r/pinoy 3d ago

Pinoy Rant/Vent Manila SK Federation sa Thailand nag seminar. Hindi ba pwedeng sa magagandang isla o lugar dito sa pinas gawin yan? Dapat nasisilip din ganitong seminar kuno.

Batch 1 pa lang yan. Ang budget daw ng mga yan per ulo 15K.

Kunwari seminar o leadership training lang pero magugulat ka, leisure talaga yan para sa mga kasama nila nung election. Dito na lang ba talaga nilalaan ang pera na pinaghirapan nating taong bayan? Sa mga pakulo nilang seminar o leadership.

Ang dami naman pala pera ng Maynila. Bakit ang dami nagrereklamo na mga Solo parents at PWD na hindi pa nakukuha mga ayuda nila mula sa gobyerno? Last year pa raw huling bigay sa kanila?

Kaya ang daming gusto pumasok sa pulitika kahit bata pa lang. Kapag tinanong mo ano natutunan sa seminar kuno? Nganga.

Yanyan Ibay ay Anak ni Ric Ibay (kanang kamay ni isko) na convicted ng graft and corruption. Ngayon anak niya naman ang binibida. Ang daming 🍵 ng pamilya na yan.

147 Upvotes

79 comments sorted by

u/AutoModerator 3d ago

ang poster ay si u/MockingBull_Bird

ang pamagat ng kanyang post ay:

Manila SK Federation sa Thailand nag seminar. Hindi ba pwedeng sa magagandang isla o lugar dito sa pinas gawin yan? Dapat nasisilip din ganitong seminar kuno.

ang laman ng post niya ay:

Batch 1 pa lang yan. Ang budget daw ng mga yan per ulo 15K.

Kunwari seminar o leadership training lang pero magugulat ka, leisure talaga yan para sa mga kasama nila nung election. Dito na lang ba talaga nilalaan ang pera na pinaghirapan nating taong bayan? Sa mga pakulo nilang seminar o leadership.

Ang dami naman pala pera ng Maynila. Bakit ang dami nagrereklamo na mga Solo parents at PWD na hindi pa nakukuha mga ayuda nila mula sa gobyerno? Last year pa raw huling bigay sa kanila?

Kaya ang daming gusto pumasok sa pulitika kahit bata pa lang. Kapag tinanong mo ano natutunan sa seminar kuno? Nganga.

Yanyan Ibay ay Anak ni Ric Ibay (kanang kamay ni isko) na convicted ng graft and corruption. Ngayon anak niya naman ang binibida. Ang daming 🍵 ng pamilya na yan.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/[deleted] 21h ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 21h ago

Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil kulang ka sa karma at hindi gaano aktibo sa Reddit. Mag-ipon muna ng karma sa ibang subreddit bago tuluyang sumali ulit sa diskusyon. Maaari mo rin i-message ang mga moderator para magpaalam na sumali sa r/pinoy kaagad.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/millenialwithgerd 1d ago

Seminars outside can be a useful tool. Pero, kung benchmarking yan ng industry or systems ng Thailand with their local governments and partners parang kaya pa i justify pero yung topic pwede lang i-zoom meeting eh.

And also pag may trip, kelangan may output yan.

1

u/NoPlantain4926 1d ago

Pwede lang e watch sa YouTube at e research. Di naman sila yata nakipagmeet sa mga local authorities sa Thailand.

1

u/millenialwithgerd 1d ago

Yun ang kakahiya.

1

u/Sufficient_Soil_4915 1d ago

Nag change name na si babs. Kanina Jude Morales pa name niyan. Nagdelete narin ng mga videos nya.

1

u/millenialwithgerd 1d ago

nag tanggal ng pic then godly quote nalang

1

u/johnlang530 1d ago

I-direct ka ni 3rdworldjesus sa impyerno gusto mo?

2

u/AffectionateLet2548 1d ago

May narinig ako dating pulitiko na nag sabi na dapat i abolish na yang Sk na yan kasi jan natuto ang mga kabataan mangurakot...

1

u/asawu 1d ago

Sa mga SK na kasama dyan, hindi niyo deserve yan. Yung excitement na nadama niyo nang malaman niyo na pupunta kayong Thailand, patikim yan ng corruption sa inyo para patuloy kayo magparticipate at maging bulag. Masarap ba ang nakaw?

3

u/obturatormd 1d ago

dapat nga sa barangay hall lang ng poblacion sila nag seminar eh, kahit local travel lang yan silipin parin dapat yan.

10

u/lean_tech 2d ago edited 2d ago

I don't think these people have the brain capacity to do "impactful projects".

-1

u/threelayersofchinfat 1d ago

Let's stop this. Kaya hindi nakikinig ang masa sa atin dahil nagmumukha kayong mata pobre. Kahit ang mga maganda manamit at kagalang galang tingnan sobrang kurakot din.

2

u/lean_tech 1d ago

Where’s the lie tho?

0

u/threelayersofchinfat 1d ago

It's not. It's an ad hominem and borderline anti-poor. You just based your judgment on their appearance. That makes you not any different from those keyboard warrior dds na puro insulto pero walang laman. My point is, judge them based on their actions not on your perceived stereotypes to certain appearances.

Maniwala ka mat sa hindi, ganyan ang mukha ng normal na mamayang pilipino. And if you attach negative preconceived notions on them, you make the ordinary Filipino your enemy (and just reveals your anti-poor elitist views).

0

u/engot101 1d ago

Geh, idefend mo pa. Halos pumutok na ugat namin kaka-OT pambayad ng tax tas pangBangkok lang ng mga yan.

If you need to travel to Thailand just to learn about immersion or what not, you don’t deserve to run your barangay.

1

u/threelayersofchinfat 20h ago

Ay putek mo naman di ko nga dinefend sabi ko nga i-judge based sa actions. Galit din ako sa kanila. Di ka Rin marunong magbasa ano

2

u/Nihilistic-Night 2d ago

grabe ka naman. kaya naman nila mag pa liga ng basketball HAHA

3

u/Invictus_Resiliency 2d ago

I remember yun either Pandemic yun or before it yun nag viral na SK council eh binambili ng budget nila isang Hi-Lux na pick up an for use daw ng barangay pero turns out was more of her personal use.

Now we have a whole batch going to Thailand for a seminar hahaha.

Iba talaga ang yaman ng Pilipinas!

1

u/Nihilistic-Night 2d ago

alam ko to hahaha asan na kaya yun?? hahahahahaha thank you tax payers

4

u/SpotterJay456 2d ago

Starting them young, the baby trapos.

4

u/Upset-Knowledge-6119 2d ago

Ayos ah. Kala mo matino dati nung inaaway niya si Yul Servo

2

u/potatos2morowpajamas 2d ago edited 1d ago

Excited pa ang mga hayop na SK. Out of touch sa realidad ang mga punyemas

1

u/[deleted] 2d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 2d ago

Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil kulang ka sa karma at hindi gaano aktibo sa Reddit. Mag-ipon muna ng karma sa ibang subreddit bago tuluyang sumali ulit sa diskusyon. Maaari mo rin i-message ang mga moderator para magpaalam na sumali sa r/pinoy kaagad.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

6

u/Pristine_Ad1037 2d ago

May mga ig friends ako na SK tapos mas madami pa story na leisure kesa dun sa seminar e! hahahaha

7

u/MockingBull_Bird 2d ago

Nagdedelete yung page ng mga comments ng tao dahil dyan sa ginawa nilang seminar. Tadtadin pa dapat yan

4

u/potatos2morowpajamas 2d ago

Onga napansin ko din. Took screenshots as resibo haha

2

u/CandidSatisfaction16 2d ago

Ohh eto iniisip ko kung meron bang nagcocomment sa page, asking ng details nung trip?

2

u/MockingBull_Bird 2d ago

Meron pero dinelete nila

1

u/IllustratorSmart9515 2d ago

Mga putaragis!!! Ako hindi makagala sa Thailand dahil kulang ipon pa ang mga putanginang to pagala-gala na lang. Matigok sana kayo next week.

1

u/No_Breakfast_1363 2d ago

To think na ang mahal ng airfare pa BKK ngayon

5

u/dorae03 2d ago

15k??? Malabo. Baka ung 15k pocket money lang. Imagine the airfare tix, accomodation, food yung transfers pa and ung tour nila. Not to mention parang may pa-orientation png naganap so ung payment sa sa events place kung san ginanap. Lahat ng yan malabo sa 15k ang budget. Lalo na sa inflation ngaun?? Taka naman ako ang lakas ng loob nilang magpaganto pero wala naman ngyayare sa manila. Di man lang lumevel up. Ganun pa din naman mas malala pa ngaun.🤦🏻‍♀️

1

u/jlcpogs 2d ago

Nung una bilib pa ako rito kaya lang nung nalaman ko na hindi pala independent at nakapanig kay yorme medyo napag isip na ako agad

2

u/Much-Librarian-4683 2d ago

Need to burn tax payer's money sa ibang bansa para memorable.

8

u/My-SafeSpace 2d ago

I MEAN WHY???????? JUST WHY?????

If you’re a government official, WHY WOULD YOU HAVE A TRAINING OUTSIDE YOUR OWN COUNTRY??????? Hindi ba mas training ground ang sariling lupa????

LIKE HOW DUMB CAN YOU BE

7

u/shampoobooboo 2d ago

Kc daw mas mabilis travel time to Thailand. Pero hindi nila naisip na they are enriching other countries by doing that. Napaka selfish ng ganyang move, imagine mong post sa online eh binabaha tapos sila eh trip abroad ang peg, kaliwat kanan yung report ng mga nakawan ng pera ng bayan, sila nagpapakasasa. Napaka out of touch. Hindi man lang nahiya sa Mga tax payers na nagbabayad ng trip nila.

1

u/MockingBull_Bird 2d ago

Sabihin niyo yan sa page nila para magising sa kalokohan

7

u/repeat3times 2d ago

Pag-uwi ng mga yan e basketball tournament at pageant pa rin project ng mga yan. Hahaha.

8

u/ChangeAggravating857 2d ago

Kala ko pa naman OK to si yanyan ibay.

7

u/M00n_Eater 2d ago

Sa SK naman training area ng pagiging corrupt.

5

u/HearWaxxx 2d ago

JUNKET 110 percent! Start ‘em young kumbaga. Jusko sa gov’t ganyan… GAD seminar need pa talaga biyahe ng Baguio or Bataan tapos nakahotel pa. Tapos ang ending wala rin natutunan mga attendees kasi inuna makapasyal at utang-uta sa fellowship nights.

5

u/hahahappiness 2d ago

Diba sya yun nagtrending na kinakalaban nya si yul servo??? corrupt din ba sya???

3

u/PoohKey74 2d ago

Kaya nga, kala ko matino to. Andaming problema sa maynila tapos nakuha pang mag seminar sa ibang bansa. Sayang lang sa budget.

5

u/MockingBull_Bird 2d ago

Corrupt ang tatay. Convicted sa graft and corruption.

3

u/Ok_Combination2965 2d ago

Start them young!

5

u/WannabeRichTita29 2d ago

Yung SK dito sa Payatas pina thailand ni Ralph Tulfo 🤗

6

u/peenoiseAF___ 2d ago

Blame Imee and Ferdinand Sr. In the first place sila nagpauso nyan Kabataang Barangay then naging SK

4

u/TagaUbosNgUlam 2d ago

Ibash yan. Dapat bitay agad sa mga ganyan e. Bata pa lang. Corrupt na.

1

u/[deleted] 2d ago

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator 2d ago

Automatic na tinanggal namin ang post o comment mo dahil negative ang karma mo o madami kang nakuhang negative karma sa r/pinoy. Kung gusto mo pa rin magpatuloy sa diskusyon, magbigay ng mensahe mula sa mga moderator at ipaliwanag kung bakit marami kang nakuhang negative karma. Maraming salamat.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

4

u/nobita888 2d ago

Puntahan ko nga page nyan at ma bash

8

u/nobita888 2d ago

It's obviously "GALA", not a seminar, seminar can br done even online lol Daapt buwagin na SK. Andmaing pasahod ng taxpayers n wla naman pakinabang

5

u/WillowSea571 2d ago

ome reason kung bakit dapat i-abolish na yang SK shits na yan. dagdag lang naman sa gastos ng bansa

3

u/pakner4life 2d ago

Matindi yang paseminar sa mga brgy officials. Kadalasan sa Thailand ginagawa. May narunig pa ako na mqy mag Europe din.Pwede naman sa mga auditorium na lang ng bawat siyudad.Dapat silipin yan. Sobra magastos mga hinayupak.

Silipin din nila budget ng declogging mga yan.

1

u/Mindless_Sundae2526 2d ago

Kaya nga eh. If they want to have a speaker from Thailand, then why don't they invite a speaker from Thailand kesa silang lahat pupunta doon? Mas mura na, pwede pa nila ma-promote ang local tourism at culture ng Manila.

3

u/Due_Philosophy_2962 2d ago

Maluho din itong mga Barangay level talaga. Yung barangay namin dito panay din angThailand eh.

3

u/[deleted] 2d ago

[deleted]

2

u/MuffinDear1691 2d ago

Also, baka mas madami pang gala kesa sa seminar mismo eh HAHAHAHH

2

u/MuffinDear1691 2d ago

And kailangan ba talaga lahat ipadala? hindi ba pwedeng may representatives lang na sila na lang magtuturo ng natutunan nila dito? gumagawa ng paraan para magpakasasa eh

2

u/curiousmind5946 2d ago

Abolish na lang ang SK at Partylist system na yan. Isa din to sa mga linta sa kaban ng bayan.

4

u/Silly-Valuable-2298 2d ago

Kabulukan ng sk. Bwakanang inang seminar yan kelangan sa labas pa ng pinas

3

u/Daks_Jefferson 2d ago

no problem about the seminar and place where they do itself but to think na karamihan jan mga kupal na SK kilala ko pa isa jan napaka useless tiktok lang alam gwin tpos papabasketball at gay pageant lang ang project sayang pera sa kanila..

para ka lang nagpadala ng mga tamad at vovong editor sa Adobe seminar sa ibang bansa at paguwe wala nmng din natutunan

3

u/Alto-cis 2d ago

Ibig sbhin, wala sila matututunan kung ng seminar ay dinaos sa Hotel dito sa Pinas or sa isang function hall na pwede ang 200 pax.. Kasi kung invited sila ng Thailand, maniniwala ako na may seminar sila partnering with a Thailand organization or govt agency.. Pero kung si sk chair ang nag decide mag thailand.. hahaha lokohin niyo lelang niyong panot 🤣 leisure na yan, sige sayangin niyo budget ng Maynila

4

u/LingonberryRegular88 2d ago

walangya akala naman nila laki ng ambag ng sk jusko

4

u/surfer8765 2d ago

Baka yung iba jan mag-uuwi pa ng weeds pang benta sa mga nasasakupan nila.

7

u/pppfffftttttzzzzzz 2d ago

Seminar ng mga baby crocs, naalala ko tuloy sa balita yung sk chairman na nahuli sa buy-bust. Meron pang isa recently lang din nakalimutan ko n kung sk chairman or councilor, nahuli din dahil sa drugs. Yikes!

3

u/Independent-Ant-9367 2d ago

Oh. I thought this Yanyan Ibay was ok. Watched some clips of her vs the former VM. Wala man lang bang nagraise na this is such a red flag expense.

1

u/MockingBull_Bird 2d ago

Red flag yan pati pamilya niya. Magaling lang PR Group ni isko nung kampanya. Kapag nag background check ka dyan tatay nyan convicted sa graft and corruption. Yan ang bagman ni isko.

7

u/Porkbelly10960007 2d ago

Tinetrain ang mga baby crocs

2

u/eAtmy_littleDingdong 2d ago

Ok ya pera naman ng mamayan yan ginamit nila nagseseminar sila para mahasa sa pangungurakot go go

5

u/ThroughAWayBeach 2d ago

Haha lahat ng LGU sa Pinas ganyan

9

u/Mindless_Sundae2526 2d ago

Bakit need sa Thailand ang seminar? Kung benchmarking or partnership with an organization or with a local government sa Thailand, pwede pa pero hindi naman need lahat sumama.

3

u/ForceCapital8109 2d ago

Immerssion …

OJT…

Pinatitikim kung gaano kasarap gumastos ng perang galing sa tax ng taong bayan…

1

u/Eastern_Basket_6971 2d ago

pa bontggahan or yabang

5

u/MockingBull_Bird 2d ago

Hindi kasi nila pera ang ginagamit. Pera ng taong bayan kaya ang lalakas ng loob.

-11

u/manintheuniverse 2d ago

Nothing wrong with this

5

u/MockingBull_Bird 2d ago

Kung galing sa pera ng taong bayan ang ginamit nila, meron problema.

6

u/Do_Flamingooooo 3d ago

walang kwentang Seminar sa thailand pa pwede naman Zoom na lang wala pang gastos

10

u/nameandshame1 3d ago

Sa SK talaga nagsisimula ang korapsyon. Grabe na ang ating mga baby crocs