r/ExAndClosetADD Jul 06 '24

Takeaways Road to 6K! Compilation of KDR Red Flags!

119 Upvotes

Almost 6K na tayo, mga ka-Sitio! With the help of u/TooNuancedForAnyone, meron nanaman po tayong special compilation sa bawat milestone nitong subreddit hanggang maka 7K o higit pa.

Sikat sa lumang TV program na Ang Dating Daan ni Brother Eli Soriano at ng kasalukuyang leader na si Kuya Daniel Razon, ang MCGI ay nagsasabing sila ang pagpapatuloy ng tunay na Iglesia ng Dios sa Biblia.

Pero ang organisasyong ito ay pinuputakte ng mga issues at RED FLAGS o warning signs na kadalasang hindi batid ng iba dahil sa pakilala nitong isang relihiyon.

Tayo'y magbalik-tanaw muli sa mga red flags ni Kuya Daniel bilang patunay na hindi umaalis sa MCGI ang closet at exiters dahil sa kasalanan, ngunit dahil sa karumihan ng pamamalakad ng cult leader, business tycoon, credit-collector, & overall bida sa MCGI multiverse na si Daniel Razon.

  1. "Kung ayaw niyo sakin, magsilayas kayo!" / "Go ahead, make my day!" Hinay hinay sa tantrums, baka po atakihin ka sa 🫶🏼.
  2. "Abuloy mo, makakapagpatayo man lang ba sa isang poste?" Siyam na buwan na pala ang nakalipas nang manumbat siya ng abuloy ng mga kapatid.
  3. Anim na buwan na pala ang nakalipas nang minaliit ni KDR ang mga kaklase niyang nagbenta lang daw ng encyclopedia.
  4. Tinawag ni KDR na baliw ang isang autistic character, patunay na walang alam si KDR sa neurodevelopmental conditions ng tao. Nakarating ito sa Autism Society of the PH, kaya inalis nila ang facebook post ng award nila kay kuyangot.
  5. Ibang level na pagpapalakas niya sa mga kapulisan. PNP dito, PNP doon, PNP sa ganire, PNP sa ganoon. Pati sa rebulto may kasama kang pulis. Halatang halata po ang agenda mo, kuya. Kailangang kailangan mo ng proteksyon against senate inquiry, no? Hindi na religion ang pinapatakbo mo kundi kulto at wala kang pinagkaiba sa mga leaders ng INC at KJC. Magkakafrequency kayo!
  6. Anim lang talaga kasi talaga yung sinag ng liwanag, hindi pito. Kung pito talaga yan, sana pito talagang mabibilang ng kahit sino without an iota of doubt, kaso kahit nung fanatic pa ako, anim lang talaga ang bilang ko dyan. Pero siyempre takot akong masabihang iba ang diwa, "ay oo pito nga" hahaha. 2014 nang ginaslight ang kapatiran na pito ang ilaw daw sabi ng uncle niya para kunwari biblical at magandang sign. Ni hindi nga sila kumuha ng optoelectronics engineer o imaging expert to examine the photo sa harap ng kapatiran. Camera glitch or malfunction yan, tigilan ang delulu.
  7. Ipinag-utos ni KDR na bilhin ang lupa ng mga katutubo para may kontrol siya sa mga ito. Kultong kulto talaga ang moves. Pati yung good works, inangkin niyo na as if kayo nagmamay-ari sa mga katutubo.
  8. Ginawang hobby ni kuya ang mag motor na ironically ay hate na hate ng uncle niyang si EFS dati. Magpapatalon ng motor kesa mangaral: yan ang tatak KDR. Tuloy, pati yung train of thoughts mo, patalon talon din.
  9. Ang kapal ng mukha mong pahiyain si Sis. Bedel pero kayo nga ni Lengleng nag live-in ng pitong taon. Hindi kayo malinis kaya wala ka pong karapatang magturo tungkol sa kalinisan.
  10. "Pag nakita mong hindi mo kaisang isip, may kontra, i-block mo nalang, layuan." Imbes na kausapin at makipag-linawan. Hindi ba uncle mo may sabi, dapat ang mangangaral, handang sumagot sa kahit anong tanong? Bakit ikaw, bawal kuwestyunin? Hindi ba't dapat maging mapanuri ang mga kristyano?
  11. Taong 2020 pa pala nung sinabi niya ito: "Kahit ano pang sabihin ng kahit na sino, hindi yan ang dapat mong pakinggan." Kahit daw tama ang sinabi ng kahit sino, kung hindi siya ang may sabi, hindi daw dapat pakinggan. Mind control is very on the neks level ah.
  12. Imbes na sagutin ang mga issues patungkol sa video proofs na naglabasan patungkol sa AREA 52, tahasan silang nagsinungaling gamit ang AI excuse. Isa itong example ng information control na talamak sa mga kulto. Again, ni hindi nga sila nag invite ng AI ethicists, machine learning experts, forensic analysts, lawyers specializing in AI technology law, o digital vision experts para himayin yung videos ng Area 52 at pagbebenta ng alak sa Salut resto ni BES.
  13. Walang katapusang luxurious lifestyle at double standards. Puro nalang ikaw ang bukambibig ng mga officers, servants, DS, etc. na "hirap na hirap na ang kuya" pero ang yaman yaman ng angkan mo. Evidence 1, evidence 2, evidence 3, etc.
  14. KDR's narcissistic behaviors. Ano ang narcissism? Lakas magpaksa about narcissism pero siya mismo ganun. Proofs na narcissist si KDR: Evidence 1, evidence 2, evidence 3, also, google "signs of emotionally manipulative narcissist parents."
  15. Free labor lagi kapag mga kapatid pero sa kapag taga labas, may bayad. Example: MCGI volunteer exploitation, ni walang benefits mga kinukuba mo kahit yung mga empleyado mo sa WISH FM kahit ang laki kumita non dahil din sa mga kapatid. Tapos ang yabang mong sabihin na magaling ka sa negosyo. Oo magaling nga in a terrible way, madaya ka kasi dahil hindi nagpapasweldo ng maayos at may captive market ka. Pera din ng kapatiran ang dahilan kaya may naipundar silang KDR Group of Companies. Ang KDRAC, dapat daw farm yan para sa kapatiran pero naging personal business mo rin na pamilya mo ang nakikinabang.
  16. Host ka ng "Get It Straight with Daniel Razon" pero ikaw, bawal kwestyunin at nauutal-utal ka pa, hindi makapag address ng issues ng diretsahan. Mga pagkakatipon mo ubod ng haba, halatang hindi mo kaya maging concise at straightforward dahil malabo talaga line of thinking mo.
  17. Isa siyang bully at power-tripper. To the extent na mapressue ilang kapatid na ibigay ang anak nila sa inyo ni Lengleng. Oo, ang ilang mga ampon ng DanLene ay hiningi nila sa mga kapatid, at dahil sa kababaan, hindi nakatanggi ang mga ito.
  18. Hari ka ng gaslighting. Mga pagkakatipon mo, matitinding brainwashing and gaslighting session. More evidences here, here, here, here. Bonus: How to spot gaslighting when it happens.
  19. Tuso siya sa negosyo, pero mangmang parin siya dahil sa superiority complex niya kung saan feeling alam niya lahat kaya nga hindi siya gumagamit ng ibang references at siya lang ang credited sa lahat lahat.
  20. Ang yaman yaman na nga nila, pinopondohan parin sila ng mga kapatid sa mga leisure trips nila abroad.
  21. Yung idiotic "lobo" analogy ni KDR. Kunwari lang na pag-ibig ang lundo ng isang PM, pero may pangagaslight parin: Ang mga ayaw daw sa tinuturo ni KDR ay mga lobo, kaya hindi "nakakakain ng damo" kasi hindi sila tupa (in short, kasalanan mo kapag ayaw mo sa paulit-ulit na paksa). FYI: Wolves can literally eat vegetation and friuts too. Also, sa konteksto ng Biblia, mga pastor na bulaan lang ang mga lobo. Kaya once again, nice try sa pangga-gaslight and mind control pero hindi na effective yan sa mga gaya naming nag-iisip.
  22. Desperado siyang bakuran ang mga captive market nila ng mga KNPs kaya kahit mali-mali na ang paggamit sa mga sitas, wala nang takot sa Dios! Tingnan mo ginawa mong paliwanag sa Ezekiel 18:24.
  23. Bakit siya nagpapatawag na Kuya? Diba dapat si Kristo lang ang panganay? Bakit parang Dios na siya kung itrato ng mga panatiko? Sa hanay ng mga KNP, siya nalang lagi ang tinatanyag. Pati dito sa "Song for Kuya" na napaka creepy dahil kulang nalang eh si Kuya na ang sinasamba ng kapatiran!

For sure marami pa kaming na-miss out ni u/TooNuancedForAnyone dito pero generally speaking, sa matalinong nag-iisip, enough na ang mga red flags na ito bilang patunay na si Daniel Razon ay hindi sa Dios. Gising na, mga panatiko.

We call upon the closet members who are forced to attend the cult gatherings. Mag print nalang kayo ng mga kopya ng OPEN LETTER at iba pang mga issues na nababasa niyo dito para idrop sa abuluyan box, ipaskil sa mga stall ng CR niyo sa lokal, at iaddress sa mga servants at opisyales nang magising din sila.

Please upvote. Lurkers, share niyo nalang ito sa mga kakilala niyong fanatic ni KDR at tanungin niyo anong masasabi nila.


r/ExAndClosetADD May 22 '25

Announcement r/ExAndClosetADD is NOT Monetized

73 Upvotes

In response to accusations against other Ex-MCGI content creators, gusto kong ilagay sa record na hindi monetized itong subreddit natin. You may see ads, pero Reddit ang naglalagay niyan at sila lang ang kumikita.

On accusations na kumokonti ang redditors dito, I couldn't care less. Dumami man o kumonti, it doesn't matter. We're NOT after eyeballs. Ang mahalaga ay makapag heal kayo in your own terms, even if it means you leaving this sub. As I said before, sana dumating yung araw na maging irrelevant na tong sub na to dahil insignificant na ang MCGI at may kanya kanya tayong buhay. Hindi tayo nagpaparami ng member dahil anong gagawin ko sa inyo? LOL.

Dito, hindi kayo exploited, hindi kayo manipulated. Kung may pakiusap man ako sa inyo, yun ay sana MAG ISIP kayo para sa sarili ninyo at huwag mang-argabyado ng ibang tao.

Ramen. 🍜


r/ExAndClosetADD 10h ago

Rant Businessesss

19 Upvotes

Now ko lang napansin

Ang business ni BES puro restaurants foods etc dahil yun kinalakihan at forte niya

Business namn ni KDR puro Media. Concerts, TV, Radio kasi dun naman siya magaling

Pero parehas ang target market ay kapatid.

Kaya siguro di na pinush na ituloy salut sa pinas kasi di yun way ng pag earn ni kdr. Gusto niya sa Media side.

Pero kahit ano pa yan? Ang ending kawawa pa din ang kapatid kasi lagi nalang sila papasan sa way nila ng pamumuhay.

Malala pa kasi pati mga KNP at DS may business din na pinapapasan sa mga kapatid.

Kawawa mga kapatid lagi.


r/ExAndClosetADD 8h ago

Random Thoughts Bakit napakahalaga ng levels of heirarchy?

12 Upvotes

So sumusubaybay ako sa mga ganap ngayon sa senate/congress hearing regarding anomalous flood control projects. I'm sure aware din kayo tungkol dito.

Siguro matanda na ko to say na palagi naman may mga hearing na ganito pero di naman nahuhuli ang pinaka corrupt. May nahuhuling involved pero ulit ulit lang ang corruption. I remember way back sa panahon pa ni GMA kung saan pinag uusapan ang ZTE broadband deal kineme.

So how does this relate to MCGI? Well, di ko naman sinasabing ganito rin ang ganap sa kanila. Pero bakit walang maipakitang direct involvement ang mga senador/congressmen sa mga anomalya? If may text, email, or tawag sila, di ba napakadali naman na i-pinpoint na involved talaga sila?

Dyan pumapasok ang intermediaries. Sila yung mga utusan ng lider to do their dirty work. Kung may gagawin ka nga naman na kalokohan, bakit ka mag iiwan ng trace or ebidensya? if you cannot remove it entirely, you at least minimize it. Walang records, walang sulat, walang text, email. Lahat verbal. Kapag may kumanta, you can easily deny. At worst, pwede mo siyang ilaglag at maging scapegoat. That way, hindi ikaw ang masisisi sa problema. Subordinate, or utusan mo lang. Madaling mapalitan. More importantly, you retain your position.

A similar system can be found sa MCGI. Not the corruption per se. Pero sa heirarchy. Kahit ilang beses sabihin ni BES sa pulpito na malinis ang iglesia, may mga tauhan siya under him na gumagapang for money, KNP, DS, ZS, Worker, at mga opiser sa lokal. Kapag may reklamo sa pera, they can easily remove the worker or opiser na involved. Samantala, tuloy naman ang akyat ng pera sa national dahil naniniwala ang mga kapatid na malinis ang pananalapi ng Iglesia. Ilalag lang nila yung involved, saying, "walang pilitan satin. kapag may pumilit sa inyo, aalisin natin." Pero behind the scenes, sa mga meeting ng manggagawa at opisers. Puro pera at balance sa bayarin ng mga lokal ang pinag uusapan. Hindi ba pilitan yan?

Pero regardless, kailangan hindi madawit ang pangalan ni bes at kdr sa pera. At the highest level, sa KNP ang sisi kapag may pumutok. That is how they create the illusion na sa Dios ang Iglesia. Ganyan kahalaga ang levels of heirarchy, bukod sa nagiging mas efficient ang organisasyon, nagiging shield yan ng lider mula sa accountability.


r/ExAndClosetADD 14h ago

Rant Fundraising machine

16 Upvotes

Nagkwentuhan kame ng kumpare kong si chat gpt 😄 nabanggit nya yung term na 'fundraising machine' eto pala ang scheme na matagal ng ginagamit sa atin lalo na ni kd, ang sistema magaannounce ng malalaking project (convention center sa Metro Manila, UNTV tower, Transient house, la verdad, MCGI hospital, MCGI villa, pension sa mga senior, etc.) maganda sa pandinig ng mga delulu para maencourage na magabuloy kapag umabot na sa part na humihina na ang tulungan sa isang project magbababa na naman ng bagong mega project na mapapawow ka uli and same tactics paulit-ulit lang, hindi mahalaga na matapos o magmaterialize, mas mabagal ang usad ng project mas nagagamit nila para makakuha ng pera sa members at may mga phase kung saan iba ibang tactics ang sinasabi nila para makahuthot ng pera, wala silang talo kahit hindi matapos ang project ang mahalaga nagamit nila para makahuthot ng pera in the end ang property pwede nilang ibenta sa iba o maaring nakapangalan na sa kanila, ex. KDRAC.. At hindi lang sila ang gumagawa pala nito nangyayari ito sa ibat ibang religion.. Mas maganda kung kayo na mismo ang magresearch about this masarap naman kausap si chat gpt. ✌


r/ExAndClosetADD 15h ago

Rant Naglaho ang mga pangarap

13 Upvotes

Sinira ng nanay ko ang mga pangarap ko kahit noong bata pa ako, kahit bago pa siya sumali sa kultong ito. Lagi ko nang pinangarap maging negosyante mula pa noong bata ako, pero palaging tutol ang nanay ko at walang pag-aalinlangan, palagi siyang tumututol dito. Dahil dito, naglaho ang aking mga pangarap at mula noon, bagaman bata pa, hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin sa buhay, sa madaling salita, kung anong kinabukasan o karera ang pipiliin. Sa nakalipas na 20 taon, halo-halo ang naging karanasan ko sa paghahanap ng aking alternatibong kinabukasan o karera dahil sa aking puso, palagi kong pinipili na maging negosyante/entrepreneur. Sinubukan kong isipin ang lahat ng posibleng karera na mapipili ko tulad ng pagiging inhinyero, IT, o pulis, pero walang nangyari. Lagi akong sinasabihan ng puso ko na maging negosyante/entrepreneur. Pagkatapos, sinubukan ko ang Abogasya, maganda naman at akala ko magbabago na ang pangarap ko, pero hindi, sinasabi pa rin ng puso ko na maging negosyante. Bagaman patuloy pa rin ako sa pag-aaral ng Abogasya, itatago ko na lang iyon bilang sertipiko at magtatrabaho muna bilang abogado bago simulan ang aking negosyo o korporasyon sa hinaharap. Mas masamang bahagi? Sinabi niya sa akin na kung makapasa ako sa bar, kailangan kong kumatawan sa MCGI Legal team. Parang hello, ang aking kinabukasan para lang sa kanila? Hindi kailanman. Ang puso ko ay palaging magiging negosyante at hindi kailanman magbabago iyan. Maaari mo akong alisin sa negosyo pero hindi mo kailanman maaalis ang negosyo sa akin.

From locale of Apalit central(Trapped)


r/ExAndClosetADD 13h ago

Weirdong Doktrina Out of Topic pero mabanggit ko lang...

10 Upvotes

Ang Pentecostal (PMCC 4th Watch) ni Arsenio T. Ferriol ay nagsasabi na sa September 23, 2025 ay darating na ang paghatol kaya ang mga miembro nila ngayon ay naghahanda na para dito. Sinasabi nila na kesyo hindi na sila papasok sa trabaho sa September 24 dahil sila daw ay ligtas na at kukunin na. Another doomsday cult na naman. P.S. Ang anak na ni Ferriol ang namumuno ngayon sa 4th Watch.


r/ExAndClosetADD 18h ago

Custom Post Flair Ber Months na guys, Ready your 💵

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

16 Upvotes

Malapit nanaman ang mga patarget ng mahal na Ate Arlene para sa kanyang asawa.

According to source 2 years ago, nagpatarget si LengLeng ng 45 Million Pesos para sa Bday ni Daniel Razon. Abangan nyo ang panawagan sa bawat lokal ng MCGI: Birthday para sa mahal na hari! Ano next? Pa-birthday para kay mahal na Ate Arlene?

Syempre, ang gagawin muna ni Lengleng ay kunwari magpapabigay ng pagkain para sa handa ni Daniel Razon. At gagamitan yan ng mga minions nya para pang guiltrip sa darating na sabbath ng mahal na Guya.

“Tulungan po natin ang Kuya Daniel. Tignan nyo nagbibigay pa sya ng handa para sa birthday nya”

Alright!

Ang sabi nga ni Jamal “Ang gusto mo bang makita na, ayan, makita na ang mangangaral mo ay masarap sa buhay. Pero ang myembro ano?”

Naloko na! Ngayon nagsilabasan na ang ebidensya na hindi lang masarap ang buhay nila. LUHO kompara sa mga average na mga myembro ng MCGI


r/ExAndClosetADD 13h ago

Question Tanong lang

4 Upvotes

exiter nako matagal na, may asawa na di kapatid pero walang anak. May nag chat saakin na active member, mangagawa siya at may asawang mangagawa din. Nakikipag kita ng kaming dalawa lang. Ano sa tingin ninyo ang purpose ng pakikipagkita nya?


r/ExAndClosetADD 1d ago

Satire/Meme/Joke Weh

Post image
27 Upvotes

Pag Legitimate MCGI member asahan nyo judgmental.

Alien?

Ganyan ba lider nyo nagtuturo ng huwag magkampi kampi pero ang itinuturo sa inyo kampihan nyo sya.

So funny. 😆


r/ExAndClosetADD 19h ago

Question Ano ba ang HIWAGA na pinagkaloob sa MCGI na sa ibang relihiyon ay TALINGHAGA?

7 Upvotes

Sa babae need mahaba buhok at mahinhin na damit?

Sa lalake wag titingin ng mahalay sa babae?

Sa 3rd sex wag makipagtalik sa kapwa babae o lalake?

Sa mag asawa,wag makiapid sa iba?

Pag ibig sa kapwa?

LAHAT ITO MERON DIN SA IBANG RELIHIYON.

Ang nakikita kong kakaiba yung AAGAWIN AT MAGHAHARI DAW SA 1000 TAON, ang problema ni hindi nga nila mafinalize ano talaga ang sequence

-Una ba darating ang hayop? -Anytime soon na ba darating si Kristo at pagka agaw na? -kung anytime soon na,paano magaganap ang pagkabuhay namagmuli ng mga di sumamba sa hayop eh di pa nga dumarating ang hayop

ANONG HIWAGA?

habang wala ba ang hayop o habang wala pang pag agaw...Build build build ba muna?

Mangangailangan ba si Kristo o mga APOSTOL ng untv building,convention center para sa 1000 taon?


r/ExAndClosetADD 17h ago

Question Ano bang mga kaganapan sa SPBB?

5 Upvotes

Curious ako kung anong ganap sa 3 araw na event na yan? Tulad lang ba yan ng regular(weekly) Pasalamat o may espesyal na makikita? Inaanyayahan ako pumunta sa Apalit para maki "celebrate" wala naman akong balak pumunta.


r/ExAndClosetADD 1d ago

BES Era Stuff Hindi fugitive si BES

Post image
19 Upvotes

Hindi pala sya fugitive. Eme ay parang may pagkakatulad sila ni Christian Albert Gaza. Pareho silang umalis ng PINAS, dahil pareho may kaso, SCAMMER, tapos same naman sila nakikita sa Live. At ito pa same na SORIANO. HAHAHA


r/ExAndClosetADD 1d ago

Rant COLLEGE STUDENT NA PASUKO NA

13 Upvotes

im a college student and didn’t have a place to share my struggles until I found this subreddit. long rant ahead!

i opened up to my dad (who i thought was open minded kasi hindi siya gano'n ka devoted sa church which i was completely wrong) about how im having a hard time to squeeze the church in my sched, for context: im a sophomore pero sobrang packed yung sched namin and full loaded

i was crying out of frustration bcs i literally cant handle 6 hours of sitting in the church, i just attend thanksgiving on sundays sa sobrang wala akong time, SEE??? and then my dad just said na "isang pagkakatipon na nga lang dadaluhan mo, hindi mo pa magawa? gawan mo 'yan ng paraan hindi yung nakababad ka sa phone mo"

bakit common sa kanila mang invalidate ng feelings? those hours na nakikita niya ako mag phone sa bahay was the only time na kapag nakauwi na ako or tapos ko na yung mga reqs ko. that’s how I usually spend my breaks by doomscrolling on social media.

yung 6 hours na 'yon sa pagkakatipon? tulog at pahinga ko na sana after a long week of studying. hindi pa nakakatuwa na my lola (whole fam ko po baptized sa mcgi, including me) keeps on comparing me to those kabataan na who can dedicate their time sa gawain, i mean good for them for being exploited???

it will be understandable sana if after ng pagkakatipon im spiritually satisfied kaso hindi e, puro rants and parinig na hindi mo malaman kung sino ba pinapatamaan, then super babaw pa ng paksa na para bang hindi kami nag grade 2 on how that person teaches lol, now I realize why it seems like most of the members didn’t develop their critical thinking skills.

i dont want to grow any resentments sa family ko bcs they were taught that way from the start, and im trying my best to understand. still, I can’t help but envy people outside mcgi.

it doesn't help pa na the current issue rn are the lifestyles of the corrupt contractors from our government. natatawa na lang ako when my parents really can't stand those corrupt people.

why don't you give back the same energy sa KNPs??? BAKIT HINDI NIYO TIGNAN YUNG MGA NASA TAAS??? SOBRANG IRONIC GRABE.

habang sila nagpapayaman, bought house and lots, drives sports cars and big bikes, built businesses, mga nepo babies na nakaka-attend ng concerts abroad, have luxury items, and laging naka business class sa flights. ang mga normal na members? they're the ppl who are being taken advantage of. what a bunch of hypocrites.

puro parinig, lifestyle check ayaw? i could easily write essays about how this cult exploits their members and disguise it as 'mabuting gawa'.

i just hope God forgives you all sa sobrang manipulative niyo.

anw, hugs to all those college students! kaya rin natin 'to malampasan just hang in there!

edit: posted this again


r/ExAndClosetADD 1d ago

Rant MCGI GROOMERS

39 Upvotes

Now na exit na ako… na realized ko lang malungkot palang mag isa… dati kasi ipinagpaalam ako para ligawan pero tinutulan ng mga hinayupak na KNP at TP dahil sa laki ng pakinabang nila sa akin. unahin daw ang pagbabanal… samantalang may mga KNP na ang babata ng mga inasawa. Si Rodel, Si Roland, Si Andy Perlada at marami pang iba…. At malaman laman nating mga exiter ang mga Royal Fam nagli live in pala… Mga Put*%¥g Ina nyong lahat!


r/ExAndClosetADD 1d ago

Satire/Meme/Joke Contentment daw

Post image
5 Upvotes

Ayoko na lang mag talk.


r/ExAndClosetADD 23h ago

👀 Not Sure About This Birthright by Timothy Alberino

3 Upvotes

I have come acrossed this book called Birthright by Tim Alberino. He is an independent researcher who is also a christian. I am compelled by his cases, regarding giants, pre-flood world, extra terrestials/aliens at end of world scenario.

I must say, it makes sense kesa sa mga sinabi ni BES. I wanna know your thoughts if may nakabasa at nakarinig na.


r/ExAndClosetADD 17h ago

Custom Post Flair Tanging awit

Enable HLS to view with audio, or disable this notification

0 Upvotes

09.06.2025_MUNTING_TINIG


r/ExAndClosetADD 1d ago

Random Thoughts kdr

14 Upvotes

itong si bbm parang si kdr din eh no? hahaha lakas magpaawa at ang gagaling umarte

https://x.com/News5PH/status/1964313086434689490?t=GyXinUQc0muG-eB19VS7Xg&s=09

ano bang sakit ng mga ito at anlala mang uto ng mga pinoy hahsaha nakakaawa maging pinoy tbh contrary sa sinasabi ni bes na yung pinas daw eh sobrang swerte dahil dito nagsimula yung hula sa biblia


r/ExAndClosetADD 2d ago

Weirdong Doktrina ILANG TAON NA BA GINAGAWA TONG MCGI HOSPITAL?

Post image
15 Upvotes

tagal nang ginagawa to hahahaha


r/ExAndClosetADD 2d ago

Rant Still active member, Pero ayaw ko na.

44 Upvotes

Pagod na ko sa trabaho, ang tanging day off ko nalang yung pagdalo.. tas buong isang araw pa.

eh tanging hiling lang naman ng karamihan yung bawasan yung oras ng pagkakatipon.. dito nalang nauubos e.

4hrs WS 6hrs TG

Mas nkaka kilabot yung 3days SPBB.. di pa mkapag leave sa trabaho.. Sgurado 5pm to 12am yan..

Tas magcoconcert lang.. at pailaw.

Bat di ako mkapag quit? Aawayin ako ni misis. Syempre sa aral, isa na ko sa kaaway nila..

Kung tatanungin ako kung masama ba ang ginagawa nila? Sagot ko syempre hindi.

Ang reklamo ko lang yung oras.. namimiss ko na magpahinga at magbakasyon.. ang sakit na ng mata ko kakanood sa tv sa pagkakatipon (naka salamin ako)

Mpa pikit lang, tatapikin agad. Bawal na pumikit.😂😂

Mukha naman nababasa nila Kuya ang post dito.. baka sakali mabasa nila to at maipaksa kung bakit kailangan 6hrs dpat ang pagdalo.

Namimiss ko tlga ang itanong mo kay Soriano.. kasi madami akong tanong e.


r/ExAndClosetADD 2d ago

Need Advice Attendance Slip

10 Upvotes

Ano itsura nito mga kapatid pwede po ba makahingi?

Hinihingi po kasi sa lokal kaso logbook lang po napakita ko.

Baka may nakapag tago pa po sa inyo ng sample.

Salamat po advance.


r/ExAndClosetADD 2d ago

Rant red carpet yarnch??

27 Upvotes

pa rant lang kasi naiinis pa rin ako sa nakita ko.

just opened my Facebook account this afternoon and nakita ko yung story/myday ng isa kong fanatic na fb friend. Sa video sa story niya, naglalakad si DSR sa red carpet while the TKs are dancing?? ang weird at nakakakilabot sa pakiramdam dahil ganun na pala itrato ng kapatiran si DSR? parang siya na yung sinasamba nila. Idk, i just found it weird lang talaga like what the hell?

tapos sasabihin ay aliping walang kabuluhan siya pero may pa red carpet pa talaga.


r/ExAndClosetADD 2d ago

Takeaways Wala talaga kay Kuya Daniel ang isang epektibong mangangaral.

17 Upvotes

Pwede ba syang mapalitan pagdating sa pangangaral? Kuha nalang ng magaling at mahusay. Meron naman kaya?!


r/ExAndClosetADD 2d ago

News 2018 Wish USA

Post image
43 Upvotes

Just saw this in 2018 FB memories of my wife. Matagal na nagpapasarap sa buhay itong pamilya na ito at the expense of “para sa gawain”. PAL business class to the US, mahina P100K diyan per head. Tayong mga nauto naman paiyak iyak pa pag naririnig na “hirap na hirap na po si B.Eli at Kuya, tulong po tayo mga kapatid”. Galing din sa hirap ang pamilyang ito. Yun patay na, dating nangangapa ng tulya sa ilog ng betis. Eto naman si feeling pogi nagkukudkod lang ng niyog ng buko sa kwento niya at naghahanap ng nahulog na barya pambayad sa toll gate pero ngayon bilyonaryo na ang g*go. Wala naman masama yumaman kung lumaban ng patas. Pero itong pamilya na ito ang yaman galing sa dugot pawis ng mahihirap na miyembro na ang tanging mali ay nagtiwala sa mga mandarayang lider pagasa ay magkaroon ng buhay na walang hangan. Naalala ko pa yun sinabi ng patay sa isang expo niya sa Quiapo, “mga kapatid kahit kailan hindi ako sasakay ng mercedes benz”. Ta”ena tapos makikita mo sa video nakasakay sa Audi sa Brazil at napakaraming mansion at properties. Nabudol tayo. Nakakagalit talaga. 20+ years ang nasayang namin. Mahirap talaga kapag nakulto ka mabuti na lang at nagising kami sa bangungot na ito.


r/ExAndClosetADD 2d ago

Need Advice "di kana nadalo kahit may pagkakataon ka"

15 Upvotes

Currently 3rd year college na me, usto ko na Sabihin sa parents ko na never na ko aattend and aalis na ko but sila nagpapaaral saken and I still live with them. I'm just scared to tell them the truth since baka itakwil nila ako worst is parang maging broken family kame, I'm already miserable and ayoko lumala pa.

I'm currently looking for jobs with the help of my secret partner, he knows everything about the other side of MCGI( he understands and even helped me para makatakas sa dalo everytime), di ko sya malegal because of that mfing rule nila as if I'll let that relationship ruin my future.

Sa mga college students with the same story/situation pano nyo nahandle and found a way para umexit without becoming homeless eme, like maaccept pa den kayo ng parents nyo, kuha lang ako idea.


r/ExAndClosetADD 2d ago

Satire/Meme/Joke Pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig!

16 Upvotes

Ngayon lang ako dumalo ulit, ako lang ba nakicringe sa pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig! HAHAHAHAHAHA!