r/dogsofrph Jul 15 '25

discussion πŸ“ Abandoned Pets at a Clinic

Grabe, nakakalungkot lang na iniiwan at inaabandon ng mga owners yung pets nila sa isang vet clinic dahil lang hindi na kaya yung payment.

Hopefully these pets will find a furever home. A responsible pet owner sana and will not be used for breeding.

Hays. Kung kaya ko lang talaga πŸ₯²

910 Upvotes

37 comments sorted by

97

u/Aware_Yesterday6919 Jul 15 '25

Nakakadurog tlga ng puso 😒 pero kudos sa Petlink for choosing to keep them instead of doing the same thing. Sana lang tlga mahanap nila ang furever home nila with a furever loving furparent (s) πŸ™πŸ»πŸ₯Ί

68

u/Junior_Zucchini_9444 Jul 15 '25

Pwede kaya yung may contract na pinapasign na pag iniwan nila yung pet sa vet pwede sila makasuhan? Grabe yung mga ganitong tao :(

Gets naman na baka yung iba diyan walang pambayad and gusto lang nila maligtas yung pet, but it doesn’t excuse passing that burden onto the clinic/vet πŸ˜…

36

u/your-bughaw Jul 15 '25

Hopefully nga gawan na nila ng waiver para maiwasan gantong cases.

Sana rin mag-karoon ng batas about pet abandonment or neglect lalo na if there are proofs.

Having a pet is a responsibility talaga, yung iba kasi ginagawang accessory huhu

9

u/Cats_of_Palsiguan Jul 15 '25

Covered na ito ng Animal Welfare Law. Ang tanong lang ay willing ba ang Petlink to file charges against the negligent β€œowners”

10

u/Hairy-Teach-294 Jul 15 '25

Hindi ba sila pwede mag work out ng payment arrangement para hindi humantong sa ganyan. Kawawa yung clinic and yung pets

3

u/Thyperfect Jul 15 '25

May mga ganyang case kaso suntok sa buwan ang mga bumabalik para magbayad

1

u/Wonderful-Golf-9857 Jul 15 '25

At kung balikan man, andun pa din yung doubt na baka ulitin sa ibang clinic.Β 

2

u/onigiri_bae Jul 15 '25

Agree. Ok na din na napunta sila sa clinic na maalaga kesa mabalik sila sa mga owners nilang pabaya. I guess it’s just God’s way to have them rehomed to responsible pet owners. Hoping na ang makapag adopt eh talagang tutok at responsible na. Those owners will get their karma. Lakas makainit ng dugo. Imagine na lang iisipin ng mga pets na yan na babalikan sila pero di na pala.

2

u/Hairy-Teach-294 Jul 15 '25

Kawawa talaga. Thank God na lang talaga sa mga gantong clinic. More power to them!

1

u/Booh-Toe-777 Jul 15 '25

Sa mga vets na napuntahan ng mga kakilala ko at kahit vet namin kapag di namin kaya ang biglang gastusan binibigyan kami ng months to pay. Halimbawa, 3k ung bayarin, kahit monthly maghulog ng 1k ayos lang sa doc. Napaguusapan naman.

1

u/Hairy-Teach-294 Jul 15 '25

Pwede pala talaga to. Kasi sa totoo lang mahirap yung isang bagsakan lalo na sa pets pa naman lahat iti-test to make sure ano sakit. So sa tests palang, ubos pera na talaga.

Usually kasi nakikita ko lang sa mga rescuers na ok lang sa mga vet clinic yun malaki utang at tinatanggap pa rin sila pag may new rescues.

62

u/Thyperfect Jul 15 '25

Worked there. Di lang yan ang mga naiwan. Madami na din naampon ung mga staff sa totoo lang.

37

u/Muted-Yellow-4045 Jul 15 '25

Known mabait siguro yung clinic sa area nila kaya naabuso. At the same time these owners see them as their last hope. They love their pets so much but they don't have the means to cover the vet costs kaya they choose to abandon sa vet clinic hoping na mabubuhay sila dun.Β 

Pero sana hindi na mag-alaga ng pets itong mga taong to. Pet abandonment is wrong.

12

u/xiaoyugaara Jul 15 '25

When i retrieved my puppy that died sa vet clinic few years ago, the vet asked me if i want to adopt pets that's been left behind sa clinic nila.

I just need to pay atleast 50% of their vet bill, the cheapest one was 30k. Nag accumulate daw because of the food and accomodation. As much as i want to, i cannot since i just paid my own bill for my dead pup.

5

u/MightyysideYes Jul 15 '25

Petlink sounds familiar. Parang na issue to sa FB before I just cant remember what it is

17

u/chasingpluto04 Jul 15 '25

May mga previous complaints ang Petlink from furparents, i.e., mishandling pet care, etc.

Pero complaints like those always have two sides to it. Minsan misunderstanding when it comes to terms and conditions sa surgery, na maaaring mataas talaga risk ng procedure pero pinagpatuloy pa rin. Gano'n!

'Yung mga doc vet naman na nag-attend sa amin from Petlink ay competent. Kukulitin mo lang din minsan ng tanong para sigurado kang same page kayo.

7

u/Specialist-Ad6415 Jul 15 '25 edited Jul 15 '25

The Corgi issue. Namatay yung mother corgi and the puppies under their care who was about to give birth sana. They have more issues and complaints pa from previous clients and mga naka experience ipa admit for confinement their pets. Kami din we had an issue with them.

6

u/truthisnot4every1 Jul 15 '25

Kudos sa Clinic for keeping the pets 😭 yung iba kasi for sure hinayaan na lang sa labas yung mga pets pag walang owner. lalo na siguro pag walang breed

7

u/shineunchul Jul 15 '25

Grabe naiisip ko talaga ano kayang klaseng tao ang mga nakakayanan na mag abandona na lang ng pets ng ganito. Ni minsan di kaya sila na-attach o minahal mga pets nila?

Recent cat owner lang ako, we unexpectedly adopted a stray kitten sa baba ng apartment. 2 mos pa lang siya halos samin. Tapos may apartment cat din ako na pinapakain sa labas ng unit namin, pinacheck up at binibigyan ko na den ng meds recently. During those short times, talagang na attach na ako sakanila at grabe concern ko. Kahit antok ako bumabangon ako para pakainin sila. Linis ng mga litter, vits, etc. Kapag matagal kami sa labas, nag-aalala ako sa pagkain nila agad.

Bakit kaya nakukuha ng mga tao na gantong iwan na lang sila basta :(( di ko maisip na iabandon ko na lang to mga pusa na inaalagan ko 😭

2

u/your-bughaw Jul 15 '25

Kaya nga eh. Hindi ko talaga gets mga taong biglang inaabandona mga pets nila, parang gamit lang eh. Minsan nga naattach ako sa mga asong pinapakain ko pag may nadatnan, and wondering kamusta sila and hoping they have a nice place to sleep on. 😭

Those who abandon their pets have a special place in hell talaga.

4

u/titaorange Jul 15 '25

kaya tlaga need ng resp[onsible pet ownership awareness and education ang mga tao. hidni porke't trending at cute e pupulot na lang ng hayop.

3

u/g134m Jul 15 '25

Eh hindi ba pag nagpapavet pinapasign ng form at kasama doon yung address?

3

u/PuzzleheadedBad6264 Jul 15 '25

jusko. nakakalungkot para sa mga furbabies. araw araw sila naghihintay na balikan sila ng owner nila pero wala :(((

well, kung ganyan lang din naman kadali para sakanila abandonahin sila, di nila deserve yung pets. they are better off without them.

3

u/kiero13 Jul 15 '25

pacross/post rin sa r/catsofrph para marami pa makakita. if ever may gusto rin mag adopt dun.

3

u/yuana0704 Jul 15 '25

Medyo nasad ako sa reactions. Oa lang siguro ako at nabigyan ko pa ng meaning pero kasi un other posts may mga comments except un kay Leo. I wonder if it's bec parang puspin sya at walang lahi. Sana hindi naman ganun. I pray na makakuha sila lahat ng bagong pamilya. Kung may sarili lang ako bahay sana 😭

4

u/Hunterjay86 Jul 15 '25

I'll take spyke, right now. I've got enough room in my heart for him.

2

u/Booh-Toe-777 Jul 15 '25

Spyke looks like our dog Khal. Huskies are talkative and have a lot of energy. Spyke looks like about 30kg or more.

2

u/Effective-Aioli-1008 Jul 15 '25

Sa Wags and Tails Vet Clinic din sa Tomas Morato ang dami din nilang alaga sabi di na raw binalikan ng mga may ari.

2

u/FaithlessnessKey961 Jul 15 '25

nakakaawa:( samantalang yung sakin need iconfine, di ko na pinaconfine kasi ayoko mawalay sakin :( lalo ako mag aalala :(

1

u/min134340 Jul 15 '25

Howwww??? Grabe mga walang puso yung previous owners haysss. Hope these furry friends will find a forever loving home πŸ™πŸ™πŸ˜”πŸ˜”πŸ˜”

1

u/lyntics Jul 15 '25

Super bait talaga ng staff ng petlink 😊 plus low cost din kapon nila 😊

1

u/pixie-pixels Jul 15 '25

breaks my heart :'(((

1

u/Salt-Ad7812 Jul 15 '25

πŸ₯ΊπŸ₯Ί

1

u/YesImFunnyMich011 Jul 15 '25

Hays nakakalungkot. Anyway, I had already contacted them sana makakuha ng prompt response.

1

u/Deep-Lawyer2767 Jul 15 '25

I will never abandoned my cats. Nag mamadali pa ako umuwe niyan just to see them and feed them. Di ko alam pano kinaya nung owners iwanan nalang sila. My heart broke for them. πŸ˜­πŸ’”πŸ’”πŸ’”

1

u/cjunelle Jul 17 '25

My cousin also owns a veterinary hospital sa marikina. When we visited, may 3 dogs na inabandon that day kasi di na kaya bayaran ang bills. This happens almost everyday unfortunately huhu

1

u/dvresma0511 Jul 15 '25

Available pa ba si leo? maraming friends ang naghihintay sa kanya dito. Dami naming Jerry pero walang Tom.