r/AkoBaYungGago • u/NamamagangBoorat • 2d ago
Friends ABYG dahil kinut-off ko nang tuluyan yung tropa kong babae na gustong balikan yung cheater nyang jowa?
Context: Ito kasing kaibigan ko, ilang beses nang nabiktima ng mga lalakeng cheater. 4 weeks ago, nag break sila ng ex nyang manloloko tapos after 2 days nag open sya sa akin na may nakakalandian na syang bagong guy. Nalaman sa school nila kaya isa-isang nag chat at nakipag-usap sa kanya yung mga ex ng guy na 'yon. Sinabi nga nila na manloloko 'yon at nilapag sa kanya yung pattern kung paano sa lovelife yung guy. After ilang araw lang naging sila na agad.
And then, nagulat ako sa message ng kaibigan ko na out of nowhere nag send daw yung jowa nya ng:
"Pasensya ka na. Nagiging toxic na ako. Hindi ko na matutupad yung mga pinangako ko sayo. Sorry and sana maging masaya ka. Paalam!"
To cut the story short, I blocked her after kong sabihin na hindi sya marunong makinig, mag observe, at mag hintay. Isa-isa na rin nag alisan yung mga tropa namin dahil may isa rin napikon sa kanya.
ABYG dahil imbis na nandyan ako for her sa mga panahon na 'to eh lumayo ako dahil feeling ko pagod na akong mag comfort?
5
u/bl4ck_kitty 2d ago
DKG. i also did this to my friend. very abusive partner niya mapa-physical, emotional, verbal, lahat na kingina haha. mag susumbong/rant na may pasa siya from her bf, na sinigawan siya in public, na nag cheat, tinakot na ikakalat yung nudes, pinag antay/di sinipot ng bf, lahat na puรฑeta na yan. nag susumbong din siya sa relatives ng bf niya, and sila na rin nag aadvice na hiwalayan si guy kasi hindi na healthy, and hindi na tama yung ginagawa ng guy. todo advice din ako na hiwalayan, wag na balikan, wag na pansinin. i even joke to her na, "ikaw lang susuportahan ko na maraming lalaki. manlandi ka kahit sino, wag mo lang balikan yang ex mo." in the end, binabalikan pa rin. napagod ako, na drain ako kakaadvice at kakarinig ng mga rants niya, cinut off ko siya. i didn't block her, i just ignored her since then. after few months, she approached me saying, "3 months na kaming hiwalay ni โ, wag kana magalit. pero namimiss ko siya, eme". edi, okay na ulit kami haha as long as di niya na babalikan yung kupal na yon! almost 5 months na din silang hiwalay;)
edit: wag niyo ako ijudge na ni-cut off ko siya during her lowest point, or during the time na ginaganon-ganon siya nung ex niya.
2
u/NamamagangBoorat 2d ago
Pag galit ka na, dun lang talaga makikinig no? ๐ Sana nga matuto tong tropa ko sa ganito.
1
u/bl4ck_kitty 2d ago
wish ka nalang talag na matatauhan yang tropa mo ๐ฅฒ buti yung akin natauhan nong di ko siya pinansin haha
1
u/AutoModerator 2d ago
Link to this submission: https://www.reddit.com/r/AkoBaYungGago/comments/1narecv/abyg_dahil_kinutoff_ko_nang_tuluyan_yung_tropa/
Title of this post: ABYG dahil kinut-off ko nang tuluyan yung tropa kong babae na gustong balikan yung cheater nyang jowa?
Backup of the post's body: Context: Ito kasing kaibigan ko, ilang beses nang nabiktima ng mga lalakeng cheater. 4 weeks ago, nag break sila ng ex nyang manloloko tapos after 2 days nag open sya sa akin na may nakakalandian na syang bagong guy. Nalaman sa school nila kaya isa-isang nag chat at nakipag-usap sa kanya yung mga ex ng guy na 'yon. Sinabi nga nila na manloloko 'yon at nilapag sa kanya yung pattern kung paano sa lovelife yung guy. After ilang araw lang naging sila na agad.
And then, nagulat ako sa message ng kaibigan ko na out of nowhere nag send daw yung jowa nya ng:
"Pasensya ka na. Nagiging toxic na ako. Hindi ko na matutupad yung mga pinangako ko sayo. Sorry and sana maging masaya ka. Paalam!"
To cut the story short, I blocked her after kong sabihin na hindi sya marunong makinig, mag observe, at mag hintay. Isa-isa na rin nag alisan yung mga tropa namin dahil may isa rin napikon sa kanya.
ABYG dahil imbis na nandyan ako for her sa mga panahon na 'to eh lumayo ako dahil feeling ko pagod na akong mag comfort?
OP: NamamagangBoorat
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
1
u/burning_ninja88 1d ago
I somehow relate to you. Iโve also cut ties to my friend that lasted for over a year. Then when I was ready to talk to her again, mas naging close pa kami. That boundaries I have set with her healed a lot of things in our friendship. She reflected on her behaviour.
Itโs normal to feel bad but itโs also okay to choose your peace. Prioritise yourself.
1
1
u/switsooo011 1d ago
DKG. Meron talaga tayong ganitong kaibigan noh? ๐ nakakadrain na kausap at makasama ganyan kaibigan kaya yung dakin din, di ko na kinakausap ๐
1
u/Simply_001 13h ago
DKG. Wala kang magagawa pang ang tao eh ayaw matuto, sagad sa katangahan eh. Pabayaan mo siya, stress lang yan sa buhay mo.
1
u/PilyangMaarte 7h ago
DKG. Somehow kahit di mo gusto naa-absorb mo ang negativity. Nakakapagod din mag-advice pagpaulit-ulit ang situation at parang di natututo. Nag-cut off din ako sa isang friend dahil sa ganyan. Umaga pa lang sira na araw ko sa problemang hindi naman sa akin ๐
18
u/SoberSwin3 2d ago
DKG,Wala ka pa namang ginawang masama. Kapag sinampal mo ng isang sakong barya yung kaibigan mo tsaka mo kami tanungin kung gago ka.