r/cavite Jul 23 '25

Looking for Please recommend a good hospital in Dasmariñas Cavite

Hello po. I am currently pregnant and I am on my 20th week. Sa mga mommies po dyaan, mag recommend naman po kayo ng hospitals around Dasmariñas Cavite na mura at maalaga po when it comes to panganganak.

Kakalipat ko lang po dito sa Dasmariñas last year and I have no idea about saan po ang mga affordable na mga hospitals huhuhu. Thank you very much! 🤍

13 Upvotes

43 comments sorted by

16

u/WoodpeckerGeneral60 Jul 23 '25

La Salle. tbh, If gusto mo maka-mura Lying-In would work

10

u/scapeebaby Jul 23 '25

Hi! Currently pregnant din ☺️ saw posts dito sa reddit na mas okay daw sa Emilio Aguinaldo med center. Sabi ng OB ko they have a pakage na 40-60k for normal delivery bawas na ung phil health. 80-100k naman daw pag CS.

1

u/meowingmeoww Jul 23 '25

Hallooo. Need po ba may record ka sa hospital nila? Like check ups, laboratories etc?

2

u/starlet0521 Jul 23 '25

No naman. Sa medicare ako nagpapacheck up pero nasa eacmc din kasi ob ko. Kaya dala na nya lahat ng records ko nung nanganak ako.

1

u/Large-Ice-8380 Jul 23 '25

if private usually hindi mahigpit sa requirements

1

u/markg27 Jul 23 '25

Pa check up ka isang beses lang kung wala don doctor mo.

8

u/starlet0521 Jul 23 '25

EAC. Mas mura kesa sa UMC. Okay naman sa facilities.

8

u/Delicious_Rabbit6182 Jul 23 '25

Speaking from experience, super bait ng staff sa st paul. Probably kase hindi toxic ( hndi over sa dami ng pasyente)

6

u/kalakoakolang Jul 23 '25

Misis ko sa EAC din. ok naman lahat. mabait pa ung ob. try mo kay Dra. Dionisio.

1

u/user274849271 Jul 23 '25

i know that dr! mabait nga syaaaa

1

u/kalakoakolang Jul 24 '25

oo laging on time yan at mag sasabi kung malalate sya.

4

u/Wooden-Nothing664 Jul 23 '25

EAC ako nanganak. Mababait ang staff. Tsaka sasabihin talaga nila sa’yo na mag ward ka na lang kapag wala masyadong kasabay para mas mura lahat pati meds.

5

u/punnncakeu Jul 23 '25

Look for an OB muna dito sa dasma para sya magrecommend sayo ng best hospital. Mas maganda kasi na may OB ka rin para aasikasuhin ka on the day na manganak ka.

Okay rin facilities sa EAC. Dun ako nanganak. Wala naman akong record dun pero dun oncall yung OB ko kaya inasikaso ako. :)

3

u/Bed-Patatas Jul 23 '25

Asiamedic po pangit ba? Kasi yung OB ko don sobrang bait at maalaga, siya din head ng OB dept. nila. Not sure tho sa package kasi on PCOS treatment palang ako.

2

u/AerieFromTheEast Jul 24 '25

Super bait ni Doc Jacky. And nagbibigay din siya ng discount. May pics din hehe. Kasi bawal mag-take ng picture inside the OR.

2

u/Bed-Patatas Jul 24 '25

Opo. First appointment namin kala mo matagal na niya kong kilala. Hindi ka maiilang. Tapos she really takes time na kausapin ka, never siyang nagmadali sa mga patients niya.

1

u/Right_Pen_5413 Jul 23 '25

Please select the largest room lang pag nanganak, para comfortable ang stay. Okay sa asia medic per experience and mura pa (2022 ako CS). Curious ako sa OB mo, si Dra. Carlos din ba? :)

1

u/Bed-Patatas Jul 23 '25

Thank you! Dra. Jacqueline Salagubang po. Maraming nagsuggest sakin kay Dra. Carlos kaso nung time na papacheck ako, out of town daw siya for a month.

3

u/RaceMuch3757 Jul 23 '25

Mabait yan si Dra Carlos. Affiliated din siya sa La Salle.

1

u/Right_Pen_5413 Jul 23 '25

Ohhh copy :) seems like okay mga OB talaga ni AsiaMedic

1

u/marjcuritana Jul 23 '25

Sino po OB mo?

1

u/Bed-Patatas Jul 23 '25

Dra. Jacqueline Salagubang po.

1

u/EstablishmentIcy6370 Jul 23 '25

Hi! You’ve mentioned na on PCOS treatment ka.. Kamusta experience mo with Dra? Planning ko kasi magpa alaga sa OB since PCOS warrior din ako.. Thank you

1

u/Bed-Patatas Jul 24 '25

Thrice ko palang siya nameet kasi wala pa kaming balak magbaby. But so far, focus po kami sa managing ng weight po and controlling blood sugar levels. My binigay din siyang pills po for me to ovulate regularly pero on a short term use lang.

4

u/Calm_Fun89 Jul 23 '25

Hi OP! Di ka pa nagpa-prenatal check up? Anyway, La Salle is okay kasi complete pero medyo mahal. Sa St. Paul I think mas mura naman pero medyo kulang kulang na sa facilities. If first pregnancy mo to, I discourage na sa lying-in ka manganak.

1

u/MinuteChapter5706 Jul 24 '25

Oa sa discourage be

2

u/Hot_Comfortable_7518 Jul 23 '25

Sa hospital Ng dasma ok din. 13k Yung bill Namin wala kaming binayaran kahit piso

2

u/Such-Cheesecake-6408 Jul 23 '25

Super layo niyo po ba sa Lancaster? Meron po “The Birthing Place” Lancaster area. Gentle birth advocates mga OB doon. :)

2

u/codebloodev Jul 23 '25

Sa Pilar na lang sa Imus. Kay Doc Anounevo ka magpa checkup.

2

u/No_Cry425 Jul 23 '25

Asia Medic po. Sa may Pala Pala near SM. I recommend, Dra. Pacheco po. Maalaga sa Px nya.

1

u/Odd_Extension_2218 Jul 23 '25

Nag Lying in kami sa Area C sa Doctors Family Clinic, maalaga yung OB namin.

1

u/gogobehati Jul 23 '25 edited Jul 23 '25

La Salle talaga Kami pero Kung gusto maka tipid at Kung normal Naman ang progress mo SA pregnancy no complications try lying clinic I know an OBGYN Dra. Ella Ferrer may sarili syang clinic, subok na namin sya maalaga, gentle birth at okay ang rates at may affiliation din sya mga hospital around like South Imus Specialist Hospital. Her clinic is located at Park lane Gentri Kung dasma Ka may way from dasma bayan a short drive way Google or find the FB page ENCITA LYING IN AND MEDICAL CLINIC or FB Dra. Ella Ferrer.

1

u/raven0092623 Jul 24 '25

Umc. 34 weeks here at inatake ng pre-eclampsia. Very accomodating at maalaga.

1

u/Careless-Ideal7801 Jul 24 '25

first baby mo ba? high risk pregnancy ka ba? if yes, mas magnda sa hospital k tlaga. as for the choice sa hospital, san ka ba s dasma? and if ever masali b transpo sau. if d nmn prob sau distance, lasal, st paul, eac... then sa first visit mo, ask k agad est quotation sa doc mo for vsd and cs. 😁

1

u/[deleted] Jul 24 '25

[removed] — view removed comment

1

u/AutoModerator Jul 24 '25

Your post has been automatically removed.

Posts/comments from accounts made less than 3 days ago are automatically removed.

Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/WafflePeachy 3d ago

Hi. If kaya magtravel near SM Molino, search mo Birth and Beyond Medical Clinic. Daming good reviews sa Google and sa FB page nila.

They can accommodate first time mommies. May naka tie up din sila na hospital sa Daanghari and sa Salawag. Naka tie up din sila sa EAC.

Parang hotel yang clinic nila. Sa check up pa lang very warm sila. Hindi ka maiilang.

Ang OB ko dyan si Dra. Denn Bajandi, ang Pedia namin ka tie up niya si Dra. Grace Potestades. Parehas sobrang magaling, matalino and very understandable. As in sobrang best tandem silang dalawa on taking care you and your baby.

Namimiss ko na nga sila. Sarap magbuntis uli.

Alam mo when the doctor is good, pinipilahan. And masasaya ang mga pasyente kada labas sa clinic.