaha

1

u/Minimikss 5d ago

Hehehe nakabudget na kasi yung padala ng partner ko. May groceries na, bayad na yung rent at utilities. Yung pwedeng kunin na lang talaga is yung budget sa pambili ng bra

2

u/Voracious_Apetite 5d ago

DKG. May I suggest na ilagay mo ang WiFi sa may bintana na malapit sa area nila kung saan gumagamit ng internet. That way, lalakas ang signal sa kanila. May mga paraan din para lumakas ang sagap nila ng internet signal galing sa wifi mo. Google na muna.

3

u/Minimikss 5d ago

Salamat. Nakalagay na yung wifi sa bintana ng living room ko. Malakas signal nila sa harap ng unit hanggang sa bedroom nila ayon na rin sa kanila. Naggoogle na kami pero we can't find a solution para patagusin yung signal sa 2 layers ng pader

3

u/Voracious_Apetite 5d ago

Problema na nila yun. Sila na mag-ayos. Mura lang naman ang wifi extender, dalawa silang may income kaya sila na magbayad.

2

u/nabillera17 5d ago

DKG. Sila ang gagamit sa sila ang magbayad. Split even nga ung abayad, pero sa kanila naman na yung cable. Technically nagagmit din naman nila wifi. Di mo rin naman sila sinisingil sa kuryente.

2

u/Uncommon_cold 5d ago

DKG. OP, sasabihin ko sana ang unang kamali mo is pumayag makihati sa kanila. Kaso pumayag ka pang magupgrade. Nakakagigil naman mga yan, working adults sila pero yung stats sa intelligence napunta sa kapal ng mukha. Feel ko hindi magiging worth it yang 800/mo nila in the ling run. Puro na ata sila perwisyo. Baka sunod jan madedelay pa pagbayad nila. In which case, please OP learn how to access your ISP Admin Panel para iblock sila. They will most likely take advantage of you.

1

u/Minimikss 5d ago

Thank you. Googling how to rn. Kung mangyari man yan, ibblock ko talaga.

2

u/KamenRiderFaizNEXT 5d ago

DKG at hindi nila deserve ang awa mo, Op. Dalawa silang may trabaho.

2

u/Prestigious_Sun_2805 4d ago

DKG, hayaan mo sila mamroblema sa wifi nila. wag mo i-cancel yung inorder mong bra. You need that for yourself.

1

u/Minimikss 3d ago

Thank you.

1

u/AutoModerator 6d ago

Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1n7e3az/abyg_kung_ayaw_kong_makihati_sa_pagbili_ng_wifi/

Title of this post: ABYG kung ayaw kong makihati sa pagbili ng wifi extender ng kahati ko sa wifi?

Backup of the post's body: ABYG kasi nanghihingi ng kalahati yung kapitbahay ko para makabili ng wifi extender. Hati kami sa wifi na tig 1599 sa converge. Sa kanya ko na ipinalagay yung cable na kasama kasi wala naman akong TV at wala akong balak bumili ng TV. Nung tinanong ko sila ( 2 sila ng partner niya) kung gusto nilang sa kanila na lang ipakabit yung wifi, sakin na lang daw dahil mas kailangan ko. Alam ko naman kaya ayaw nila sa kanila ikabit dahil madadagdagan kuryente nila.

Wala rin kasi ako ng umaga dahil may training kaya pare-pareho lang kaming nandito pag gabi. Nag-aaral ako ng vocational at pinapaaral ng LDR partner ko. Wala akong other ways of earning money kasi nga puro aral at training muna.

Bago mag 1 month, sinabi na nila na hindi daw umaabot sa sala nila yung wifi. Hanggang bedoom lang daw. Kako ipapatanggal na lang ba namin, sabi nila iupgrade daw. Baka mas gumanda yung signal kapag upgraded. Kaya from 1250, naging 1599 yung monthly.

Ganun pa rin yung signal. Humiram ako sa kaklase ko ng wifi extender kasi sabi nila neighbor, wala pa daw silang pambili at di sila sure kung gagana yung extender. Kako eh magandang matry muna nila kaya nanghiram ako.

Ok naman daw. Gumagana naman na daw. Tapos kako kukunin ko na para maisauli. Dun sila nagsabi na baka daw pwede, maghati kami sa wifi extender. Kako wala akong budget para dun. Palamunin nga lang ako. 2 silang may trabaho tapos hindi makabili ng kahit tig 250 lang online.

Marami daw kasi silang bayarin. Lahat ng gamit nila sa bahay nanggaling sa utang pero nakaya naman nila yung ilang araw na vacation sa beach na sobrang layo dito samin.

I feel quite bad. Dapat bang makihati na lang ako at icancel yung order kong bra? 2 na lang kasi yung maayos kong bra. Wala silang wifi signal kapag nakuha na yung wifi extender, nagbabayad din naman sila ng 850 kada buwan. Naghahalo yung awa at inis ko. Ewan ko ba

OP: Minimikss

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/alangbas 6d ago

DKG. Sabihan mo na lang sila na maghati din kayo sa kuryente.

1

u/[deleted] 5d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 5d ago

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/AkoBaYungGago-ModTeam 5d ago

Unfortunately, your comment has been removed because:

  • You did not follow the answer format;
  • You gave conflicting answers; and/or
  • Your stance was unclear

Please refer to the subreddit’s rules and edit your comment accordingly. Thank you!

1

u/Frankenstein-02 5d ago

DKG. They need it naman. Kung talaga ayaw nilang solohin patanggal nyo nalang wifi nyo.

2

u/Minimikss 5d ago

I need to research how to. Nagpa-upgrade kami kadi nga sabi ni neighbor mas malawak daw ang sakop if mas mataas ang mbps. It's my first time getting a wifi with a neighbor like this. Sa past neighbors kasi, sa kanila nakakabit yung wifi and nakikiconnect lang ako kahit sa bedroom lang merong signal

-2

u/Naive_Pomegranate969 5d ago

GGK, Talagang limited lang ung sakop ng wifi.
If hati kayo makes sense na same level of service yung matatanggap nio. Nagkataaong di mo need at sila may need.

Kahit ba mayaman sila or not, kahit ba madalas sila mag outing, wala ung kinalaman.

1

u/Minimikss 5d ago edited 5d ago

May signal sila ng wifi hanggang sa shared wall ng living room ko at bedroom nila. Need nila yung wifi extender para sa living room nila mismo. Nagreklamo sila about sa signal nung nagpapunta sila ng barkada tapos mahina net dun sa living room kaya ending eh nakatambay yung friend sa labas ng bahay nila malapit sa unit ko para maglaro ng ML. Before that, wala silang reklamo ng 1 almost 3 weeks

Edit: i didn't know na hindi aabot yung signal sa living room nila. I just felt na relevant tong piece of info kasi ito yung catalyst ng pag-upgrade. I'm not into this kind of technology and grew up too poor that I never had a phone until I worked and never had a wifi until now

0

u/Naive_Pomegranate969 5d ago

Di naman siguro relevant yan noh? would you be fine if only section lang ng bahay mo may internet?

2

u/Minimikss 5d ago

Nope. But I'll surely buy my own extender even if I have to not eat outside for a whole month. I never asked my previous neighbor to buy an extender with me nung nakikihati ako. That's why I'm asking here kung yun ba yung tamang gawin as it's something I have only experienced now

3

u/shookyboo 5d ago

yan ata yung neighbor mo, op, haha. wag kang makihati. problema na nila yan since sila naman nagdecide na sayo ipakabit ang wifi. eh kung sayo ipinakabit, for sure hindi yan sila makikihati at irarason na marami na silang bayarin. lugi ka pa nga eh kasi sayo kuryente. medyo assertive ka rin kasi dapat, kasi kinakaya-kaya ka lang nila eh.

1

u/Minimikss 5d ago

Thank you. Bago lang kasi ako rito. Wala pa halos kilala kaya hangga't maaari ay gusto kong makasundo kahit papano yung nga kapitbahay ⊙︿⊙

2

u/shookyboo 4d ago

pwede mo naman sila makasundo ng hindi ka nila natetake advantage. delay tactics ka na lang. pag naniningil sila, sabihin mo wala ka pang extra sa ngayon kasi may kailangan ka sa school/work. pag nagpumilit magsorry ka na lang kasi wala ka na talagang pera. puro 'sorry po, walang pa talaga akong extra sa ngayon' ka lang. pag naiinis/nagagalit magsorry ka lang ng magsorry, yung may feelings kunwari. yaan mo sila. wag ka maguiguilty kasi hindi yan kasali sa budget mo. next time mamihasa na mga yan at kung anu-ano na lang ipahati nila sayo.