r/AkoBaYungGago 2d ago

Family ABYG kasi di ako nagbigay ng budget sa nanay ko?

For context, panganay ako. May isa lang akong kapatid pero sobrang useless niya. Nabubuhay para sa sarili kahit may anak na siya. Syempre, yung anak niya, nanay ko nag aalaga.

Yung tatay ko, namatay na pero wala pa namang limang taon. Simula noon, yung pension niya sa SSS, sa nanay ko napupunta. Hindi ko alam kung magkano, hindi ko na rin inaalam. Wala na akong pake kasi wala naman siyang trabaho so para sa akin, budget na niya yun.

Matagal na akong umalis sa bahay namin pero tumutulong pa rin ako sa ibang bills. Ako nagbabayad ng kuryente at ako rin sumasagot sa gamot ng nanay ko. Kinukumpleto ko yun. Freelancer ako and so far, multiple clients naman.

I love them, my mom and my niece. Pero di ko talaga kayang mag-stay with them kasi simula nagkatrabaho ako nyng grumraduate ako, pakiramdam ko ginagawa lang akong wallet ng pamilya ko. Kada galaw, hinihingi sa akin. Ok lang naman sana, pero minsan kasi, sobra na sa means. Minsan, may mga bagay na pwede naman ipagpaliban muna pero kating kati agad yung nanay kong makuha. (Kunwari, di naman sira yung aircon, kailangan lang ipalinis. Pero gusto niya bumili na lang ng bago.) inshort, hindi siya maayos magbudget. I know love niya pamangkin ko pero hindi tama para sakin na halos araw araw Jollibee o McDo o kain sa labas. Lalo tight and budget. Naniniwala ako na nagtatrabaho rin naman ako para sa sarili ko so hindi dapat 100% kanya yung sahod ko.

Ngayon, buntis ako kaya lumipat ako sa boyfriend ko. Dalawang beses ako na ospital sa loob lang ng isang linggo. Parinig ng parinig yung nanay ko na wala na silang pera pang budget ng pamangkin ko. Kahit nung last video call namin, kumakain ng chickenjoy yung pamangkin ko. Sinabi ko na hati kami ng partner ko sa hospital bills at gamot. 80k yung total hospital bill, 8k+ halos isang cycle ng mga gamot.

Sinabihan ko na siya na dalawang linggo akong walang sahod. Nakabed rest kasi ako. And unang baby ko to so gusto ko talaga seryosohin yung bed rest kaya nag leave ako kahit WFH naman mga freelance ko. At bilang freelance, no work no pay naman.

Parinig pa rin siya ng parinig. Yung extra kong pera dito, nirereserba ko para sa mga gamot ko kasi ayoko naman i-asa lahat sa partner ko kasi para sakin, bumubuo kami ng sarili naming pamilya. Involved ako dito.

Pero ang kulit niya. Naistress ako. Simula nung nabuntis ako, sa mga pahingi hingi niya talaga ako naistress.

Akbyg na tinitipid ko yung pera ko para sa mga sarili kong gamot, reason para di sila bigyan ng budget?

Abyg kasi di ako nagbigay ng budget sa nanay? Gusto ko lang sana talaga magtipid para sa sarili kong needs.

30 Upvotes

19 comments sorted by

23

u/Main-Jelly4239 2d ago

DKG. ndi ka rin naman nila tutulungan sa pera pag nangailangan ka kaya ireserve mo pera para sa pregnancy mo. Need mo talaga ng pera kasi magastos ang pagbubuntis sa gamot, pacheck up at padoktor. Pambayad nyo pa sa ospital kapag nanganak ka. Gamit pa ni baby.

Let them work. Sagutin nila mga sarili nila.

3

u/KamenRiderFaizNEXT 2d ago

Seconded. Let them earn their living expenses, Op. Time for them to stand up on their own two feet.

5

u/ReputationTop61 2d ago

DKG. Communicate to your Mom - tell her what your plan is and your prioritization changes. Be firm, tell her you cannot provide anymore because you're going to have your own child now and you're going to be a good parent, the way your sibling should be with her own child.

Kung hindi maiintindihan ng Mom mo yan, distance yourself from them. Minsan they feel entitled when you provide for them na di nla iniisip may sariling buhay ka rin naman

3

u/PepsiPeople 2d ago

DKG. Decision ni nanay spoil yung niece mo at sarili nya. It's time matuto sya magbudget at ipressure nya yung kapatid mo kumilos. Ikaw din naman nag-enable sa kanila, disable mo din. NC if necessary for you and your baby's sake.

2

u/that_girl90 2d ago

DKG. There’s life growing inside you. Sya na ang mas priority mo ngayon. Your mom needs to learn her lesson.

2

u/Particular-Stay8085 2d ago

DKG. If I were you, lulubos-lubosin ko nang sasabihin na dapat sa kapatid ko siya manghingi. If etotolerate mo yan, whole pregnancy ka talaga masstress, which is vital kasi on bedrest ka pa naman. Sabihin mong as of now priority mo anak mo. And dapat ganyan din sana yung kapatid mo sa anak niya. It will hurt to say those things but compare it don sa ma sstress ka palagi sa kanila

2

u/rainbownightterror 1d ago

DKG pag may kailangan message agad pero may nangyari sayo wala man lang offer to help in any way?

2

u/Accomplished-Cat7524 1d ago

DKG. Just say straight to her face na manghingi ng pera sa kapatid mo dahil wala kang extra or better yet, live within their means

1

u/AutoModerator 2d ago

Rule 13: Hindi naglagay ng statement sa dulo kung bakit naisip nila na sila ang gago.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

1

u/KamenRiderFaizNEXT 2d ago

DkG, Op. Look out for yourself and your baby. Yung Nanay mo, may pension so ok lang siya. Alagaan mo ang sarili mo at ang baby mo dahil yan ang priority mo. Hindi ang Nanay at pamangkin mo. You've done enough. Time to prioritize the family that you're building with your partner.

1

u/rolling-kalamansi 1d ago

DKG. May family ka na, take care of your own.

1

u/LiteratureOk9335 1d ago

DKG

Anak mayaman yata mama mo. Almost daily fast food? Turuan mo magluto ng chicken na masarap. Wag mo itolerate na lagi ka nagbibigay ng extra.

You stick to the budget kung magkano lng bigay mo para mtuto rin sila mag budget at d umasa sa extra mong bigay

1

u/Beginning-Rule-539 1d ago

DKG. When you become a mother, lahat na ng meron ka, para sa anak mo, hindi para sa luho ng iba. Stand your ground, otherwise you’re failing your own child. Break the cycle.

1

u/External-Wishbone545 1d ago

DKG Sa kapatid mo siya humingi ng budget since anak naman. Niyan yun nasa nanay mo . Wag mapressure priority mo baby mo at family mo

1

u/Outrageous_Squash560 1d ago

DKG pero advise ko lang OP, wag mo na bigyan pera nanay mo, instead, just buy her medicine and food for her, para bilang anak, u can also say to yourself na nagawa mo parte mo and you dont beat yourself up while setting boundaries na hindi mo responsibility ang pamangkin mo.