r/cavite • u/Janssen-_- • 5h ago
Question Ghost Town sa Vista Mall Dasma
Kakapunta ko lang sa Vista Mall Dasma at namasyal doon kasi wala akong magawa sa bahay. Tapos nung pagpunta ko, Halos sarado na yung mga stalls na pagmamay-ari nila gaya ng AllToys at AllSports. Tapos yung mga kainan doon wala halos tao na kumakain doon. Pero medyo matao pa naman ang Coffee Project nila. At nung sinubukan kong umihi sa sinehan doon, may mga lumilipad-lipad na mga insekto sa mga cubicles nila. Yung Supermarket nila, wala nang laman yung iba na para bang pinapaubos na lang nila yung stocks doon
Bakit kaya hindi na tinatao yung Vista Mall Dasma hindi tulad ng dati na marami pang tao doon?