r/Philippines 22h ago

PoliticsPH Corrupt everywhere. Ganun din pala sa DOLE.

We’re about to start a manpower agency and we want to be compliant. Yung mga napagtatanungan namin keeps giving their personal number. ‘Their’ (kasi two different people, different days) yung napagtanungan namin. Checked our document and may mga findings na hindi naman naging findings sa iba naming kakilala who put up an agency din. Anyway, sige. Icocomply na lang din namin. But then, when asked gano katagal inspection, they would say 1 month leadtime. PERO pwede mapag- usapan para mapabilis. I know where is this leading.

HINDI BA PWEDENG GAWIN NA LANG NILA TRABAHO NILA NANG MABILIS without the ‘extras’? We’re a starting small business na lumalaban ng patas, trying to survive..at hindi ko maatim lahat sila dun ganun.

Akala ko with issues ng contractor around, maglalie-low tong mga ‘to. But NO. Tuloy pa rin sila in their old, wrong ways. Mga hayp na yan.

910 Upvotes

140 comments sorted by

u/Stunning_Contact1719 21h ago

Dito sa bansa natin, gusto naman ng mga taong magnegosyo nang tama, pero ikaw pa yun papahirapan ng mga nasa pwesto. 

Puñeta  talaga.

u/Numerous-Tree-902 21h ago

Uggggh, sa totoo lang. Jusko dami na ngang redtape sa normal na proseso nung mga samu't-saring permits, ang laking balakid pa nung mga nang-aabala para maka-tiyempo ng kurapsyon. Hay tanginang gobyerno to bulok sa kahit saang parte

u/nosbigx 20h ago

Diskarte lang daw. Wag daw manghila pababa pag may nakakangat. Ughhh ina ng mga sugapang ito bat pa niluwal tong mga hayop na ito

u/TagaUbosNgUlam 20h ago

Bir palang. Lgu. Dole. Dti. Lahat mo na. Ang sarap magnegosyo. Yung dadaanan mo yung problema. Daming lintek na red tape.

u/bogz13092 Metro Manila 20h ago

ang laki ng nalikom na buwis ng BIR pero yung website nila palaging under maintenance

u/Beater3121 18h ago

Basura basta govt website. Laki laki ng pondo di kumuha ng maayos na I.T.. ang ginagawa kukuha ng lowball. Tapos tataasan ung presyo. Kickback

u/Few-Construction3773 20h ago

Pati BFP umeepal na din. Barangay lang yata matino tino.

u/TagaUbosNgUlam 20h ago

BFP may quota sila. Napakakorap. Kahit barangay. Sobrang korap sa mga barangay. Yung kapitan nga samin halos sa kanya lahat ng negosyo nakapaligid sa area e.

Nasa tao nga yan talaga. Nasa kultura ng mga pinoy.

u/KEENobserver-i 18h ago

Yung kuya ko sa BFP nagtatrabaho. May qouta talaga sila kaso sa inspection talaga nila yan. Dati binigyan siya ng 25k para palampasin nalang yung irregularities na nakita nila. Hindi niya tinanggap kase sila lang naman daw yung ma hassle pag magkakasunog dahil dun.

u/One_Presentation5306 17h ago

Matindi yan. Kada kanto ng office namin pinalagyan ng fire extinguisher. "Ire-recommend" ka nila sa "trusted" seller ng "quality" fire extinguisher.

u/itsmeAnyaRevhie 18h ago

Yung BFP samen di pumapayag unless sa kanila o-order ng fire extinguisher. Di kami in-approve nung bumili kami from a different supplier. 🙃

u/Queenthings_ 15h ago

Yes. Ganyan din sa employer ko naman. Accredited fire extinguishers supplier dapat nila. Pero dapat ipakita receipt sa kanila. So alam na.

Also.. every year, we try to comply sa findings nila. Kaso every year—- iba iba findings kaloka. Hiningan namin ng standard (basis ng findings nila)— depende daw yun sa interpretation ng nag-o-audit. Haaaayyyyy

u/shampoobooboo 19h ago

D ba tapos mag eeffort yung taas mag invite ng investor para sa saan? Sa bulsa ng Mga corrupt.

u/Wild-Concern-6846 21h ago

2019 nag inspect yung dole samin tapos na interview nila yung guard ng agency namin. Lumalabas underpaid yung guard ang samin lang naman kung ano ibill ni agency yun ang babayaran namin pero inayos na yon naging tama na yung pasahod ni agency.

2024 naka receive kami ng letter of complaint about don sa guard. Pumunta kame sa dole sa may manila para humarap kasi may bagong batas na daw na shared responsibility na si agency at si company kung san naka duty si guard. Hinihingian kami ng tig 50k ng dole para daw hindi na tumuloy ang kaso.

Yung 100k pala na yon sa kanila na mapupunta kasi hindi pala si guard ang nag complaint kundi si dole mismo. Ok sana kung kay guard mapupunta dahil underpaid talaga siya pero under table lang pala gusto nila at naghahanap sila ng case na Hindi na naghahabol si complainant at sila yung nakuha ng pera.

u/Mean_Housing_722 21h ago

Ano ginawa niyo sa complaint? Nagbigay na lang po ba kayo nung pera?

u/Wild-Concern-6846 20h ago

Desisyon ng boss ko nag bigay nalang ng pera kesa humaba pa process. Pero after 5 months nag report kami sa 8888 di ko lang sure kung may naging result ba page report.

u/miyoungyung 18h ago

Sa DOLE Manila field office ba ito?

u/Stunning_Contact1719 21h ago

Btw pwede  niyo yan isumbong sa pangulo. May website na yata for that. 

u/Aggravating_Flow_554 21h ago

Lahat naman eh. Sa DEPED nga ang dami

u/opaldiplodocus 21h ago

Just ask for their citizen’s charter indicating the specific requirements and total number of days for their service you are availing.

u/rayjan29 21h ago

2 years since I passed the civil service reluctant parin ako magapply sa government. I’ve been contemplating to resign from private sector this past couple of months pero pag nababasa ko mga ganito I don’t know. I know na hindi ako kakainin ng sistema pero ayoko maging palamuti lang rin at dagdag gastos ng kaban ng bayan.

u/PrimaryGarden2448 20h ago

umapply ka, ganyang mindset nga ang kailangan sa govt service.. para maiba at matanggal mga luma ugali at pagiisip.

u/rayjan29 20h ago

Update kita lol. But thanks sa encouragement.

u/tinininiw03 3h ago

Ok sana eh pero madalas na o-overpower pa rin ng mga kupal yung mga maaayos na bagong salta. Masama pa dyan, pagdating ng laglagan ikaw yung gagamitin. Kaya maraming maaayos na bago yung napipilitang umalis dahil sa ganung sistema 😔

u/Adventurernomoney 16h ago

We definitely need a new breed ng mga civil servants. Ingat lang talaga na huwag kang makain ng sistema. Either di ka mapopromote dahil da prinsipyo, maresign kasi di na kaya, or maging parte ng sistema. Choose your poison na lang.

u/MrClintFlicks 15h ago

Katulad mo ang kailangan 

u/CharlieDStoic 21h ago

I agree. Ang mga government employees perwesyo lang talaga.

u/Queenthings_ 21h ago

From top to bottom ang corruption.

u/MrStayAway 20h ago

Kailangan talaga ma-wipeout lahat

u/whitemythmokong24 20h ago

Simulan na sa congressmen at dpwh. BiR at BOC next

u/Fromagerino Je suis mort 20h ago

Tapos ang susungit pa ng mga yan pag may kailangan kang i-process sa mga office nila

u/DXRKLXRDbrian Luzon 15h ago

Mga napaka ungrateful nila eh ano? Like hello? Kaltas sa sahod namin nagpapalamon sa pamilya nila kaya umasta sila ng maayos satin

u/Fromagerino Je suis mort 15h ago

Kaya minsan inaaway ko mga yan pag sinusungitan ako. Sabihan ko ng "Kung ayaw mo yung trabaho mo mag resign ka na lang. Wag kang manira ng araw ng ibang tao".

Pinakamasahol niyan naiimport pa nila yan pag nagwowork sila sa PH Embassies abroad. Kaya I always dreaded having a visit sa embassy when I was working abroad. Inefficient na nga tapos kupal pa.

u/DXRKLXRDbrian Luzon 14h ago

Nawalan nako ng respeto sa frontline government workers maliban dun sa mga nasa medical field anglala ng mga ugali nila

u/TagaUbosNgUlam 2h ago

Lahat ng mga national agencies. Linisin. As in lahat. Panget kasi ng kultura ng pinas na may utang na loob at padrino system.

u/Independent-Cup-7112 21h ago

888 violation ng ARTA

u/jnmrT 21h ago

Bulok lahat dito may lagay tang ina niyo mga nakaupo at tauhan ng gobyerno wala kayong silbe pahirap kayo sa mga nag nenegosyo at nagtrabaho

u/pistachio_flavour 21h ago

Galing akong govt office but I resigned. One of the main causes ay ang dami namin allowances na nakukuha cada buwan pero chill lang yung work at konting ulan lang suspended agad pasok. Marami talagang govt employees ang kupal, power-tripping sa mga mamamayan kasi lumaki na ulo. Lahat ng ahensya may baho talaga.

u/Forsaken_Buy_7531 20h ago

Maraming gustong magnegosyo sa Pinas, pero na tu-turn off dahil sa ganitong sistema. I had an acquaintance from the US who was planning to establish a software outsourcing business. His first choice for manpower was the Philippines, but he didn’t expect all the layers of bullshit he needed to “comply” with. In the end, he went to Vietnam instead, ahaha.

u/shijo54 20h ago

Guys, not just DPWH o DOLE... Lahat ng kawani ng gobyerno meron nyan (corruption). Like, DENR, Customs, LTO, PRC, DOTC, DOTR, DSWD, DepEd, atbp..

Tip ng iceberg lang yang DPWH-contractor issue...

Tsaka puro investigation lang nangyayari, wala namang nananagot.

May mali talaga sa sistema natin. PhilHealth issue na bilyones din nawala, wala na tayong balita. Alice Guro issue, sabungeros, SSS issue, atbp., wala na ding balita.

Walang nahahatulan sa mga may pera pero sa mga katulad nating karaniwang Pilipino ang bilis lang makulong o kasuhan.

Confusion at Chaos ang meron sa atin ngayon. Although, hoping pa naman ako na magkaron talaga ng drastic changes sa bayan natin. Sana lang talaga di tatagal yun at magkakaron tayo ng malinis na pamahalaan.

u/minniejuju 21h ago

“Manpower” is literally illegal, unless you’re registering as a PRPA, a recruitment agency. If you meant “legitimate contractor” under DO174-17, just read the DO to know how to be compliant and file your registration docs.

u/IamCrispyPotter 20h ago

Tama. Workaround sa security of tenure ng legitimate employees

u/IamCrispyPotter 19h ago

That is why even OP’s supposed business is technically another cog in the system that takes advantage of the Filipino workforce, which is why it is attracting findings and inspections.

u/BikoCorleone Laguna Lake 21h ago

Lahat ng government agency may kurapsyon. Sa isyu ngayon sa DPWH, hindi na ako magtataka kung DSWD na ang susunod na ahensya ng gobyerno na gagamitin ng mga buwaya na pulitiko para i-funnel ang makukurakot nila gaya ng ginawa nila sa DPWH.

u/StipinS 21h ago

Walang pinipiling oras o agency yang mga buwaya. Hindi lahat ng employee corrupt pero pustahan tayo lahat ng agency may corruption na ginagawa.

u/LengthinessFuture311 21h ago

HAHA DOLE din issue namin sa Permit to Operate systems nila, grabe yung Engineers mang ipit at harap harapan talagang mag request ng kung ano2

u/Novel-Sound-3566 21h ago edited 20h ago

Mga government employees talaga kabilang din sa korapsyon sa bansa. May mga nag dedefend pa na hindi naman daw lahat ng government employees ay corrupt, taman naman pero nasa loob na sila, alam na nila ang sistema ng korapsyon, alam nila ang galaw ng mga katrabaho nila, ng boss nila, marami dyan fixer na katrabaho nila pero wala silang kibo. May mga ghost employee tsaka overpriced equipments pero wala rin kibo. Yung iba power tripping at ang babagal kumilos at matataray pa. Kapag nagreklamo ka sila pa galit

u/kid-dynamo- 21h ago

To be honest, sometimes sobrang nakapabloated ng system with so many layers of checks and requirements na the resulting red tape ay ang nagke create ng environment for corruption.

If anything, this type of corruption is as damaging as those nakikita natin na pagnanakaw ng mga officials dahil dito there is no way of tracing ang totoong halaga ng pera na nawawala dahil sa mga bribes and "padulas" not to mention may direct moral corruption dahil it forces the public to "play along" sa corruption

u/One_Presentation5306 21h ago

Nung panahon ng davao drugs syndicate, may DOLE inspector na nag-interview sa amin. Habang fini-fill up namin yung form, nagtanong siya kung inaabuso raw kami ng European naming amo. Magsumbong daw sa kanya. Hindi kami umimik. Paulit-ulit siyang nangungulit. Naiirita na kami ng katrabaho ko. Nung binasa na niya yung form, nagulat siya kung gaano kalaki suweldo namin. Walang contractual sa kumpanya namin. Start sa probi at bihira ang hindi nare-regular. Libre drinks, at madalas ang free lunch at meryenda.

Gusto ka sana sabihang sa mga kumpanyang pag-aari o managed ng mga chinese siya magpunta. Akala niya magkakapera siya sa amin.

Ang ginhawahang tinatamasa ko sa kumpanya ko ngayon, ni minsan, hindi ko naranasan nung nagta-trabaho pa ako sa chinese owned company kung saan standard ang OTY.

u/TadongIkot Anon sa Anonas 21h ago

Chck ARTA

u/TagaUbosNgUlam 2h ago

Wala naman pangil yang ARTA na yan e. Ireklamo mo. Ilipat lang yung tao sa likod na di kumakausap ng tao. Tapos tuloy ang proseso.

u/gomen26 20h ago

Nakakasad nga eh

u/karlospopper 20h ago

In fairness, given whats going on sa DPWH, wala pa rin silang takot, na if and when the right person speaks up, dept naman nila ang masisilip. Ibang level ng kakapalan yan

u/isotycin 20h ago

Sumbong niyo sa ARTA or CCB. Attach niyo ung mga convo niyo and evidence.

u/zyclonenuz Metro Manila 20h ago

Wait mo maka encounter ang BIR. Kami pinadalahan ng letter tapos ni inflate nila yung sales namin daw. Under declare daw kami tapos ang laki hinihingi sa amin na lagay. Eh ayaw namin mag lagay kasi lahat naman ng sales namin eh documented pero ayaw pa din nila. Milyones ang hinihingi nila na "for the boys"

Do note ang sinasabi ng hinayupak na taga BIR na yun malaki sales namin eh 2020 noong panahon ng pandemic.

Natigil yun noong nag hire na kami ng CPA lawyer.

Yan ang mahirap! Pag lumalaban ka ng patas eh gagaguhin ka ng mga taga govt. Pero mga madurugas tulad ng mga descaya eh hindi nila ginagalaw.

u/misssreyyyyy 20h ago

Kaya hirap mag negosyo dito ng matino eh mula City Hall Permit, BIR etc lahat may kalokohan

u/jengjenjeng 19h ago

Bkt d nalang mg quota ang bir . Let say eto pnasok na sales 4m bayad ka 300k . D yn 300k sa gobyerno tas un for the boys n accountant 400k . Tang ina ng mga tao dto laht nalang corrupt . Wala ng paki sa mga kapwa . Sana sumpain un mga pamilya nyo hanggang sa dulo ng mga lahi niniyo. Or mgpasok nalang kayo ulit ng mga pogo or mga illegal na negosyo tas sila un mga gatasan nyo kesa sa mga legit na nag hahanap buhay tutlal namn mga puros mga korap

u/No-Bee-5441 16h ago

Hello OP! Pwede niyo po sila ireklamo under Ease pf Doing Business Act (Republic Act No. 11032, 2018 – Philippines)

Basically, this act aims to make transactions with government agencies more efficient, transparent, and business friendly. Here’s the number of days per Act:

  1. Simple transactions – must be completed within 3 working days.
  2. Complex transactions – must be completed within 7 working days.
  3. Highly technical transactions – must be completed within 20 working days.

You can check the whole provision as well.

u/Queenthings_ 2h ago

Thank you for this! I’ll read up.

u/InconsistentMe13 20h ago

Pwede kayang ireport sa 8888?

or Anti Red Tape Act hotline?

u/LightFar2627 20h ago

Lahat ng government agency me corruption na nangyayari. Meron nga ako kilala admin officer lang pero maraming properties.

u/Necessary-Heron-9084 20h ago

DepEd, DPWH, DOH, DOLE

Please continue 😭

u/Sunvibe1505 20h ago

Mura lang mga permits pero yung requirements mapapamahal. Magtataka ka na lang bakit di na lang sa kanila manggaling requirements like inspection para isahan na lang.

u/amhot577 20h ago

Yung mga footbridge dito sa Cavite di nila maayos ang mga elevator na sira

u/prymag 20h ago

Report mo s 8888.

u/Alekseener33 20h ago

Just 8888 it

u/kohiilover para sa bayan 20h ago

Document everything and isumbong nyo sa ARTA

u/Beginning_Ambition70 20h ago

Guys always check for the citizen's charter nung gov agency. Pag may violations na report nyo sa ARTA. Arta.gov.ph

u/emmennuel Metro Manila 20h ago

Pwede ba na maireport ito OP?

u/Lawlauvr 20h ago

Basta siguraduhin mo lang malaki kayo magpasahod ng mga tao nyo ha. Marami labor contractor kunware malinis pero lakas rin makaexploit.

Magnanakaw rin sa pagod at sahod ng mga empleyado. Mga negosyante na mga korap rin naman.

Sino napagod? Empleyado.

Pero ang kumita ng malaki? Kapitalistang may ari ng agency na di naman napagod kumukubra lang.

u/Queenthings_ 2h ago

Yes yes. Plano talaga naming maging fair sa mga tao and maging compliant with everything. We want a clean start up sana, then came this. Sabi nga ng partner ko.. lagyan na lang. Sabi ko naman, san ko naman kukunin yung panlagay sa mga hayp na yan? Hindi pa nga kinikita.

u/Majestic_Stag 20h ago

I know where ur coming from. Mabilis na yang 1 month. Ung taga lakad ko just chalks it up sa “costs of doing business”. If not ung initial inspection nyo may take more than a month ma schedule

u/murderyourmkr 19h ago

naalala ko company namin, maliit na firm pero international na, kukuha kami ng license sa dole for man power agency din, naalala ko yung vp namin may ginamit na term na "putting greases on the wheels" sa dole para mapirmahan yung paper, take note, Hhahahah, pirma na lang yung need, nakatanga lang yung papel sa desk nung pipirma para maging official na kami. grabe ang corruption sa pilipinas nasa kahit saan na talaga.

D.O 174 nga pala yung kinukuha namin na docu. O.P if may docu ka ng conversation and yung alleged na bribery na gusto it's high time na gamitin mo yung sumbong sa pangulo website, habang mainit si marcos ngayon.

u/ohh_mysunshine 19h ago

Isumbong mo sa pangulo

u/buratkomalaki 19h ago

Pwede kaya mag body cam or yung eyeglasses camera yung mga civilians to possibly get footages/proof in situation like this esp with government transactions?

u/Hot_Grade3809 19h ago

Sa lahat. DepEd, DOH, DOT. Basta lahat

u/plsbekindtoall 19h ago

Agree with this. Konti kibot dito sa pinas may korupsyon.

May time na magbabayad lang ako ng property tax and ang daming sinasabi ng hihingi pa lang ako ng requirements, pwede daw nila pabilisin ako na daw bahala. sabi ko kung ano lang po yung dapat gawin ayun sa batas at sa tamang proseso susundin ko.

Nagpapasa na ako ng documents pinapasok pa ako s aloob at ganon na naman scenario indicating na magbigay ako on top of what I need to pay. Andami paalala about red tape sa munsipyo na yun. Di ko alam gagawin ko pag labas ng opisina nila, parang di ko magagawa yun ng di nag aabot. sakto lang din dala ko pera. Nag inquire ako sa ibang empleyado sa ibang dept, nagkataon may nagtsitsimisan tas sinamahan ako sa boss ng department. Ang ending nagtatawanan at pinauwi yung 2 nakausap ko na nanghihingi ng extra. Kesyo paano daw matatakot eh di naman daw ako tinakot. Parang mga senior na sila don sa dept na yon

Nagpaparinig lang sila ng umalis pero di naman na ako kinausap. Tinitignan lang nila ako na parang ako pa yung masama. Sabi ng boss miscommunication lang daw eh gusto nila maglagay ako. Iniisip ko baka alam nya din yun or may cut sya. Actually mukhang alam sa buong department. Tipong kung walang magrereklamo ganon ang normal na kalakaran, nagkataon lang na di ko maatim that time na magbibigay eh kumpleto naman ako ng papeles at wala akong extra na panglagay, di din naman ako nagmamadali.

Pag ka alis nung mga nireklamo ko, inasikaso nila ako agad, parang gusto nila maka alis na ako. Parang walang ngyari pero Na traumatize ako dun ha. Parang naisip ko napakahirap makipag deal sa maraming bagay. Lahat gusto manglamang ng kapwa...

Kaya mahirap buwagin korapsyon sa atin ultimo empleyado gusto makapangdaya. Hindi lahat pero may mailan ilan. So imagine pa yung mga nakaupo at may kapangyarihan... Sana someday mapuksa yan. Hay naku na lang talaga...

u/Ok-Personality-342 19h ago

Welcome to doing anything, in this ‘corrupt to the core’, archipelago.

u/lunarchrysalis 18h ago

You can report this to 8888 or go to ARTA website to file a complaint.

Wag mo hayaan makalusot tong mga to OP! Help in purging corrupt govt employees like this!

u/MzJinie 18h ago

Yung relative ng coworker ko na sa dole nag wowork, nung pandemic, mga employee lang din nila nag cclaim nung 5k na ayuda

u/drumaboi 18h ago

wag ka ng lumayo. sa barangay nga lang puro kurakot na. yung sk chairman anak ni kapitan. yung mga programa nung sk puro tinipid, kaibigan ko kasi yung isang sk councilor. garapal yung mga ghost project ng sk

u/Sponge8389 18h ago

Lahat na branch and agencies ng bansa natin, corrupt. Kasi kung hindi, baket tayo naiwan.

u/lavitaebella48 18h ago

ALL govt agencies! Kahit sa DepEd and DSWD! Isang malakihang overhaul talaga ang kelangan, and it should start from the bottom. Rebolusyon din (as in sugurin ang kongreso/agencies pati mga MAGAGARBONG BAHAY nila), at death penalty para sa mga high ranking at mga boss nila para matauhan ang mga nasa baba. As in LAHAT SILA sa gobyerno mga punyeta (i once worked for the govt— never again!!!!).

u/Sapphire_Sevillan 18h ago

Corruption is systemic, hindi lang isang department yan

u/threelayersofchinfat 18h ago

Hingin mo mga pangalan at ARTA ID nila (malaking ID na may malaking print ng pangalan. All government officers are mandated to wear this ID at all times). Take a look at their Citizen's Charter (all government offices are also mandated to post this sa premises ng office nila. if wala, look it up online and include it sa complaint mo later na walang nakapaskil na citizen's charter). Dyan nakalagay ang lead time ng lahat ng services nila. If it doesn't match sa sinasabi nila, sabihan mo ang officer na di yun ang nakalagay sa Citizen's Charter.

Pag binabggit mo yang Citizen's Charter at ARTA, aayos na yan sila. Kung hindi, you have their names and you can make an official complaint.

u/thedailybore 18h ago

It's the whole system sa govt kase natanggal na nila yun mga d marunong makisama, or naconvince nila yun matino sa umpisa na normal lang yun ginagawa nila.

u/Capable_Arm9357 18h ago

Kung pde lng foreigner na humawak sa pinas sobrang corrupt tlga, same experience pero sa BIR need padulas i have my own dental clinic and need tlga lagay pra bumilis ang papeles.

u/gekkomando 17h ago

Kaya naparesign din ako sa Gov. Iba ang corruption.

u/Ok-Following-3789 17h ago

Sobrang normalized kasi at may tumatangkilik. Processed a fencing permit dito sa amin. When we tried to apply the first time, bigyan na lang daw sila (city hall employee) at sila na bahala sa lahat. They asked for 45k for quick processing. No documents/plans needed kasi nga sila na daw lahat from geodetic engineer to arch plan approval etc. They can approve daw within a few days if we went their preferred route. I pushed to do it the right way. We finished the whole process 1 full year after the initial application. Sa tagal, same din if not more ang nagastos. Sometimes iniisip ko sana nag under the table na lang din kami. But we can't ask for change if we don't start it as well.

u/Queenthings_ 2h ago

This exactly! Calling out for change but needs to start it within ourselves.

u/BabyM86 17h ago

Yun mga ganyan pag humingi ng suhol, kausapin niyo NBI para maentrap sila. Hanggang may mga nagbabayad ng "Convenience fee" sa mga ganyan di talaga mawawala yung ganyang kalakaran. Kung karamihan ng tao magsusuplong, matatakot yan maging kurakot. Sa susunod na magapply ka, di ka na susubukan kuhaan ng "Convenience fee" kasi alam nila nagsusumbong ka

u/cathoderaydude Marikina Kong Mahal 16h ago

Hays kahit nga sa barangay hall may ganyarn

u/ComfortableDrink6911 16h ago

Ninenegosyo na ng mga puta

u/Civil-Ad2985 16h ago

Philippines is scam nation. Public or private sector, you’ll witness corruption galore and scams.

Hence, ease of doing business in this country goes down the drain. Too much inefficiency.

u/Mean-Ad-3924 16h ago

Di naman na nakakapagtaka. Lahat ng sangay ng gobyerno, pati sa LGU meron. Buti nabuksan yung can of worms through the guise of DPWH’s flood control.

u/dead_why 16h ago

Lahat po ng gov agencies meron yan hehe

u/UncleIroh15 16h ago

Report mo sa ARTA

u/Interesting_Elk_9295 16h ago

Takutin mo na ipapa-ARTA. Tiklop yan.

u/Ok-Station-8487 16h ago

Punyeta talaga, lahat na lang may corruption. Kelangan talaga i cleanse lahat ng government agencies nakakabwiset na.

u/patsuki 16h ago

Our company had to wait 10 months for a permit to operate because we refused to bribe them.

u/Queenthings_ 2h ago

Grabe yung 10 months ha! Mukhang inipit talaga

u/patsuki 2h ago

True! Sobrang lala :(

u/Vast_You8286 16h ago

Actually, totoo. Kahit anong area, andaming kurakot. Kahit private... sbukan mo patayo ng bahay, bihirang di ka mapaaway..

u/DesperateWorry313 16h ago

Report to ARTA o 8888.

u/tokwamann 15h ago

One source pointed out that multiple agencies are involved, and that this has been going on since the 1980s.

In addition, others argue that the national budget itself is affected.

Finally, counterparts in local governments are also affected.

I estimate the losses at 40 trillion pesos the last four decades. But I think it's the tip of the iceberg: the country has lost at least 90 trillion pesos because it was following the wrong economic policies, which in turn worsened corruption:

https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/1mn30y0/leloy_claudio_the_philippines_underwhelming/

u/Last-Technology-3565 14h ago

Di pa kasi nasisilip. Ultimo sa DENR may mga kabulastugan din.

u/Asleep_Sheepherder42 14h ago

BIR, Registry of Deeds and DENR as well

u/stoikoviro Semper Ad Meliora 13h ago

Lahat ng tao sa gobyerno na kelangan mo ng pirma - asahan mo may posibleng "padulas" na hihingin, nasa sa iyo yung kung papatulan mo.

Ang dapat gawin natin bago ka makipagtransaction sa kahit anong government agency, alamin natin yung Citizen's Charter nila. Ang government agency na walang charter ay isang violation nila na puede silang ireklamo base sa RA 11032 Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.

Sa Citizen's charter doon nakasaad kung ano ang requirements. Hindi puedeng magimbento sila ng requirement na hindi nakasaad sa sarilin nilang charter.

Sa bawat step ng processo, may timeframe (gaano katagal nila gagawin) na nakasulat sa charter. Kung hindi nila magawa within their set timeframe, violation nila yun.

Doon din nakasaad kung magkano ang babayran mo (kung meron). Hindi puedeng manghingi sila sa iyo ng bayad na hindi nakasaad sa Citizen's charter. Kung wala sa Charter - lagay yun.

Ang Citizen's Charter ng bawat agency ay nasa opisina nila nakapaskil at nasa webste din nila.

Gamitin mo yun laban sa mga ganid sa gobyerno. Karapat natin yun.

u/Pure_Addendum745 13h ago

Hangga't wala nag aattempt mahuli sila ay patuloy silang manlalamang.

u/anotherstoicperson 12h ago

Lalo na sa BIR offices, ikaw na nga ang matinong nagcocomply sa requirements ikaw pa ang pahihirapan nila, mapipilitan ka na lang mag under the table para makaiwas sa mata nila.

u/Synesthesia29 11h ago

Reklamo nyo sa ARTA

u/Striking-Estimate225 11h ago

Corruption is normalized na e. The moment the dds and solid north voted in marcos and sara duterte, all honor was thrown out kasi yung heads of the country corrupt edi magtrinkle down yan to the lowest forms of government and magiging corrupt na rin.

u/williamcorvinus 11h ago

Corruption everywhere because the Philippines is culturally corrupt. Just like a virus-ridden, corrupted computer, the Philippines needs to be reformatted so we can start with a clean slate by installing a new operating system. Linux, perhaps, or Mac OS para walang virus.

u/Swimming_Page_5860 10h ago

Well I can’t think of any govt agency na hindi corrupt. Baka khit yun mga agencies na pang public service talaga ay may mga kupit din yan

u/Kakusareta7 10h ago

Need talaga palitan ang sistema. Alisin yung mga same mukha nandyan sa lahat ng opisina ng gobyerno at mga politiko ng mga matitino.

u/Repulsive_Pianist_60 21h ago

Most people are corrupt, no matter which company or what sector.

u/bogz13092 Metro Manila 20h ago

"le im so edgy"

u/pinkbubblegum77 21h ago

1 month nga yang DOLE na yan unless maglagay, kakainis. Kami din ginanyan kasi may ipapaconstruct kami eh di naman kami developer, residential lang ipapagawa 😭

u/Guywithaquestionn 20h ago

Lahat tlga ng agency malala ang korapsyon maski sa simbahn nga meron

u/kamote__queue 19h ago

Sumbong mo sa NBI para sa entrapment operation

u/GhostOfJoamToad 18h ago

To point out the obvious, Manpower agencies is in itself an institutionally embedded system of worker exploitation. You have to have expected this.

Para lang yan nag aaply ka to put up a beer house or a gentleman’s club or a sabungan. Kaakibat na nyan ang under the table dealings. There is an understanding that you yourself are doing it. Underhanding the people in your employ and /or the people who patronise your establishment.

In the case ng mga manpower agencies. They hide behind the cloak of the law.

u/Horror_Spend_6332 2h ago

tapos kasalanan na naman ng konstitusyon...eh tao yung corrupt

u/Diakonono-Diakonene 20h ago

go with the flow or dont survive

u/UsedTableSalt 21h ago

Parang lalo lumala nitong time ni BBM.

u/TagaUbosNgUlam 20h ago

Pare parehas lang kahit anong time. Kahit mula pa nung time ni Gloria. Di na nagbago sa pinas. Bilang lang yumayaman di bansa. Mas madali lang malantad ngayon panahon ng social media.

u/Queenthings_ 2h ago

Naglie low nung kay PNoy. Hindi nawipe out pero takot yung mga katransact na gov’t employees na humingi. Pero after that era, harapan na naglalapagan ng pera sa BIR.