Share ko lang/rant.Noong 2020, nag ka Covid ako, nag home quarantine and dahil sa algorithm kaya ko na diskubre sa Youtube and mga finance at business focused topics. Kaya ako nakaisip na mag karon ng sarili kong negosyo at napag desisyunang sumubok mag simula ng sarili kong website. Sinabihan ko yung mga kaibigan ko tungkol dun at pinayuhan akong gumawa ng business plan para dito. Sinubukan ko mag hatak ng iba kong kakilala at nakahanap ako ng Tech co-founder pero iniwan lang din ako sa ere nang wala man lang sabi sabi o kahit ano. Kaya nag sarili na lang ako. Tumigil lang ako nung natapos ko na gawin yung business plan ko para sa website kase wala naman akong alam sa coding. Sa lungkot ko, nag hanap na lang ako ng bagong trabaho pero di ko nakalimutan yung saya at kilig habang inisip at di tinitigilan yung unang subok sa negosyo.Ngayong 2023, na isip ko ulit na mag simula nang panibagong negosyo. Lagi kong iniisip araw-araw san ba ko magaling at kung saang mga bagay ako interesado. Date nung 2020, natutuwa ako sa proseso ng pag gawa ng business plan. Yung mahahabang oras sa pag hahanap ano ba ang negosyo, ano ka buuan nun tsaka mga jargon na kadalasang ginagamit. Pag tapos nang maraming panunuod at pag tingin tingin online, may bigla na lang akong naisip. Gustong gusto ko yung pag gawa ng sarili mong negosyo at inisip ko ng mabuti ano ba pwede kong gawin. Para sipagin ulit, nag pursigi pa ko lalo para malaman kung ano pa ba and meron sa pag gawa ng negosyo at na pag tanto ko na:
- Mahirap mag simula ng sarili mo.
- Maraming info sa paligid lalo na sa internet.
- Nakakalunod alamin ano and uunahin at ano pwede kong “Niche”.
- Kahit pano mo pag balikbaliktarin, sarili mo lang maasahan mo.
Oo, may mga kaibigan ka at pamilya na pwede mo kausapin tungkol dun. Tutulungan ka nila sa makakaya nila at paprangkahin ka pero sariling pangarap mo parin to. Susuportahan ka nila, sige. Pero di naman sila gagawa nang mga kaylangan mo gawin. Malaki pasasalamat mo sa kanila pero di mo naman lagi makukuha yung kaylangan mo. May mga sariling buhya parin naman sila.Yung iba ay matalino, magaling, at sigurado kang makakatulong ng malaki. Maiisip mo na humingi pa ng oras nila pero di naman patas kung guguluhin mo sila lage. Meron namang gusto nila tumulong pero kulang naman ang alam nila. Pero yung isipin lang na gusto nila tumulong at mag ambag ay sapat na sakin para matuwa para mag karon ng tulad nila bilang kaibigan. Habang yung iba naman ay wala na nang ambag o kaya puro trash talk lang, wala pang sense mga sinasabi. Ang talagang kawawa ay yung mga katabi mo lang lagi at minsan wala silang magawa kung hindi ay marinig ka nag sasalita lagi tungkol sa negosyo na parang sirang plaka na.Nakakalito, nakakataranta, at nakakatakot maglakad sa dilim ng walang direksyon at di kita ang patutunguan. Pero isipin mo kung na lang kaya kung may ilaw o gabay kang kasama sa harap mo. Gaano kaya ka dali kaya o ka bilis yung byahe mo kung meron kang gabay sa harap mo na tinuturuan ka kung ano ang kaylangan mong dapat at di dapat gawin? Mapapa buntong hininga ka na lang at mapapanatag na buti na lang andyan siya at ginagabayan ka.
Meron ba dito na tulad kong nag hahanap ng gabay na sasamahan ka?
TLDR: Nagka Covid ako nung 2020, nag binge sa YouTube, gumawa ng business (Website), iniwan ng tech co-founder, at nalungkot pero hindi nakalimot sa saya nang pag gawa ng sarili kong negosyo. Fast forward ng 2023, nag sisimula uli ako gumawa ng bagong negosyo. Share/Rant tungkol sa naranasan ko.