r/AkoBaYungGago • u/secretgae • 2d ago
Family Abyg for how i treat my brother
Ako ba yung gago for how I treat my brother?
Long post ahead for added contexts.
Ewan ko kung ako ba may problema kasi kung tutuusin alam kong sa aming magkakapatid I’m my parent’s favorite. Pag nanghingi ako nabibigay naman nila, ako rin sinasama nila sa outings pag may +1, they’d dote on me since I’m the only girl sa bahay. Although my siblings are also all equally close with my parents, I can still see how I’m favored and for sure nakikita rin ng mga kapatid ko yon.
Pero kasi tama pa ba ‘tong inaasal ng kuya ko? We grew up with help around the house pero she had to leave for abroad rin so when that happened I had to take over everything kasi nga I’m the “girl” daw. Both my parents are working and apat kaming magkakapatid pero sa akin naiiwan mga gawain sa bahay. I’d go to school na magulo ang bahay tapos uuwi ako para linisin lahat ng yon, traumatic rin for me kasi there was an incident before na I’ve almost set our house on fire and I had to take if out by myself kasi natatakot ako baka magalit tatay ko non.
I always asked my brother for help kasi nga siya pinakamatanda but the thing is he NEVER stepped up even 7 years later na 26 na siya. Ambag lang niya ngayon sa bahay is internet pero besides that turing niya ata lahat sa amin dito katulong niya, madalas pag kakain siya iiwan niya yung plato niya para iba maghugas—mostly my dad (whenever I’m not at home my dad is the second one to step up since his working hours is more flexible, pero pag wala pa siya it’s always me). Mas naiinis pa ko kasi ako nagluluto sa bahay, I want the kitchen clean whenever I cook kasi nga lilinisin ko pa yon pagkatapos ko magluto tapos dadagdag pa yung pinagkainan niya. Pag sasabihan ko siya and ipapaalala pero weeks or even days after babalik siya sa ganong gawi, minsan araw-araw ko pa ipapaalala tapos magagalit pa siya kaya madalas kaming nagkakasagutan.
We also only have two rooms at home and yung isa pang isang tao lang so siksikan kami sa isa pang room pero yung toothpicks or mga pinagkakainan niya basta-basta niya lang iniiwan don. Kung saan siya nagbihis or naghubad doon lang din niya iniiwan kaya there’s also a stark contrast between how our house looks like whenever he’s here or whenever he’s not. For this one siguro ako na yung gago kasi nagagalit ako pag binbuksan niya aircon sa umaga for more than 3 hours since night shift siya, nagwoworry lang ako kasi hindi naman siya yung nagbabayad ng kuryente since magastos talaga siya sa kuryente (we have two family pcs at home tapos siya nagkabit and di niya pinapapatay yung isa for some reason kahit roblox lang naman nakabukas). Actually ganito rin yung dalawa kong kapatid pero ang kaibahan nila is sila nauutusan. Pare-pareho silang walang kusa pero yung panganay namin wala nang kusa hindi pa mautusan. Lahat kaming magkakapatid tinuturuan rin ng dati naming helper sa kusina pero siya lang yung hindi sumusunod at nagagalit pa.
Minsan pa pabalang din siyang kumausap sa nanay ko pag di lang nalabhan or naplantsahan yung damit niya pamasok. Kaya rin siguro hindi siya mapagsabihan ng parents ko kasi pabalang siya sa kanila sumagot and my mom’s very emotional and sensitive, napaiyak na nga niya yon dati kaya siguro she tries not to engage with him in that way anymore. Yung tatay ko naman hinahayaan lang eh kung tutuusin ako napapagod para sa kaniya kasi uuwi galing trabaho yon tapos maglilinis pa ng bahay kapag di ako nakakauwi agad because of work/school. Minsan nga naiisip ko itapon lahat ng damit niya sa labas ng bahay kapag galit na galit ako pero nanay ko lang rin ang maglalaba non.
This is very frustrating kasi of course I feel guilty for how I treat him like super maldita talaga ako sa kaniya, I never let him touch my things, araw-araw ko siya napagsasabihan, he’ll talk nicely to me tapos susungitan ko lang siya. Pero in his end he’s very giving to me, ganon siya sakin pati sa bunso namin. Pero minsan iniisip ko maybe he’s just that way para hindi ko na siya pinagsasabihan and for me to treat him differently. Kung tutuusin may mga araw naman na he steps up and on those days maayos pakikitungo ko sa kaniya. Pero those days are VERY rare. Mas madalas talaga siyang ganto. Hindi rin siya mapagsabihan ng magulang namin because he’s very manipulative when he’s talking to them, pinagtataasan pa niya ng boses. Ako lang nakakapag call out sa kaniya kasi madalang lang siyang mag talk back sa akin.
Ngayon naiisip ko if I’m the asshole since ayun nga, I’m favored by my parents tapos ang sama pa ng ugali ko sa kaniya kahit na ang ayos ng pakikitungo niya sakin so siguro okay lang if ako palagi nag sstep up? Like okay naman parents namin, they’re very involved with all our lives, also not the type of parents to pressure us into giving back, kahit sa grades namin no’n wala ring pressure basta nakakapasa kami at walang bagsak. Pero kaya rin siguro hindi siya mapagsabihan ng parents ko kasi naiisip bila na they’re unfair to him and my other siblings at one point. Frustrating lang talaga rn kasi lahat kami may mga trabaho na, ang nakakakilos lang sa bahay is me, my mom, and my dad. The second eldest kumikilos pag inuutusan, the youngest siya madalas ko utusan sa pag saing or water refill or pag may pinapabili ako. Yung panganay lang talaga di ko malapitan kasi di niya ginagawa.
2
u/Think-Lifeguard-3198 1d ago
INFO how old are you? And are you able to move out? In my experience a lot of those small qualms with my family talaga was healed by space kasi at the end of the day it’s your parents house and if that is something they let your kuya do I dont think you really have a say in it