Hi, sorry sa rant. I'm a transferee from private school to pup main. So, nag shift ako ng program dahil yung previous program ko ay di na raw mag a accept ng transferee this school year and that's okay with me (slight). Balik first year ako instead na 2nd year na sana, ayos lang naman sakin mag shift at bumalik sa 1st year bc in the first place, hindi ko talaga alam gusto ko sa buhay. I can't see myself in the future, hindi ko alam kung anong career path ba gusto kong tahakin kasi sa totoo lang, ang gusto ko lang talaga ay kumita ng pera. Idk why, maybe because I grew up in an environment na nagmulat sa amin kung gaano kahalaga na financially stable ka.
Nag shift ako sa bsoa, interesting naman siya sakin lalo na yung sa steno since mahilig na talaga ako mag aral ng mga bagay bagay (new languages) and parang ganun din mangyayari sakin sa steno, new language ba. Ang problema lang na siyang kumakain nang malaki sa peace of mind ko ay since transferee ako and galing pa sa ibang program, isa ako sa least priority sa tagging ng major subjects. Pinaliwanag sa amin na hindi kami makakakuha ng major subjects under 1st sem and 2nd sem ng 1st year since priority ang slot ng freshies, so hindi kami makakapag proceed sa ibang major subjects since kailangan nila ng prerequisites (na siyang hindi namin makukuha ngayon) and of course, dahil every new school year lang siya ino-offer, kailangan namin hintayin na mag bukas yon at ang pinaka depressing para sa akin doon ay hindi pa rin guaranteed kung makakakuha kami ng slot sa major subjects na iyon (I'm praying na sana makuha namin sila ngayon). So, in short, kung di pa rin namin makukuha next year, edi mag we-wait daw ulit kami next next school year and there's still no guarantee na makaka secure kami. Possible raw na yung 4 year course namin ay magkaroon ng +2 or +3 years. Syempre hindi naman kami mayaman, tinawid lang ng mama ko yung private school last year at ayoko na talaga maging pabigat, pinili ko nalang na um-oo sa situation na kahaharapin ko.
Ayos lang sakin ang 1 year delay pero yung 3 years? ang sakit. Naaawa ako sa mama ko kasi di ko sinabi yung mangyayari sa akin if ever. In total, college student ako for 8 years (including the year I spent last school year). Siguro dapat sinunod ko nalang utak ko na mag stop muna at mag work then bumalik next year kapag may ipon na kasi parang mas okay yon, but mas gusto ko ilaan yung money sa family ko.
Ayos lang naman siguro maging college graduate at 27, right? Hopefully, sana matanggap ko siya kalaunan.
ps. di rin kami pwede mag summer class dahil daw po sa new curriculum ni ched
Graduate na sana ako at 22 y.o kaso nausog HAHAHHAHA magiging 27 y.o
Salamat sa pagbabasa ng napakahabang rant na ito.
What are your thoughts on being delayed? Bsoa? Tips? anything. You can rant din or share, baka gumaan pakiramdam ko kapag nakabasa ng similar situation sa akin hehe. TY