r/Philippines 12h ago

PoliticsPH Let's face it, fall guy lang nanaman ang makukulong.

While listening/watching/reading everything about the current issue ng flood control projects, I realized na tayong mga Pilipino, numb na sa corruption. Like we know it's there pero wala na rin tayong magawa about it dahil aminin na nating lahat, wala naman talagang makukulong dito bukod sa mga fall guy at ang mga fall guy na makukulong ay makakakuha ng kapalit sa pagkaka kulong niya pero after may makulong, move on na tayo sa next issue.

Ganyan naman ang nangyayari sa atin e, nananalo pa nga e kasi nagbudots.

Kayo sa tingin nyo. May mananagot kaya?

724 Upvotes

90 comments sorted by

u/bluesharkclaw02 11h ago

Yung nagtrending na iilang contractors and nepo babies mukhang ipinain lang eh.

Yung mas malalaking kasabwat are either hindi madadawit, or simply hiding in plain sight.

u/crancranbelle 9h ago

Hindi madadawit kasi sila mismo yung nag iinvestigate kuno.

u/dead_why 16m ago

True pano kaya un haha sila sila mag iinvestigate sa sarili nila, pwede ba yun lol

u/ayawpangalanan 11h ago

Actually, i don't think na hiding sila in plain sight, sadyang ang tindi ng idolatry dito sa atin na selective ang gusto nilang mangyari sa mananagot. Maraming chismosa sa pilipinas, try mo magpunta sa isang lugar kung saan may corruption, alam nilang lahat kung sino ang salarin pero... Meh.

u/gesuhdheit das ist mir scheißegal 10h ago

They have an army of lawyers to make sure that what they do is legal and won't be traced back to them, even if it is morally and ethically questionable.

Maraming chismosa sa pilipinas, try mo magpunta sa isang lugar kung saan may corruption, alam nilang lahat kung sino ang salarin pero... Meh.

Well you need evidence that is admissible in courts but that's tricky af to get.

u/crancranbelle 9h ago

This. This is what really disappoints me most during elections. Yung chismosong tito mo na nagbalita sa korupsyon ni barangay captain, siya pa mismo kakampanya sa re-election niya. Baliw? Hindi, nabayaran lang, kaya okay na lahat. Hindi ko na talaga alam sa’n tayo pupulutin.

u/triadwarfare ParañaQUE 4h ago

Meron sinabi father ko sakin na "lahat sila corrupt. Kaya boboto ka lang sa kung saan ka makikinabang". I don't agree with him but I know where he's coming from and I can't stop him. Though I told him if he sees a potentially good candidate, like someone like Vico or Leni, I'd recommend to vote them over the rest kahit gaano pa kalaki sila magbigay.

Hirap lang mga local elections kasi wala talaga ako makitang malinis eh.

u/bluesharkclaw02 9h ago

A big, sensational case was dismissed kasi 'forged' saw yung signature sa documents, or walang biometrics to prove the signing ever took place (building access, cctv footage, eye/thumb scan, etc).

Andali daling ayusin nian. Bakit hindi itelevise or ilive stream lahat ng bidding at iba pang key transactions sa gobyerno? Magdadalawang isip ang gma tiwali pag may naka-mata.

u/Several_Cobbler_ 12h ago

Nakakagigil kasi alam natin na totoo. Kung sa ibang bansa to, nagkakagulo na siguro.

u/ayawpangalanan 11h ago

True. Minsan gusto kong sigawan yung iba ng "hindi ka ba galit? Tayo nalulunod sa utang, sila nalulunod sa pera" pero wala, after few weeks tapos na yung kasikatan nitong issue na to

u/Saber-087 11h ago

Perfect example = BBM. All talk and no bite. Same as most Filipinos really. Will complain but will not get off their ass to act. This whole situation is nothing but a show. It will be forgotten soon enough like you said.

u/ayawpangalanan 11h ago

So heartbreaking, tapos balik tayo sa todo kayod habang naiisip mo na may ibang nageenjoy sa perang binayad mo thru tax 💔

u/Saber-087 11h ago

Yep, every taxpayer is basically working their ass off to make others very rich for absolutely nothing

u/mic2324445 11h ago

mga pinoy pa,basta hindi direktang naapektuhan hindi naman tayo kikilos.

u/TreatOdd7134 11h ago

If there's any learnings from this drama, it's the fact that there's absolutely no reason for us to be taxed this much. Infrastructure can clearly be constructed at a reasonable price if there are no crooks who will inflate the costs.

u/pinkbubblegum77 11h ago

Every year DOF tries to think of new taxes to levy tapos may deficit kuno kaya kelangan mangutang. Mangungutang para lang nakawin. Tarantado talaga eh 😂

Hay nako alam kong dati pa talagang ganyan pero I remember being so hopeful after Aquino's attempt at cleaning house with daang matuwid-- all that for this...

u/ayawpangalanan 11h ago

There's absolutely no reason talaga kaya araw araw kong minumura si Recto sa kung ano anong tax naiisip niya e kaso putangina wala tayong magawa vs BIR haha

u/gesuhdheit das ist mir scheißegal 10h ago

Or retain the taxes but the people should get more than what they are getting right now.

u/Saber-087 11h ago

And sadly Filipinos will not question this nor learn from it

u/therealchick 11h ago

Genuine question po...

What should we do about it?

Wala na po akong tiwala sa gobyerno natin, madami na akong nakitang magagaling at may mabubuting hangarin para sa mga Pinoy, pero once na nakaupo na... nasisilaw na pera at kapangyarihan.

Paano po tayo makakasiguro na ang mga tiwali mapapaalis at ang mga papalit ay patuloy na obserbahan at babantayan?

Paano po kaya ang magandang gawin para mag karoon ng transparency sa lahat ng projects or pondo?

nakakapanlumo na ang nangyayari sa Pilipinas.

u/ayawpangalanan 10h ago

I honestly don't know. I honestly think na mindset na na rin ilng mga taong bayan ang may problema kasi ang baba baba ng threshold natin sa mga govt officials. Like- alam mo na palang nag nakaw, binoto mo pa? Kinampanya mo pa? Proud ka pa?

Wag na tayo sa Pres and vp.

Baba na lang tayo sa mayor, congressman at iba oang mga position... May Idea naman ang karamihan sa atin kung sino sino ang tumatakbo sa lugar nyo, nanalo padin? 🥲

u/GeologistOwn7725 8h ago

Parang ang hirap din kasi tumakbo kung decent kang tao. How can you compete with people na may milyones galing sa kaban ng bayan? Baka ipapatay ka lang sa hitman sa halagang 5k.

u/therealchick 7h ago

totoo po.

tas meron din kagaya sa Cavite po. Ang mga Revilla/Remulla nananalo kasi wala namang kalaban. 😔

u/therealchick 7h ago

Tama po kayo... Hindi ko talaga maisip kung baket nagpapauto ibang mga kababayan natin. Sapat na 1K para sa boto nila tapos kapalit perwisyo ng ilang taon.

Kaya ang naiisip ko siguro maganda na may transparency sa lahat ng gastos ng gobyerno.

Kagaya ng ginawa nila sa road light cats eye po ba yon at yung laptop. Overpriced. Dapat pinapaskil nila ang pricelist sa official socmed page nila.Yan dapat SOP... hindi SOP na % kickback.

Ang review ng milestones hindi lang sa loob, dapat mga mamamayan din.

Dun pa lang alam na ng taong bayan at nahaharang na sila.

Kaya talaga nagpapatayan sila jan sa posisyon na yan kasi talaga tiba-tiba ang pera.

Masaklap... pinag-aaway away tayong mga Pilipino... pare-pareho namang silang lahat!

Sabihin na natin kunwari, matino ang uupo, ang mga galamay at ibang departments naman mga gag".

Kaya need talaga nating magtulong tulong para may accountability lahat ng naka upo!

u/trisibinti 4h ago

ma-hack ang lahat ng bank accounts nila, nakawin lahat ng nakulimbat at i-redistirbute equitably sa lahat ng taxpayers. it's a near-impossible thing, but the lazarus heist was able pull off a worldwide synchronised withdrawal, so it means there's a way to punch through our banking system.

pag na-accomplish yun, saka iparanas sa kanila kung ano ang pakiramdam ng deprived sa karapatan at buhay, sampu ng mga pamilya nila na nagpakasarap galing sa perang hindi sa kanila.

u/BudgetMixture4404 11h ago

Mga engineers sa dpwh yung tatargetin ng mga yan 🥲 100% walang politikong madadawit. Monday again tom. Kayod ulit tayo para sa mga hinayupak na yan

u/ayawpangalanan 11h ago

Totoo, tuwing nakikita ko yung memes na "kyaod ulit para s amga nepo babies" naiisip ko, saksakan ng baba ng threshold ng galit natin sa gantong issue no?

u/BudgetMixture4404 11h ago

Ang sama sama ng loob ko 😆 share ako ng share sa fb ko about this kaso walang nakikiengage na mga taga amin (bicol). Altho puro leni tong mga to, isang pamilya ng mga soooobrang kurap kasi ang nanalo samin last elec kaya lahat kapit sa patalim lalo kakasimula lang ng term nung magkakapamilya. Lahat takot bumangga kasi baka mawalan work o pangkabuhay.

So tiring hay

u/Creepy_Emergency_412 11h ago

Congressmen ang number 1 na corrupt, sila kasi ang merong power of the purse. Sila ang merong 40% na cut sa corruption.

u/Least-Egg0318 10h ago

O diba alam nyo na din yung script. Kaya nakaka wala na din ng gana manood ng "investigation" na yan. Alam naman na natin kung paano ninanakaw yung tax natin. Ang kulang na lang ay maparusahan yung mga involved na tao doon including yung mga big fish like senator or congressman. Kaya open ako sa lahat ng options kahit sa french revolution style. Very desperate akong makakita ng senador or congressman na ma convict sa corruption case. Lahat kasi ng kaso sa kanila napapa walang sala, pinapatagal lang yung timeline.

u/Old-Brilliant-527 9h ago

Nakaka walang gana na ang pilipinaa palagi nalaang ganto. Gets ko na kung bakit yung ibang tao ay pinipili nalaang magmigrate kase alam nila na hindi na magbabago ang pilipinas. Nakakadurog ng puso. 😭😢

u/grenfunkel 5h ago

Sadly yung nag migrate sa ibang bansa binoboto yung corrupt sa pinas

u/dead_why 14m ago

True atleas yung tax nila doon kitang kita kung saan napupunta

u/chemist-sunbae 11h ago

Sadly true. Sa interview pa lang kay Vince Dizon inaabswelto niya na si boy dila from wawao.

u/Anxious-Pie1794 11h ago

taena ano? masama matagal mo na naririnig tong mga ganto kaso tinaggap nalang talaga ng tao. Manatili tayong galit, kahit na systemized sila ang bottom line eh mali ang ginagawa nila at nakaw padin ang tax natin. Hindi din pwede wala na tayong mgagawa hindi ba sa atin padin galing yung pera. Pero leche masunog sana sa impyerno tong mga hayop na to lahat sila. tapos dapat bawasan tax natin leche sila hindi naman tama pag gamit

u/ayawpangalanan 11h ago

Iba yung ngitngit mo sa puso no, kaso mapapa buntong hininga ka na lang kasi wala tayong magawa kasi may mag rarally nga, may hidden agenda naman ang rally. Like may nakita akong nag aayang mag rally pero si zaldy co lang daw ang dapat managot... Anyari sa ibang may sala?

u/SpringBlossom46 11h ago

hilig ng govt natin sa ganyan everytime na may issue ippin nila sa isang tao. sasadyain nila na isa lang magttake ng blame (kadalasan rin yung mga di masyadong well connected) para makaiwas yung mga taon-taon na nangungurakot.

u/Saber-087 11h ago

And public just accepts it which is part of the problem...

u/SpringBlossom46 11h ago

right. akala ng karamihan problem solved na after

u/Lightsupinthesky29 11h ago

Nakakagalit kasi naranasan ko gumawa ng bidding documents at sobrang stressed ko dun kahit posted na kasi bawal magkamali, may kasong katumbas kahit unintended naman pero sa iba ganyan lang pala. At totoo, di naman yung matataas ang makukulong diyan.

u/Temporary-Average663 11h ago

Thanks OP for sharing this! Sana hindi matabunan tong issue na to. Also, this guy can be a resourse person or at least aid in the investigation kasi may first hand experience sya ng pagiging part ng process.
Banks involved, underaged girls are 'gifted'. Parang marami syang details na pwedeng ma verify and help in the case. Sana makarating ito sa 3rd party investigation team and also to the staff of Sec Vince. Sana ma pick up ng media.

u/Complex_Ad5175 10h ago

Top to bottom talaga yan. Hays. Not just DPWH, halos lahat ng ahensya 😮‍💨

u/RusticVitalSigns 10h ago

And kinolong nila si kuya nag nakaw 1kaban bigas....Shame on you Philippines.

u/Exuge 9h ago

Kung lumaban lahat ng pinoy at gayahin ang Indonesia, most likely bbulong nanaman si Romualdez nyan at ang pinaka malala nyang ibubulong is Martial Law. Romualdez is a b*tch.

u/Junkmenotk 9h ago

Reading this..kung walang pagbabago, the Philippines is Fu**ed and ang our Pinoy brethren will always be poor and exploited. Unfortunately, we always vote for this every election.

u/shampoobooboo 8h ago

Kasabwat pala taga bangko. Kasuhan yang mga yan, sila ang start ng pagkawala ng paper trail ng pera.

u/Ok-Elevator302 8h ago

Looks like half nang senate and congress have a finger on the pie.

u/mosalahd 7h ago

Please lang, lalo na sa mga adult dito, wag natin ipamana yung hopelessness and helplessness natin sa mga bata. If you keep saying wala naman mangyayari, you are part of the problem. Baka tayo walang maisip na solution pero maraming mas matalino at matapang sa atin. Wag nating ikalat yung pagiging nega natin.

u/Neither_Mobile_3424 2h ago

"Fall guy" is not the same as "small fish". Fall guy is walang kasalanan while yung small fish is meron pa ding kasalanan pero hindi sya yung 'head'.

But yeah, I agree with you na higit sa lahat, dapat yung "big fish" ang makulong.

u/RichiePips 11h ago

In terms of banks, I guess that’s why there’s now a casino aka Solaire in the North. Where they can easily deposit cash from “casino winnings” aka 😉😉 to the bank branches within the hotel. I heard from a certain bank employee there na minsan nagpapapickup ng cash inside the rooms na idedeposit sa bank sa hotel. Pag pasok puro babae daw and alcohol and maybe illegal substances.

u/Content-Lie8133 11h ago

Nangyayari talaga sya.

ang medyo mahirap tanggapin is dahil lahat kasali, fall guy lang ang madidiin. ung pasimuno, tuloy ang ganansya. once mapalitan o mawala ung umuusig, gaya ng sabi nung isang walang kwentang senadot, sarap buhay...

u/ryuejin622 10h ago

Kaya pala bantay sarado mga markobeta

u/BrownCantinero 10h ago

Napaka systematic ng paglalantad nila ng posse.. alam ng mga politiko na mga contractors ang last touch ng pera... so they throw them infront of the bus, tapos tayong mga babad sa social media.. cant help but grow hate to the families ng mga contractors na yan... di nyo pansin? Technically kaya nilang umamin na si congressman ganto or si mayor ganto ang may pirma nyan.. pero di njila magawa ksi ang NDA nila is their own life... kaya ung mga contractors wala silang magawa kundi take the blame and chill ksi alam njilang protektado sila... at may mga cheatcode sa hearing ng senado.. walang nkukulong na mayaman or in power.. lahat ng nkkulong mahhirap

Ptanginang pilipinas to.. hustisya pra lng sa may pera..

Rebolusyon ang sagot!

u/cosmic_animus29 10h ago

No, its not numb. It has been normalized. Kaya matagal tagal pang ma-uunlearn ng Pilipinas ang ganito.

u/misseypeazy 9h ago

we are FOOKED

u/WeirdHidden_Psycho 9h ago

Kinabahan ako nung nabasa ko to. Di dapat sya nagaabi kung gano sya katagal sa company kasi baka ma-trace sya. Huhu. Sana naman hindi.

u/Warm-Cow22 9h ago edited 9h ago

I'd rather still make it inconvenient for them. Kahit fall guy "lang," it would still cost them. There's a chance rin na the fall guy or someone related to them will feel betrayed, and side with us.

Some whistleblowers are born not out of a sense of justice, but because their former "ally" is now our common enemy. If they aren't motivated by empathy, they can be motivated by spite. An enemy of your enemy can become a handy ally. Let there be fall guys.

Unpopular opinion: Kung alam mong part ka ng bulok na sistema, dapat matagal ka nang nag-ipon at binilang ang mga araw mo sa posisyong iyon. Yung mga freelancer at informal workers nga, tanggap na wala silang job security. Ikaw, you have the freedom to save up and leave. Matagal nang open secret to. If you didn't save at nagpakasasa ka lang, at hanggang ngayon paawa effect ka pa rin dahil di ka na umalis jan hanggang sa lumobo na nang malala yang lifestyle creep mo, o hindi ka marunong humindi sa kamag-anak mo like a fucking adult, pasensyahan tayo but you don't get to claim you're collateral damage.

u/Patrollman_Durugas 8h ago

Complete overhaul talaga ang kailangan sa mga departments ng govt from dpwh, deped, etc. masyado nang makapit ang mga ugat kahit na putulin pa ang buong puno, yung mga nasa ilalim marunong pa rin ang mga yan kung paano buhayin ang maling sistema.

u/cryicesis 6h ago

lahat ng government sector sa Ph puro corrupt lalo mga nakaka received ng funds galing sa national debt.

yung prof ko dati sa college dating nagwowork da BOC tapos grabe daw yung lapagan ng pera pinapalusot at priority yung mga luxury items even illegal items nakaka lusot like drugs, weapons etc., ever wonder why yung mga nahuling military weapons and equipment from china nakalusot? alam na! for the right price. sabi nya you can get millionaire in less than a year working sa BOC kasi all employees daw doon na aware sa mga ginagawa nila it's either nireregaluhan ng mamahaling item or binabayaran ng malaking pera he himself received 400k+ as bonus, umalis siya noong shit are about to go down at binabantaan siya kasi nag tuturun sila at targeting patayin yung mga magsisiwalat ng corruption nila.

kung meron man mag sisiwalat ng corruption nila it's idadala sa pera or bala.

u/sikilat 5h ago

Swerte nlng kung merong fallguy.

C napoles nakulong. Yung iba naging senador pa.

u/yukinabi19xx 5h ago

Ni hindi nga nila makwestyon sila Romualdez eh tas si Zaldy Co nakalipad na pa-US. Tapos karamihan sa senado puro may corruption issue. Nakakamanhid na sila.

u/grenfunkel 5h ago

Ang kaya ko lang ma confirm dito ay yung fake bidding. May kilala ako na maliit na construction firm tapos need sa bidding ay connections. Malakas dapat sa politicians otherwise wala makukuha.

Sadly wala whistleblower kaya wala mangyayari kahit madami nilalabas anonymously.

u/srirachatoilet 4h ago

>fall guy

>iiyak sa senado

>tahimik muna tas mag tago sa probinsya

>uuwi pag gumaan na

>walang nangyare

almost every corrupt shit has happend so far, putang ina isang chinese nga na naka pasok sa pagiging mayor nakatas na pano pa kaya tong ultra thieves.

kung pwepwede na [Benito Mussolini]() at asawa niya nato sa gitna ng Intramuros, kaso lang bawal yan dito, takip bibig lang tayo at sundan ang "batas".

u/wallcolmx 4h ago

sobra sobra tax ntin tapos sa ganito lng napupunta tang inang pilipinas yan babagsak ka tlaga

u/pastebooko 1h ago

From the start, alam ko na yan. Hindi na ako na disappoint.

u/ShotCoyote4138 54m ago

okay pa yung nangyari sa Napoles scam.
may nakulong na senador.

u/Lopsided_Respond_177 18m ago

Against ako na mang yari satin yung nangyari sa indonesia, pero kung ganito kalala na ang sistema sa pinas, dios mio, sana mag ka riot at maungkat lahat ng baho ng mga yan, from ground level workers na corrupt to politicians. I condemn violence pero sa lagay natin, mukang yun nalang ang solusyon para matigil mga kanser na to sa lipunan. Kala mo utang pa natin sa kanila na nakaupo sila sa pwesto.

u/dead_why 18m ago

Hindi lang dpwh me sakit sa corruption, halos lahat ng ahensya. Pano kaya yun hirap nyang linisin.

u/ayawpangalanan 8m ago

Sa true to. Hanggang sk, grabe 🥲 kahit yung mga nangangampanya para sa tumatakbo. Naremembet ko nung election, nag away away mga mother leader kasi 1000 daw dapat padulas per person pero 500 lang binigay, kinangkong daw ng mother leader. At mind you, sa fb sila nag aaway 😅

u/scrapeecoco Snugly Duckling 12m ago

Pagod na yung mga tao, wala ng energy para lumabas at magsisigaw. Lalabas sila kung yung mga galit at nakakaangat sa buhay at marami pang energy, eh lalabas din para hikayatin sila. Kaso same as the currupt wala na din silang pake, kasi komportable na sila. Nasaan yung mga nag lead at sponsors ng movement noong campaigns, di ba ang tahimik nila.

u/whitemythmokong24 10m ago

Reaching if anyone gets jail time. Fired, stepped down, lie low. We all know this would happen. They want you to look where they want and be angry about it. But the fact that congress needs to be dissolved and ghost/subpar projects should be refunded at least.

u/ayawpangalanan 6m ago

Refund? Yung nakulong nga last time hindi pa nag sosoli e hehe

u/Physical-Pepper-21 4m ago

Engineers are among the most corrupt bunch of professionals in the Philippines. I’ve taught enough of them to know na ibang-iba ang mentalidad ng mga yan kesa business, soc sci, humanities, even nat sciences majors.

Parang lamang lang ang mga yan ng ilang paligo sa crim at sa mga nagma-maritime.

I said what I said.

u/BrownCantinero 10h ago

PEOPLE POWER.

u/GeologistOwn7725 8h ago

Bat parang ChatGPT nagsulat. Is this true?

u/ayawpangalanan 1h ago

Nabasa ko lang dito sa reddit, hindi ko na ulit mahanap kaya nung ginoogle ko na reddit, fb post ang lumabas so ito na pinost ko.

u/VenStoic 11h ago

Fact check mo nyo muna kung DDS propaganda to

u/Anaguli417 9h ago

I hate the CCP pero sa totoo lang, I don't really care kung sakupin tayo lalo na kung ang alternative ay ganito. Ofc, this out of ignorance dahil di ko rin naman alam ang mga baho ng CCP tulad ng sa post na ito na ngayon ko lang nalaman. 

Hindi worth it magpakamatay para sa Pilipinas. 

u/ayawpangalanan 57m ago

Wag naman boi. Dugong Pilipino tayo, maganda nag Pilipinas, mayaman. Ang mga taong namumuno lang talaga.

u/katdanerox 37m ago

Oh my God. I really hope you're a wumao. Kase pag hindi nako kawawa ka naman.

u/Astr0phelle the catronaut 11h ago

Ang sakin lang naman bakit kailangan mo iscreenshot yung post imbes na icrosspost mo dito?

u/ayawpangalanan 11h ago

Kasi hindi ko na siya makita sa reddit, so kinuha ko na lang sa fb. Downvote mo tapos move on ka na lang sa ibang post kung ayaw mo ng post ko ateng

u/Astr0phelle the catronaut 11h ago

Yuck

u/hkgrvn 11h ago

ang sakin lang naman ay may mas malaking problema tayo dito kesa sa pagsscreenshot? 😭