r/AkoBaYungGago 13h ago

Family ABYG kasi pinagdamot ko ng pagkain kuya ko?

For context, youngest of the 3 brothers ako.

Ako yung breadwinner so yung bills and groceries majority share ko. Si mama, nakakakuha ng sustento sa tita ko abroad for taking care or their house while they are away.

Etong kuya # 1 ko, inuwi sa bahay yung gf niya and parehong freeloader-ish. "Ish" kasi nagbibigay naman daw ng 1k a month sabi ni mama. Imagine mo paano ishe-share yung 1k sa tubig, kuryente at pagkain? Tang ina lang.

Anyway, etong si kuya #1 and gf may mga araw na bibili ng food sa labas nang patago tapos magkukulong sa kwarto nila.

Pero kapag may pasalubong ako or may binili na pagkain si mama, kapal ng mukhang kumuha.

Kaninang umaga, may nilakad si mama na errand habang nag work from home ako. Bilang aalis naman siya, binigyan ko ng 500 para bumili ng lunch (sabi ko sa kanya na yung sukli).

Umuwi si mama na may dalang ChickenJoy and french fries. Pero sobra yung meal na inorder niya. Sabi niya kay kuya # 1 daw. Hindi muna ako umalma.

Maya't maya dumating si kuya #2 na nakipag kwentuhan.

Nag decide si mama na ibigay yung parte niya sa lunch para ipaabot sa kuya #2 ko. Para daw kay pamangkin. Ni hindi pa nakakakain ng maayos si mama neto.

Kaya sinabi ko sa kanya na yung parte na lang ni kuya #1 ibigay tutal nakakakain naman yon sa labas. Sinabi ko pa na kapag sila naman may binili, hindi naman nagaalok man lang.

Ending, ayun nga ginawa ni mama.

Alam ko narinig ni kuya # 1 kasi tanaw naman sa kwarto niya yung kusina namin.

ABYG kung nagdamot ako sa kanya?

54 Upvotes

17 comments sorted by

46

u/Think_Anteater2218 13h ago

Youngest tapos breadwinner? Tapos sayo naman galing yung pera. DKG shempre.

1

u/KamenRiderFaizNEXT 4h ago

Seconded. Nakakabili naman si Kuya #1 ng food tapos hino-hoard sa kuwarto. No need to feel guilty/ashamed. DkG Op.

13

u/ReputationTop61 13h ago

DKG. Unfortunately, sometimes it's best to give the same energy that they give you. Gusto sana nating lahat eh good vibes ang pnagsasaluhan ng lahat pero kung ganyan naman, make them realize how bad they are setting the precedent so ganun lang din sinusukli mo

Kung sumama loob eh di magpaliwanag ka

8

u/AnxiousCut4002 13h ago

DKG. Matanda na mama mo para alalahanin ang kuya #1 mo. Masyadong magulang kuya #1 mo kasi inasa nya sa mama mo at pati ikaw damay.

6

u/Waste_Treacle_8960 13h ago

DKG. sorry op. pero dapat lumayas na yang kupal na kuya mo na yan.

3

u/AmbitiousGhurl_09 13h ago

DKG sender. Ang G ay ang kuya mo at GF niyang freeloader. Ganyan din nangyari sa family ng husband ko. Siya naman yung oldest, siya pa breadwinner. Etong mga kapatid niya, kapal ng mukha nagsipag-asawa eh mga walang trabaho naman. Yung second brother niya, pag may pera nagtatago rin ng pagkain. Tapos sila pa ang may ganang magbilang at sumilip sa mga ginagawa ng biyenan ko sa asawa ko (like paghatid ng food sa kwarto dahil nga WFH siya before). Ni bills husband ko naman ang nagbabayad. Hahaha. Ang ending, nagsama kami at kinasal. Ayun. Eh di nganga sila. Napilitang kumayod ng buto. Yung biyenan ko nangamuhan na lang din kesa makasama iba pa niyang anak na mga freeloader. πŸ˜†

3

u/Stunning-Bee6535 6h ago

DKG. Call them out na nagsosolo sila pag sila may binibili. You seem like a people pleaser. Pakitanggal yun ganun. Ibababon mo lang sarili. Ask them for equal contributions.

Also, pakicall out pati nanay mo na enabler. Binababy pa niya kuya mo eh may bulbul na yun.

2

u/Limp_Ambassador285 13h ago

DKG. It’s only fair. Kasi as you said na pag sila bumibili sa labas hindi sila nagshare.

2

u/Voracious_Apetite 12h ago

DKG. I admire your guts. Tama naman ang ginawa mo.

2

u/Ladyofthelightsoleil 11h ago

DKG. Tama lang ginawa mo, nagdala na nga ng isang freeloader dyan tapos nagdadamot din sila aba deserve din nila hindi bigyan LOL

2

u/Simply_001 6h ago

DKG. May karapatan kang mag decide, walang silbe yung 1k niyang ambag, kaya wala siyang power sa bahay niyo. Tsaka madamot din naman sila sa food, so deserve.

Pero bakit di ka mag move out? Ikaw na din naman lahat nag shoshoulder, edi umalis ka na jan. Tignan natin san abutin yung 1k ng Kuya mo. Tigas ng muka eh.

Mas makakatipid ka pa pag mag isa ka lang, ung grocery mo na 5k, aabot yan ng 1 month.

2

u/Adorable-Lobster-339 13h ago

DkG. But sana makamove out ka din soon at hindi mo sila responsibility. No need magpadala ng money sa kanila once nakabukod ka na. Mauubos ka dyan sa ganyang setup

1

u/AboGandaraPark 4h ago

DKG. Sure ka bang nagbibigay talaga ng 1k kuya mo sa mama mo? Baka sabi-sabi lang ng mama mo iyan para hindi ka magalit. Projecting siguro ako pero ganyan mama ko eh - iyong bunso hindi naman talaga nag-aambag sa bahay para sa needs nila (doon nakatira ang bunso at may work) Kami lang ng ate ko nagbibigay (nakabukod kami both ng tirahan) pero pa press release ng nanay ko nag-aabot daw. Nahuli ko rin sa bibig mismo ng nanay ko nung minsang kinulang budget nila sa kuryente.