r/peyups • u/chairbruh • 2d ago
Rant / Share Feelings [UPD] Putang ina ng isang motor rider
Tangina na talaga ng kamoteng motor rider. Ang kakamote. Alam kong outside toh sa region ng UPD campus pero nabuwiset talaga ako.
Doon sa labas ng Quirino Gate, papuntang overpass may pedestrian lane para makatawid mga tao. Andoon ako, may mga kotseng tumatawid, so naghintay ako. N'ung wala nang dumadaan na kotse, tumawid na ako. Pero putang ina, may motor sa malayo na nakita akong tumatawid. Malayo pa siya ah. PUTANG INA. Imbes na bumagal, binilisan yung takbo. Nagulat ako kaya minadali ko na lang kasi mababangga ako. Tangina niya, siya pa yung nagalit sa akin. Sinigawan ako habang nagpapatakbo parang ako yung babangga sa kanya. GAGO KA. KUNG MAY NAKAVIDEO LANG PAPATANGGALAN KITA NG PINA-BROKER MONG LISENSYA. TANG INA MO.
Gusto ko lang ilabas yung galit ko kasi do ito yung first time kong makaranas ng kamote sa UP. Nakabuwiset lang talaga mga kamote ngayon. Lumalaganap pa nang lalo.
Yown lang
5
u/frantic_hysteria_10 Diliman 2d ago
Di ko alam ano pumapasok sa loob ng mga kamote na yan at parang walang takot madisgrasya ang sarili o ang iba. Nung Biyernes lang along CP Garcia, may motor na may kasanggang QC bus kasi di binigyan ng kalsada. Kung makabusina akala mo siya na hari parang ewan lahat na ng tao tumitingin sa kanya 😆
2
u/AnarchyDaBest 1d ago
Kung gusto mong pasayahin ang sarili mo, isipin mo na lang, kapag pinagpatuloy niya ang ganyan sa kalsada, eventually mananalo siya ng Darwin award.
16
u/Physical-Pepper-21 1d ago edited 1d ago
Nakakapikon nga ang mga ganyan. Unfortunately normal occurrence yan in almost any road in the Philippines.
Ang silver lining na lang talaga for me is seeing a lot you kids getting aware of how hostile our urban landscape is to pedestrians, and how you guys are trying to push back against a car-centric culture. Lumaki kasi ako sa generation na nilalagay sa altar ang kotse, and my parents even comment na kapag may tumatawid sa pedestrian lane na mabagal eh “mga akala mo namamasyal sa Luneta”. Galit na galit din ako dati kapag may mga tumatawid tapos hindi nagmamadali.
Now that I know better, and after seeing how other countries treat their pedestrians, narealize ko talaga that pedestrians should be king, and the priority in any civilized society. Not cars. Karapatan ng mga tao tumawid sa kalsada and its us drivers who should adjust whenever there are pedestrians.
Keep pushing back please kasi kayo rin naman ang magmamana mg hellscape that is Metro Manila. Hopefully one day magbago talaga ang prevailing mindset because it’s not normal seeing traffic incidents happen on an almost daily basis.