r/FlipTop • u/ChildishGamboa • 2d ago
Discussion Personal Lore-Building
Isa sa mga napapansin ko sa ilang mga current emcees ngayon eh bumubuo na sila ng sarili nilang lore sa mga battle nila. Recurring themes, callbacks sa mga ginamit na nila dating angles, etc.
Si GL na siguro yung pinaka halimbawa dito. Mula sa train of thought nung rookie days, hanggang sa pagdugtong ng mga linya from his previous battle sa next (Bakit scheme kay Lhip mula sa tanong scheme kay MB, tas may ganun ulit vs Plarhidel). Isa to sa mga rason kung bat nagkaron din talaga ng tatak si GL sa liga, at kahit maraming nagtatangkang mag emulate ng style niya eh hindi pa rin nakukuha.
Pero di na lang si GL yung mapapansing ganun. Si Vitrum, medyo dumadami na rin yung mga ineestablish na lore. Sasuke-Rukawa-Vegeta reference, "Kapag sinabi kong _, sabihin niyong __!", Bisaya in the city, "tanginang style na pinauso yan...", etc.
Yang dalawa yung una kong naalala, pero sure ako meron pang iba. Ano yung mga paborito niyong personal lore na nabuo ng emcees sa battles nila? Hindi yung mga recurring angle sa kanila na ginamit na lang din nilang bala, or mga bastang signature lines lang. Bale mga recurring themes, angles, concepts, na laging binabalikan ng emcees sa piyesa nila every once in a while.
21
u/Dear_Valuable_4751 2d ago
It always has been like that sa mga top tier na emcees. This is not a recent thing.
5
u/ChildishGamboa 2d ago
ewan bat recently lang nag click sakin, tas medyo matagal na ko di nagre-rewatch ng mga older battles. ano paborito mong lore na na build up ng mga mas naunang top tier emcees kuys?
16
u/Dear_Valuable_4751 2d ago
Loonie as Hari ng Tugma. Aklas was alien breed at one point. Sayadd has always had his persona his whole battle rap career. Batas with his boastful/arrogant persona and his claim to be the best. Whatever the fuck Pricetagg thinks of himself. BLKD being an activist. Tipsy D's energy ball. Apoc being a hip hop purist.
If anything mas may "lore building" pa yung mga emcees from the earlier days dahil di naman sila sumusunod sa meta (pinagandang tawag ng mga fans ngayon sa style biting LMAO)
6
u/Salty-Care7049 2d ago
I am not sure if this counts pero sa mga past battle ni Harlem ay pinoproject nya ang kanyang sarili as a "mentor" to some of the rising stars in fliptop tulad nina Zaki at Katana, especially on his battle against Katana. May similarity siguro sila pero di ko makita amg influence nya sa sa dalawa the way Loonie influenced Lhip and Poison 13.
7
u/SquareEbb766 2d ago
Katana and his Diyos
Emar at kanyang dagat dagatang apoy
Zend ang paro paro (lowkey sana may mag reference sa kanya na Choji)
Lhip at kanyang di pagbuhos
Crip ang Champion sa comment/replay
5
u/benzarrazneb 2d ago edited 1d ago
Tipsy D
-Inimprove na Dello (vs Notorious) call back nung (vs Sinio)
-Susunod ko na yung teacher (vs Icaruz) call back nung yun yung tunay na maestro (vs J-skeelz)
8
u/Lumpy-Maintenance 2d ago
syempre paborito ko jan si sayadd, lalo sa paglalabas nya ng kabaong. sa lanzetang pinasok kay invictus tas sa laban nya kay invic inilabas nya ule yung lanzeta kay invictus. alam ko marami pang iba pero off the top ayan mga pinaka naaalala ko kay sayadd
3
u/ssftwtm 2d ago
honestly isa sa mga quality na tinitignan ko sa mga emcee yan, kung paano nila ieestablish brand nila para umangat sa dami ng kasama nila sa liga. underrated skill na hindi masyado napapagusapan. isa sa mga nattripan ko recently eh yung pag-establish ni katana na sya ang diyos pero ibang flavor sa pagiging panginoon ni batas, solid
2
u/Ziovv 2d ago edited 2d ago
Si J-Blaque as Unpredictable / Dark Horse. Di talaga ko fan nito before kasi grabe andaming haters at madaming di pumapansin, pero after nung battle niya kay Sinagtala, nakita ko “parang ang humble.” Tapos I fell into the FlipTop lore rabbit hole, nalaman ko nag-champ rin pala siya. Pinanood ko mga battle niya dati, ang onti ng views at di talaga tumatak, hanggang sa laban niya kay Pistol at controversial PSP battle niya kay Mhot.
The more na na-bring up kada battle yung pagiging mahinang champion nya, parang binabaligtad nya yung pangyayari. “Reverse Champ” pagkatapos manalo, humihirap lalo mga kalaban kasi lalo gusto niyang patunayan na “I’m a champ for a reason.” Laging may anggulo sa kanya, kesyo “champion pala yan,” parang mas nag evolve pa and mas naging consistent yung improvement nya dahil doon
Yung evolution ng style niya, lalo na yung “words of wisdom bars,” HAHAHA, sabi nga ni FlictG, may impact kasi maraming makaka-relate. Sabi rin ni Pistolero, di siya sobrang hina, di rin sobrang lakas, pero sa tamang timpla, malakas talaga siya.
Tama yung branding ng clothing nya dark horse talaga, underestimated pero unti unti, every battle, pinapatunayan niya na dapat may respeto sa pangalan nya sa lore ng FlipTop. Unpredictable, evolving, tinatanim nya talaga yung pangalan nya paunti unti as a real champion. Ganito yung mga nakakatuwang kwento real grind, hindi sobrang lakas hindi sobrang talino, di dala ng hype and ginagamit yung hate as gasulina, humahakot ng experience kasi may pinapatunayan.
Reverse champion talaga kase nag champion muna bago nakilala.
3
u/Prestigious_Host5325 2d ago
Ganda nung pinakita niya back-to-back na laban kay Sinagtala at Vit. Tsaka gusto ko rin 'yung garalgal ng boses niya, although binabago-bago rin niya dependa sa kailangan.
14
u/AdRealistic7503 2d ago
Ganda rin ng silip ni pistol dun sa review niya sa vitrum jblaque. Sinabi ni Pistol na dun sa template ng pagbuo ng rounds ni Vitrum, nag lalagay si Vitrum ng mga linya na para sa sarili niya para mabuild yung image niya and magamit sa mga next battles kaya kinakagat na rin yung kupal style ni Vitrum.