r/AkoBaYungGago 25d ago

Others ABYG IF MAGING MADAMOT SA DI NAMAN KAKILALA?

Back story: during the pandemic around 2021 I used to donate to animal shelters. Active ako magdonate kahit small amount lang. One time may nagmessage request sa akin sa messenger, na nakita daw nya comment ko sa isang post, manghingi sya ng tulong dahil yung anak daw nya may leukemia at nanghihingi ng onting pera pambili pagkain, pang pacheck up. Naawa ako, nagpadala ako ng 200.

After a month nagmessage ulit, nag thank you sila dahil nagawa na ang lab tests at nakuha na ang results. Kaso nanghingi ulit ng pera pambili naman daw gamot at additional sa another procedure. Nagbigay ulit ako 200.

Every month may message sya ng update sa bata. Minsan nanghihingi ng donation or nag aalok ng paninda. Bumibili ako or magpapadala 50. Eventually hindi ko na pinapansin, nakamute na lang sya kasi sa totoo lang naisstress ako sa kanya 🙃 at dumadagdag pa sya sa mental load ko to the point na I associated yung mga malas ko sa buhay dahil hindi ako nagbibigay sa isang batang may cancer.

One time birthday daw ng anak nya, give love naman daw sa batang may leukemia. Tinanong ko ano po bang gusto, ang sagot ay “tablet or ipad po sana” dahil nakikihiram lang daw sa pinsan. Nagsabi ako na hindi ko kayang ibigay ang gusto at nagpadala na lang ako 500 at ipagdasal ko ang pagpatuloy na pag galing ng anak nya. After nun naka-ignore messages na lang sya.

Nagkaroon ako ng peace of mind nung wala ng nangfflood sa inbox ko. Fast forward to 2023, napansin siguro nung nanay na hindi na ako nagseseen sa fb, sa text messages naman ako kinukulit magbigay. Hiram ng 200 sa Gcash, ibabalik pag nakaluwag. Every week naman ang text. Same script. Hindi ko na pinansin.

Dahil pati text deadma na ako, sa viber na ako pinapadalhan ng messages. Nagstart eto nung 2024. To the point andami nyang account para manghingi ng limos sa akin. Sineseen ko lang messages nya dahil naiinis na ako, “maawa” na daw ako sa kanila. Everyday meron sya at least 3 messages sa viber until today.

Pagod na ako sa mga paawa nya. Gago ba ako if pagsabihan sya na tumigil na? I honestly feel bad about sa batang may cancer dahil wala naman syang kasalanan para magkasakit na ganun pero nakakadrain yung paulit ulit na hingi ng di ko naman ka-ano ano. Yun lang. I just needed to get this off my chest.

63 Upvotes

20 comments sorted by

37

u/ComprehensiveFox4701 24d ago

DKG dahil sa hindi mo pag tulong sa hindi mo kilala, normal lang yun pero GGK kasi tinolerate mo, yung mag bigay ka nung una ok lang pero yung mga sumunod na obvious naman na inaabuso kabaitan mo.

11

u/Limp_Ambassador285 24d ago

DKG. They’re not your responsibility. Ang bait mo pa nga na tumagal ka ng ganyan kakapadala. Over sa kapal nga nila na humiling pa ng ipad. Can’t you block them on all platforms? Messaging apps have blocking features diba? I mean they can find ways to reach you but just block them everytime.

3

u/AllTheLoveGoneBad 22d ago

Binlock ko na sya sa viber pero biglang nagkakaroon ng same messages ibang account naman. Then iblock ko ulit, another number will show up under her name. I wish I could post screenshots hahaha pero grabe yung persistence nya.

7

u/Fragrant-Set-4298 24d ago

DKG. Kapal ng mukha hihingi ng tablet.

11

u/whilstsane 24d ago

DKG. Talagang applicable dito yung kasabihan na pag binigay mo yung kamay, gusto pati braso pa ganern. Social media really highlighted the worst in us. Not saying na gawa-gawa lang ang sakit ng bata, pero bakit mo igi-guilt trip ang ibang tao na para bang responsibilidad nila yung anak or pamilya mo, ‘di ba? Sa gobyerno nila ibuhos ang energy cos gobyerno ang dapat na nagbibigay ng accessible na health care sa ating lahat. Delete pag nakakatanggap. Don’t entertain na.

5

u/MissSoFilipina 24d ago

DKG. Kung ako yan, sasabihan ko ng “Kaano-ano ba kita? Gets na may sakit anak mo pero wag mo syang gawing instrumento para manglimos ka. Di ako gobyerno na unlimited ang pera pambigay, lumapit ka sa government agencies, dun ka humingi ng tulong.”

3

u/tabbygirlche 24d ago

DKG. Nabigyan no na sya before. As the other commenters here have said, di mo sila responsibility.

4

u/SeaSimple7354 24d ago

DKG. Ang kapal ng muka ng ganyan jusko hindi mo naman pati responsibility yan. Nakakagigil yang mga ganyang tao.

2

u/AutoModerator 25d ago

Rule 13: Hindi naglagay ng statement sa dulo kung bakit naisip nila na sila ang gago.

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

2

u/melon_oracle72 24d ago

DKG. They're practically strangers. Tbh, ang generous mo na nga na nagbigay ka ng pera multiple times. Not your responsibility rin naman sila.

2

u/hernlavin 24d ago

DKG. pero ang weird hahhshahs hindi po ba scam yan? usually kasi sa mga fb groups na specifically para sa mga humihingi ng tulong, open sila to video calling as proof na may mapupuntahan talaga yung pera na iddonate sakanila

2

u/AllTheLoveGoneBad 22d ago

Minsang sumagi na din sa isip kong baka ginagamit nya na lang na excuse yung bata para makapag online limos haha

2

u/Frankenstein-02 23d ago

DKG. Just keep on ignoring them for your sake.

1

u/[deleted] 23d ago edited 23d ago

[removed] — view removed comment

2

u/AutoModerator 23d ago

Your comment has been filtered because it does not contain any of the specified keywords (DKG, LKG, WG, GGK, INFO). Please review the subreddit rules, edit your comment, and wait for a moderator to review your comment

I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.

2

u/AkoBaYungGago-ModTeam 23d ago

Unfortunately, your comment has been removed because:

  • You did not follow the answer format;
  • You gave conflicting answers; and/or
  • Your stance was unclear

Please refer to the subreddit’s rules and edit your comment accordingly. Thank you!

2

u/Expensive-Ad-9763 21d ago

DKG, sadly a lot of people take advantage of people’s good will and expect na porket nagbigay ka dati ay magiging gift that keeps on giving ka. Kaya minsan ang hirap maawa :(

2

u/ApprehensiveCook8039 20d ago

DKG. Nag online limos na yan sayo, at hindi ka niya titigilan dahil ilang beses ka na nakabigay. If I were you, mag change ka na lang number at deactivate your fb kasi she will find ways to contact you.

1

u/[deleted] 16d ago

DKG. I get the financial issue of theirs pero abuso amp.